Share

Chapter 164

Wala akong ibang ginawa kung hindi ang titigan ang bawat galaw ng mga lalaki rito sa baba habang patuloy sila sa pagbaril.

Wala akong ibang naririnig sa mga oras na ito kung hindi mga mura at tunog ng baril.

Nanatili akong nanonood hanggang sa nagawi na ang aking mga mata sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit napangiti ako. Habang nakatitig sa kanya, isang alaala naming dalawa pumasok bigla sa isip ko.

Flashback

"I said don't move!" striktong sabi sa akin ni Michael nang sinubukan ko muling umupo.

Masama ang tingin niya sa akin at mukhang ano mang oras mula ngayon ay kaya niya akong biglang saktan.

"K-kaya ko na!" pagpupumulit ko.

Hindi ko na kasi gusto pang manatili sa hospital na ito dahil mukhang dito ako tuluyang magkakasakit.

"Tss. As if I am going to allow you," biglang sabi ni Michael bago siya naupo sa dulo ng kama kung saan ako ngayon nakahiga.

Mabilis na kumunot ang noo ko nang dahil sa kanyang sinabi.

"Ano ang ibig mong sabihin?" nakakunot ang mga noong tanong ko.

T
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status