Share

Chapter 165

Wala akong ibang ginawa kung hindi ang manatiling nakatayo lang dito. Nanatili lang akong nakatitig kay Michael sa mga oras na ito.

Muli kong naramdaman ang kakaibang kaba na naramdaman ko kanina. Hindi ko alam kung bakit ganito, pero pamilyar na pamilyar na sa akin ang ganitong takot.

Flashback

Patuloy kami sa paglakad papunta sa kung saan. Hindi ko nga alam kung alam ba talaga nitong si Michael kung saan niya nais pumunta.

"Saan mo ba talaga trip pumunta?" tanong ko bago tinakbo ang maliit na pagitan naming dalawa.

Hindi naman siya umimik pero nakita kong pinasadahan niya ako ng tingin.

"Sagot na kasi. Ang usapan papautangin mo ako para makabili ng mga pagkain na iiwan ko sa bahay namin, pero 'di ko alam anong tumatakbo d'yan sa isip mo," sabi ko pa.

Napasimangot naman ako bago patuloy na sumunod sa kanya sa paglakad.

"Saan mo ba kasi trip na pumunta? Iiwanan kita rito, tignan mo," dugtong ko pa bago ko tinignan ang dinaanan namin kanina. Medyo malayo na rin kami sa mall, at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maricel Dandan Surbida
namputcha natapos na sa puro flashback......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status