Share

Chapter 181

Hindi dapat ako malungkot sa nagawa kong pagtatanggol kay Michael. Simula noon siya na ang nagtatanggol sa akin kaya tama lang na gano'n din ang gawin ko. Na ibalik ko rin sa kanya kung ano ang dapat.

Flashback

Nakabusangot akong naglalakad kasabay ni Michael. Naiinis ako dahil 'di ko maintindihan kung bakit ayaw niyang sabay kaming maglakad.

"Hoy! Hindi ko nakikita daraanan ko. Tapakan ko kaya sapatos mo," inis na sabi ko.

Hindi naman siya kumibo, patuloy lang siya sa paglakad.

"Hoy, Michael!" inis na pagtawag ko sa kanya.

Mabilis naman niya akong nilingon bago siya napabuntong hininga. Mabagal din siyang huminto sa paglakad bago tuluyang tumingin sa gawi ko.

"You are causing a scene," simpleng sabi niya bago siya tumingin sa paligid.

Napatingin na rin ako sa paligid bago ako napasimangot.

Totoong halos lahat nga ng tao rito ay pinagtitinginan kami.

"Bakit kasi sinama-sama mo pa ako rito sa mall kung 'di mo naman ako isasabay sa paglakad? Gusto mo nasa likuran mo lang ako?"
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status