Home / Romance / The Rented Wife / Chapter 121 - Chapter 130

All Chapters of The Rented Wife: Chapter 121 - Chapter 130

364 Chapters

Chapter 121

Naglalakad ako ngayon papunta sa opisina ni Michael. Wala naman akong gagawin dito pero hindi ko alam kung bakit pinili kong pumunta rito. "Good morning, Mrs. Seth," pagbati ng mga taong makakasalubong ko. Simula kasi nang ipakilala na ako ni Michael bilang asawa niya sa board members doon na rin nalaman ng iba na ako nga ang babaeng nirentahan ng boss nila. "Fake," narinig kong sabi naman ng isa bago ako mabilis na pinasadahan ng tingin at naglakad papalayo sa akin. Tama. Kung may mga taong tanggap ako bilang asawa ni Michael, may mga tulad din naman ng babaeng 'yon na hindi matanggap na ako ang nakakuha ng pwestong matagal na nilang gusto. Sa pagkakaalam ko kasi ay iilan lang din sa mga nagtatrabaho rito ang nakakaalam na ang nangyaring hiring dati ay para sa paghahanap ng pekeng asawa ni Michael. Habang ang iba naman ay napaniwala na nagsagawa
Read more

Chapter 122

Patuloy lang ako sa pag-akyat ng hagdan. Ilang beses ko na ring ginagawa ito, at sa totoo lang ay medyo nasasanay na ako. Dati hirap na hirap akong umakyat dito, pero ngayon ay hindi na. Para bang naging exercise ko na ang pag-akyat dito sa tuwing pumupunta ako rito. Patuloy ako sa pag akyat hanggang sa tuluyan ko ng marating ang opisina ni Michael. Napahinga pa ako ng malalim bago ako napalingon sa paligid. Kailan lang noong bumalik ako rito pero pakiramdam ko napakatagal na. Naglakad ako papalapit sa mesa ni Michael dito sa opisina niya bago ako huminga muli ng malalim. Napaka bigat, ang sakit sa dibdib. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi. Nalilito na tuloy ako. Nalilito ako kung totoo ba ang naging pag amin ni Michael sa akin noon. Flashback "Saan nga pala pupunta si Michael?" tanong ko kay Tyron na ngayon ay siyang nagmamaneho ng sasakyang kinalululan ko. "Hindi niya kasi sa akin nabanggit kanina no'ng ipinasundo k
Read more

Chapter 123

Tinignan ko ang paligid ng opisina ni Michael. Walang nagbago rito. Kung ano ito ng umalis ang lalaking 'yon, ganito pa rin itong babalikan niya. Napahinga ako ng malalim. Wala man lang akong makuhang kahit anong balita tungkol sa kanya. Wala man lang kahit kaunting kwento patungkol sa kanya. Malalim akong napabuntong hininga bago ako naglakad papunta sa secret room. Parang napakatagal na ata no'ng nakapunta ako rito. Kinagat ko pa ang pang ibaba kong labi bago ko itinulak ang pinto ng secret room. "Got you," bulong ng isang pamilyar na boses. Napangiti ako. Kahit madilim dito sa secret room dahil wala pa akong binubuksang kahit anong ilaw, alam na alam ko kung sino ang nagma-may ari ng boses na 'yan. "Michael?" nakangiting tanong ko. Hindi naman siya sumagot ngunit nagulat ako nang bigla niya akong binuhat at pinunta sa kama.
Read more

Chapter 124

Isang malalim na halik ang ngayon ay ibinibigay namin ni Michael sa isa't-isa. Isang halik na nagsasabi na pareho kaming sabik sa kung ano mang ginagawa naming dalawa. Kasalukuyan akong buhat ni Michael. Nakasandal ako sa pader sa tabi ng pinto ng secret room. At dahil sa pwesto naming ito, ramdam na ramdam ko sa suot kong short ang kaibigan niyang handa na naman akong kumustahin. "Ohhh," isang mahinang ungol ang lumabas sa aking labi nang maramdaman ko ang kamay ni Michael na ngayon pala ay nasa loob na ng aking short. Sa sobrang focus ko sa paghalik kay Michael at pagdama sa pang ibaba niyang kaibigan. Hindi ko na namalayan na wala na akong suot pang itaas. Wala na ang kanina lang ay suot-suot kong tshirt at bra. Sa isang iglap lang, half naked na ako sa harap ni Michael. Napakagat na lang ako sa pang ibaba kong labi. Dahil tila sa sinabing 'yon ni Michael ay mas lalong nag-init ang katawan ko. "These are all mine," biglang sabi niya. Tinign
Read more

Chapter 125

Nanatili kaming h***d na magkatabi ni Michael. Kanina pa ako gustong kainin ng antok ngunit nilalabanan ko. Dahil hanggang kaya, ayaw kong makatulog sa mga oras na ito. Dahil alam ko, sa oras na gawin ko, maaaring ang lalaking tahimik na katabi ko sa mga oras na ito ay mawala na lang na parang bula."Renice," panimula niya.Hindi ako kaagad umimik. Nakaunan ako sa kanyang bisig habang pareho kaming nakatingala sa kisame nitong secret room."I know you are mad at me. But can you still give me enough time before I tell you everything?" pagpapatuloy pa niya.Hindi naman ako kumibo. Bakit ba palagi na lang niyang pinagpapaliban ang lahat? Bakit ba palagi na lang niyang pino-postpone ang mga sagot sa katanungan ko kahit maaari naman niya iyong sagutin kaagad ngayon.FlashbackRenice's POVNakanguso ako
Read more

Chapter 126

Tahimik lang akong nakaupo rito sa opisina ni Michael sa Seth Corporation. Kanina pa akong umaga nagpahatid dito kay Tyron sa pag-asang makikita ko ulit dito si Michael. Napahinga ako ng malalim. Akala ko makikita ko ulit siya rito ngunit hindi. Wala siya ulit paramdam sa akin matapos nang nangyari sa amin sa secret room. Flashback Nanatili kaming h***d na magkatabi ni Michael. Kanina pa ako gustong kainin ng antok ngunit nilalabanan ko. Dahil hanggang kaya, ayaw kong makatulog sa mga oras na ito. Dahil alam ko, sa oras na gawin ko, maaaring ang lalaking tahimik na katabi ko sa mga oras na ito ay mawala na lang na parang bula. "Renice," panimula niya. Hindi ako kaagad umimik. Nakaunan ako sa kanyang bisig habang pareho kaming nakatingala sa kisame nitong secret room. "I know you are mad at me. But can you still give me enough time before I tell you everything?" pagpapatuloy pa niya. Hindi naman ako kumibo. Bakit ba palagi na la
Read more

Chapter 127

Kasalukuyan akong nandito sa loob ng mall at palakad lakad. Hindi maalis sa isip ko ang mga tanong na patuloy na gumugulo sa isip ko. Flashback Renice's POV Nakanguso ako habang nakatingin sa labas ng terrace nitong villa na pinag-iwanan sa akin ni Michael. Hanggang ngayon ay palaisipan sa akin kung sino ba ang babaeng narinig kong kausap ni Michael nang tawagan niya ako kanina. Alam kong hindi sadya ni Michael na iparinig sa akin ang kung sino mang kausap niya kanina. Marahil ayaw pa nga niya na malaman kong may babae siyang kasama ngayon, dahil nang ma-realize niya siguro na nasa kabilang linya ako ay kaagad niyang pinatay ang tawag. Hindi ko tuloy ma-enjoy ang magandang view nitong lugar dahil sa mga bagay na patuloy na tumatakbo sa isip ko. Napabuntong hininga ako. Kailan ko kaya maaaring makausap ng m
Read more

Chapter 128

Tulala lang ako habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Nakailang buntong hininga na rin ako nang dahil sa mga bagay na patuloy na tumatakbo ngayon sa isip ko. "May university ka ng papasukan?" narinig kong biglang tanong sa akin ni Redenn na ngayon ay nagmamaneho. Napahinga naman ako ng malalim bago ako napabuntong hininga. "Hindi ko nga alam kung tuloy pa ba ang pag-aaral ko o hindi na. Walang sinabi na kahit ano sa akin si Michael," malungkot na sabi ko. Totoo, kahit noong huling beses na nagkita kami ay wala siyang sinabi na kahit ano. Hindi rin niya binanggit kahit ang tungkol sa pagbabalik ko sa pag aaral. "Pero may napili ka na ba?" tanong muli nito. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi bago ako napahinga ng malalim. "Mayroon na. Hindi ko lang alam kung itutuloy ko pa," sabi ko pa bago ako napatingin sa mga kamay kong ngayon ay nakapatong sa aking binti. Nalulungkot ako, at naguguluhan. Naguguluhan ako dahil
Read more

Chapter 129

Nakasakay ako ngayon sa sasakyan ni Redenn. Papunta kami ngayon sa isang mall. Gusto ko kasing umalis upang makalimot sandali. "Paano pala ni Michael sinabi sa iyo ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya?" biglang tanong ni Redenn. Natigilan naman ako bago biglang pumasok sa isip ko ang mga alala no'ng araw na nalaman ko kung sino ba talaga si Michael Seth. Flashback Tulala lang akong nakatingin kay Michael. Gusto ko siyang sampalin dahil sa ginagawa niyang pakikipaglaro sa akin. "Itigil na natin ang kontrata. Hindi ko gustong mapahamak ang pamilya ko at ako nang dahil lang sa walang kwentang bagay," sabi ko pa. Hindi naman siya kaagad umimik. "You can't," sagot lang nito sa akin. Gusto ko sanang sumigaw dahil sa sobrang frustration na nararamdaman ko sa mga oras na ito. "May karapatan akong itigil ito dahil wala naman sa usapan natin na wala akong karapatang mag back out," sabi ko. Narinig ko naman ang pagbunt
Read more

Chapter 130

Nandito na ako sa loob ng isang mall kasama si Redenn. Kanina pa kami paikot ikot dito habang naghahanap ako ng maaari kong mabili para sa mga kapatid ko at kay mommy. Napatingin naman ako sa tulak tulak ko ngayong cart na puno ng pagkain at iba't ibang groceries. Namili kasi ako ng stock para sa bahay at para sa bahay na tinitirahan namin ngayon ni Michael. Napahinga naman ako ng malalim. Marami ang mga groceries na binili ko para sa pamilya ko, at sakto para sa akin lang naman ang binili ko para sa bahay na tinitirahan namin ni Michael. Hindi na ako nag abala pang bumili ng marami dahil ako lang naman mag isa sa bahay. Dahil hanggang ngayon, matapos nang naging huli naming pagkikita, wala pa rin akong balita kay Michael. Wala akong nakukuhang kahit ano sa kanya kahit pa isang simpleng text message. Napahinga akong muli ng malalim. Gano'n ba talaga ako kadaling makalimutan? Gano'n ba ako kadaling talikuran? Napabuntong hininga ako. Wala akong
Read more
PREV
1
...
1112131415
...
37
DMCA.com Protection Status