Wala akong ibang ginawa kung hindi ang titigan ang bawat galaw ng mga lalaki rito sa baba habang patuloy sila sa pagbaril. Wala akong ibang naririnig sa mga oras na ito kung hindi mga mura at tunog ng baril. Nanatili akong nanonood hanggang sa nagawi na ang aking mga mata sa kanya. Hindi ko alam kung bakit napangiti ako. Habang nakatitig sa kanya, isang alaala naming dalawa pumasok bigla sa isip ko. Flashback "I said don't move!" striktong sabi sa akin ni Michael nang sinubukan ko muling umupo. Masama ang tingin niya sa akin at mukhang ano mang oras mula ngayon ay kaya niya akong biglang saktan. "K-kaya ko na!" pagpupumulit ko. Hindi ko na kasi gusto pang manatili sa hospital na ito dahil mukhang dito ako tuluyang magkakasakit. "Tss. As if I am going to allow you," biglang sabi ni Michael bago siya naupo sa dulo ng kama kung saan ako ngayon nakahiga. Mabilis na kumunot ang noo ko nang dahil sa kanyang sinabi. "Ano ang ibig mong sabihin?" nakakunot ang mga noong tanong ko. T
Wala akong ibang ginawa kung hindi ang manatiling nakatayo lang dito. Nanatili lang akong nakatitig kay Michael sa mga oras na ito. Muli kong naramdaman ang kakaibang kaba na naramdaman ko kanina. Hindi ko alam kung bakit ganito, pero pamilyar na pamilyar na sa akin ang ganitong takot. Flashback Patuloy kami sa paglakad papunta sa kung saan. Hindi ko nga alam kung alam ba talaga nitong si Michael kung saan niya nais pumunta. "Saan mo ba talaga trip pumunta?" tanong ko bago tinakbo ang maliit na pagitan naming dalawa. Hindi naman siya umimik pero nakita kong pinasadahan niya ako ng tingin. "Sagot na kasi. Ang usapan papautangin mo ako para makabili ng mga pagkain na iiwan ko sa bahay namin, pero 'di ko alam anong tumatakbo d'yan sa isip mo," sabi ko pa. Napasimangot naman ako bago patuloy na sumunod sa kanya sa paglakad. "Saan mo ba kasi trip na pumunta? Iiwanan kita rito, tignan mo," dugtong ko pa bago ko tinignan ang dinaanan namin kanina. Medyo malayo na rin kami sa mall, at
Nakatingin lang ako kay Michael. Kahit ganito lang ang ginagawa ko, iba't ibang alaala ang bigla na lamang bumabalik sa isip ko. Flashback Nanatili akong nakaupo sa upuan kung nasaan kami kanina nag-usap ni Mommy. Napatingin pa ako sa kalangitan bago ako napabuntong hininga. "That was deep," narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Mabilis ko naman kaagad siyang tinignan. Nakatayo ngayon sa tabi ng upuan na inuupuan ko si Michael habang may dala-dalang dalawang baso. Hindi naman ako sumagot, tanging pag-ngiti lamang ang ginawa kong pagsagot. "Happy birthday," sabi niya bago iniabot sa akin ang hawak niya pa ring baso. Mabagal ko namang inabot 'yon bago ako muling ngumiti. "Salamat," tanging sagot ko habang nakangiti pa rin. Hindi naman na sumagot si Michael, pero sa pagkakataong ito, tinignan niya lamang ako sa mga mata. "May I?" biglang tanong niya bago tumingin sa tabi ko at bago niya ibalik ang kanyang paningin sa akin. Tumango naman ako bago ako umusog ng pagkakaupo pa
Makailang buntong hininga ang ginawa ko bago ko napagdesisyonan na tuluyan nang lumabas sa lunggang pinagtataguan ko. Ngunit nang akma ko ng itatapak ang aking mga paa sa sahig, bigla kong narinig na nagsalita si Michael.Hindi siya nakatingin sa akin. Nakatago na rin siya ngayon sa madilim na parte nitong likod bahay. Matapos niyang patayin ang ilang mga lalaki ay bigla na lamang siyang nagtago."Don't," tanging narinig kong bulong niyang sabi sa akin. Kaagad naman akong napahinto sa paglabas. Gusto ko sanang lumipat sa pwesto kung saan siya nagtatago, ngunit hindi ko magawa dahil sa kung paano niya ako tignan.Hindi naman siya gano'n kalayo sa akin, ngunit panigurado na kung susubukan ko ngang lumabas ay mapapahamak ako.Sisiguraduhin ko talaga na matapos ang araw na 'to, ibababad ko ang sarili ko sa pag-ti-training.Napahinto ako. Napahinto ako nang bigla na lamang akong may maalala.Flashback"Let's eat," nakangiting sabi ni Michael bago siya naglakad papalapit sa gawi ko.Nakatay
Naiinis ako sa sarili ko dahil nanatili akong nakatago lang at walang magawa upang tulungan si Michael. Hanggang dito na lang ba talaga ang magagawa ko para sa kanya? Hanggang pagtatago na lang ba? Malalim akong huminga. Sa palagay ko tuloy ay tama ang sinasabi dati nang sekretarya sa akin ni Michael na hindi ako bagay maging asawa niya. Flashback "Kumusta ka naman, Renice?" rinig kong tanong sa akin ni Redenn habang diretsong nakatingin sa daan. Nakasakay kami ngayon sa sasakyan ni Redenn. Papunta kami ngayon sa Seth Corporation para asikasuhin ang mga bagay na naiwan ni Michael. "Ayos lang naman ako," sabi ko habang may pilit na ngiti. Hindi ako ayos. Walang maayos. Nasasaktan ako, parang bigla akong iniwan ni Michael matapos niyang makuha ang lahat lahat sa akin. "Galit ka ba, Renice?" biglang tanong ni Redenn matapos ang ilang segundong pagiging tahimik namin. "Ha? Bakit naman?" tanong ko bago ako napatingin ng diretso sa daan. Bakit naman ako magagalit? At kanino naman?
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Basta ang alam ko, kasabay nitong nangyayari ay ang pagbalik nang mga ilan kung alaala rito. Flashback Tulala lang akong nakaupo habang nandito sa loob ng sasakyan ni Michael. Hindi ako umiimik magmula kanina pa. Hindi ko rin kasi alam kung bakit muling pumasok sa isipan ko ang nangyari labing-dalawang taon na ang nakakaraan. Ang maalala ang bagay na 'yon ang isa sa pinaka ayaw kong nangyayari. Pero hindi ko alam kung bakit paulit-ulit akong hinahatak pabalik ng nakaraan. Sa sobrang sama ng pakiramdam ko, hindi ko na namalayan na nakasakay na kami ni Michael ng elevator. Magmula kasi nang yakapin niya ako kanina ay hindi na ako tumigil pa sa pag-iyak, hindi ko rin alam kung saan kami pupunta sa mga oras na ito. Basta nang bumalik ang huwisyo ko ay nakasakay na ako rito sa sasakyan habang tulalang nakatingin sa labas. "Are you okay?" narinig kong tanong ni Michael mula sa aking tabi. Mabilis ko naman
Nanginginig ang aking mga kamay habang hawak ang baril na punulot ko kanina. Kinakabahan ako. Natatakot ako. Natatakot ako dahil baka kung ano ang mangyaring masama kay Michael kapag hindi ko siya tinulungan at kinakabahan ako dahil baka hindi ko naman talaga siya matulungan, baka maging sagabal lang ako sa kanya. Napaupo ako sa sahig bago ko inalala ang unang araw na naramdaman kong may kakaibang maaaring maibigay sa akin si Michael. Flashback Mabilis kong tinakpan ang aking mukha ng aking kamay nang tumama sa akin ang mataas na sinag na araw. Mabagal naman akong tumayo mula sa pagkakahiga sa kama. Gusto ko pa sana matulog pero 'di ko alam kung bakit kahit halos nakapikit pa ang mga mata ko ay ayaw naman ng humiga nitong katawan ko. Pinilit kong tumayo mula sa kama ko at inayos 'yon. Inayos ko rin ang ilang gamit ko na nakakalat na pala sa lamesa. Patuloy ako sa pag-aayos ng gamit nang may maamoy akong mabangong aroma na nanggagaling sa labas ng kwarto. Kaagad akong napaayos ng
Nanghihina ako. Hindi ko maintindihan kung bakit nga ba palaging alaala ang pumapasok sa isip ko. Hanggang ngayon ay nandito ako, nakaupo at wala man lamang maitulong kay Michael. Flashback "Are you okay?" narinig kong tanong mula sa lalaking hanggang ngayon ay nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. "H-ha? O-oo naman," sagot ko bago ako naglakad papunta sa mga magagandang dress na ngayon ay nakasabit at handa ng pagpilian. Mabagal akong naglakad papunta sa mga iyon. Sinilip ko pa si Michael gamit ang peripheral vision ko upang makita ang kung ano mang reaction niya. Nakakunot lamang ang noo niya habang sinusundan ako ng tingin. "Kanina ka pa ba rito?" biglang tanong niya sa akin. Nilingon ko naman siya bago ako tumango. "Oo, kaya wala kang maisesermon sa akin," sabi ko bago ko hinawakan ang laylayan ng isang pulang dress. Napaka ganda naman ng isang ito. Matingkad ang pagka-kulay pula at pa-ekis ang tali nito na para sa leeg. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang hawak