Home / Romance / The Rented Wife / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of The Rented Wife: Chapter 71 - Chapter 80

364 Chapters

Chapter 71

Tulala akong nakaupo ngayon dito sa table ko sa opisina ni Michael. Ang mga sinabi sa akin ni Redenn ay paulit ulit kong naririnig mula sa magkabila kong tenga. Hindi ko pa nakikita ang babaeng tinutukoy ni Redenn, pero may hinala ako na siya ang babaeng kausap ni Michael nitong nakaraan na narinig ko at si Mommy mismo ang nakakita. Napahinga ako ng malalim. Bakit nga ba may ganitong kaba akong nararamdaman sa dibdib ko? Bakit ba pakiramdam ko ang bigat bigat nito? At nasaan na ba si Michael? Kanina pa ako rito sa opisina niya ngunit wala siya. Sabi niya agahan ko raw pero siya itong wala rito ngayon. Patuloy lang ako sa pag iisip nang biglang tumunog ang cellphone kong nakapatong lang dito sa lamesa. Mabilis akong napatingin doon. Napakunot pa ang aking noo. "Sino 'to?" tanong ko habang nakatingin sa phone ko na patuloy pa rin sa pagtunog. Hindi kasi naka-save ang numero sa phone ko kaya hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ito o hindi. Nadala na rin kasi ako sa nangyari sa
Read more

Chapter 72

Tulala lang akong nakatingin sa cellphone ko habang paulit ulit na binabasa ang text sa akin ni Michael. Kung gano'n nandito pala siya sa kompanya pero hindi niya man lang ako nagawang puntahan dito sa opisina niya. Napabuntong hininga ako bago ako lumapit sa kama na narito at doon ako naupo. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nawalan ng gana na kumilos. Isa pa sa patuloy na bumabagabag sa isip ko ay ang napag usapan namin ni Redenn kanina lang umaga. "When are you going to choose a dress?" agad akong napatingin sa doorway nang marinig ko ang boses ni Michael na ngayon ay nakatayo roon at diretsong nakatingin sa akin. Hindi naman ako nakaimik agad. Pakiramdam ko biglang nag-flashback ang lahat sa isip ko. Parang biglang bumalik sa akin ang lahat nang unang beses akong pumunta rito sa Seth Corporation. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Hanggang ngayon ay nalilito ako sa kung ano ang dapat piliin. Alam ko ng parte ng mafia world si Michael. Base sa mga nabasa at na-res
Read more

Chapter 73

Matapos lumabas ng team na nag-ayos sa akin. Kaagad akong nilapitan ni Redenn habang may ngiti sa labi. Wala na ang kaninang nakakatakot na awra niya habang nakatingin sa team na nag-ayos sa akin. "Nako, mabibighani na naman si Michael n'yan sa iyo, Renice," nakangiting sabi niya bago iniiling ang kaniyang ulo. Kaagad ko namang kinagat ang pang ibaba kong labi. "T-talaga ba? Hindi naman ba malaswa sa akin ang itsura ko ngayon?" kinakabahang tanong ko bago ako napahinga ng malalim. "Hindi. Bakit? Kinakabahan ka ba?" narinig kong biglang tanong ni Redenn sa akin. Napahinga naman ako ng malalim. Hindi ko alam kung bakit pero may part sa akin na natatakot sa maaaring sabihin ng lalaking 'yon. Na baka hindi niya magustuhan ang itsura ko. Hindi ko kasi alam kung bakit ganito, inamin ko naman na sa sarili ko na may kakaiba akong pagtingin kay Michael, pero bakit ba na-co-conscious ako masyado sa kung anong magiging tingin sa akin ng lalaking 'yon? "B-bakit naman ako kakabahan?" sabi ko b
Read more

Chapter 74

Nakatingin ako sa labas ng sasakyan ni Redenn habang pilit na iwinawaksi sa isip ko ang mga napag usapan namin kanina lang. Hindi ko pa rin kasi lubos maisip kung bakit nagawang ipagbili ng Ylona na 'yon ang mga impormasyon na ipinagkatiwala sa kanya ng lalaking karelasyon niya no'ng panahon na 'yon. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi nang maramdaman ko muli ang kakaibang kabog mula sa aking d*bdib. Napahawak pa ako sa dress na suot ko ngayon. Pakiramdam ko kasi napakalakas ng kaba nararamdaman ko sa mga oras na ito. "Ayos ka lang ba, Renice? Para kasing may bumabagabag sa iyo kanina pa," narinig kong sabi ni Redenn na ngayon ay patuloy pa rin sa pagmamaneho. Marahan naman akong bumuntong hininga bago ko siya nilingon. "Oo naman. Wala naman akong kailangang ipag-alala," sabi ko kay Redenn bago ako ngumiti. Hindi ko aaminin sa kanya ang kung anong bumabagabag sa akin sa mga oras na ito. Wala naman kasi akong direktang karapatan para maramdaman ang bagay na ito. "Sigurado ka? Ka
Read more

Chapter 75

Malalim akong huminga nang makita ko si Michael na naglalakad papunta sa gawi namin ni Redenn. Nasa likuran niya si Tyron at tatlo pang hindi ko kilalang mga lalaki. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Dahil hindi ko kayang titigan ang maganda niyang mga mata. "Twenty minutes late," sabi ni Michael nang tuluyan ng makalapit sa amin. Nakatingin pa siya sa wrist watch niya. "Traffic," biglang sagot ni Redenn habang inaayos ang suit na kanyang suot. Hindi naman sumagot si Michael kaya roon na ako tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin. At may kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata. "Ahem," natatawang untag ni Tyron bago siniko si Redenn. Natawa naman si Redenn bago hinila si Tyron papunta sa kung saan. "Ano?" pagbungad ko kay Michael nang makita kong titig na titig pa rin siya sa akin. Napailing naman siya ng marahan bago muling tumingin sa akin. "Nothing," simpleng pagsagot lang niya. Napaiwas naman ako ng tingin. Nasa labas kami ng mansion at m
Read more

Chapter 76

Nakaupo ako ngayon sa isang mesa kasama sila Tyron at Redenn. Kanina pa wala si Michael, hindi naman niya nabanggit sa akin kung saan siya pupunta."Redenn, Tyron, nasaan si Michael?" tanong ko sa dalawa na busy sa pagtingin sa kanya kanya nilang cellphone.Napatingin sa akin si Tyron pero hindi niya ako sinagot. Tumingin muna siya sa gawi ni Redenn bago niya ito siniko."G*go, nasaan daw si Michael?" tanong nito. Mabilis namang tumingin sa akin si Redenn bago niya kinamot ang gilid ng kanyang kilay."Hindi ko rin alam, Renice. Hindi nagsabi si Michael kung saan siya pupunta. Basta umalis na lang siya at ibinilin ka sa amin," biglang sabi nito.Hindi ko kasi alam na umalis pala si Michael kanina. Gumamit kasi ako kanina ng banyo, at sa paglabas ko, doon ko lang nalaman na umalis na pala si Michael."Hindi siya nagsabi sa inyo kung saan siya pupunta?" nagtatakhang tanong ko.Napatingin naman si Redenn kay Tyron bago siya tumango."Wala siyang ibang sinabi sa amin kung hindi ang ingatan
Read more

Chapter 77

Nanatili kaming magkayakap ni Michael, ngunit agad akong humiwalay sa kanyang pagkakayakap nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto kung nasaan kaming dalawa.Mabilis ding itinutok ni Michael ang hawak niyang baril sa pinto at handa na iyong paputukin ano mang oras mula ngayon."Michael!" biglang sigaw ng lalaki na kanina lang ay kasama ko sa isang lamesa bago nagkagulo.Agad ibinaba ni Michael ang hawak niyang baril nang makita niya si Redenn at Tyron na ngayon ay may mga bahid na ng dugo sa paligid ng kanilang katawan."Anong nangyari sa pag-uusap niyo? Bakit biglang may pagsabog?" sunod sunod na tanong ni Tyron bago isinara ang pinto.Hindi naman sumagot si Michael. Mabilis lang siyang tumalikod bago pumunta sa isa pang pinto na nandito rin sa kwarto."Na-secure ko na ang exit natin in case na mangyari itong bagay na ito. Buti na lang at maganda ang naging plano natin. Ang gulo talaga ng underground world," narinig kong sabi ni Redenn bago sumunod ng paglalakad sa amin ni Michael.P
Read more

Chapter 78

Redenn's POVWala pa ring malay si Renice sa mga oras na ito. Dalawang araw na rin siya na narito sa hospital at hanggang ngayon ay wala pa ring progress ang sitwasyon niya."Hanggang ngayon, Ty, sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyari kay Renice," sabi ko kay Tyron habang pareho kaming nakaupo sa sofa na narito sa private room kung nasaan si Renice."Huwag mong sisihin ang sarili mo. Wala namang may gusto nitong nangyari," sagot naman sa akin ni Tyron bago kami sabay na napatingin kay Michael na dalawang araw na ring walang tulog at nakamasid lang sa babaeng hanggang ngayon ay nakahiga sa kama at walang malay.Hanggang ngayon hindi ko pa rin makuha ang punto ng pagsama kay Renice. Baka nga para talaga 'yon makita niya kung gaano kagulo ang mafia world. Hindi ko rin alam kung bakit nauwi sa plan B ang dapat ay maayos na pakikipag-usap ni Michael sa matandang hukluban na 'yon. At mas lalong nalilito ako sa sinabing ina-assess ni Michael si Renice."Pang-ilang illegal transaction na
Read more

Chapter 79

"I said don't move!" istriktong sabi sa akin ni Michael nang sinubukan ko muling umupo. Masama ang tingin niya sa akin at mukhang ano mang oras mula ngayon ay kaya niya akong biglang saktan. "K-kaya ko na!" pagpupumulit ko. Hindi ko na kasi gusto pang manatili sa hospital na ito dahil mukhang dito ako tuluyang magkakasakit. "Tss. As if I am going to allow you," biglang sabi ni Michael bago siya naupo sa dulo ng kama kung saan ako ngayon nakahiga. Mabilis na kumunot ang noo ko nang dahil sa kanyang sinabi. "Ano ang ibig mong sabihin?" nakakunot ang mga noong tanong ko. Tumingin siya sa akin ng masama. "You're not allowed to go home yet. Not until your doctor tell us so," sagot naman niya sa akin bago niya inilabas ang kanyang cellphone. Hindi naman na ako nakasagot. Tanging pagbuntong hininga na lamang ang tanging nagawa ko. Muli akong bumuntong hininga. Ang dami kong katanungan tungkol sa mga nangyari noong nakaraan. Ang daming bumabagabag sa isip ko na hinahanapan ko ng kasa
Read more

Chapter 80

Tahimik lang akong nakaupo sa sasakyan ni Michael habang binabagtas namin ang daan pauwi sa villa. "Do you want to eat anything?" tanong nito sa akin. Marahan ko naman siyang nilingon. Matapos ang naging pag-uusap namin kagabi ay parang ibang Michael na ang nasa harapan ko. "Hindi na. Gusto ko na lang siguro umuwi muna," sabi ko bago ko siya tuluyang tinignan. Nakita ko ang kanyang naging pagtango bago siya ngumiti. "Okay then. Paglulutuan na lang kita," sabi niya sa akin. Natigilan naman ako. Hindi ko alam kung kailan ba ako masasanay sa trato sa akin ngayon ng lalaking 'to. Simula kagabi ay panay na ang ngiti niya at nag-iba na ang trato niya sa akin. Nalilito ako. Hindi na ako sumagot at malalim na lang akong huminga upang mahabol ang paghinga kong parang napugto ng dahil sa sinabi niya. Hindi na kami muli umimik. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Nalilito ako sa dapat na gawin ko sa harap ng lalaking 'to. "Renice," pagtawag nito sa akin. Mabagal ko siyang nilingon bago
Read more
PREV
1
...
678910
...
37
DMCA.com Protection Status