Home / Romance / The Rented Wife / Chapter 151 - Chapter 160

All Chapters of The Rented Wife: Chapter 151 - Chapter 160

364 Chapters

Chapter 151

"Saan tayo pupunta, Redenn?" tanong ko sa lalaking ngayon ay katabi ko at kasalukuyang nagmamaneho nitong sasakyan na lulan ko. "D'yan lang, magliliwaliw. At saka susunod sa utos pfft," sagot naman niya sa akin habang patuloy pa rin siya sa pagmamaneho. Hindi naman na ako kumibo matapos nang kanyang sinabi. "Renice," biglang pagtawag niya sa akin. Kaagad ko naman siyang nilingon. Nanatili ang tingin niya sa daan habang nagsasalita. "Kumusta na pala kayo ni Michael? Nag-usap na ba kayong dalawa tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa?" tanong nito bigla sa akin. Hindi naman ako kaagad nakaimik. Kahit hindi banggitin ni Redenn ang pangalan ng tinutukoy niya, alam ko sa sarili ko na 'yong babaeng 'yon ang tinutukoy niya. "Wala," simple at mabilis na sagot ko. "Wala?" tanong pabalik naman nito sa akin. Hindi na ako sumagot pa. Na-da-drain ako. Feeling ko pagod na pagod na ako. "Ayaw ko munang ma-involve sa pa
Read more

Cha0ter 152

Patuloy ako sa pagsasalita habang patuloy ko na nilalagyan ang plato ni Michael. Wala pa rin siyang imik sa kasalukuyang ginagawa ko. Matapos ako sa paglalagay sa plato niya ay sinimulan ko namang lagyan ang sa akin. "Maraming salamat talaga," sabi ko pa bago ko siya tinignan. Nakita ko namang nakakunot ang kanyang noo na nakatingin sa plato niyang ngayon ay punong-puno na ng iba't-ibang klaseng ulam. "Kumain ka na. Alam ko namang kanina ka pa nagugutom," sabi ko pa bago ako patuloy na naglagay ng pagkain sa aking plato. Nakita ko namang napailing ang kanyang ulo bago siya bahagyang natawa. "Do I look like a pig?" natatawang tanong niya bago ako nilingon. Mabilis ko naman siyang tinignan. "Pig?" naguguluhang tanong ko. Nakita ko namang napatingin siya sa kanyang plato bago napailing. Napanguso naman ako. "Galit ka ba?" biglang tanong ko. Mabilis naman niya akong tinignan. "Is there someth
Read more

Chapter 152

Mabagal kong iminulat ang aking mga mata. Wala akong ibang makita kung hindi ang maliwanag na ilaw. Inilibot ko ang aking paningin bago ako mabagal na umupo. Nandito pala ako ngayon sa kwarto ni mommy. "Mommy?" marahang pagtawag ko sa kanya bago ko sinapo ang aking ulo. Hindi ko maalala kung anong nangyari bago ako mapunta rito. Basta alam ko yu kausap ko lang si mommy kanina habang kami ay nasa kusina. Napahinga naman ako ng malalim nang bigla kong naalala ang isang pangyayari noon sa kusina sa bahay ni Michael. Flashback Patuloy ako sa pagsasalita habang patuloy ko na nilalagyan ang plato ni Michael. Wala pa rin siyang imik sa kasalukuyang ginagawa ko. Matapos ako sa paglalagay sa plato niya ay sinimulan ko namang lagyan ang sa akin. "Maraming salamat talaga," sabi ko pa bago ko siya tinignan. Nakita ko namang nakakunot ang kanyang noo na nakatingin sa plato niyang ngayon ay punong-puno na ng iba't-ibang klase
Read more

Chapter 153

Nanatili akong nakahiga sa kama ng kwarto ni Ranie. Ito 'yong kwarto naming dalawa noon na sa kanya na lamang ngayon. Malaki na ang pinagkaiba nito kesa sa huling beses na rito ako tumira at natulog. Nakakatuwa. Halos mag-ta-tatlong taon pa lamang ang nakakaraan pero ang dami ng nagbago hindi lamang sa akin, pati na rin sa pamilya ko. Akala ko imposible ng maibigay ko ang ganitong buhay sa kanila pero nagkamali ako. Ngayon ito na, nandito na. Marahan akong napangiti. Ngayong maayos na ang pamumuhay nila mommy, tingin ko panahon naman na sarili ko naman ang pagtuunan ko ng pansin. Napahinga ako ng malalim bago ako napatingin sa phone kong nakapatong din dito sa kamang kinauupuan ko. Kagat labi kong mabagal na inabot 'yon upang makita kung may text, o missed call lamang akong nakuha kay Michael, ngunit wala. Bagsak ang mga balikat akong sumandal ulit sa head rest nitong kama. Ang bigat sa d*bdib lalo na matapos ng mga nalaman ko. Ang bigat dahil
Read more

Chapter 154

Nakatayo ako ngayon sa tapat ng pinto ng opisina ni Michael. Kanina pa ako rito at halos wala man lang pumasok sa isip ko na kailangan ko ng pumasok sa loob o magkatok man lang. Malalim ang hiningang binitawan ko bago ko hinawakan ang doorknob ng pinto. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang hawak ito. "A-ano bang mahirap sa gagawin ko? Kailangan ko lang pumasok at paniguradong ayos lang ang lahat," sabi ko bago ako tumango tango bago ko tuluyang pinihit na ang doorknob at pumasok sa loob. "Finally," narinig kong sabi ni Michael bago ako nilingon. Napalunok naman ako. Nakaupo siya ngayon sa swivel chair niya habang magkapatong ang dalawa niyang paa. May hawak din siyang ballpen na ngayon ay nilalaro niya gamit ang kanan niyang kamay. "You've been standing there for almost two hours. Aren't your feet swollen?" tanong pa nito. Hindi naman ako kumibo. Mabilis ko lang ulit na iniiwas ang aking paningin. Hindi dapat ganito ang narar
Read more

Chapter 155

Mabagal kaming naglakad papunta sa secret room habang patuloy kami sa aming ginagawa. Habol ko na ang aking paghinga dahil sa lalim ng halik na ibinibigay namin sa isa't isa. Nararamdaman ko ang malikot na kamay ni Michael  na pumipisil sa iba't ibang bahagi ng aking katawan. Hindi ko alam pero sa tuwing ginagawa niya iyon ay mas lalo kong nararamdaman ang l*bog na siyang bumabaliw sa akin sa mga oras na ito. "F*ck," narinig kong untag niya matapos kong haplusin ang ibabang bahagi ng parte niya. "Keep doing that," pagpapatuloy pa niya bago hinawakan ang aking batok at mas pinalalim ang halik na pinagsasaluhan namin ngayon. Hindi ko alam. Nalalasing ako, gusto ko pa. Kailangan ko pa. Patuloy lang kami sa aming ginagawa nang maramdaman ko ang pagpasok ng kamay ni Michael sa loob ng suot kong dress. Agad akong napasinghap kaya panandaliang nahinto ang aming halikan. Ngunit hindi hinayaan ni Michael na tuluyang maputol 'yon, agad niya
Read more

Chapter 156

Nandito ako ngayon sa bahay namin muli ni Michael. Actually, iba na naman ito. Iba na naman sa mga bahay na nitirahan namin nitong nakaraan na pagmamay-ari lang din naman ng lalaking ito. "Hanggang kailan ba tayo magpapalipat-lipat?" nagtatakhang tanong ko. "Pakiramdam ko kasi wala tayong permanenteng bahay. Lahat naman ng tinirahan natin ay sa iyo, pero parang hindi rin dahil hindi nagtatagal umaalis tayo roon," sabi ko pa bago ako napanguso. Medyo nakakapagod din kasi talaga na paiba iba ng bahay. Parehong nakakapagod physically, mentally, at emotionally. "I'm sorry I am dragging you with this miserable life. I just can't leave you," sagot naman niya sa akin. Kaagad ko naman siyang nilingon bago ako malalim na bumuntong hininga. Kung nakakapagod na para sa akin, paano pa sa lalaking ito? "Ayos lang basta ikaw ang kasama ko," sabi ko bago ako naupo sa sahig at nagsimula ng mag-ayos ng mga gamit na dala namin dito. Itong mga gamit na 'to ang gamit pa namin sa dati pa naming tira
Read more

Chapter 157

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-re-register sa utak ko ang mga narinig ko mula sa bibig mismo ni Michael. Hindi ko akalain na maririnig ko mismo 'yon mula sa kanyang labi. Sa pagkakasabi kasi sa akin ni Redenn noon ay mahal na mahal ni Michael si Ylona, kaya hindi ko inaakala na kaya niya palang saktan ang babaeng kauna-unahan niyang minahal. Napahinga ako ng malalim. Nandito ako ngayon sa veranda. Dito ako dumiretso matapos namin kumain ni Michael kanina upang mag-isip isip. Si Michael naman ay nanatili sa kusina, gusto niya kasi na siya ang maghuhugas ng plato kahit na pinilit ko na ako na ang maghugas ng mga platong pinagkainan namin kanina. Gusto ko sana na ako na lang ang maghugas dahil siya naman na ang nagluto, pero ayaw raw niya dahil gusto raw niyang bumawi sa akin. Kanina pa ako nakatambay rito. Hindi rin naman kasi ako makaalis kahit gusto ko dahil pinahihintay sa akin ni Michael ang mag-de-deliver nang mga gamit para rito sa bahay. Mga gamit na in-order niya pala no
Read more

Chapter 158

Nanatili ako na nakatago rito kung saan ako iniwan ni Michael. Malakas ang kabog ng dibd*b ko lalo na kapag tuwing may naririnig akong mga kalabog na nanggagaling sa iba't ibang parte nitong bahay. Malalalim ang mga hiningang binitawan ko. Akala ko ba bagong pagawa lang ni Michael ang bahay na ito? Kung gano'n bakit agad kaming natunton nang mga lalaking 'yon dito? Sino ba talaga ang mga ito at bakit hindi nila kami magawang tigilan? "Tang*na. Nasaan na ba ang mag-asawang 'yon? P*ta naman. Ang layo nang byahe natin para lang sa kanilang dalawa tapos 'di man lang natin sila madadale," narinig kong sabi nang boses ng isang lalaki. Kung gano'n hindi pa nagpapakita sa kanila si Michael? Nasaan kaya ang lalaking 'yon? "Mayayari na naman tayo nito kay Madam. Ayaw ko magaya sa baguhan na wala pa ngang isang linggo sa grupo napag-initan na, eh," reklamo naman ng isa. "Shh! Huwag kang maingay. Baka nandito lang ang dalawang 'yon, baka marinig nila ang sinasabi mo," narinig kong sabi naman
Read more

Chapter 159

Nanatili lang akong nakatago hanggang sa tuluyang nawala ang mga lalaki. Malalim akong napahinga. Hindi ko alam pero natatakot ako. Natatakot akong malaman kung meron nga ba talagang tumatraydor kay Michael. Natigilan naman ako nang biglang may pumasok sa isip ko. Isang alaala na nangyari kailan lamang. Flashback Kasalukuyan akong nakasakay sa sasakyan ni Redenn. Pareho lang kaming tahimik habang binabagtas ang mahabang daan papunta sa Seth Corporation. Napahinga ako ng malalim bago ako napatingin sa mga kamay kong nakapatong sa aking tuhod at kasalukuyang nanginginig. Muli akong napabuntong hininga. Kung ano man ang mangyayari mamaya, sana naman ay hindi ako mapahiya. "Grabe naman ang mga buntong hininga na 'yon, Renice. Ang bibigat, ah?" natatawang sabi ni Redenn. Mabilis ko naman siyang tinignan bago ako bahagyang ngumiti. "Gano'n talaga. M-medyo kabado lang ako para mamaya," sabi ko naman bago ako nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. "Para saan ka naman kinaka
Read more
PREV
1
...
1415161718
...
37
DMCA.com Protection Status