Makailang buntong hininga ang ginawa ko bago ko napagdesisyonan na tuluyan nang lumabas sa lunggang pinagtataguan ko. Ngunit nang akma ko ng itatapak ang aking mga paa sa sahig, bigla kong narinig na nagsalita si Michael.Hindi siya nakatingin sa akin. Nakatago na rin siya ngayon sa madilim na parte nitong likod bahay. Matapos niyang patayin ang ilang mga lalaki ay bigla na lamang siyang nagtago."Don't," tanging narinig kong bulong niyang sabi sa akin. Kaagad naman akong napahinto sa paglabas. Gusto ko sanang lumipat sa pwesto kung saan siya nagtatago, ngunit hindi ko magawa dahil sa kung paano niya ako tignan.Hindi naman siya gano'n kalayo sa akin, ngunit panigurado na kung susubukan ko ngang lumabas ay mapapahamak ako.Sisiguraduhin ko talaga na matapos ang araw na 'to, ibababad ko ang sarili ko sa pag-ti-training.Napahinto ako. Napahinto ako nang bigla na lamang akong may maalala.Flashback"Let's eat," nakangiting sabi ni Michael bago siya naglakad papalapit sa gawi ko.Nakatay
Naiinis ako sa sarili ko dahil nanatili akong nakatago lang at walang magawa upang tulungan si Michael. Hanggang dito na lang ba talaga ang magagawa ko para sa kanya? Hanggang pagtatago na lang ba? Malalim akong huminga. Sa palagay ko tuloy ay tama ang sinasabi dati nang sekretarya sa akin ni Michael na hindi ako bagay maging asawa niya. Flashback "Kumusta ka naman, Renice?" rinig kong tanong sa akin ni Redenn habang diretsong nakatingin sa daan. Nakasakay kami ngayon sa sasakyan ni Redenn. Papunta kami ngayon sa Seth Corporation para asikasuhin ang mga bagay na naiwan ni Michael. "Ayos lang naman ako," sabi ko habang may pilit na ngiti. Hindi ako ayos. Walang maayos. Nasasaktan ako, parang bigla akong iniwan ni Michael matapos niyang makuha ang lahat lahat sa akin. "Galit ka ba, Renice?" biglang tanong ni Redenn matapos ang ilang segundong pagiging tahimik namin. "Ha? Bakit naman?" tanong ko bago ako napatingin ng diretso sa daan. Bakit naman ako magagalit? At kanino naman?
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Basta ang alam ko, kasabay nitong nangyayari ay ang pagbalik nang mga ilan kung alaala rito. Flashback Tulala lang akong nakaupo habang nandito sa loob ng sasakyan ni Michael. Hindi ako umiimik magmula kanina pa. Hindi ko rin kasi alam kung bakit muling pumasok sa isipan ko ang nangyari labing-dalawang taon na ang nakakaraan. Ang maalala ang bagay na 'yon ang isa sa pinaka ayaw kong nangyayari. Pero hindi ko alam kung bakit paulit-ulit akong hinahatak pabalik ng nakaraan. Sa sobrang sama ng pakiramdam ko, hindi ko na namalayan na nakasakay na kami ni Michael ng elevator. Magmula kasi nang yakapin niya ako kanina ay hindi na ako tumigil pa sa pag-iyak, hindi ko rin alam kung saan kami pupunta sa mga oras na ito. Basta nang bumalik ang huwisyo ko ay nakasakay na ako rito sa sasakyan habang tulalang nakatingin sa labas. "Are you okay?" narinig kong tanong ni Michael mula sa aking tabi. Mabilis ko naman
Nanginginig ang aking mga kamay habang hawak ang baril na punulot ko kanina. Kinakabahan ako. Natatakot ako. Natatakot ako dahil baka kung ano ang mangyaring masama kay Michael kapag hindi ko siya tinulungan at kinakabahan ako dahil baka hindi ko naman talaga siya matulungan, baka maging sagabal lang ako sa kanya. Napaupo ako sa sahig bago ko inalala ang unang araw na naramdaman kong may kakaibang maaaring maibigay sa akin si Michael. Flashback Mabilis kong tinakpan ang aking mukha ng aking kamay nang tumama sa akin ang mataas na sinag na araw. Mabagal naman akong tumayo mula sa pagkakahiga sa kama. Gusto ko pa sana matulog pero 'di ko alam kung bakit kahit halos nakapikit pa ang mga mata ko ay ayaw naman ng humiga nitong katawan ko. Pinilit kong tumayo mula sa kama ko at inayos 'yon. Inayos ko rin ang ilang gamit ko na nakakalat na pala sa lamesa. Patuloy ako sa pag-aayos ng gamit nang may maamoy akong mabangong aroma na nanggagaling sa labas ng kwarto. Kaagad akong napaayos ng
Nanghihina ako. Hindi ko maintindihan kung bakit nga ba palaging alaala ang pumapasok sa isip ko. Hanggang ngayon ay nandito ako, nakaupo at wala man lamang maitulong kay Michael. Flashback "Are you okay?" narinig kong tanong mula sa lalaking hanggang ngayon ay nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. "H-ha? O-oo naman," sagot ko bago ako naglakad papunta sa mga magagandang dress na ngayon ay nakasabit at handa ng pagpilian. Mabagal akong naglakad papunta sa mga iyon. Sinilip ko pa si Michael gamit ang peripheral vision ko upang makita ang kung ano mang reaction niya. Nakakunot lamang ang noo niya habang sinusundan ako ng tingin. "Kanina ka pa ba rito?" biglang tanong niya sa akin. Nilingon ko naman siya bago ako tumango. "Oo, kaya wala kang maisesermon sa akin," sabi ko bago ko hinawakan ang laylayan ng isang pulang dress. Napaka ganda naman ng isang ito. Matingkad ang pagka-kulay pula at pa-ekis ang tali nito na para sa leeg. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang hawak
Mabagal akong tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. Hindi ako nakainom pero pakiramdam ko lasing ako. Pakiramdam ko wala ako sa ulirat. Isa lamang ang gusto kong gawin, ang tulungan si Michael sa mga lalaking ito. Marahan akong sumilip sa gilid bago ako mabagal na tumayo. Ngunit agad akong napatigil sa paglalakad nang may makita akong isang lalaki na naglalakad papunta sa gawi ng iba pang lalaki. Hindi ko na makita si Michael ngayon, kanina lamang ay nakatayo siya sa gitna nang mga lalaki ngunit ngayon ay wala na siya. Muli akong napatingin sa lalaki. Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng kabog ng d*bdib ko. Ang mga mata niya, ang tindig, ang tattoo sa gilid ng tenga niya Flashback Naglalakad ako ngayon papunta sa Seth Corporation. Hindi na ako makapaghihintay pa na masagot ang mga tanong ko. Sasagutin ni Michael ang mga katanungan ko, o ititigil ko na ang kahibangan naming ito? Kailangan lang niyang mamili sa dalawa. Tuloy-tuloy akong naglakad papasok sa loob ng kompanya haban
Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Basta nakakaramdam na ako ng kakaiba. Nanghihina ako, hindi ko na alam kung ano ba talaga ang dapat kong gawin. Flashback Nanatili lang akong nakaupo sa kama habang pinagmamasdan si Michael na nakaupo rin at nakatingin sa kung saan. Gusto ko sanang malaman kung ano bang ginagawa niya rito at kung bakit nasa iisa kaming kwarto. "Alam ko nagtataka ka kung bakit nandito ako," sabi ni Michael bago ako nilingon. Mabilis naman na nagkasalubong ang mga mata naming dalawa. Ngunit ako ang kaagad na umiwas mula sa tingin niya nang mahalata ko ang pamumungay nito. "N-nagtataka nga," sagot ko na lang bago ako akmang tatayo na mula sa pagkakaupo. "Wala ka bang gustong sabihin sa akin?" narinig kong biglang sabi ni Michael. Natigilan naman ako sa kung ano mang ginagawa ko. Napahinga pa ako ng malalim bago ko siya tinignang muli. "Ano bang gusto mong sabihin ko?" tanong ko naman sa kanya pabalik. Nilingon niya akong muli. Hindi ko alam kung ba
Nang dahil sa lalaking ito, ramdam ko ang paninigas ng buo kong katawan. Akala ko isa na siya sa mga napatay namin noon no'ng kinuha nila ako ngunit hindi pala. Mukhang nakaligtas siya matapos ang araw na 'yon. Flashback Mabagal kong idinilat ang aking nanlalabong mga mata habang nakahiga ako sa isang matigas na papag. Madilim ang paligid at hindi ko alam kung nasaan nga ba ako sa mga oras na ito. Akma na sana akong uupo ngunit naramdaman ko ang pag-sakit ng aking tiyan. Kagat labi akong mabagal na umupo mula sa pagkakahiga. Napahawak pa ako sa aking ulo dahil bigla na lamang itong nanakit. At nang pakiramdam ko ay okay na ako, mabagal ko nang inilibot ang aking paningin sa paligid. Madilim dito at halos puno na ng alikabok. Ni-hindi ko rin maaninag ng maayos ang paligid dahil hanggang ngayon ay nanlalabo pa rin ang aking mga mata. "Nasaan ba ako?" tanong ko sa aking sarili bago ako huminga ng malalim upang habulin ang napupugto kong hininga dahil sa sakit ng aking tiyan. Hindi