Share

Chapter 27

Author: Purpleyenie
last update Last Updated: 2021-10-19 23:38:02

Naglalakad kami ngayon ni Michael papunta sa entrance ng Seth Corporation. Kaagad namang yumuko at bumati ang guard nang makita si Michael na naglalakad papasok sa loob. Pero agad din naman siyang napahinto nang makita niya akong naglalakad kasunod nito.

"Magandang umaga po, Mr. Seth," narinig kong pagbati nito para kay Michael na tuloy-tuloy pa rin sa paglalakad.

Hindi naman niya malaman kung yuyuko o kung ano ang gagawin niya sa akin.

"Sino po kayo, ma'am at ano po ang pakay niyo rito? May appointment po ba kayo ngayong araw?" biglang tanong nito habang titig na titig sa akin.

Mabilis naman akong napahinto mula sa paglalakad at napatingin sa kanya.

"A-ah--" hindi ko na naituloy pa ang sanang sasabihin ko nang marinig ko ang boses bigla ni Michael.

"She's with me," simpleng sabi nito bago niya hinawakan ang aking kamay.

Parang nagulat naman ang guwardya sa biglaan niyang narinig at nakita. Napatango naman siya bago umalis mula

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • The Rented Wife   Chapter 28

    Iminulat ko ng marahan ang aking mga mata. Mabagal ko ring hinawakan ang aking ulo nang muli ko na namang naramdaman ang matinding pagkahilo. Tinignan ko ang paligid, habang sapo-sapo pa rin ang aking ulo. "Nasaan ako?" tanong ko sa sarili ko habang tinitignan ang paligid ko. Nakahiga ako ngayon sa isang malaking kama. Nasa loob ako ng isang kwarto. Kwarto na ang tanging makikita mo ay kulay asul, at kulay itim na mga gamit. "Nasaan ba ako?" tanong ko muli habang marahan akong tumatayo. Ang huling naaalala ko lang ay kasama kong naglalakad si Michael kanina. Tanging naaalala ko lang ay sabay kaming sumakay sa elevator papunta sa kung saan. Nahimatay ba ako? Nakatulog? Mabagal akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko alam kung nasa loob ba ako ng bahay ni Michael, o kung nasaan. Muli kong inilibot ang aking paningin sa paligid. Unang tingin pa lang, masasabi mo na kaagad na hindi m

    Last Updated : 2021-10-21
  • The Rented Wife   Chapter 29

    Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo sa tapat ng pinto nitong kwarto. Hindi ko rin alam kung makailang buntong hininga na rin ang binitawan ko. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang bubungad sa akin sa pagbubukas ko ng pinto. Baka hall na pala na pinalilibutan ng tao, o baka naman pag labas ko nasa meeting area na pala kaagad ako. Malalim muli akong bumuntong hininga bago ko hinawakan ang doorknob ng pinto. Nanginginig ako. Hindi ko alam kung bakit. Kung dahil ba ito sa lamig na inilalabas ng aircon, o dahil sa kaba na kasalukuyang nararamdaman ko. Huminga muna ako ng malalim bago akmang bubuksan na ang pinto. Ngunit bago ko ginawa ay inilibot ko muna ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Ngayon ko lang napansin na ang kwartong ito ay walang ibang laman maliban sa isang silver na mahabang lamesa, kama, at ilang boxes. Bakit kaya ang daming boxes dito? Boxes din na silver ang kul

    Last Updated : 2021-10-22
  • The Rented Wife   Chapter 30

    "Ang sarap naman nito," sabi ko habang hawak-hawak ang isang parte ng manok at habang may laman na pagkain ang aking bibig. Hindi naman kumibo si Michael na busy rin sa pagkain. Hindi naman talaga siya kumakain, parang nakatingin lang siya sa pagkain niya habang nilalaro ang hawak niyang kutsara. "Ah, hindi ka ba kakain?" tanong ko. Tinignan naman niya ako ng mabilis bago siya umupo ng maayos. "I'm already done," sagot niya sa akin at saka binitawan ang hawak niya kaninang kutsara. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi. "Hindi ka pa nga sumusubo kahit isa," sabi ko bago ko itinuro ang plato niya. Tumingin naman siya sa kaninang pinagkakainan niya bago niya ibinalik sa akin ang kanyang mga mata. Akala ko may kung ano siyang sasabihin, ngunit ibinuka lang niya ang kanyang bibig, pero wala naman kahit isang salita ang lumabas mula sa kanyang labi. Nanatili kaming tahimik na dalawa ng ilan pang minuto bago siya

    Last Updated : 2021-10-23
  • The Rented Wife   Chapter 31

    Hindi ko alam kung ilang minuto pa ang tinagal ko sa pagtayo sa tapat ng malaking pinto. Pero matapos nang naging pag-uusap namin no'ng secretary, ilang minuto pa akong naghintay na lumabas si Michael o tawagin niya ako para pumasok na sa loob. Nakapasok na lang ulit ang masungit na secretary sa loob ng hall ngunit nanatili pa rin ako rito sa labas. Nakatingin ako sa ibaba habang naghihintay. Iniisip ano nga ba ang ginagawa ko sa kompanyang ito. Hindi naman ako tunay na asawa ni Michael, huwad naman ako. Napahinga ako ng malalim bago ako akma ng maglalakad papalayo nang marinig ko bigla ang pagtawag sa akin ni Michael. "Renice, where are you going?" narinig kong boses na nagmula sa malaking pinto. Kaagad akong napatingin doon bago ako pilit na ngumiti. Lumabas naman siya ng tuluyan habang titig sa akin. "Are you ready?" biglang tanong niya sa akin.

    Last Updated : 2021-10-24
  • The Rented Wife   Chapter 32

    Patuloy kami sa paglalakad paitaas. Medyo napapagod na nga ako pero hindi ko lang ipinapahalata sa lalaking kasabayan ko sa paglalakad. Hindi ko naman talaga siya kasabayan, nauuna siya sa akin ng bahagya. Gusto ko sana magtanong ng kahit ano pero mas pinili ko na lamang na manahimik. Kanina pa kasi rin tumatakbo sa isip ko ang mga bagay-bagay na patuloy na gumugulo sa isip ko. Kahit ako nga ay nalilito na sa kung anong emosyon ba ang dapat kong ipakita. Napabuntong hininga ako. Maswerte na lang ako dahil ito lang ang trabaho ko, na ganito ang trabaho ko. Hindi ako pagod, hindi rin ako pinagpapawisan. Ang kaso nga lang, kahit saan ako magpunta ay minamaliit ang pagkatao ko. Mapait akong napangiti. Muli na namang pumasok sa isip ko ang nangyari sa mall kailan lang. Hindi ko maintindihan, hindi ba talaga ako bagay ba idikit sa lalaking 'to? Napahinga ako ng malalin. Wala naman akong balak na sumabay sa kanya, dahil kagaya nga ng sabi nang secret

    Last Updated : 2021-10-25
  • The Rented Wife   Chapter 33

    Nanatili akong nakatingin kay Michael, gano'n din naman siya sa akin. Kanina pa kami parehong nakatayo sa hagdan at hinihintay ang paggalaw ng isa't-isa. "Ang cute mo talaga mag-tagalog," pag-iiba ko sa usapan bahagya pa akong pekeng tumawa para ipakita sa kanya na inaasar ko siya. Nakita ko namang kumunot ang kanyang noo bago niya ibinaba ang kanyang kamay na kanina pa nakalahad sa aking harapan. "Tss," tanging reaksyon lang niya bago tumalikod sa akin at muling umakyat pataas. Natawa naman ako bago ako napahawak sa aking dibdib. Ngayon ko lang napansin, may kakaibang kabog ang dibdib ko habang nakatitig sa mga mata ni Michael. --- "Sure ka? Ayos lang talaga na 'di na natuloy ang meeting?" tanong ko. Pang-ilang tanong ko na ito ngunit hindi pa rin sumasagot si Michael. Sinabi lang niya kanina na hindi na nga tuloy ang meeting, pero gusto ko malaman kung bakit.

    Last Updated : 2021-10-26
  • The Rented Wife   Chapter 34

    Tulala lang akong nakaupo habang nandito sa loob ng sasakyan ni Michael. Hindi ako umiimik magmula kanina pa. Hindi ko rin kasi alam kung bakit muling pumasok sa isipan ko ang nangyari labing-dalawang taon na ang nakakaraan. Ang maalala ang bagay na 'yon ang isa sa pinaka ayaw kong nangyayari. Pero hindi ko alam kung bakit paulit-ulit akong hinahatak pabalik ng nakaraan. Sa sobrang sama ng pakiramdam ko, hindi ko na namalayan na nakasakay na kami ni Michael ng elevator. Magmula kasi nang yakapin niya ako kanina ay hindi na ako tumigil pa sa pag-iyak, hindi ko rin alam kung saan kami pupunta sa mga oras na ito. Basta nang bumalik ang huwisyo ko ay nakasakay na ako rito sa sasakyan habang tulalang nakatingin sa labas. "Are you okay?" narinig kong tanong ni Michael mula sa aking tabi. Mabilis ko naman siyang nilingon. "Oo naman," sagot ko bago ako napayuko. Hindi ko alam pero napakabigat pa rin ng dibdib ko sa mga oras na ito. "Are you su

    Last Updated : 2021-10-27
  • The Rented Wife   Chapter 35

    Nakatayo ako ngayon dito sa tapat ng dagat. Madilim na ang kalangitan, ngunit nagkikinangan naman ang mga butuin. Napaka-rami nito at nagkikislapan, tila naglalabanan kung sino sa kanila ang pinaka makinang. "Aren't you tired?" narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses mula sa aking likod. Mabilis ko naman siyang nilingon. Nakasuot na ngayon ng isang polo si Michael, nakaputi na siya at shorts. "Hindi pa naman," simpleng sagot ko. Sana katulad niya ay may baon din akong damit. "Let's go and eat?" biglang tanong niya sa akin. Niyakap ko naman ang aking sarili nang maramdaman ko ang pag-ihip ng malakas na simoy ng malamig na hangin. "Okay lang ako. Hindi pa ako gutom," pagtanggi ko. Nakita ko naman ang pagkunot ng kanyang noo. Napansin ko, ang pagkunot ng noo ang isa sa mga paborito niyang gawin. "You haven't eat anything yet. Only the one we ate for breakfast," sagot naman niya sa akin. Hindi na ako muling kumibo. Alam ko,

    Last Updated : 2021-10-28

Latest chapter

  • The Rented Wife   Chapter 363

    Malalim akong huminga nang makita ko si Michael na naglalakad papunta sa gawi namin ni Redenn. Nasa likuran niya si Tyron at tatlo pang hindi ko kilalang mga lalaki. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Dahil hindi ko kayang titigan ang maganda niyang mga mata. "Twenty minutes late," sabi ni Michael nang tuluyan ng makalapit sa amin. Nakatingin pa siya sa wrist watch niya. "Traffic," biglang sagot ni Redenn habang inaayos ang suit na kanyang suot. Hindi naman sumagot si Michael kaya roon na ako tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin. At may kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata. "Ahem," natatawang untag ni Tyron bago siniko si Redenn. Natawa naman si Redenn bago hinila si Tyron papunta sa kung saan. "Ano?" pagbungad ko kay Michael nang makita kong titig na titig pa rin siya sa akin. Napailing naman siya ng marahan bago muling tumingin sa akin. "Nothing," simpleng pagsagot lang niya. Napaiwas naman ako ng tingin. Nasa labas kami ng mansion at m

  • The Rented Wife   Chapter 362

    Papunta kami ngayon ni Michael sa conference room para sa susunod na meeting ko with the board members.Marahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha. Kaagad kong iniharang ang aking kamay upang mawala ang liwanag na ngayon ay patuloy na sumisilaw sa akin."Goo--" hindi ko na natapos pa ang kung ano sanang sasabihin ko nang matapos ko6ng tumingin mula sa aking likod ay wala na ang lalaking sa huli kong pagkakatanda ay katabi kong natulog kagabi."Michael?" pagtawag ko sa kanya. Baka kasi nasa cr lamang siya ng kwartong ito."Michael?" pagtawag ko ulit bago ako mabagal na umupo mula sa pagkakahiga at iniharang sa aking hubad na katawan ang comforter na kagabi ay sabay pa naming gamit.Nasaan ba ang lalaking 'yon?"Michael? Nasaan ka?" pagtawag ko ulit bago ako bumaba sa kama at hinanap kung saan inilagay ni Michael ang mga damit na suot ko kagabi. Napakagat naman ako ng pang ibabang la

  • The Rented Wife   Chapter 361

    I don't know how can someone be so harsh to someone. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko makakarinig kaming dalawa ni Michael ng malalang sermon galing sa board members. Magkasama na kami ngayom ni Michael. "What are you thinking?" biglang tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa meeting area. "W-wala naman. Medyo kinakabahan lang ako. Baka kasi malakasang sermon ang makuha natin sa kanila," sabi ko bago ako napabuntong hininga. Kinakabahan ako. Baka matanggal si Michael sa pagiging CEO nang dahil sa ginawa ko na naman kanina. "Tss. As if they can," sabi naman niya bago ko naramdaman ang marahang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay. "Hey, chill. They can't scold you so relax," sabi pa niya bago bahagya akong nginitian. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi upang mawala ang kung ano mang gulo na naiisip ko sa mga oras na ito. "Sigurado ka ba na hindi sila magagalit sa atin?" tanong ko naman upang mawala ang kung ano mang mga gulo na ngayon ay pumapasok sa isip ko.

  • The Rented Wife   Chapter 360

    "Kumusta ka naman, Renice?" rinig kong tanong sa akin ni Redenn habang diretsong nakatingin sa daan. Nakasakay kami ngayon sa sasakyan ni Redenn. Papunta kami ngayon sa Seth Corporation para asikasuhin ang mga bagay na naiwan ni Michael. "Ayos lang naman ako," sabi ko habang may pilit na ngiti. Hindi ako ayos. Walang maayos. Nasasaktan ako, parang bigla akong iniwan ni Michael matapos niyang makuha ang lahat lahat sa akin. "Galit ka ba, Renice?" biglang tanong ni Redenn matapos ang ilang segundong pagiging tahimik namin. "Ha? Bakit naman?" tanong ko bago ako napatingin ng diretso sa daan. Bakit naman ako magagalit? At kanino naman? "Dahil ilang araw ng 'di nagpapakita si Michael sa iyo?" sagot naman nito sa akin. Hindi ako kaagad nakaimik. Nakakaramdam ako ng inis, at tampo dahil bigla na lang siyang nawala ng walang pasabi. Pero hindi ko 'yon maaaring aminin dahil alam ko naman sa sarili ko na wala akong karapatan. "A-ano namang magagawa ko kung ayaw niya magpakita o kung gus

  • The Rented Wife   Chapter 359

    Patuloy ako sa pagbabasa ng mga laman ng folders na narito sa mesa ni Michael. Sa totoo lang kanina pa ako rito pero wala pa ako ni isang napipirmahan o naa-aprubahan na plano.Napahinga ako ng malalim. Bukod sa wala talaga akong alam sa ginagawa ko, hindi ko rin maintindihan bakit ganito ang nararamdaman ng puso ko.Nasasaktan ako. Hindi lang dahil sa sinabi ng sekretarya ni Michael, kung hindi dahil kay Michael mismo. Paano nga ba kung may kasama na siyang iba? Katapusan na rin ba 'yon ng kontrata naming dalawa? Tapos na ba ang trabaho ko sa kanya bilang rented wife?Binitawan ko ang ballpen na kanina ko pa hawak pero ni-isang beses ay hindi ko pa nagamit dahil wala pa naman akong napipirmahan na kahit ano.Napasandal pa ako sa swivel chair bago ako napatingin sa kisame.Kinagat ko rin ang pang ibaba kong labi nang maramdaman ko ang pagbigat ng aking mga mata at ang pang iinit nito.Kung nasaan man si Michael, sana maalala niya man lang ako. At sana naaalala niya rin ako kagaya ko n

  • The Rented Wife   Chapter 358

    Tulala lang akong nakatayo ngayon sa tapat ng elevator katabi si Michael. Ito na ang araw na 'yon. Ito na ang araw na makikilala na ako ng board members, at ito na rin ang araw na official na akong ipapakilala ni Michael hindi lang sa board at sa buong kompanya, kung hindi pati na rin sa mga kaaway niya sa underground world. "Hey, are you okay?" biglang tanong ng lalaking kasalukuyang katabi ko at mahigit na may hawak ng kanang kamay ko. Marahan naman akong ngumiti bago ako tumango. "Okay lang naman ako," sabi ko bago ako muling ngumiti. Ayaw kong ipakita kay Michael ang totoo kong nararamdaman. Ayaw kong makita niya na natatakot ako. Natatakot ako hindi dahil sa ihaharap ako sa mga taong isa sa dahilan kung bakit maganda ang takbo ng Seth Corporation ngayon, kung hindi dahil sa katotohanan na maaari muling malagay ang buhay ko sa tiyak na kapahamakan Hindi ko kaagad narinig ang sagot ni Michael, pero hindi rin nagtagal, narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. "Why are

  • The Rented Wife   Chapter 357

    "I want to hear a lot of things behind your life," sabi niya pa bago ako tinignan ng diretso muli sa mata.Natatakot ako, natatakot akong mahusgahan niya nang dahil sa nagawa ko sa aking ama.Napaiwas naman ako ng tingin bago ako huminga ng malalim. Makakaya ko bang aminin sa kanya ang totoo?"A-ano naman ang gusto mong malaman?" tanong ko pa."How was he as a father to you and to your siblings?" tanong niya. Hindi ako kaagad nakaimik.Mabait, responsable, at higit sa lahat mapagmahal na ama siya sa amin ni Ranie noong panahon na nabubuhay pa siya. Wala kaming narinig na kahit anong reklamo mula sa kanya kahit pa buong araw siyang nasa labas ng bahay at nagta-trabaho."Mabait si daddy. Mabait siya at responsable. Wala akong ibang nakita na ni-minsan ay nagreklamo siya kay Mommy tungkol sa trabaho niya," sagot ko bago ako bumuntong hininga.Maganda ang pamumuhay namin noon. Maganda at masaya, akala ko nga ay panghabang buhay na."What was his job?" biglang tanong ni Michael.Natigilan

  • The Rented Wife   Chapter 356

    I was still in awe whenever I think about what had happened to us. I still love him. Malalim akong huminga nang makita ko si Michael na naglalakad papunta sa gawi namin ni Redenn. Nasa likuran niya si Tyron at tatlo pang hindi ko kilalang mga lalaki. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Dahil hindi ko kayang titigan ang maganda niyang mga mata. "Twenty minutes late," sabi ni Michael nang tuluyan ng makalapit sa amin. Nakatingin pa siya sa wrist watch niya. "Traffic," biglang sagot ni Redenn habang inaayos ang suit na kanyang suot. Hindi naman sumagot si Michael kaya roon na ako tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin. At may kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata. "Ahem," natatawang untag ni Tyron bago siniko si Redenn. Natawa naman si Redenn bago hinila si Tyron papunta sa kung saan. "Ano?" pagbungad ko kay Michael nang makita kong titig na titig pa rin siya sa akin. Napailing naman siya ng marahan bago muling tumingin sa akin. "Nothing," simpl

  • The Rented Wife   Chapter 355

    I don't know what to do anymore. Maybe life is indeed harsh to me. Nanatili kaming sakay ng nirentahang jeep ni Michael. Pareho lang kaming tahimik habang nakaupo at naghihintay na marating na namin ang palengke. Patuloy akong nanahimik, at hindi kumikibo ngunit agad nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko na dala-dala ko nga pala ang cellphone na ibinigay sa akin ni Michael. Mabilis kong kinapa ang suot kong dress na above the knee. Ngayon ko lang din naalala na wala nga pa lang bulsa ang suot kong damit. "Hala, saan ko inilagay 'yon?" tanong ko sa aking sarili. Mabagal at marahan ko namang nilingon si Michael na nakatingin na pala sa akin sa mga oras na 'to. Mabilis ko naman siyang kinunutan ng noo. "Ano? Tinitingin-tingin mo?" tanong ko bago ko muling ibinaling ang aking paningin sa labas ng jeep. Kunwari ay kalmado lang ako pero ang totoo n'yan ay abot-abot na ang aking kaba dahil hindi ko maalala kung saan ko nga ba inilagay ang phone na ibinigay sa akin ng lalaking 'to. I

DMCA.com Protection Status