Home / Romance / The Rented Wife / Kabanata 51 - Kabanata 60

Lahat ng Kabanata ng The Rented Wife: Kabanata 51 - Kabanata 60

364 Kabanata

Chapter 51

Renice's POVMabagal kong binuksan ang mga mata ko. Nahihilo ako, at nandidilim pa rin ang paningin ko. Kagigising ko pa lang pero pakiramdam ko ang bigat-bigat ng buo kong katawan."Aray," sabi ko bago ako mabagal na umupo."Don't move," sabi ni Michael bago naupo sa tabi ko. Kaagad na lumubog ang parte ng kama kung saan siya naupo.Hindi naman ako nakagalaw kaagad dahil bukod sa nanghihina ang buo kong katawan, masakit din ito.Hindi rin naman ako nakaimik matapos niyang magsalita.Pareho lang kaming tahimik habang nakaupo sa kama. Hindi ko kasi alam kung bakit pakiramdam ko ay lasing na lasing ako at nanghihina pa ang buo kong katawan."I am sorry," sabi ni Michael. Kaagad ko naman siyang tinignan. Ngayon ko lang din napansin na may dala dala siyang box."I know sorry wasn't enough. I know you wants to hit me, to curse me," pagpapatuloy niya pa bago ako tinignan."I will gladly going to accept those, but first, allow me to put medicines on your wounds," dugtong niya pa bago inilapag
Magbasa pa

Chapter 52

Tulala. Tulala lang akong nakahiga sa kama rito sa villa ni Michael. Wala kaming ibang kasama rito maliban sa aming dalawa. Patuloy pa rin sa pagtakbo sa isip ko ang mga tanong na gusto kong magkaroon ng kasagutan. Pero paano ko nga ba malalaman ang katotohanan kung ako mismo ay takot na alamin ang totoo? Malalim akong napabuntong hininga bago ako humiga ng maayos. Kanina pa ako nandito lang sa loob ng kwarto, bukod sa ayaw akong palabasin ni Michael, nanghihina pa rin ang buong katawan ko. Marahan kong iniangat ang braso ko at mga paa. Puno pa rin ito ng mga pasa at sugat, ngunit kung titignan, mas maayos na ang mga itong tignan. Napalingon ako sa kanang bahagi ko kung saan nakapwesto ang orasan. Ang bilis ng mga pangyayari, ngayon madaling araw na. Wala akong balita sa pamilya ko, maliban sa sinabi ni Michael na pupunta sila rito para samahan ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong patuloy na magtiwala kay Michael, hindi ko rin alam kung dapat na ba akong lumayo sa kanya o magpa
Magbasa pa

Chapter 53

Malamig ang simoy ng hangin. Nililipad nito ang kurtina na siyang nagsisilbing takip ng bintana sa gabi. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang yakap yakap ko ang aking sarili.Kanina pa akong umaga nag-iisip lang magmula nang umalis sila Michael at Redenn dito. Matapos kasi banggitin ni Redenn ang pakay niya rito kay Michael ay kaagad na nabago ang mood ng paligid.Naging mas seryoso ang awra at itsura ni Michael. Napahinga naman ako ng malalim. Sino kaya ang tinutukoy ni Redenn na bumalik na, bakit kaya gano'n ang naging reaksyon ni Michael?Napahinga ako ng malalim bago ako napatingin sa katawan kong puno pa rin ng pasa at sugat. Kahapon pa lang no'ng nangyari sa akin 'to. Kahapon pa lang no'ng dinukot ako at binugbog ng mga lalaking ngayon ay wala na sa mundong ito.Hindi ko alam kung bakit nga ba kahit natatakot ako ay nananatili ako sa puder ni Michael. Alam ko, dapat sa mga pagkakataong ito ay lumalayo na ako sa kanya dahil maaaring mangyari sa pamilya ko ang nangyari sa
Magbasa pa

Chapter 54

Renice's POVNakanguso ako habang nakatingin sa labas ng terrace nitong villa na pinag-iwanan sa akin ni Michael. Hanggang ngayon ay palaisipan sa akin kung sino ba ang babaeng narinig kong kausap ni Michael nang tawagan niya ako kanina.Alam kong hindi sadya ni Michael na iparinig sa akin ang kung sino mang kausap niya kanina. Marahil ayaw pa nga niya na malaman kong may babae siyang kasama ngayon, dahil nang ma-realize niya siguro na nasa kabilang linya ako ay kaagad niyang pinatay ang tawag.Hindi ko tuloy ma-enjoy ang magandang view nitong lugar dahil sa mga bagay na patuloy na tumatakbo sa isip ko.Napabuntong hininga ako. Kailan ko kaya maaaring makausap ng mas matino si Michael? Kailan kaya magkakaroon ng kasagutan ang mga katanungan na meron ako?Nakatayo ako ngayon sa terrace rito sa kwarto. Gusto ko sana lumabas ng kwarto, pero natatakot ako sa 'di ko malamang dahilan. Pakiramdam ko nagkaroon ako ng trauma dahil sa mga nasaksihan ko nitong mga nakaraang araw.Patuloy lang ako
Magbasa pa

Chapter 55

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Magmula nang makausap ko si Redenn at Tyron kanina ay halos hindi na mawala sa isip ko ang mga bagay na patuloy na gumugulo rito. Malalim akong napabuntong hininga. Mas nadagdagan pa ang mga katanungan ko matapos nang mga narinig ko kanina lang. Ipinikit ko ang aking mga mata. Kriminal ba sila Michael? Nalilito ako. Mas nakagulo pa sa isip ko ang sinabi nila Tyron na hindi kayang pumatay ni Michael ng tao, ngunit ng dahil sa akin ay nagagawa niya. Ilang beses niyang ginawa. "Ayos ka lang ba, anak?" mabilis akong napalingon sa tabi ko nang marinig ko ang boses ni Mommy. "Mommy," pagtawag ko sa kanya. Mabilis naman siyang ngumiti sa akin. "Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin bago ako tuluyang nilapitan. Napangiti naman ako. Mabuti na lang nandito ang pamilya ko, kahit papaano ay mababawasan ang worries na meron ako. "Hindi pa po, mommy. Maya-maya na po ako. Hindi pa naman po ako nagugutom," sagot ko bago ako muling napatingin sa kalangitan.
Magbasa pa

Chapter 56

Redenn's POV"Saan ka pupunta?" mabilis na tanong sa akin ni Tyron nang mapansin niyang tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa rito sa hideout sa opisina niya."Magliliwaliw lang," sagot ko bago ko ipinasok ang aking dalawang kamay sa loob ng bulsa nang suot kong jeans."Alam mong delikado ang ginagawa mong 'yan, Redenn," biglang babala sa akin ni Tyron. Agad naman akong napahinto mula sa paglalakad bago ako malalim na napabuntong hininga.Magsasalita na sana ako ngunit kaagad akong napahinto nang marinig kong muling nagsalita si Tyron."Paano natin malalaman kung sino ang traydor kung pinakikita mo na agad kung sino ka. Tandaan mo kung ano ang usapan, tandaan mo kung ano ang deal. Huwag mo kakalimutan ang sinumpaan mong tungkulin," tuloy tuloy na sabi niya sa akin.Gusto ko na sanang magsalita muli ngunit mas pinili ko ang manatili."Pasakayin lang natin sila ng pasakayin hanggang sa tuluyan na silang mahulog sa patibong natin," seryosong sabi niya.Malalim naman akong napabuntong hini
Magbasa pa

Chapter 57

Nakaupo ako rito sa sofa sa labas habang pinagmamasdan ang mga lalaking nakaitim at naglilibot sa paligid. Nang lumabas nga ako mula sa loob ay dumoble ang bilang nila rito. "Ma'am, madilim na ho ang paligid. Hindi pa ho ba kayo papasok sa loob?" biglang tanong sa akin ng isa sa kanila. Kaagad ko naman siyang nilingon bago ako ngumiti. "Maya-maya, kuya papasok na rin ako," sagot ko bago ako tumingin sa paligid. Ngayon ko lang napansin na ang villa na ito ni Michael ay napapalibutan ng mga malalaking puno. "Kabilin-bilinan ho kasi sa amin, Ma'am na hindi kayo hayaang manatili rito sa labas lalo kung gabi na. Panigurado ho kasing malilintikan kami kay Sir Michael kapag may nangyaring hindi maganda sa inyo," biglang saad niya sa akin habang lumilinga sa paligid. Hindi naman ako nakaimik. Nanatili lang akong nakaupo habang nakatingin sa paligid. Malamang ito ang dahilan kung bakit parami na sila ng parami rito sa labas na nag-iikot ikot sa paligid. "Gano'n ho ba?" tanong ko. Kagaad n
Magbasa pa

Chapter 58

"I want you," tila nabingi naman ako sa narinig ko. Para rin akong napako mula sa kinatatayuan ko. "A-anong pinagsasasabi mo d'yan?" kinakabahang tanong ko. "Hindi 'to oras para magbiro," sabi ko pa bago ako humakbang ng paatras. Nakita ko namang napabuntong hininga siya bago niya ininom ang hawak niyang alak. "What will you do once I force myself to you?" tanong naman nito sa akin. Para naman akong napugtuan ng hininga dahil sa sinabi niya. Malakas na kumakalabog ngayon ang dibdib ko pero hindi ko makita ang sarili ko na gustong tumakbo palayo mula sa kanya. "U-umayos ka nga!" sigaw ko. Gusto ko sana magmukhang matapang sa harap niya pero halos lumabas 'yon sa labi ko na parang isang bulong. Nakita ko namang napangisi siya. "Bakit ka ba nandito?" kinakahabang tanong ko pa rin. Gusto ko na sana tumakbo palayo sa lugar na ito ngunit parang ayaw sumunod ng mga paa ko. "I am tired," sabi niya bago mabilis na inisang hakbang ang pagitan naming dalawa. Gusto ko sanang kumawala mul
Magbasa pa

Chapter 59

Nakaupo ako ngayon dito sa mesa habang kumakain. Hindi ko alam kung pagkain ba ang tawag dito, dahil hindi ko pa naman ginagalaw ang pagkain ko na ngayon ay nasa harapan ko. Tahimik lang ako habang nakaupo rito. Hindi rin ako makatingin kay Michael dahil sa tuwing ginagawa ko ay pumapasok sa isip ko ang nangyari kagabi. Pati na rin ang mga sinabi sa akin kanina ni Mommy ay pumapasok sa isip ko. "Have you read the files already?" tanong niya bigla sa akin. Natigilan naman ako bago ako mabagal na napalingon sa kanya. "Anong files?" nakakunot noong tanong ko. Sa totoo lang kanina pa ako wala sa mood, hindi ko rin alam kung bakit pero alam ko nagsimula ito kaninang umaga. "The files that I have given to you," sagot niya bago niya ipinatong sa mesa ang kanyang siko. Hindi naman ako nakaimik dahil patuloy kong inaalala ang files na sinasabi niya sa akin. "Wala ka namang files na ibinigay sa akin. Hindi pa naman ako nakakapasok sa opisina mo," sabi ko habang diretsong nakatingin sa kany
Magbasa pa

Chapter 60

Ylona? Sino si Ylona? Nanatili ang tingin ko sa lamesa kahit pa wala na roon ang cellphone ni Michael. Hawak na niya iyon ngayon at nasa itaas na siya nitong bahay. Hindi ako makaimik. Para kasing may kung anong tinik na nakabara ngayon sa aking dibdib. Malalim akong napabuntong hininga. Nitong nakaraan ko pa iniisip kung bakit ba ganito ang tama sa akin ng mga bagay na 'to. Mga bagay na kinalilito talaga ng sobra ng isip ko. Napahinga ako ng malalim bago ko niligpit ang mga plato namin na parehong walang bawas ang mga laman. Napatingin pa ako sa paligid ko. Sanay akong walang kausap, pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kalungkutan. Parang sa mga oras na ito ay kailangan ko ng kung sino mang makakasama at makakausap. Napahinga muli ako ng malalim bago ako tumuloy sa kusina at doon inilagay ang mga niligpit kong plato. Matapos no'n ay mabagal na akong umakyat papunta sa itaas at naglakad papunta sa kwarto kung saan ako ngayon natutulog. Maaga pa, ngunit ang paligid ay 'd
Magbasa pa
PREV
1
...
45678
...
37
DMCA.com Protection Status