Ilang beses ko ng nasaksihan ang tunay na si Michael noon, pero nanatili ako. Mahal ko siya. Kahit ano pa siya noon, at kung ano man ang bumubuo sa pagkatao niya. Flashback Naglalakad kami ngayong dalawa ni Michael sa isang koridor papunta sa kwarto na nirentahan niya para sa aming dalawa. Pareho kaming walang kibo at walang kahit anong sinasabi sa isa't-isa. Magmula kasi nang ihatid namin sila mommy sa kwarto nila ay pareho na kaming walang kibo, kahit tinginan sa isa't isa ay hindi na namin ginawa pa. Wala na rin sina Redenn at Tyron dahil umalis na sila at nagpaalam na bababa raw muna sila ulit para pumunta sa beach club. Gusto ko sanang i-open ang mga naging pag-uusap namin kanina pero mas pinili ko na lamang na itikom pa ang bibig ko. Sa totoo lang, kanina pa ako na-a-amaze sa ganda ng apartell na 'to. Hindi ko alam kung ano ang eksatong tawag dito pero maganda rito, napaghahalataang mahal ang renta sa bawat kwarto rito. "We are here," pag-anunsyo ng lalaking katabi ko. T
Magbasa pa