Naaalala ko ang lahat nang mga nangyari sa amin ni Michael. Kung gusto ko pa na madagdagan pa ang mga alaala naming dalawa, kailangan kumilos ako. Kailangan tulungan ko siya. Flashback Patuloy kami sa paglalakad paitaas. Medyo napapagod na nga ako pero hindi ko lang ipinapahalata sa lalaking kasabayan ko sa paglalakad. Hindi ko naman talaga siya kasabayan, nauuna siya sa akin ng bahagya. Gusto ko sana magtanong ng kahit ano pero mas pinili ko na lamang na manahimik. Kanina pa kasi rin tumatakbo sa isip ko ang mga bagay-bagay na patuloy na gumugulo sa isip ko. Kahit ako nga ay nalilito na sa kung anong emosyon ba ang dapat kong ipakita. Napabuntong hininga ako. Maswerte na lang ako dahil ito lang ang trabaho ko, na ganito ang trabaho ko. Hindi ako pagod, hindi rin ako pinagpapawisan. Ang kaso nga lang, kahit saan ako magpunta ay minamaliit ang pagkatao ko. Mapait akong napangiti. Muli na namang pumasok sa isip ko ang nangyari sa mall kailan lang. Hindi ko maintindihan, hindi ba ta
Read more