Home / Romance / The Rented Wife / Kabanata 131 - Kabanata 140

Lahat ng Kabanata ng The Rented Wife: Kabanata 131 - Kabanata 140

364 Kabanata

Chapter 131

Nakaupo ako ngayon dito sa loob ng sasakyan habang tulalang nag iisip. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Namamanhid ang buo kong katawan habang nanlalamig naman ang aking mga kamay. "Renice," pagtawag sa akin ni Redenn na siyang nagmamaneho ng sasakyang lulan ko. Hindi ako kaagad lumingon sa kanyang gawi. Ayaw kong ipakita sa kanya na sobrang apektado ako sa nangyari kanina. "Ayos ka lang ba?" tanong pa niya. Hindi ako muli kumibo. Ang bigat sa dibdib. Ang sakit. "Renice?" pagtawag niya muli sa aking pangalan. "B-bakit?" nanginginig ang boses na tanong ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Basta nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa tuwing iniisip ko na may babae nga talagang kasama si Michael sa mga oras na ito. At noong mga oras na wala siya sa bahay. "Huwag mo masyadong isipin ku
last updateHuling Na-update : 2022-02-28
Magbasa pa

Chapter 132

Renice's POV Agad kong inisang lagok ang laman ng basong hawak ko. Kanina pa ako rito sa isang bar. Hindi ko alam kung anong oras na ba o kung nakakailang baso na ako ng alak. "Isa pa," sabi ko sa lalaki sa counter bago ako matamis na ngumiti. Hindi talaga ako palainom pero ang mas malakas ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito kaysa sa isip ko. Hanggang ngayon ay patuloy na tumatakbo sa isip ko ang nangyari sa mall. Nang dahil sa nangyari kanina, paulit ulit din na pumapasok sa isip ko ang nangyari dati sa mall noong unang beses na nagpunta kami roon ni Michael. Mapait akong ngumiti. Sana kung paano niya ako pinagtanggol noon, gano'n din niya ako pinagtanggol sa ex girlfriend niya kanina. Flashback Nakabusangot akong naglalakad kasabay ni Michael. Naiinis ako dahil 'di ko maintindihan kung
last updateHuling Na-update : 2022-02-28
Magbasa pa

Chapter 133

"Ma'am, tama na po. Magsasara na rin ho kami," narinig kong sabi nang lalaki sa counter. Natawa naman ako bago ko siya tinignan ng masama. Kanina pa umiikot ang paningin ko, at kanina pa gustong sumuko ng katawan ko pero hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang bigat sa dibdib ko. "Kuya, bakit gano'n? Bakit ang bilis niyong bumalik sa mga ex niyo? Paano kami?" umiiyak na tanong ko. Patuloy lang ako sa pag iyak habang ang kuya na nasa counter ay panay ang pagsasalita. Ang sakit sakit. Akala ko kapag nakainom na ako ay makakalimutan ko na ang sakit na nararamdaman ko pero hindi, mas naaalala ko lang ang lahat. "Isa pa," sabi ko bago ko pilit na itinaas ang aking kamay ngunit natigilan ako nang bigla kong naramdaman na bigla na lang may humawak sa aking braso. "Stop it," sabi niya gamot ang isang galit na boses. Agad ko
last updateHuling Na-update : 2022-02-28
Magbasa pa

Chapter 134

Nakahiga ako sa tabi ni Bjorn habang kapwa kaming h***d. Kanina pa kami tapos sa aming ginagawa ngunit hindi ko lang talaga magawang umalis sa tabi niya. Buwan din ang lumipas bago kami maging magkadikit ng ganito katagal. Noong nandoon kasi kami sa secret room sa office ay mabilis lang ang kaming nagsama. "Baby," narinig kong untag niya. Hindi naman ako kaagad sumagot. "I know you are mad at me. But thank you because you aren't pushing me away from you," sabi niya. Hindi pa rin ako sumagot. "Sana maintindihan mo ako. Hindi kita basta iniwan lang, at iiwan dito. I have my reasons, please hear me out," sabi pa niya. Napahinga naman ako ng malalim. "Ano ba ang dahilan? Malinaw naman na sa akin ngayon na ito lang ang gusto mo sa akin," sabi ko bago ako bahagyang umalis mula sa pagkakayakap niya. Nakita kong napakunot ang kanyang noo. "Anong gusto ko lang sa iyo?" nakakunot ang noong tanong niya. Na
last updateHuling Na-update : 2022-02-28
Magbasa pa

Chapter 135

Ang narinig noon ni mommy na kausap ni Michael, malamang ang babaeng 'yon ang kausap niya. Flashback Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Magmula nang makausap ko si Redenn at Tyron kanina ay halos hindi na mawala sa isip ko ang mga bagay na patuloy na gumugulo rito. Malalim akong napabuntong hininga. Mas nadagdagan pa ang mga katanungan ko matapos nang mga narinig ko kanina lang. Ipinikit ko ang aking mga mata. Kriminal ba sila Michael? Nalilito ako. Mas nakagulo pa sa isip ko ang sinabi nila Tyron na hindi kayang pumatay ni Michael ng tao, ngunit ng dahil sa akin ay nagagawa niya. Ilang beses niyang ginawa. "Ayos ka lang ba, anak?" mabilis akong napalingon sa tabi ko nang marinig ko ang boses ni Mommy. "Mommy," pagtawag ko sa kanya. Mabilis naman siyang ngumiti sa akin. "Ku
last updateHuling Na-update : 2022-02-28
Magbasa pa

Chapter 136

Nakatayo ako ngayon sa tapat ng bintana. Kanina pa ako nakatayo lang dito at walang imik. "Baby," narinig kong pagtawag sa akin ni Michael. Hindi naman ako umimik. Kanina pa siya rito, hindi pa rin siya umaalis. "Bakit nandito ka pa?" tanong ko bago ko pinunasan ang luha sa aking mukha. Napahinga ako ng malalim. Bakit ba masyado kong dinadamdam ang mga nangyayari ngayon? Ano naman kung sila ang magkasama no'ng babaeng 'yon. "Pagpaliwanagin mo ako," narinig kong sabi niya. Napahinga naman ako ng malalim.  "Ano bang dapat ipaliwanag mo?" sagot ko naman sa kanya bago ko kinagat ang pang ibaba kong labi. Nanginginig ako. Nanginginig ang buo kong katawan. "I am doing my best not to tell you this," narinig kong sabi niya. Napahinga naman ako ng malalim bago ko siya nilingon. "Ano ang ibig mong sabihin?" nakakunot ang noong tanong ko. Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. "Ylona's black
last updateHuling Na-update : 2022-02-28
Magbasa pa

Chapter 137

"Renice!" narinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses sa akin hindi kalayuan. Kaagad ko siyang tinignan bago ako ngumiti. "Mommy!" sigaw ko pabalik bago ako tumatakbong pumunta sa kanilang gawi. Kaagad naman akong sinalubong ni mommy ng yakap ni mommy bago siya ngumiti. "Kumusta ka na, anak?" nakangiting tanong niya. Ngumiti rin ako bago ako nagsalita. "Ayos lang po ako, mommy," sagot ko naman bago ako tumingin sa dalawa kong kapatid na ngayon ay nakasunod kay mommy. Nakangiti sa akin si Reev habang wala namang emosyong pinapakita sa kanyang mukha si Ranie. "Kumusta naman kayo, mommy?" tanong ko pabalik kay mommy na ngayon ay nakangiti pa rin sa akin. "Ayos na ayos na kami, anak. Maraming salamat sa iyo," sagot nito sa akin bago niya hinawakan ang aking mukha. "Dahil sa iyo
last updateHuling Na-update : 2022-02-28
Magbasa pa

Chapter 138

Patuloy lang ako sa pagkain kasama pa rin sina mommy rito sa mall. Kanina pa kami nandito. Namili lamang ako ng mga gamit na para sa kanila. Nakakatuwa na ng dahil sa laki ng sahod ko bilang rented wife ni Michael ay nabibili ko ang lahat ng gusto ko na para sa pamilya ko. "Anak, bumili ka naman ng para sa iyo," biglang sabi ni mommy bago ako hinawakan sa kamay. Napangiti naman ako bago ako napailing. "Hay nako, mommy. Wala pa po ang lahat ng ito sa lahat ng sakripisyo mo," sabi ko bago ko rin hinawakan ang kanyang kamay. Napatango naman si Mommy bago niya hinawakan ang aking mukha. "Masaya talaga ako anak para sa iyo. Naalala mo ba no'ng birthday mo?" biglang sabi ni mommy. Agad namang napakunot ang aking noo. "Bakit po, mommy? Ano pong meron no'ng araw na 'yon?" tanong ko naman pabalik. Ngumiti na
last updateHuling Na-update : 2022-02-28
Magbasa pa

Chapter 139

Nakangiti lang akong nakatingin kay Mommy, Ranie, at Reev habang silang tatlo ay kinukuhaan ng litrato ang isa't isa. Wala na akong hihilingin pa dahil ang pangarap kong magandang buhay noon para sa pamilya ko ay narito na. Patuloy lang ako sa panonood sa kanila nang bigla na lamang akong may napansing lalaki na kanina pa nakatingin sa akin at pati na rin sa gawi nila mommy. Agad na napakunot ang aking noo. Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lamang kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Flashback Mabagal kong idinilat ang aking nanlalabong mga mata habang nakahiga ako sa isang matigas na papag. Madilim ang paligid at hindi ko alam kung nasaan nga ba ako sa mga oras na ito. Akma na sana akong uupo ngunit naramdaman ko ang pag-sakit ng aking tiyan. Kagat labi akong mabagal na umupo mula sa pagkakahiga. Napahawak pa ako sa aking ulo dahil bigla na lamang itong nanakit. At nang pakiramdam ko ay okay na ako, mabagal ko nang inilibot a
last updateHuling Na-update : 2022-02-28
Magbasa pa

Chapter 140

Nanatili lang akong nakasunod kay mommy at sa mga kapatid ko. Hindi ko magawang mag-enjoy kasama nila dahil aaminin ko, hanggang ngayon ay may kaba pa ring nararamdaman ang dibdib ko. Ayaw kong maramay sila sa magulong mundo ng mga mafia. Walang alam ang pamilya ko, wala silang kaalam-alam. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi nang biglang pumasok sa isip ko ang tungkol sa hideout nila Michael kung saan nakita ko kung ano ang ginagawa nila sa taong nahuhuli nila. Flashback "Saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ko sa lalaking katabi ko habang siya ay nagmamaneho. "Do you want to see how to interrogate an opponent?" biglang tanong nito pabalik sa akin. Napakunot naman ang aking noo. "You mean..." napatingin pa ako sa kanya. "You want to see how to make them spill the truth
last updateHuling Na-update : 2022-02-28
Magbasa pa
PREV
1
...
1213141516
...
37
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status