Share

The Rented Wife
The Rented Wife
Author: Purpleyenie

Chapter 1

Author: Purpleyenie
last update Huling Na-update: 2021-08-26 21:37:14

"Ate," napalingon ako sa aking likod nang marinig ko ang boses ni Reev, ang nakababata kong kapatid.

"Ano 'yon, bunso? Bakit?" tanong ko bago ko ibaling ang aking atensyon sa ginagawa kong pag-aayos ng mga papeles na kakailanganin ko sa paghahanap ng trabaho ngayong araw.

Naglakad ako papunta sa kabinet na katabi ng kama ko at kinuha ang plantsado ko ng formal attire, na binili ko pa sa ukay-ukay para lang talaga sa araw na 'to.

"Tawag ka ni Mommy," sagot niya sa aking tanong.

Naramdaman ko naman ang paglapit niya sa gawi kung saan ako nakatayo. At 'di nagtagal ay narinig kong tumunog ang kama ko na nakapwesto malapit lang sa akin. Muli ko siyang nilingon, kaya nakita ko ang malungkot niyang mukha. At dahil sa ginawa kong pagtingin sa kaniya ay 'di ko naiwasang hindi padaanan ng tingin ang payat niyang pangangatawan.

Twelve years old na si Reev, at pangatlo siya sa aming magkakapatid. Siya ang bunso at nag-iisang lalaki sa pamilya.

"May problema ba?" tanong ko bago ko muling nilingon ang kabinet na nasa aking harapan. Narinig ko naman ang kaniyang pagbuntong-hininga.

"Naaawa na kasi ako sa iyo, ate. Halos wala ka palagi rito sa bahay. Palagi kang nasa labas at naghahanap ng trabaho. Wala ka na halos pahinga," sagot nito na siyang nagpahinto sa akin. Nilingon ko siyang muli at nakita kong namumugto na ang maliliit niyang mga mata.

"Ano bang nangyari? May nangyari ba habang wala ang ate?" tanong ko sa nakababata kong kapatid.

Umalis ako sa harapan ng damit na akin na sanang susuotin at tinabihan si Reev ng upo sa kama.

"Wala naman, ate. Naaawa lang kasi ako sa iyo. Kasi simula umpisa ikaw na ang nagtatrabaho para sa amin. Wala man lang akong magawa," sabi nito bago yumuko.

Napangiti naman ako sa sinabi ni Reev. At the same time, naramdaman ko na naman ang parehong galit na matagal ko ng dala-dala sa aking dibdib.

"Binata na ang baby namin, ah. Matanda na mag-isip," pang-aasar ko sa kaniya bago ako mapait na ngumiti.

"Pasensya na, Reev. Pasensya na kasi palaging wala ang ate. Pasensya na kung 'di na kita nalalaro katulad noon," sabi ko bago mapait na ngumiti at hinawakan ang kaniyang ulo. Napahinga rin ako ng malalim bago ko kinagat ang pang-ibaba kong labi.

Ipinikit ko ang aking mga mata, at bahagya kong ikinuyom ang aking isang kamay na nakapatong sa aking binti. Ang lahat ng paghihirap naming 'to ay dahil sa akin. Lahat ng 'to ay kasalanan ko! Ngunit dahil din ito sa lalaking walang konsensyang tumakas sa kasalanan niyang nagawa.

"Ate, 'wag ka humingi ng pasensya. Gusto ko lang talaga makasama kayo ng kumpleto nila mommy dito. Wala nang iba," sabi nito.

Iminulat ko na ang aking mga mata, at diretsong iginawi iyon kay Reev na ngayon pala'y nakatingin sa akin. Tinignan niya ako sa mata bago siya bahagyang ngumiti. Bahagya rin akong ngumiti para maipakita sa kaniya na ayos lang ako, na darating din ang araw na magiging maayos din ang lahat.

"Darating din ang araw na 'yan," sabi ko bago ko bahagyang ginulo ang kaniyang buhok.

Parang biglang nagbalik ang sakit ng kahapon. Parang bigla na namang piniga ang puso ko dahil sa konsensya at galit na meron ako para sa sarili ko at sa taong 'yon.

"Ang laki-laki mo na, ah. Siguro may nililigawan ka na, 'no?" biro ko bago ko siya kiniliti.

"Wala po, ate," sagot nito sa akin bago malakas na tumawa habang pinipigilan ang aking kamay at sinusubukan na makaalis mula sa aking hawak.

Patuloy lang kami sa paghaharutan ng 'di nagtagal ay dumating si Ranie. Siya ang isa sa nakababata kong kapatid, ang sumunod sa akin.

"Renice," napahinto ako sa ginagawa kong pagkiliti kay Reev, at napalingon sa pinto nitong kwarto naming dalawa.

"Nakaayos ka na raw ba?" diretsong tanong nito habang nakatingin sa aming dalawa ni Reev.

"Malapit na, Ran. Magbibihis na lang ako," sagot ko bago ngumiti sa kaniya. Tumango naman ito at agad ding umalis.

Nanatili ang aking gawi sa pwesto kung saan nakatayo kanina si Ranie. Napahinga ako ng malalim bago ko muling nilingon naman si Reev na ngayon ay hinang-hina habang nakahiga sa kama.

"Reev, bibihis na ang ate," sabi ko bago ko hinawakan ang kaniyang kamay upang tulungan siyang maka-upo. Hinawakan kong muli ang kaniyang ulo at ginulo ang magulo na niyang buhok.

"Galit pa rin talaga si Ate Ranie, 'no?" biglang tanong nito. Napangiti naman ako sa kaniya.

"Hayaan mo na 'yon. Sa akin naman galit si Ranie," sabi ko bago muling patuloy na ginulo ang kaniyang buhok.

"Sana makalimutan na ni Ate Ranie ang mga nangyari noon, sana magbati na kayo. Wala ka naman kasing kasalanan, aksidente ang nangyari noon." sabi ni Reev bago tumalon pababa ng kama.

"Ate, dito na ako," pagpapatuloy nito sa kaniyang sinasabi bago tuluyang umalis ng kwarto.

Nang tuluyang makalabas si Reev, ako naman ang tumayo at lumapit sa pinto. Sinara ko 'yon, at pagkatapos ay lumapit akong muli sa kabinet at tuluyan ng sinuot ang mga damit na binili ko sa ukay-ukay para sa pag-aapply kong ito.

Naglakad ako papunta sa isang lumang vanity table namin dito sa kwarto, at nanalamin. Tinitigan ko ang aking buong mukha bago bahagyang napangiti.

I got my eyes on him, on our father. Tanging ang mata lamang ang namana ko kay Daddy. I have a small eyes na talagang bumagay lang sa aking maliit na mukha. Matangos din ngunit maliit ang aking ilong, at natural na maliit pero heart shape ang aking labi. Kamukha ko raw talaga si Mommy, pero ang mga mata ko ang talaga naman daw na nakaka-attract sa akin.

Ipinagpatuloy ko ang pagbibihis habang nanatili ang aking mga mata sa aking sariling repleksyon sa salamin.

Napabuntong hininga ako bago ako naglakad palapit sa kama at umupo. Ipinikit ko ang aking mga mata. At habang nakapikit ito, bigla kong naalala ang araw na 'yon. Ang nag-iisang araw sa buhay ko na matagal ko ng gustong makalimutan.

I was 8 years old that time. Habang 5 naman si Ranie, at pinagbubuntis palang ni Mommy si Reev. Nasa sasakyan ako with Daddy. Habang si Mommy naman at si Ranie ay nasa bilihan ng mga bulaklak.

Inaamin ko, hindi ko masisisi si Ranie kung bakit galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon. Dahil ako naman talaga ang dahilan, ako ang may kasalanan. And she's a daddy's girl after all.

Naka-upo lang ako noon sa loob ng sasakyan, at nag-aabang na matapos sila mommy sa pamimili para makauwi na kami sa bahay. Galing kasi kami sa pamamasyal sa mall, at sa paborito naming palaruan ni Ranie.

I remember Daddy's saying compliments towards me while smiling, and trying to make me laugh. Dahil nakasimangot ako sa loob ng sasakyan. Hindi ko na naaalala ang mga eksaktong sinasabi niya sa akin noon. Dahil ang tanging naaalala ko na lamang ay noong biglang nabaling ang aking atensyon sa manong sa gilid ng kalsada na nagbebenta ng ice cream. Naaalala ko na nagpapabili ako kay Daddy ng ice cream. But he refused on buying me one.

Bata lang ako noon, pero sinisisi ko ang sarili ko. Dahil kung nakinig lang ako, maybe hindi ganito ang buhay namin. Maybe masaya kami ngayon, at nakapag-aral sana ako sa kolehiyo. I am already 20 years old, supposedly ay patapos na sa pag-aaral. Pero dahil sa kagagawan ko noong bata pa ako, nasira ang lahat pati na ang dapat ay magandang buhay na meron kami ngayon.

Pinagbawalan na ako ni Daddy na bumili ng ice cream, pero talagang makulit ako. Noong nabaling ang atensyon ni Daddy sa phone niya dahil may tumatawag sa kaniya, dali-dali akong bumaba ng sasakyan. At tumakbo patawid sa kalsada para pumunta sa manong na nagbebenta ng ice cream.

Ilang taon na ang nakakaraan, pero natatandaan ko ang pangyayaring 'yon. Natatandaan ko kahit pa bata pa lamang ako.

Idinilat ko ang aking mga mata at iginawi ang aking tingin sa butas-butas na bubong dito sa aking kwarto upang pigilan ang aking luha sa pagtulo. Kinagat ko rin ang pang-ibaba kong labi bago ko muling ipinikit ang aking mga mata.

Naging mabilis ang pangyayari no'ng araw na 'yon. All I can remember was Daddy's terrified voice. He was shouting, he was calling my name. Nilingon ko siya, and I saw him running towards me. I stopped on the middle of my track, then suddenly nakaramdam ako ng malakas na pwersang tumulak sa akin palayo sa kalsada. Matapos n'yan ay wala na akong maalala, maliban sa sigawan ng mga tao at magulong paligid.

"Ate?" mabilis kong idinilat ang aking mata at agad na napalingon sa pinto ng aking kwarto. Mabilis ko ring pinahid ang luha na nagbabadya ng tumulo. Hindi nagtagal ay pumasok si Mommy sa loob ng kwarto.

"Mom," bungad ko bago ako bahagyang ngumiti.

"Paalis ka na?" nakangiting tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang pagsagot.

"Hindi ka mag-aayos ng mukha mo?" tanong niyang muli habang nakatitig sa akin. Hindi rin nagtagal ay lumapit siya sa akin, at umupo sa kama upang tabihan ako.

"Pulbo at liptint lang, Mom," sagot ko sabay pakita sa kaniya ng liptint na kinuha ko sa ibabaw ng vanity table.

"Nakapagpahinga ka naman ba ng maayos ngayon?" tanong nito bago tuluyang lumapit sa akin, at sinuklay ang aking buhok. Tumalikod naman ako sa kaniya at humarap sa salamin.

Hindi ko alam bakit bigla kong na-miss ang mga ganito kasimpleng bagay na ginagawa ni mommy para sa akin noon.

"Sakto lang po," sagot ko. Tinignan ko ang kaniyang mukha mula sa salamin.

Dahil sa kalagayan namin ngayon, makikita mo na ang sobrang kapayatan at kagipitan sa mukha ni mommy. Wala na ang makinis at maputi niyang mukha at balat. Nangitim na siya dahil sa pagtitinda ng bilog na basahan sa gilid ng kalsada. Ang laki na ng ipinayat niya, sobrang layo na ng pangangatawan ni mommy ngayon sa pangangatawan niya noon.

Matapos ng sagot ko sa kaniya ay nanatili na siyang tahimik. Kita ko ang lungkot sa kaniyang mukha, pati lalo  na sa kaniyang mata. Alam ko na kung ano ang pakay sa akin ni Mommy. At kung bakit kanina niya pa ako tinatawag.

"Mom," panimula ko. Tinignan niya ako sa salamin habang patuloy siya sa pagsusuklay sa aking buhok.

"Ano 'yon, anak?" tanong nito sa akin bago ngumiti. Matapos n'yan ay muli niyang ibinaling ang kaniyang atensyon sa pagsusuklay.

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi.

"Mom," muli kong agaw sa kaniyang atensyon. Tumingin siyang muli sa akin.

"May pagkain ba?" tanong ko. Ngumiti naman siya bilang pagsagot.

"Meron sa kusina. Kaso, kakasya kaya sa iyo 'yon? Kaunti nalang kasi, anak. Dahil tira lang 'yon kagabi," sagot ni Mommy bago bahagyang lumayo sa akin ng matapos siya sa pagsusuklay sa aking buhok.

"Paano ka? Si Reev, at Ranie?" tanong ko bago humarap sa kaniya. Ngumiti siyang muli.

"Ayos lang kami, Renice," sagot niya. Napabuntong hininga naman ako bago lumapit sa bag ko na nakasabit sa likod ng pinto. Kinuha ko ang wallet ko roon at binilang ang natitira kong pera.

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi ng makita ko na three hundred fifthy pesos nalang pala ang meron ako. Huminga ako ng malalim at kinuha ang dalawang daang piso. Lumapit ako kay Mommy at ngumiti.

"Ito po, Mommy. Ibili mo ng pagkain," sabi ko sabay abot ng pera.

"Paano ka?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Sapat pa po ang pera ko d'yan," sabi ko sabay ngiti upang hindi siya magtaka.

Kahit ang totoo, kinakabahan ako dahil alam kong kulang ang one hundred fifty pesos na pamasahe mula rito sa amin, at sa pag-aapplyan ko ng trabaho.

"Sigurado ka?" tanong muli nito. Tumango naman ako.

"Mommy, alam ko naman na 'yan ang gusto mong sabihin sa akin," sabi ko. Nakita ko naman ang pagdaan ng lungkot sa kaniyang mata.

"Pasensya na, Renice. Ako ang magulang niyo pero ikaw ang nagpapakahirap para maka-survive tayo sa araw-araw," lumapit sa akin si Mommy at mabilis akong niyakap.

"Sige na po. Magbibihis na po ako para makaalis," sabi ko kay Mommy upang mapigilan ang aking sarili na maipakita sa kaniya na sobra akong nalulungkot.

Tumango naman siya bago ngumiti at naglakad palabas ng kwarto.

Hindi ko alam bakit, pero sa paglabas ni Mommy sa pinto ay ang siyang paglabas na rin ng luha sa aking mga mata. Bigla akong nakaramdam ng bigat sa aking dibdib.

Dahil sa nagawa kong katangahan, at dahil sa taong tumakas sa nagawa niyang kasalanan, naging salat kami sa pamumuhay.

Kahit ilang taon pa ang lumipas, hindi ko mapapatawad ang sarili ko, pati na ang taong isa sa naging dahilan ng kahirapan naming ito.

×××

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Joy V.
first chapter pa lang ako pero naluha na agad ako.
goodnovel comment avatar
BananaMilk💜
I'm starting to read your beautiful Story na ......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Rented Wife   Chapter 2

    Matapos akong magbihis sa loob ng aking kwarto ay lumabas na ako. Nakita ko sa aming maliit na sala sina Ranie at Reev.Nanonood si Ranie, habang si Reev naman ay nakaupo at hawak ang kaniyang nag-iisang libro na nabili ko noong nagtrabaho ako bilang isang crew sa isang fast food chain."Nasaan si Mommy?" tanong ko kay Ranie. Pinasadahan naman niya ako ng tingin bago niya muling ibinaling ang kaniyang atensyon sa panonood ng t.v."Lumabas," tipid at mabilis na sagot niya sa akin. Hindi na ako nagtaka pa o nagsalita at tinawag na lamang si Reev."Reev, kumain ka na?" tanong ko sa aking nakababatang kapatid. Tinignan naman niya ako tyaka siya ngumiti."Hindi pa, ate. Sabi kasi ni Mommy, sa iyo na lang daw ang pagkain na nakahain sa mesa," sagot nito sa aking tanong bago muling bumalik sa kaniyang ginagawa. Tahimik naman akong napabuntong hininga.Araw-araw na ganitong scenario ang nakikita ko rito sa loob ng bahay. Wala nang bago, wala nang im

    Huling Na-update : 2021-08-26
  • The Rented Wife   Chapter 3

    Nanatili akong nakaupo at nag-abang sa loob ng jeep hanggang sa marating ko na ang lugar na aking pag-aapplyan. Hindi ko alam pero tila habang papalapit ang jeep na sinasakyan ko, tumi-triple ang kabog ng aking dibdib. Sa lahat ng mga trabaho na napag-applyan ko, ngayon lamang ako kinabahan ng ganito. Nakapag-apply na rin naman ako sa ibang kompanya, pero confident ako sa interview na pinagdaanan ko sa mga kompanyang 'yon. Iba ang araw na 'to, parang may kakaiba at bagong mangyayari. "Para po," sabi ko nang matanaw ko na ang building na aking pakay. Bumaba na ako sa sasakyan nang huminto ito. Huminga ako ng malalim bago naglakad patungo roon. Huminto ako 'di kalayuan sa lugar kung saan iyon nakatayo. Napaka-laki pala talaga nito, at napakataas. Kumikinang din ang paligid nito, dahil nagrereflect ang kalangitan sa exterior design nitong salamin. Nakakabighani, nakakaakit. First time kong mag-apply sa ganito kalaking

    Huling Na-update : 2021-08-26
  • The Rented Wife   Chapter 4

    "Be my wife," rinig kong sabi ng lalaking nakaupo sa gitna ng dalawa pa. Mabilis na tumibok ang aking puso. Tila nabingi rin ako dahil sa aking narinig. "Ah, I am Renice Ocampo. I am applying for any position that your good company can offer," sabi ko habang nakatingin lang sa kanila. Nakita ko namang napailing ang isa sa kanila habang natatawa naman ang isa. Mabilis na kumunot ang aking noo. May nakakatawa ba sa mga sinabi ko? Nakakatawa ba na okay lang sa akin ang kahit anong posisyon na maaari kong makuha sa kompanya nila? "Look, I told you not to start it with that kind of--pfft!" sabi ng isa sa kanila habang pinipigilan ang kanyang pagtawa. Teka, bakit pamilyar sa akin ang mukha niya? "I don't know either. You know how I told him to start it with a proper introduction," sabi naman ng isa habang tumatawang nakatingin sa lalakin

    Huling Na-update : 2021-09-01
  • The Rented Wife   Chapter 5

    "This is your room," sabi ni Michael sa akin. Nakatayo kami ngayon sa tapat ng isang malaking pinto. "Dito? Ako?" tanong ko habang nakatingin sa kanya. "Yes," simpleng sagot niya bago naglakad papalayo sa akin. Nanatili naman akong nakatayo sa harapan ng pinto kung saan niya ako iniwan, pero ang mga mata ko ay nanatiling nakasunod sa kanya. Kinagat ko naman ang pang-ibaba kong labi bago ko binuksan ang cellphone kong kanina pa nasa loob ng aking bag. Napahinga ako ng malalim. Lowbatt na kasi ngayon ang cellphone ko, at 'di ko alam kung paano ko tatawagan at sasabihin kay mommy na hindi ako makakauwi ngayong gabi. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko tungkol sa trabaho ko. Hinawakan ko ang doorknob ng pinto nang magsisilbi kong kwarto rito sa bahay ni Michael. Mabagal ko itong binuksan at mabagal ko ring sinilip ang loob no'n. Kaagad kong kinapa ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto. Madilim kasi ang loob nito at 'di ko ri

    Huling Na-update : 2021-09-06
  • The Rented Wife   Chapter 6

    Nanatili akong nakaupo sa upuan habang patuloy kong iniisip kung bakit nga ba pinili kong pumayag sa deal na 'to. Napabuntong hininga ako. "Para sa pamilya mo, Renice. Hindi ba?" pagkausap ko sa aking sarili. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at saka ko kinuha ang cellphone kong lowbatt na. Isa pa 'to sa iniisip at pinaka problema ko sa mga oras na 'to. Hindi pa alam nila mommy na hindi ako makakauwi. Sobrang biglaan kasi ng pagtira ko rito at pagkukunwari kong asawa ng manyak na 'yon. Sinabunutan ko ang sarili kong buhok. Wala akong charger, at hindi na ako papayagang umalis pa ng lalaking 'yon ngayon dahil halos hating gabi na. Napasandal ako sa kinauupuan ko. May dadagdag pa ba sa mga iniisip ko sa mga oras na 'to? "Aw," isang salitang kusang lumabas sa bibig ko nang maramdaman ko ang pagkulo ng aking tiyan. "Sumabay ka pa," wala sa sariling untag ko. Hindi pa pala ako kumakain mula kanina, kahit pa

    Huling Na-update : 2021-09-07
  • The Rented Wife   Chapter 7

    Nanatili akong nakaupo sa tapat ng study table. Kagat-kagat ko ang pang-ibaba kong labi habang mahinang humihikbi. Nakapatong na ngayon sa study table ang nagkahiwa-hiwalay ng parte ng cellphone ko. Nagsisisi ako. Maling-mali na humingi ako ng tulong sa siraulong katulad ng lalaking 'yon. Malalim akong napabuntong hininga. Kasalanan ko rin, kasalanan ko rin na umasa ako na kahit papaano ay may mabuting puso naman ang Michael na 'yon. Masyado ko kasing dinala ang sarili ko sa mga naging maliit na pag-uusap namin kanina sa ibaba. Napahinga ako ng malalim. Walang kahit anong cellphone ang makakapalit dito. Ito pa kasi ang cellphone ni Daddy. Ito 'yong cellphone at huling hawak-hawak niya bago siya mamatay. Galing pa 'to kay daddy. Binigay 'to sa akin ni mommy dahil sa tuwing nakikita niya ito ay naaalala niya ang araw na nagpabago sa buhay naming lima. At ngayon, wala na 'to. Sinira na 'to ng lalaking 'yon. Patuloy akong umiyak habang din

    Huling Na-update : 2021-09-08
  • The Rented Wife   Chapter 8

    Iniharang ko ang aking kaliwang kamay sa aking mukha dahil tumatama ang sinag ng araw dito. Mabagal kong iminulat ang aking mata ang inilibot ang aking paningin sa paligid. Ilang minuto muna akong nakatingin lang sa kawalan bago nag-sink in sa akin kung nasaan ako sa mga oras na 'to. Kaagad akong umupo mula sa pagkakahiga sa kama, at inilibot ang aking paningin sa paligid. Nakalimutan ko na nandito nga pala ako sa bahay ng lalaking 'yon. Nakalimutan ko na isa nga pala akong pekeng asawa ng isang Michael Seth. Kaagad akong tumayo mula sa pagkakaupo at lumapit sa bag kong nakapatong pa rin sa ibabaw ng lamesa. Napahinto naman ako nang makita ko ang sira kong cellphone na nakapatong sa mesa katabi nitong aking bag. Ilang minuto muna akong nakatitig lang doon bago ako napabuntong hininga. Dahan-dahan kong kinuha 'yon at tinitigan bago ako ngumiti. Masama pa rin ang loob ko dahil sa ginawa ng lalaking 'yon sa cellphone ko ka

    Huling Na-update : 2021-09-10
  • The Rented Wife   Chapter 9

    Nakatayo ako ngayon sa tapat ng salamin dito sa walk-in closet na sinabi ni Michael. Tinititigan ko ang aking sarili. Suot-suot ko ang mga damit na ibinigay niya sa akin kanina. Ito ang mga gamit na dala-dala niya at nakapatong sa hawak niya kaninang tray. Napahinga ako ng malalim habang nanatili ang aking mga mata sa aking sarili. Ngayon lamang ako nakasuot ng ganito kagandang damit. Karamihan kasi ng damit ko ay nabili lang sa ukay-ukay, o 'di kaya ay pinaglumaan lang ng mga nakatrabaho ko. Ngayon lamang ako nagkaroon ng damit na may tatak o branded. Dahil wala naman akong kakayahan na bumili ng ganito. Mabilis naman akong napatingin sa kaliwang bahagi ko nang marinig ko ang pagtunog ng bago kong cellphone. Kagat labi ko 'yong dinampot at tinignan kung sino ang tumatawag. "Sino kaya 'to?" tanong ko sa aking sarili habang nakatingin pa rin sa cellphone. Patuloy pa rin ito sa pag-ri-ring pero hindi ko naman alam kung paano ito sasagutin.

    Huling Na-update : 2021-09-11

Pinakabagong kabanata

  • The Rented Wife   Chapter 363

    Malalim akong huminga nang makita ko si Michael na naglalakad papunta sa gawi namin ni Redenn. Nasa likuran niya si Tyron at tatlo pang hindi ko kilalang mga lalaki. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Dahil hindi ko kayang titigan ang maganda niyang mga mata. "Twenty minutes late," sabi ni Michael nang tuluyan ng makalapit sa amin. Nakatingin pa siya sa wrist watch niya. "Traffic," biglang sagot ni Redenn habang inaayos ang suit na kanyang suot. Hindi naman sumagot si Michael kaya roon na ako tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin. At may kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata. "Ahem," natatawang untag ni Tyron bago siniko si Redenn. Natawa naman si Redenn bago hinila si Tyron papunta sa kung saan. "Ano?" pagbungad ko kay Michael nang makita kong titig na titig pa rin siya sa akin. Napailing naman siya ng marahan bago muling tumingin sa akin. "Nothing," simpleng pagsagot lang niya. Napaiwas naman ako ng tingin. Nasa labas kami ng mansion at m

  • The Rented Wife   Chapter 362

    Papunta kami ngayon ni Michael sa conference room para sa susunod na meeting ko with the board members.Marahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha. Kaagad kong iniharang ang aking kamay upang mawala ang liwanag na ngayon ay patuloy na sumisilaw sa akin."Goo--" hindi ko na natapos pa ang kung ano sanang sasabihin ko nang matapos ko6ng tumingin mula sa aking likod ay wala na ang lalaking sa huli kong pagkakatanda ay katabi kong natulog kagabi."Michael?" pagtawag ko sa kanya. Baka kasi nasa cr lamang siya ng kwartong ito."Michael?" pagtawag ko ulit bago ako mabagal na umupo mula sa pagkakahiga at iniharang sa aking hubad na katawan ang comforter na kagabi ay sabay pa naming gamit.Nasaan ba ang lalaking 'yon?"Michael? Nasaan ka?" pagtawag ko ulit bago ako bumaba sa kama at hinanap kung saan inilagay ni Michael ang mga damit na suot ko kagabi. Napakagat naman ako ng pang ibabang la

  • The Rented Wife   Chapter 361

    I don't know how can someone be so harsh to someone. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko makakarinig kaming dalawa ni Michael ng malalang sermon galing sa board members. Magkasama na kami ngayom ni Michael. "What are you thinking?" biglang tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa meeting area. "W-wala naman. Medyo kinakabahan lang ako. Baka kasi malakasang sermon ang makuha natin sa kanila," sabi ko bago ako napabuntong hininga. Kinakabahan ako. Baka matanggal si Michael sa pagiging CEO nang dahil sa ginawa ko na naman kanina. "Tss. As if they can," sabi naman niya bago ko naramdaman ang marahang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay. "Hey, chill. They can't scold you so relax," sabi pa niya bago bahagya akong nginitian. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi upang mawala ang kung ano mang gulo na naiisip ko sa mga oras na ito. "Sigurado ka ba na hindi sila magagalit sa atin?" tanong ko naman upang mawala ang kung ano mang mga gulo na ngayon ay pumapasok sa isip ko.

  • The Rented Wife   Chapter 360

    "Kumusta ka naman, Renice?" rinig kong tanong sa akin ni Redenn habang diretsong nakatingin sa daan. Nakasakay kami ngayon sa sasakyan ni Redenn. Papunta kami ngayon sa Seth Corporation para asikasuhin ang mga bagay na naiwan ni Michael. "Ayos lang naman ako," sabi ko habang may pilit na ngiti. Hindi ako ayos. Walang maayos. Nasasaktan ako, parang bigla akong iniwan ni Michael matapos niyang makuha ang lahat lahat sa akin. "Galit ka ba, Renice?" biglang tanong ni Redenn matapos ang ilang segundong pagiging tahimik namin. "Ha? Bakit naman?" tanong ko bago ako napatingin ng diretso sa daan. Bakit naman ako magagalit? At kanino naman? "Dahil ilang araw ng 'di nagpapakita si Michael sa iyo?" sagot naman nito sa akin. Hindi ako kaagad nakaimik. Nakakaramdam ako ng inis, at tampo dahil bigla na lang siyang nawala ng walang pasabi. Pero hindi ko 'yon maaaring aminin dahil alam ko naman sa sarili ko na wala akong karapatan. "A-ano namang magagawa ko kung ayaw niya magpakita o kung gus

  • The Rented Wife   Chapter 359

    Patuloy ako sa pagbabasa ng mga laman ng folders na narito sa mesa ni Michael. Sa totoo lang kanina pa ako rito pero wala pa ako ni isang napipirmahan o naa-aprubahan na plano.Napahinga ako ng malalim. Bukod sa wala talaga akong alam sa ginagawa ko, hindi ko rin maintindihan bakit ganito ang nararamdaman ng puso ko.Nasasaktan ako. Hindi lang dahil sa sinabi ng sekretarya ni Michael, kung hindi dahil kay Michael mismo. Paano nga ba kung may kasama na siyang iba? Katapusan na rin ba 'yon ng kontrata naming dalawa? Tapos na ba ang trabaho ko sa kanya bilang rented wife?Binitawan ko ang ballpen na kanina ko pa hawak pero ni-isang beses ay hindi ko pa nagamit dahil wala pa naman akong napipirmahan na kahit ano.Napasandal pa ako sa swivel chair bago ako napatingin sa kisame.Kinagat ko rin ang pang ibaba kong labi nang maramdaman ko ang pagbigat ng aking mga mata at ang pang iinit nito.Kung nasaan man si Michael, sana maalala niya man lang ako. At sana naaalala niya rin ako kagaya ko n

  • The Rented Wife   Chapter 358

    Tulala lang akong nakatayo ngayon sa tapat ng elevator katabi si Michael. Ito na ang araw na 'yon. Ito na ang araw na makikilala na ako ng board members, at ito na rin ang araw na official na akong ipapakilala ni Michael hindi lang sa board at sa buong kompanya, kung hindi pati na rin sa mga kaaway niya sa underground world. "Hey, are you okay?" biglang tanong ng lalaking kasalukuyang katabi ko at mahigit na may hawak ng kanang kamay ko. Marahan naman akong ngumiti bago ako tumango. "Okay lang naman ako," sabi ko bago ako muling ngumiti. Ayaw kong ipakita kay Michael ang totoo kong nararamdaman. Ayaw kong makita niya na natatakot ako. Natatakot ako hindi dahil sa ihaharap ako sa mga taong isa sa dahilan kung bakit maganda ang takbo ng Seth Corporation ngayon, kung hindi dahil sa katotohanan na maaari muling malagay ang buhay ko sa tiyak na kapahamakan Hindi ko kaagad narinig ang sagot ni Michael, pero hindi rin nagtagal, narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. "Why are

  • The Rented Wife   Chapter 357

    "I want to hear a lot of things behind your life," sabi niya pa bago ako tinignan ng diretso muli sa mata.Natatakot ako, natatakot akong mahusgahan niya nang dahil sa nagawa ko sa aking ama.Napaiwas naman ako ng tingin bago ako huminga ng malalim. Makakaya ko bang aminin sa kanya ang totoo?"A-ano naman ang gusto mong malaman?" tanong ko pa."How was he as a father to you and to your siblings?" tanong niya. Hindi ako kaagad nakaimik.Mabait, responsable, at higit sa lahat mapagmahal na ama siya sa amin ni Ranie noong panahon na nabubuhay pa siya. Wala kaming narinig na kahit anong reklamo mula sa kanya kahit pa buong araw siyang nasa labas ng bahay at nagta-trabaho."Mabait si daddy. Mabait siya at responsable. Wala akong ibang nakita na ni-minsan ay nagreklamo siya kay Mommy tungkol sa trabaho niya," sagot ko bago ako bumuntong hininga.Maganda ang pamumuhay namin noon. Maganda at masaya, akala ko nga ay panghabang buhay na."What was his job?" biglang tanong ni Michael.Natigilan

  • The Rented Wife   Chapter 356

    I was still in awe whenever I think about what had happened to us. I still love him. Malalim akong huminga nang makita ko si Michael na naglalakad papunta sa gawi namin ni Redenn. Nasa likuran niya si Tyron at tatlo pang hindi ko kilalang mga lalaki. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Dahil hindi ko kayang titigan ang maganda niyang mga mata. "Twenty minutes late," sabi ni Michael nang tuluyan ng makalapit sa amin. Nakatingin pa siya sa wrist watch niya. "Traffic," biglang sagot ni Redenn habang inaayos ang suit na kanyang suot. Hindi naman sumagot si Michael kaya roon na ako tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin. At may kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata. "Ahem," natatawang untag ni Tyron bago siniko si Redenn. Natawa naman si Redenn bago hinila si Tyron papunta sa kung saan. "Ano?" pagbungad ko kay Michael nang makita kong titig na titig pa rin siya sa akin. Napailing naman siya ng marahan bago muling tumingin sa akin. "Nothing," simpl

  • The Rented Wife   Chapter 355

    I don't know what to do anymore. Maybe life is indeed harsh to me. Nanatili kaming sakay ng nirentahang jeep ni Michael. Pareho lang kaming tahimik habang nakaupo at naghihintay na marating na namin ang palengke. Patuloy akong nanahimik, at hindi kumikibo ngunit agad nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko na dala-dala ko nga pala ang cellphone na ibinigay sa akin ni Michael. Mabilis kong kinapa ang suot kong dress na above the knee. Ngayon ko lang din naalala na wala nga pa lang bulsa ang suot kong damit. "Hala, saan ko inilagay 'yon?" tanong ko sa aking sarili. Mabagal at marahan ko namang nilingon si Michael na nakatingin na pala sa akin sa mga oras na 'to. Mabilis ko naman siyang kinunutan ng noo. "Ano? Tinitingin-tingin mo?" tanong ko bago ko muling ibinaling ang aking paningin sa labas ng jeep. Kunwari ay kalmado lang ako pero ang totoo n'yan ay abot-abot na ang aking kaba dahil hindi ko maalala kung saan ko nga ba inilagay ang phone na ibinigay sa akin ng lalaking 'to. I

DMCA.com Protection Status