Nanatili lang akong nakatago hanggang sa tuluyang nawala ang mga lalaki. Malalim akong napahinga. Hindi ko alam pero natatakot ako. Natatakot akong malaman kung meron nga ba talagang tumatraydor kay Michael. Natigilan naman ako nang biglang may pumasok sa isip ko. Isang alaala na nangyari kailan lamang. Flashback Kasalukuyan akong nakasakay sa sasakyan ni Redenn. Pareho lang kaming tahimik habang binabagtas ang mahabang daan papunta sa Seth Corporation. Napahinga ako ng malalim bago ako napatingin sa mga kamay kong nakapatong sa aking tuhod at kasalukuyang nanginginig. Muli akong napabuntong hininga. Kung ano man ang mangyayari mamaya, sana naman ay hindi ako mapahiya. "Grabe naman ang mga buntong hininga na 'yon, Renice. Ang bibigat, ah?" natatawang sabi ni Redenn. Mabilis ko naman siyang tinignan bago ako bahagyang ngumiti. "Gano'n talaga. M-medyo kabado lang ako para mamaya," sabi ko naman bago ako nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. "Para saan ka naman kinaka
Patuloy akong naghintay hanggang sa tuluyan na ngang mawalan ng tao ang mga daraanan kong hallways. Kahit dito sa papunta sa likod ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang magtago dahil puno rito ng mga armadong lalaki. "T*ngina. Ang ilap nang mag-asawa. Nasaan na ba ang mga 'yon?" narinig kong tanong ng isa. "Anong oras na? Nangangati na akong mahawakan ang ulo ni Michael. Malaki rin ang gantimpala kapag napatay siya," sabi pa muli ng boses. Natigilan ako. Anong ibig sabihin no'n? Ibig bang sabihin na may presyo kami ni Michael? Napahinga ako ng malalim. Ibig bang sabihin no'n may katumbas lang na halaga ng pera ang buhay naming dalawa? Nang dahil sa narinig ko ay may isang gustong alaala na naman ang pumasok sa isipan ko. Flashback Mabagal kong idinilat ang aking nanlalabong mga mata habang nakahiga ako sa isang matigas na papag. Madilim ang paligid at hindi ko alam kung nasaan nga ba ako sa mga oras na ito. Akma na sana akong uupo ngunit naramdaman ko ang pag-sakit ng aking
Mabagal akong naglakad papalabas sa tinataguan ko. Hanggang maaari ay ayaw kong gumawa ng kahit anong tunog na makakakuha nang atensyon ng mga taong nandito. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi nang muli akong may maalala. Flashback Tulala lang akong nakatingin kay Michael. Gusto ko siyang sampalin dahil sa ginagawa niyang pakikipaglaro sa akin. "Itigil na natin ang kontrata. Hindi ko gustong mapahamak ang pamilya ko at ako nang dahil lang sa walang kwentang bagay," sabi ko pa. Hindi naman siya kaagad umimik. "You can't," sagot lang nito sa akin. Gusto ko sanang sumigaw dahil sa sobrang frustration na nararamdaman ko sa mga oras na ito. "May karapatan akong itigil ito dahil wala naman sa usapan natin na wala akong karapatang mag back out," sabi ko. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya bago siya naglakad papalapit sa akin. "I want to tell you the truth, but how?" sabi niya habang patuloy lang siya sa paglalakad papalapit sa akin. May kung ano talaga akong nakikitang e
Nanatili akong nagmamatiyag sa paligid ko. Ayaw kong malingat kahit sandali dahil baka kapag ginawa ko, magulat na lang ako nakita na ako nang mga lalaking 'to. Malalalim ang mga hiningang binitawan ko. Kailangan kong mahanap si Michael. Mabagal akong sumilip mula sa maliit na uwang na mayroon dito sa tinataguan ko. Puno ng mga katawan na naliligo na sa kanilang sariling dugo ang halos buong kusina papuntang likod. Habang nakatingin ngayon sa mga ito, isa na namang alaala ang pumasok sa isip ko. Flashback Nakanguso ako habang nakatingin sa labas ng terrace nitong villa na pinag-iwanan sa akin ni Michael. Hanggang ngayon ay palaisipan sa akin kung sino ba ang babaeng narinig kong kausap ni Michael nang tawagan niya ako kanina. Alam kong hindi sadya ni Michael na iparinig sa akin ang kung sino mang kausap niya kanina. Marahil ayaw pa nga niya na malaman kong may babae siyang kasama ngayon, dahil nang ma-realize niya siguro na nasa kabilang linya ako ay kaagad niyang pinatay ang taw
"T*ngina! Nasaan na ba ang mga 'yon? Lumabas kayo!" sigaw ng isang lalaki. Hindi naman magkamayaw sa kabog ang d*bdib ko. Wala pang limang minuto nang bigla na lamang bumulagta ang mga lalaking ngayon ay naliligo na sa sarili nilang dugo. "P*ta kayo!" sigaw naman ng isa. Hindi ko alam kung nasaan si Michael, pero alam ko na siya lang naman ang may gawa nito. "T*ngina mo! Kagaya ng tatay mo papatayin ka rin nila! Hindi ka titigilan nila Mr. Seth!" sigaw pa rin nito. Hindi ako muling nakakibo. Seth? Sinong Seth ang tinutukoy ng lalaking 'to? Flashback "AHHHHH!" isang malakas na sigaw ng lalaki na ngayon ay nakaupo sa isang silver na upuan. Nakatali ang kanyang mga kamay habang may piring ang kanyang mga mata. "Magsasalita ka o tuluyan na naming uubusin ang mga daliri mo?" nagbabantang sabi ni Tyron habang hawak ang isang maliit na kutsilyo. Simula nang pumasok kami rito ay ganyan na ang kanilang ginagawa. Pilit na pinagsasalita ang lalaking nakaupo sa silver na upuan. "Wala ak
Wala akong ibang ginawa kung hindi ang titigan ang bawat galaw ng mga lalaki rito sa baba habang patuloy sila sa pagbaril. Wala akong ibang naririnig sa mga oras na ito kung hindi mga mura at tunog ng baril. Nanatili akong nanonood hanggang sa nagawi na ang aking mga mata sa kanya. Hindi ko alam kung bakit napangiti ako. Habang nakatitig sa kanya, isang alaala naming dalawa pumasok bigla sa isip ko. Flashback "I said don't move!" striktong sabi sa akin ni Michael nang sinubukan ko muling umupo. Masama ang tingin niya sa akin at mukhang ano mang oras mula ngayon ay kaya niya akong biglang saktan. "K-kaya ko na!" pagpupumulit ko. Hindi ko na kasi gusto pang manatili sa hospital na ito dahil mukhang dito ako tuluyang magkakasakit. "Tss. As if I am going to allow you," biglang sabi ni Michael bago siya naupo sa dulo ng kama kung saan ako ngayon nakahiga. Mabilis na kumunot ang noo ko nang dahil sa kanyang sinabi. "Ano ang ibig mong sabihin?" nakakunot ang mga noong tanong ko. T
Wala akong ibang ginawa kung hindi ang manatiling nakatayo lang dito. Nanatili lang akong nakatitig kay Michael sa mga oras na ito. Muli kong naramdaman ang kakaibang kaba na naramdaman ko kanina. Hindi ko alam kung bakit ganito, pero pamilyar na pamilyar na sa akin ang ganitong takot. Flashback Patuloy kami sa paglakad papunta sa kung saan. Hindi ko nga alam kung alam ba talaga nitong si Michael kung saan niya nais pumunta. "Saan mo ba talaga trip pumunta?" tanong ko bago tinakbo ang maliit na pagitan naming dalawa. Hindi naman siya umimik pero nakita kong pinasadahan niya ako ng tingin. "Sagot na kasi. Ang usapan papautangin mo ako para makabili ng mga pagkain na iiwan ko sa bahay namin, pero 'di ko alam anong tumatakbo d'yan sa isip mo," sabi ko pa. Napasimangot naman ako bago patuloy na sumunod sa kanya sa paglakad. "Saan mo ba kasi trip na pumunta? Iiwanan kita rito, tignan mo," dugtong ko pa bago ko tinignan ang dinaanan namin kanina. Medyo malayo na rin kami sa mall, at
Nakatingin lang ako kay Michael. Kahit ganito lang ang ginagawa ko, iba't ibang alaala ang bigla na lamang bumabalik sa isip ko. Flashback Nanatili akong nakaupo sa upuan kung nasaan kami kanina nag-usap ni Mommy. Napatingin pa ako sa kalangitan bago ako napabuntong hininga. "That was deep," narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Mabilis ko naman kaagad siyang tinignan. Nakatayo ngayon sa tabi ng upuan na inuupuan ko si Michael habang may dala-dalang dalawang baso. Hindi naman ako sumagot, tanging pag-ngiti lamang ang ginawa kong pagsagot. "Happy birthday," sabi niya bago iniabot sa akin ang hawak niya pa ring baso. Mabagal ko namang inabot 'yon bago ako muling ngumiti. "Salamat," tanging sagot ko habang nakangiti pa rin. Hindi naman na sumagot si Michael, pero sa pagkakataong ito, tinignan niya lamang ako sa mga mata. "May I?" biglang tanong niya bago tumingin sa tabi ko at bago niya ibalik ang kanyang paningin sa akin. Tumango naman ako bago ako umusog ng pagkakaupo pa