Share

Chapter 3

Penulis: Purpleyenie
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-29 19:42:56

Nanatili akong nakaupo at nag-abang sa loob ng jeep hanggang sa marating ko na ang lugar na aking pag-aapplyan. Hindi ko alam pero tila habang papalapit ang jeep na sinasakyan ko, tumi-triple ang kabog ng aking dibdib.

Sa lahat ng mga trabaho na napag-applyan ko, ngayon lamang ako kinabahan ng ganito.

Nakapag-apply na rin naman ako sa ibang kompanya, pero confident ako sa interview na pinagdaanan ko sa mga kompanyang 'yon.

Iba ang araw na 'to, parang may kakaiba at bagong mangyayari.

"Para po," sabi ko nang matanaw ko na ang building na aking pakay.

Bumaba na ako sa sasakyan nang huminto ito. Huminga ako ng malalim bago naglakad patungo roon.

Huminto ako 'di kalayuan sa lugar kung saan iyon nakatayo.

Napaka-laki pala talaga nito, at napakataas. Kumikinang din ang paligid nito, dahil nagrereflect ang kalangitan sa exterior design nitong salamin. Nakakabighani, nakakaakit.

First time kong mag-apply sa ganito kalaking kompanya. Pero kahit gano'n, wala naman akong ibang ineexpect at ipinagdarasal, kung hindi ang makapasa sa evaluation at matanggap sa trabaho. Lahat naman ata ng taong nag-aapply at umaasa ay 'yon ang tanging hiling.

"Kaya mo 'to," bulong ko sa aking sarili bago huminga ng malalim at naglakad papunta naman sa main entrance ng Seth Corporation.

Humigpit ang hawak ko sa folder na nasa kamay ko. Laman nito ang resume ko na pinaprint ko no'ng nakaraang gabi.

"Good morning po," magiliw na bati ko sa gwardya kahit na ang totoo ay malakas ang tibok ng aking puso.

"Good morning po, Ma'am. Ano pong satin?" nakatinging tanong nito sa akin.

"Mag-aapply po," sagot ko sa kaniyang tanong bago ako ngumiti.

Hindi naman na sumagot ang gwardya at agad na inabot sakin ang applicant's I.D.

"Salamat po," ngumiti ako at bahagyang yumuko. Tumango naman siya at bahagya ring ngumiti.

Buti na lang at 'di mahigpit dito, at mas lalong 'di masungit ang Guard.

Marahan akong naglakad at inilibot ang aking paningin sa loob ng building. Nakakalula sa laki at ganda ang loob nito.

Huminga muli ako ng malalim nang muling kumabog ng mabilis ang aking puso.

Nasu-suffocate at nanghihina ako sa kaba na meron ako sa mga oras na 'to.

Marahan kong ipinikit ang aking mga mata at muling naglakad sa loob nitong building.

Maliligaw ata ako dahil sa laki at lawak nito. Ang dami rin 'tong pasikot-sikot.

"Saan kaya dito 'yong lobby?" tanong ko sa aking sarili.

"Diretso ka, then take a right turn," mabilis akong napalingon sa aking kanan nang may narinig akong nagsalita.

"What?" natatawang tanong nito sa akin nang makita niya akong nakatingin sa kaniya.

Nakatuxedo itong itim, at maganda ang postura. Maganda ang kaniyang mga matang kulay brown at matangos ang kaniyang ilong.

"Starstruck, Miss?" mabilis akong napailing at nahihiyang napayuko.

"Salamat," awkward na sabi ko.

"Pfft. Don't mention it. Anyway, where to?" tanong nito.

"Maga-apply po kasi sana ako, kaso 'di ko alam kung saan dito," sagot ko habang nanatiling nakayuko ang aking ulo.

Marahan kong sinilip kung nakatingin ito sa akin, at hindi nga ako nagkamali. Bahagya itong nakayuko at parang sinisilip ang aking mukha.

"If you're here to apply for that position, go on that way," sabi niya sabay turo sa isang pasilyo papuntang kaliwa.

"Then, may makikita kang seats and a room. That's the interview area," dugtong pa nito sa kaniyang sinasabi.

Bahagya muli akong yumuko, "Maraming salamat po," sagot ko.

Matapos kong sabihin 'yon, agad din akong umalis sa kaniyang harapan. Bahagya pa lamang akong nakakalayo sa lugar kung saan ako kanina nakatayo nang marinig kong muli ang boses niya.

"See you later, Miss!" sigaw nito sa akin.

Napalingon ako sa lugar kung saan ako kanina nakatayo. Sa lugar kung saan kami nag-usap, ngunit wala na roon ngayon ang lalaki.

Ngayong nakaalis na ako sa kaniyang harapan, ngayon ko lamang napansin na pigil ko pala ang aking paghinga.

Inilibot ko ang aking mata, at nagulat ako nang makita kong pinagtitinginan ako ng mga taong kasabayan ko sa paglalakad. Bakit? May dumi ba ako sa mukha?

Marahan at palihim kong pinunasan ang aking pisngi habang patuloy ako sa paglakad. Pagkatapos ay yumuko akong muli at pinagsawalang bahala ang mga tingin na ibinibigay nila sa akin.

Sinunod ko ang instruction na tinuro nang lalaki kanina.

Patuloy kong nilakad ang pasilyo na tinuro niya hanggang sa marating ko ang dulo nito. Inilibot ko ang aking paningin, at nang may nakita akong mga upuang maayos na nakalinya sa gilid ng pader. At sa harapan ko naman ay may isang pinto, alam kong nasa tamang lugar na 'ko.

Lumapit ako sa isang babae na may hawak na isang folder na nasa tabi ng pinto.

"Good morning, Miss. Dito po ba ang interview area?" magalang na tanong ko. Bahagya naman itong ngumiti.

"Yes, Ma'am. But before you proceed, kindly answer this form," sabi niya sabay abot sa akin ng isang form na may dalawang pahina.

"Then once you're done, pass this to me with your resume. Thank you," dugtong pa niya sa kaniyang sinasabi.

"Thank you," sagot ko bago kinuha mula sa kaniyang kamay ang form. Tango na lang naman ang naging tanging sagot niya sa akin.

Alam ko naman na kung ano ang mga proseso sa pag-aapply. Ang pinagkaiba nga lang, isang malaki at exclusive na kompanya ang inaapplyan ko sa araw na ito.

Kailangan kong gawin ang lahat para makapasok dito. Kahit bilang isang janitress lamang. Kailangan kong gawin ang lahat para makatulong sa aming pamilya. Ako na lamang ang pag-asa nila, ako na lamang ang maaasahan ni Mommy.

Lumapit ako sa isa sa mga bakanteng upuan at nag-fill-up ng inabot sa aking form.

Patuloy lamang ako sa pagsulat nang 'di nagtagal ay may mga lalaking naka-formal attire ang dumaan sa gilid ko. Tatlo silang naglakad patungo sa babaeng pinagtanungan ko kanina.

Nakita ko naman kung paano na ang singkit na mga mata nang babae ay lumaki.

Hindi ko rin alam kung bakit bigla na namang tumibok ng mabilis ang tahip ng aking puso.

Sila ba ang mag-iinterview sa amin? Likod pa lamang nila ay nakaka-intimidate na.

Lahat kami nakamasid habang marahan na nag-uusap ang babae, at ang isa sa mga lalaking naka-formal attire at nakatayo sa kaniyang harapan.

Kung titignan, makikita mong nakangiti at confident ang babae, ngunit ang kaniyang mga mata ay malikot at balisa. Siguro isa sa mga executive ang tatlong ito.

Bahagya kong ginalaw papuntang kaliwa ang aking ulo upang makita ng lubos ang tindig at hubog ng taong kausap niya. Nacu-curious kasi ako dahil sa kaba na nakikita ko sa maamong mukha ng babaeng pinagtanungan ko kani-kanina lang.

Hindi ko alam kung sino ba o ano ang posisyon ng mga lalaking kausap ng babae dito sa kompanyang 'to. Pero isa lang ang masasabi ko, napaka-misteryoso ng awra ng isa sa kanila.

---

Ilang oras na rin ang nakakaraan nang ipasa ko ang form at resume ko sa babae. Ilang babaeng na-interview na rin ang lumabas mula sa kwarto.

Sa totoo lang, kanina pa ako napapaisip. Bakit walang mga lalaking applicants? Bakit puro babae lang? Babae lang ba ang hina-hire nila bilang employee? Pero may nakita naman ako kaninang mga lalaki habang naglalakad ako papunta rito. Nakausap ko pa nga ang isa, 'di ba?

Sana nagha-hire sila ng bagong tauhan para maging maintenance ng kompanya nila. Kahit saan ako ilagay ay buong puso kong tatanggapin.

Hindi ko talaga alam kung anong posisyon ang hinahanapan nila ng magiging tao.

Hindi ko rin naman talaga alam kung nagha-hire ba sila ng para sa maintenance.

May narinig lang kasi akong dalawang babaeng nag-uusap, mga nakatabi ko sa jeep habang pauwi ako galing sa paghahanap ng trabaho. Pinag-uusapan ng mga babaeng 'yon na hiring nga ang Seth Corporation. Kinikilig pa nga ang dalawang babae habang pinag-uusapan ang kompanyang 'to.

Nag-background check naman ako tungkol sa Seth Corporation. At isa ito sa pinaka successful na business ngayon dito sa loob ng ating bansa, at sa ibang bansa rin mismo.

Marami akong nalaman na impormasyon tungkol sa Seth Corporation. Marami ring businessman ang humahanga sa batang may-ari nito. Dahil napalago nito ang business nila kahit na noong mga panahong ipinasa sa kaniya ang Seth Corporation ay lubog na ito sa utang, at malapit ng ma-bankrupt.

Dalawang taon pa lamang daw ang lumipas mula nang umupo ang batang may-ari, pero nagawa na nitong iangat mula sa pagkakalugmok ang kompanya.

Ang daming articles ang nagkalat tungkol sa kung gaano siya kagaling sa industriyang ito. Ngunit ang nakakapagtaka, ni-isang articles ay walang makapagbigay ng malinaw na litrato ng may-ari nito.

Maraming kuro-kuro at kwentong nagsasabi na 'di naman daw basta bata ang may-ari ng Seth Corporation. Kung hindi isa raw tao na may buntot ng isda, sireno raw ito kaya ayaw magpakita sa media, at kung bakit sa maikling panahon ay naiangat na nito ang kanilang kompanya. Ito raw marahil ang dahilan kung bakit maswerte ang may-ari nito.

Hindi rin daw kasi nito ugaling magpainterview. Mailap ito na kahit mga paparazzi ay hindi siya makuhaan ng litrato.

Napaka-misteryoso naman ng lalaking 'yon. Pati ako, pati ako gustong malaman kung ano ba talagang itsura niya.

Busy ako sa patuloy na pag-iisip nang maramdaman kong may tumapik sa aking balikat.

"Miss, ikaw na ata," sabi nang babae na aking katabi.

Tinignan ko ang paligid ko, at halos lahat nga sila ay nakatingin sa akin. Pati na ang babae sa tapat ng pinto.

"Miss Ocampo?" aniya nang babae habang nakatingin sa akin.

Agad naman akong napatayo.

"Ako po," sabi ko sabay taas ng aking kanang kamay. Ngumiti naman ang babae bago iminuwestra ang kaniyang kamay sa pinto bago ito binuksan. Bahagya naman akong ngumiti bago naglakad palapit sa kaniya.

Isang hakbang na lamang ang aking gagawin at nasa loob na ako ng kwarto nang marinig kong nagsalita ang babae.

"Good luck," sabi nito bago isara ang pinto.

Pagkasara nang pinto, 'di agad naalis ang tingin ko roon. Hindi ko alam kung bakit imbes na mapanatag ako ay mas kinabahan ako sa tono ng pananalita nang babae.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at huminga ng malalim, at kinalimutan ang kung ano mang nasa isip ko.

Kailangan mong tatagan ang loob mo para sa pamilya mo!

Muli akong huminga ng malalim bago nagsimulang humakbang palapit sa isa pang pinto.

"Kaya mo 'to," bulong ko sa sarili ko bago ako huminga muli ng malalim.

Hinawakan ko ang doorknob bago dahan-dahan itong binuksan. Pinikit ko panandalian ang aking mga mata bago ako humakbang ng tuluyan papasok sa loob.

Nang tuluyan na akong makapasok, mabilisan kong iniangat ang aking ulo at tinignan ang aking paligid.

Sa kanang bahagi ko ay may tatlong lalaking nakaupo. Sila ang mga lalaki kanina na kumausap sa babae sa tabi ng pinto.

Nanatili ang aking mga mata sa kanila ngunit 'di nagtagal ay ibinaba ko ito nang ang isa sa kanila ay tumingin sa aking gawi.

Patuloy akong naglakad hanggang sa marating ko ang nag-iisang upuan sa harapan nila.

Yumuko ako ng marahan, at akma ng uupo nang bigla akong napahinto dahil narinig kong nagsalita ang isa sa kanila.

"Renice Ocampo," sabi nito sa mababang boses.

Iniangat ko ang aking ulo. Hindi ko alam ngunit bigla akong napahinto nang magkasalubong ang aming mga mata, at nang bumilis ang tibok ng aking puso.

Ang lalaki ay nakaupo sa pagitan ng dalawa pang lalaki.

"A-ano p--" hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin ng agad niya akong pinutol.

"Be my wife," seryoso at walang emosyong sabi nito habang nakatitig sa akin.

Napatulala naman ako sa aking narinig.

Ano raw?

×××

Bab terkait

  • The Rented Wife   Chapter 4

    "Be my wife," rinig kong sabi ng lalaking nakaupo sa gitna ng dalawa pa. Mabilis na tumibok ang aking puso. Tila nabingi rin ako dahil sa aking narinig. "Ah, I am Renice Ocampo. I am applying for any position that your good company can offer," sabi ko habang nakatingin lang sa kanila. Nakita ko namang napailing ang isa sa kanila habang natatawa naman ang isa. Mabilis na kumunot ang aking noo. May nakakatawa ba sa mga sinabi ko? Nakakatawa ba na okay lang sa akin ang kahit anong posisyon na maaari kong makuha sa kompanya nila? "Look, I told you not to start it with that kind of--pfft!" sabi ng isa sa kanila habang pinipigilan ang kanyang pagtawa. Teka, bakit pamilyar sa akin ang mukha niya? "I don't know either. You know how I told him to start it with a proper introduction," sabi naman ng isa habang tumatawang nakatingin sa lalakin

  • The Rented Wife   Chapter 5

    "This is your room," sabi ni Michael sa akin. Nakatayo kami ngayon sa tapat ng isang malaking pinto. "Dito? Ako?" tanong ko habang nakatingin sa kanya. "Yes," simpleng sagot niya bago naglakad papalayo sa akin. Nanatili naman akong nakatayo sa harapan ng pinto kung saan niya ako iniwan, pero ang mga mata ko ay nanatiling nakasunod sa kanya. Kinagat ko naman ang pang-ibaba kong labi bago ko binuksan ang cellphone kong kanina pa nasa loob ng aking bag. Napahinga ako ng malalim. Lowbatt na kasi ngayon ang cellphone ko, at 'di ko alam kung paano ko tatawagan at sasabihin kay mommy na hindi ako makakauwi ngayong gabi. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko tungkol sa trabaho ko. Hinawakan ko ang doorknob ng pinto nang magsisilbi kong kwarto rito sa bahay ni Michael. Mabagal ko itong binuksan at mabagal ko ring sinilip ang loob no'n. Kaagad kong kinapa ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto. Madilim kasi ang loob nito at 'di ko ri

  • The Rented Wife   Chapter 6

    Nanatili akong nakaupo sa upuan habang patuloy kong iniisip kung bakit nga ba pinili kong pumayag sa deal na 'to. Napabuntong hininga ako. "Para sa pamilya mo, Renice. Hindi ba?" pagkausap ko sa aking sarili. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at saka ko kinuha ang cellphone kong lowbatt na. Isa pa 'to sa iniisip at pinaka problema ko sa mga oras na 'to. Hindi pa alam nila mommy na hindi ako makakauwi. Sobrang biglaan kasi ng pagtira ko rito at pagkukunwari kong asawa ng manyak na 'yon. Sinabunutan ko ang sarili kong buhok. Wala akong charger, at hindi na ako papayagang umalis pa ng lalaking 'yon ngayon dahil halos hating gabi na. Napasandal ako sa kinauupuan ko. May dadagdag pa ba sa mga iniisip ko sa mga oras na 'to? "Aw," isang salitang kusang lumabas sa bibig ko nang maramdaman ko ang pagkulo ng aking tiyan. "Sumabay ka pa," wala sa sariling untag ko. Hindi pa pala ako kumakain mula kanina, kahit pa

  • The Rented Wife   Chapter 7

    Nanatili akong nakaupo sa tapat ng study table. Kagat-kagat ko ang pang-ibaba kong labi habang mahinang humihikbi. Nakapatong na ngayon sa study table ang nagkahiwa-hiwalay ng parte ng cellphone ko. Nagsisisi ako. Maling-mali na humingi ako ng tulong sa siraulong katulad ng lalaking 'yon. Malalim akong napabuntong hininga. Kasalanan ko rin, kasalanan ko rin na umasa ako na kahit papaano ay may mabuting puso naman ang Michael na 'yon. Masyado ko kasing dinala ang sarili ko sa mga naging maliit na pag-uusap namin kanina sa ibaba. Napahinga ako ng malalim. Walang kahit anong cellphone ang makakapalit dito. Ito pa kasi ang cellphone ni Daddy. Ito 'yong cellphone at huling hawak-hawak niya bago siya mamatay. Galing pa 'to kay daddy. Binigay 'to sa akin ni mommy dahil sa tuwing nakikita niya ito ay naaalala niya ang araw na nagpabago sa buhay naming lima. At ngayon, wala na 'to. Sinira na 'to ng lalaking 'yon. Patuloy akong umiyak habang din

  • The Rented Wife   Chapter 8

    Iniharang ko ang aking kaliwang kamay sa aking mukha dahil tumatama ang sinag ng araw dito. Mabagal kong iminulat ang aking mata ang inilibot ang aking paningin sa paligid. Ilang minuto muna akong nakatingin lang sa kawalan bago nag-sink in sa akin kung nasaan ako sa mga oras na 'to. Kaagad akong umupo mula sa pagkakahiga sa kama, at inilibot ang aking paningin sa paligid. Nakalimutan ko na nandito nga pala ako sa bahay ng lalaking 'yon. Nakalimutan ko na isa nga pala akong pekeng asawa ng isang Michael Seth. Kaagad akong tumayo mula sa pagkakaupo at lumapit sa bag kong nakapatong pa rin sa ibabaw ng lamesa. Napahinto naman ako nang makita ko ang sira kong cellphone na nakapatong sa mesa katabi nitong aking bag. Ilang minuto muna akong nakatitig lang doon bago ako napabuntong hininga. Dahan-dahan kong kinuha 'yon at tinitigan bago ako ngumiti. Masama pa rin ang loob ko dahil sa ginawa ng lalaking 'yon sa cellphone ko ka

  • The Rented Wife   Chapter 9

    Nakatayo ako ngayon sa tapat ng salamin dito sa walk-in closet na sinabi ni Michael. Tinititigan ko ang aking sarili. Suot-suot ko ang mga damit na ibinigay niya sa akin kanina. Ito ang mga gamit na dala-dala niya at nakapatong sa hawak niya kaninang tray. Napahinga ako ng malalim habang nanatili ang aking mga mata sa aking sarili. Ngayon lamang ako nakasuot ng ganito kagandang damit. Karamihan kasi ng damit ko ay nabili lang sa ukay-ukay, o 'di kaya ay pinaglumaan lang ng mga nakatrabaho ko. Ngayon lamang ako nagkaroon ng damit na may tatak o branded. Dahil wala naman akong kakayahan na bumili ng ganito. Mabilis naman akong napatingin sa kaliwang bahagi ko nang marinig ko ang pagtunog ng bago kong cellphone. Kagat labi ko 'yong dinampot at tinignan kung sino ang tumatawag. "Sino kaya 'to?" tanong ko sa aking sarili habang nakatingin pa rin sa cellphone. Patuloy pa rin ito sa pag-ri-ring pero hindi ko naman alam kung paano ito sasagutin.

  • The Rented Wife   Chapter 10

    "Dito na lang," sabi ko kay Michael habang nakatingin sa paligid ng mataong palengke. Mabagal ang usad namin ngayon dahil maraming tao ang namamalengke. Hindi ko sinabi kung anong lugar ito basta sinabi ko kung saan dapat kami daraan kaya ngayon ay nandito kami. Hindi siya umimik kaya muli ko siyang tinignan. "Dito na lang tayo," ulit ko ngunit nanatili pa rin siyang nagmamaneho. "Ayaw mo ba rito?" tanong ko pa. Nilingon naman niya ako bago niya ibinalik ang kanyang atensyon sa paligid. "Why here? There's a lot of place to go," sabi naman niya sa akin. Napasandal naman ako sa upuan bago ako napahinga ng malalim. "Mura lang kasi ang bilihin dito sa palengke, hindi katulad sa mga grocery store. At saka, ayoko sagarin ang utang ko sa 'yo. Baka wala na akong sahurin," sagot ko naman sa kanya. "What are you going to buy?" tanong naman niya sa akin. Napaikot naman ang aking mata sa paligid. "Kahit ano basta pa

  • The Rented Wife   Chapter 11

    Patuloy ako sa paglakad papasok ng mall. Medyo masama ang loob ko sa ginawang pagtawa sa akin ng lalaking 'yon. "Where are you going?" rinig kong tanong ni Michael mula sa aking likod. Patuloy pa rin ako sa paglalakad kahit 'di ko alam kung saan ba ako dapat magtungo. "Hey," rinig kong sabi niya bago ko naramdaman ang paghapit niya sa aking kamay. "Ano ba?!" bulyaw ko. Napatingin naman si Michael sa paligid bago siya tumingin ulit sa akin. "You are being too loud again," nakakunot noong sabi niya. Hindi naman ako umimik, tanging inilagay ko na lang ang aking kamay sa aking dibdib at masamang tumingin sa kanya. "At nakakainis ka na naman," sagot ko naman bago ako tumalikod muli sa kanya. "What?" narinig kong natatawang tanong niya habang naglalakad sa aking likod. "What-what-in mo 'yang mukha mo," sabi ko naman habang patuloy pa rin sa paglakad. Hindi naman na siya umimik pero narinig ko pa rin an

Bab terbaru

  • The Rented Wife   Chapter 363

    Malalim akong huminga nang makita ko si Michael na naglalakad papunta sa gawi namin ni Redenn. Nasa likuran niya si Tyron at tatlo pang hindi ko kilalang mga lalaki. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Dahil hindi ko kayang titigan ang maganda niyang mga mata. "Twenty minutes late," sabi ni Michael nang tuluyan ng makalapit sa amin. Nakatingin pa siya sa wrist watch niya. "Traffic," biglang sagot ni Redenn habang inaayos ang suit na kanyang suot. Hindi naman sumagot si Michael kaya roon na ako tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin. At may kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata. "Ahem," natatawang untag ni Tyron bago siniko si Redenn. Natawa naman si Redenn bago hinila si Tyron papunta sa kung saan. "Ano?" pagbungad ko kay Michael nang makita kong titig na titig pa rin siya sa akin. Napailing naman siya ng marahan bago muling tumingin sa akin. "Nothing," simpleng pagsagot lang niya. Napaiwas naman ako ng tingin. Nasa labas kami ng mansion at m

  • The Rented Wife   Chapter 362

    Papunta kami ngayon ni Michael sa conference room para sa susunod na meeting ko with the board members.Marahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha. Kaagad kong iniharang ang aking kamay upang mawala ang liwanag na ngayon ay patuloy na sumisilaw sa akin."Goo--" hindi ko na natapos pa ang kung ano sanang sasabihin ko nang matapos ko6ng tumingin mula sa aking likod ay wala na ang lalaking sa huli kong pagkakatanda ay katabi kong natulog kagabi."Michael?" pagtawag ko sa kanya. Baka kasi nasa cr lamang siya ng kwartong ito."Michael?" pagtawag ko ulit bago ako mabagal na umupo mula sa pagkakahiga at iniharang sa aking hubad na katawan ang comforter na kagabi ay sabay pa naming gamit.Nasaan ba ang lalaking 'yon?"Michael? Nasaan ka?" pagtawag ko ulit bago ako bumaba sa kama at hinanap kung saan inilagay ni Michael ang mga damit na suot ko kagabi. Napakagat naman ako ng pang ibabang la

  • The Rented Wife   Chapter 361

    I don't know how can someone be so harsh to someone. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko makakarinig kaming dalawa ni Michael ng malalang sermon galing sa board members. Magkasama na kami ngayom ni Michael. "What are you thinking?" biglang tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa meeting area. "W-wala naman. Medyo kinakabahan lang ako. Baka kasi malakasang sermon ang makuha natin sa kanila," sabi ko bago ako napabuntong hininga. Kinakabahan ako. Baka matanggal si Michael sa pagiging CEO nang dahil sa ginawa ko na naman kanina. "Tss. As if they can," sabi naman niya bago ko naramdaman ang marahang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay. "Hey, chill. They can't scold you so relax," sabi pa niya bago bahagya akong nginitian. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi upang mawala ang kung ano mang gulo na naiisip ko sa mga oras na ito. "Sigurado ka ba na hindi sila magagalit sa atin?" tanong ko naman upang mawala ang kung ano mang mga gulo na ngayon ay pumapasok sa isip ko.

  • The Rented Wife   Chapter 360

    "Kumusta ka naman, Renice?" rinig kong tanong sa akin ni Redenn habang diretsong nakatingin sa daan. Nakasakay kami ngayon sa sasakyan ni Redenn. Papunta kami ngayon sa Seth Corporation para asikasuhin ang mga bagay na naiwan ni Michael. "Ayos lang naman ako," sabi ko habang may pilit na ngiti. Hindi ako ayos. Walang maayos. Nasasaktan ako, parang bigla akong iniwan ni Michael matapos niyang makuha ang lahat lahat sa akin. "Galit ka ba, Renice?" biglang tanong ni Redenn matapos ang ilang segundong pagiging tahimik namin. "Ha? Bakit naman?" tanong ko bago ako napatingin ng diretso sa daan. Bakit naman ako magagalit? At kanino naman? "Dahil ilang araw ng 'di nagpapakita si Michael sa iyo?" sagot naman nito sa akin. Hindi ako kaagad nakaimik. Nakakaramdam ako ng inis, at tampo dahil bigla na lang siyang nawala ng walang pasabi. Pero hindi ko 'yon maaaring aminin dahil alam ko naman sa sarili ko na wala akong karapatan. "A-ano namang magagawa ko kung ayaw niya magpakita o kung gus

  • The Rented Wife   Chapter 359

    Patuloy ako sa pagbabasa ng mga laman ng folders na narito sa mesa ni Michael. Sa totoo lang kanina pa ako rito pero wala pa ako ni isang napipirmahan o naa-aprubahan na plano.Napahinga ako ng malalim. Bukod sa wala talaga akong alam sa ginagawa ko, hindi ko rin maintindihan bakit ganito ang nararamdaman ng puso ko.Nasasaktan ako. Hindi lang dahil sa sinabi ng sekretarya ni Michael, kung hindi dahil kay Michael mismo. Paano nga ba kung may kasama na siyang iba? Katapusan na rin ba 'yon ng kontrata naming dalawa? Tapos na ba ang trabaho ko sa kanya bilang rented wife?Binitawan ko ang ballpen na kanina ko pa hawak pero ni-isang beses ay hindi ko pa nagamit dahil wala pa naman akong napipirmahan na kahit ano.Napasandal pa ako sa swivel chair bago ako napatingin sa kisame.Kinagat ko rin ang pang ibaba kong labi nang maramdaman ko ang pagbigat ng aking mga mata at ang pang iinit nito.Kung nasaan man si Michael, sana maalala niya man lang ako. At sana naaalala niya rin ako kagaya ko n

  • The Rented Wife   Chapter 358

    Tulala lang akong nakatayo ngayon sa tapat ng elevator katabi si Michael. Ito na ang araw na 'yon. Ito na ang araw na makikilala na ako ng board members, at ito na rin ang araw na official na akong ipapakilala ni Michael hindi lang sa board at sa buong kompanya, kung hindi pati na rin sa mga kaaway niya sa underground world. "Hey, are you okay?" biglang tanong ng lalaking kasalukuyang katabi ko at mahigit na may hawak ng kanang kamay ko. Marahan naman akong ngumiti bago ako tumango. "Okay lang naman ako," sabi ko bago ako muling ngumiti. Ayaw kong ipakita kay Michael ang totoo kong nararamdaman. Ayaw kong makita niya na natatakot ako. Natatakot ako hindi dahil sa ihaharap ako sa mga taong isa sa dahilan kung bakit maganda ang takbo ng Seth Corporation ngayon, kung hindi dahil sa katotohanan na maaari muling malagay ang buhay ko sa tiyak na kapahamakan Hindi ko kaagad narinig ang sagot ni Michael, pero hindi rin nagtagal, narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. "Why are

  • The Rented Wife   Chapter 357

    "I want to hear a lot of things behind your life," sabi niya pa bago ako tinignan ng diretso muli sa mata.Natatakot ako, natatakot akong mahusgahan niya nang dahil sa nagawa ko sa aking ama.Napaiwas naman ako ng tingin bago ako huminga ng malalim. Makakaya ko bang aminin sa kanya ang totoo?"A-ano naman ang gusto mong malaman?" tanong ko pa."How was he as a father to you and to your siblings?" tanong niya. Hindi ako kaagad nakaimik.Mabait, responsable, at higit sa lahat mapagmahal na ama siya sa amin ni Ranie noong panahon na nabubuhay pa siya. Wala kaming narinig na kahit anong reklamo mula sa kanya kahit pa buong araw siyang nasa labas ng bahay at nagta-trabaho."Mabait si daddy. Mabait siya at responsable. Wala akong ibang nakita na ni-minsan ay nagreklamo siya kay Mommy tungkol sa trabaho niya," sagot ko bago ako bumuntong hininga.Maganda ang pamumuhay namin noon. Maganda at masaya, akala ko nga ay panghabang buhay na."What was his job?" biglang tanong ni Michael.Natigilan

  • The Rented Wife   Chapter 356

    I was still in awe whenever I think about what had happened to us. I still love him. Malalim akong huminga nang makita ko si Michael na naglalakad papunta sa gawi namin ni Redenn. Nasa likuran niya si Tyron at tatlo pang hindi ko kilalang mga lalaki. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Dahil hindi ko kayang titigan ang maganda niyang mga mata. "Twenty minutes late," sabi ni Michael nang tuluyan ng makalapit sa amin. Nakatingin pa siya sa wrist watch niya. "Traffic," biglang sagot ni Redenn habang inaayos ang suit na kanyang suot. Hindi naman sumagot si Michael kaya roon na ako tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin. At may kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata. "Ahem," natatawang untag ni Tyron bago siniko si Redenn. Natawa naman si Redenn bago hinila si Tyron papunta sa kung saan. "Ano?" pagbungad ko kay Michael nang makita kong titig na titig pa rin siya sa akin. Napailing naman siya ng marahan bago muling tumingin sa akin. "Nothing," simpl

  • The Rented Wife   Chapter 355

    I don't know what to do anymore. Maybe life is indeed harsh to me. Nanatili kaming sakay ng nirentahang jeep ni Michael. Pareho lang kaming tahimik habang nakaupo at naghihintay na marating na namin ang palengke. Patuloy akong nanahimik, at hindi kumikibo ngunit agad nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko na dala-dala ko nga pala ang cellphone na ibinigay sa akin ni Michael. Mabilis kong kinapa ang suot kong dress na above the knee. Ngayon ko lang din naalala na wala nga pa lang bulsa ang suot kong damit. "Hala, saan ko inilagay 'yon?" tanong ko sa aking sarili. Mabagal at marahan ko namang nilingon si Michael na nakatingin na pala sa akin sa mga oras na 'to. Mabilis ko naman siyang kinunutan ng noo. "Ano? Tinitingin-tingin mo?" tanong ko bago ko muling ibinaling ang aking paningin sa labas ng jeep. Kunwari ay kalmado lang ako pero ang totoo n'yan ay abot-abot na ang aking kaba dahil hindi ko maalala kung saan ko nga ba inilagay ang phone na ibinigay sa akin ng lalaking 'to. I

DMCA.com Protection Status