Home / Romance / The Rented Wife / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of The Rented Wife: Chapter 21 - Chapter 30

364 Chapters

Chapter 21

Nakatayo ako ngayon sa tapat ni Michael habang mabagal na umiikot. Titig na titig naman siya sa akin. Nakakailang damit, at bihis na rin ako. Huhulaan ko, halatang hindi lang ako ang napapagod sa ginagawa naming 'to. Nang matapos akong umikot ay humarap ako kay Michael at tumayo ng diretso. Prente naman siyang nakaupo sa harapan ko habang nakahawak ang kanyang hintuturo sa kanyang baba. "Okay, another one," rinig kong sabi ni Michael. Halos bumagsak naman ang balikat ko sa aking narinig. Mabagal naman kaming naglakad nang babae papasok sa fitting area. Halos lahat na ata ng damit nila rito ay naisukat ko na. "Miss, pasensya na ha. Hindi na ako magsusukat, baka kasi isa lang bilhin no'ng lalaking 'yon. Mapapagod ka lang," sabi ko sa babaeng nakasunod sa akin na may dala-dalang mga damit sa kanyang kamay. Napalingon din ako sa tatlo pang mga babae na
last updateLast Updated : 2021-10-12
Read more

Chapter 22

Nanatili akong tahimik habang sakay ng sasakyan ni Michael. Ito ang sasakyan na gamit namin kanina na pinark namin sa loob ng mall. "Michael, pasensya na sa mga nangyari kanina," sabi ko bago ko siya nilingon. Hindi naman niya ako tinignan pero nakita ko ang bahagyang paggalaw ng kanyang ulo. "For what?" tanong naman nito sa akin. Napabuntong hininga ako. "Para sa mga nangyaring gulo kanina," sagot ko bago ako tumingin sa labas ng sasakyan. Hindi naman na nagsalita si Michael. Parang gusto ko rin na hindi talaga marinig ang kanyang boses. Hanggang ngayon mabigat pa rin ang dibdib ko. Hanggang ngayon ay hindi ko lang maisip ang mga bagay na nangyari sa akin kanina. Oo, hindi kami mayaman. Pero hindi naman ako nakaranas ng kahit isang gano'ng pagmamaliit sa buong buhay ko. Kanina, 'yon ang unang beses na nangyari ang mga 'yon. Sobran
last updateLast Updated : 2021-10-14
Read more

Chapter 23

Hindi ko alam kung ilang oras ba akong nanatili lang na nakaupo sa kama. Nakatulala lang ako at nakatingin sa kawalan. Ang maalala ang bagay na 'yon ang isa sa pinaka-ayaw ko ng maalala sa buong buhay ko. Ang alaala kung saan huling beses kong nakita ang pag-ngiti ni Daddy, at ang huling beses na narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Isang luha na naman ang muling pumatak sa aking mga mata. Hanggang ngayon ay sarili ko pa rin ang tanging sinisisi ko sa trahedyang nangyari sa buhay namin. Kung hindi lang sana namatay si Daddy, baka wala ako rito ngayon, baka hindi ako isang rented wife at tau-tauhan ni Michael Seth. Pero kagagawan din ito nang nagmamaneho ng sasakyan na 'yon. Kagagawan din ng taong 'yon ang kamalasang natatamasa ng pamilya namin ngayon. Kung hindi lang sana niya kami tinakasan, kung hindi lang sana niya hinayaang duguang nakahandusay si Daddy sa kalsada, baka, baka buhay pa sana siya. Kinagat ko ng mariin ang pang-
last updateLast Updated : 2021-10-15
Read more

Chapter 24

Patuloy ako sa pagsasalita habang patuloy ko na nilalagyan ang plato ni Michael. Wala pa rin siyang imik sa kasalukuyang ginagawa ko. Matapos ako sa paglalagay sa plato niya ay sinimulan ko namang lagyan ang sa akin. "Maraming salamat talaga," sabi ko pa bago ko siya tinignan. Nakita ko namang nakakunot ang kanyang noo na nakatingin sa plato niyang ngayon ay punong-puno na ng iba't-ibang klaseng ulam. "Kumain ka na. Alam ko namang kanina ka pa nagugutom," sabi ko pa bago ako patuloy na naglagay ng pagkain sa aking plato. Nakita ko namang napailing ang kanyang ulo bago siya bahagyang natawa. "Do I look like a pig?" natatawang tanong niya bago ako nilingon. Mabilis ko naman siyang tinignan. "Pig?" naguguluhang tanong ko. Nakita ko namang napatingin siya sa kanyang plato bago napailing. Napanguso naman ako. "Galit ka ba?" biglang tanong ko. Mabilis naman niya akong tinignan. "Is there someth
last updateLast Updated : 2021-10-16
Read more

Chapter 25

Mabilis kong tinakpan ang aking mukha ng aking kamay nang tumama sa akin ang mataas na sinag na araw. Mabagal naman akong tumayo mula sa pagkakahiga sa kama. Gusto ko pa sana matulog pero 'di ko alam kung bakit kahit halos nakapikit pa ang mga mata ko ay ayaw naman ng humiga nitong katawan ko. Pinilit kong tumayo mula sa kama ko at inayos 'yon. Inayos ko rin ang ilang gamit ko na nakakalat na pala sa lamesa. Patuloy ako sa pag-aayos ng gamit nang may maamoy akong mabangong aroma na nanggagaling sa labas ng kwarto. Kaagad akong napaayos ng tayo at napatingin sa pinto. "Ang bango naman no'n," sabi ko sa sarili ko bago ako napahawak sa tiyan kong tumunog dahil sa pagkagutom. Naalala ko, hindi nga pala ako nakakain kagabi dahil as usual, nagtalo na naman kaming dalawa ng lalaking 'yon. Napahinga ako ng malalim bago ako pumunta sa banyo at nag-ayos. Matapos no'n ay nagpalit din ako ng damit. Nang masiguro kong ayos na ang la
last updateLast Updated : 2021-10-17
Read more

Chapter 26

Kasalukuyan akong nakasakay sa sasakyan ni Redenn. Pareho lang kaming tahimik habang binabagtas ang mahabang daan papunta sa Seth Corporation. Napahinga ako ng malalim bago ako napatingin sa mga kamay kong nakapatong sa aking tuhod at kasalukuyang nanginginig. Muli akong napabuntong hininga. Kung ano man ang mangyayari mamaya, sana naman ay hindi ako mapahiya. "Grabe naman ang mga buntong hininga na 'yon, Renice. Ang bibigat, ah?" natatawang sabi ni Redenn. Mabilis ko naman siyang tinignan bago ako bahagyang ngumiti. "Gano'n talaga. M-medyo kabado lang ako para mamaya," sabi ko naman bago ako nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. "Para saan ka naman kinakabahan?" biglang tanong sa akin ni Redenn. Napatingin naman ako sa kanya. "Sabi mo kasi may meeting kaming pupuntahan," sagot ko. Nakita ko namang ilang beses na tumango
last updateLast Updated : 2021-10-18
Read more

Chapter 27

Naglalakad kami ngayon ni Michael papunta sa entrance ng Seth Corporation. Kaagad namang yumuko at bumati ang guard nang makita si Michael na naglalakad papasok sa loob. Pero agad din naman siyang napahinto nang makita niya akong naglalakad kasunod nito. "Magandang umaga po, Mr. Seth," narinig kong pagbati nito para kay Michael na tuloy-tuloy pa rin sa paglalakad. Hindi naman niya malaman kung yuyuko o kung ano ang gagawin niya sa akin. "Sino po kayo, ma'am at ano po ang pakay niyo rito? May appointment po ba kayo ngayong araw?" biglang tanong nito habang titig na titig sa akin. Mabilis naman akong napahinto mula sa paglalakad at napatingin sa kanya. "A-ah--" hindi ko na naituloy pa ang sanang sasabihin ko nang marinig ko ang boses bigla ni Michael. "She's with me," simpleng sabi nito bago niya hinawakan ang aking kamay. Parang nagulat naman ang guwardya sa biglaan niyang narinig at nakita. Napatango naman siya bago umalis mula
last updateLast Updated : 2021-10-19
Read more

Chapter 28

Iminulat ko ng marahan ang aking mga mata. Mabagal ko ring hinawakan ang aking ulo nang muli ko na namang naramdaman ang matinding pagkahilo. Tinignan ko ang paligid, habang sapo-sapo pa rin ang aking ulo. "Nasaan ako?" tanong ko sa sarili ko habang tinitignan ang paligid ko. Nakahiga ako ngayon sa isang malaking kama. Nasa loob ako ng isang kwarto. Kwarto na ang tanging makikita mo ay kulay asul, at kulay itim na mga gamit. "Nasaan ba ako?" tanong ko muli habang marahan akong tumatayo. Ang huling naaalala ko lang ay kasama kong naglalakad si Michael kanina. Tanging naaalala ko lang ay sabay kaming sumakay sa elevator papunta sa kung saan. Nahimatay ba ako? Nakatulog? Mabagal akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko alam kung nasa loob ba ako ng bahay ni Michael, o kung nasaan. Muli kong inilibot ang aking paningin sa paligid. Unang tingin pa lang, masasabi mo na kaagad na hindi m
last updateLast Updated : 2021-10-21
Read more

Chapter 29

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo sa tapat ng pinto nitong kwarto. Hindi ko rin alam kung makailang buntong hininga na rin ang binitawan ko. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang bubungad sa akin sa pagbubukas ko ng pinto. Baka hall na pala na pinalilibutan ng tao, o baka naman pag labas ko nasa meeting area na pala kaagad ako. Malalim muli akong bumuntong hininga bago ko hinawakan ang doorknob ng pinto. Nanginginig ako. Hindi ko alam kung bakit. Kung dahil ba ito sa lamig na inilalabas ng aircon, o dahil sa kaba na kasalukuyang nararamdaman ko. Huminga muna ako ng malalim bago akmang bubuksan na ang pinto. Ngunit bago ko ginawa ay inilibot ko muna ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Ngayon ko lang napansin na ang kwartong ito ay walang ibang laman maliban sa isang silver na mahabang lamesa, kama, at ilang boxes. Bakit kaya ang daming boxes dito? Boxes din na silver ang kul
last updateLast Updated : 2021-10-22
Read more

Chapter 30

"Ang sarap naman nito," sabi ko habang hawak-hawak ang isang parte ng manok at habang may laman na pagkain ang aking bibig. Hindi naman kumibo si Michael na busy rin sa pagkain. Hindi naman talaga siya kumakain, parang nakatingin lang siya sa pagkain niya habang nilalaro ang hawak niyang kutsara. "Ah, hindi ka ba kakain?" tanong ko. Tinignan naman niya ako ng mabilis bago siya umupo ng maayos. "I'm already done," sagot niya sa akin at saka binitawan ang hawak niya kaninang kutsara. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi. "Hindi ka pa nga sumusubo kahit isa," sabi ko bago ko itinuro ang plato niya. Tumingin naman siya sa kaninang pinagkakainan niya bago niya ibinalik sa akin ang kanyang mga mata. Akala ko may kung ano siyang sasabihin, ngunit ibinuka lang niya ang kanyang bibig, pero wala naman kahit isang salita ang lumabas mula sa kanyang labi. Nanatili kaming tahimik na dalawa ng ilan pang minuto bago siya
last updateLast Updated : 2021-10-23
Read more
PREV
123456
...
37
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status