Nanatili akong nakahiga sa kama ng kwarto ni Ranie. Ito 'yong kwarto naming dalawa noon na sa kanya na lamang ngayon.
Malaki na ang pinagkaiba nito kesa sa huling beses na rito ako tumira at natulog. Nakakatuwa. Halos mag-ta-tatlong taon pa lamang ang nakakaraan pero ang dami ng nagbago hindi lamang sa akin, pati na rin sa pamilya ko.
Akala ko imposible ng maibigay ko ang ganitong buhay sa kanila pero nagkamali ako. Ngayon ito na, nandito na.
Marahan akong napangiti. Ngayong maayos na ang pamumuhay nila mommy, tingin ko panahon naman na sarili ko naman ang pagtuunan ko ng pansin.
Napahinga ako ng malalim bago ako napatingin sa phone kong nakapatong din dito sa kamang kinauupuan ko. Kagat labi kong mabagal na inabot 'yon upang makita kung may text, o missed call lamang akong nakuha kay Michael, ngunit wala. Bagsak ang mga balikat akong sumandal ulit sa head rest nitong kama.
Ang bigat sa d*bdib lalo na matapos ng mga nalaman ko. Ang bigat dahil
Nakatayo ako ngayon sa tapat ng pinto ng opisina ni Michael. Kanina pa ako rito at halos wala man lang pumasok sa isip ko na kailangan ko ng pumasok sa loob o magkatok man lang. Malalim ang hiningang binitawan ko bago ko hinawakan ang doorknob ng pinto. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang hawak ito. "A-ano bang mahirap sa gagawin ko? Kailangan ko lang pumasok at paniguradong ayos lang ang lahat," sabi ko bago ako tumango tango bago ko tuluyang pinihit na ang doorknob at pumasok sa loob. "Finally," narinig kong sabi ni Michael bago ako nilingon. Napalunok naman ako. Nakaupo siya ngayon sa swivel chair niya habang magkapatong ang dalawa niyang paa. May hawak din siyang ballpen na ngayon ay nilalaro niya gamit ang kanan niyang kamay. "You've been standing there for almost two hours. Aren't your feet swollen?" tanong pa nito. Hindi naman ako kumibo. Mabilis ko lang ulit na iniiwas ang aking paningin. Hindi dapat ganito ang narar
Mabagal kaming naglakad papunta sa secret room habang patuloy kami sa aming ginagawa. Habol ko na ang aking paghinga dahil sa lalim ng halik na ibinibigay namin sa isa't isa. Nararamdaman ko ang malikot na kamay ni Michael na pumipisil sa iba't ibang bahagi ng aking katawan. Hindi ko alam pero sa tuwing ginagawa niya iyon ay mas lalo kong nararamdaman ang l*bog na siyang bumabaliw sa akin sa mga oras na ito. "F*ck," narinig kong untag niya matapos kong haplusin ang ibabang bahagi ng parte niya. "Keep doing that," pagpapatuloy pa niya bago hinawakan ang aking batok at mas pinalalim ang halik na pinagsasaluhan namin ngayon. Hindi ko alam. Nalalasing ako, gusto ko pa. Kailangan ko pa. Patuloy lang kami sa aming ginagawa nang maramdaman ko ang pagpasok ng kamay ni Michael sa loob ng suot kong dress. Agad akong napasinghap kaya panandaliang nahinto ang aming halikan. Ngunit hindi hinayaan ni Michael na tuluyang maputol 'yon, agad niya
Nandito ako ngayon sa bahay namin muli ni Michael. Actually, iba na naman ito. Iba na naman sa mga bahay na nitirahan namin nitong nakaraan na pagmamay-ari lang din naman ng lalaking ito. "Hanggang kailan ba tayo magpapalipat-lipat?" nagtatakhang tanong ko. "Pakiramdam ko kasi wala tayong permanenteng bahay. Lahat naman ng tinirahan natin ay sa iyo, pero parang hindi rin dahil hindi nagtatagal umaalis tayo roon," sabi ko pa bago ako napanguso. Medyo nakakapagod din kasi talaga na paiba iba ng bahay. Parehong nakakapagod physically, mentally, at emotionally. "I'm sorry I am dragging you with this miserable life. I just can't leave you," sagot naman niya sa akin. Kaagad ko naman siyang nilingon bago ako malalim na bumuntong hininga. Kung nakakapagod na para sa akin, paano pa sa lalaking ito? "Ayos lang basta ikaw ang kasama ko," sabi ko bago ako naupo sa sahig at nagsimula ng mag-ayos ng mga gamit na dala namin dito. Itong mga gamit na 'to ang gamit pa namin sa dati pa naming tira
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-re-register sa utak ko ang mga narinig ko mula sa bibig mismo ni Michael. Hindi ko akalain na maririnig ko mismo 'yon mula sa kanyang labi. Sa pagkakasabi kasi sa akin ni Redenn noon ay mahal na mahal ni Michael si Ylona, kaya hindi ko inaakala na kaya niya palang saktan ang babaeng kauna-unahan niyang minahal. Napahinga ako ng malalim. Nandito ako ngayon sa veranda. Dito ako dumiretso matapos namin kumain ni Michael kanina upang mag-isip isip. Si Michael naman ay nanatili sa kusina, gusto niya kasi na siya ang maghuhugas ng plato kahit na pinilit ko na ako na ang maghugas ng mga platong pinagkainan namin kanina. Gusto ko sana na ako na lang ang maghugas dahil siya naman na ang nagluto, pero ayaw raw niya dahil gusto raw niyang bumawi sa akin. Kanina pa ako nakatambay rito. Hindi rin naman kasi ako makaalis kahit gusto ko dahil pinahihintay sa akin ni Michael ang mag-de-deliver nang mga gamit para rito sa bahay. Mga gamit na in-order niya pala no
Nanatili ako na nakatago rito kung saan ako iniwan ni Michael. Malakas ang kabog ng dibd*b ko lalo na kapag tuwing may naririnig akong mga kalabog na nanggagaling sa iba't ibang parte nitong bahay. Malalalim ang mga hiningang binitawan ko. Akala ko ba bagong pagawa lang ni Michael ang bahay na ito? Kung gano'n bakit agad kaming natunton nang mga lalaking 'yon dito? Sino ba talaga ang mga ito at bakit hindi nila kami magawang tigilan? "Tang*na. Nasaan na ba ang mag-asawang 'yon? P*ta naman. Ang layo nang byahe natin para lang sa kanilang dalawa tapos 'di man lang natin sila madadale," narinig kong sabi nang boses ng isang lalaki. Kung gano'n hindi pa nagpapakita sa kanila si Michael? Nasaan kaya ang lalaking 'yon? "Mayayari na naman tayo nito kay Madam. Ayaw ko magaya sa baguhan na wala pa ngang isang linggo sa grupo napag-initan na, eh," reklamo naman ng isa. "Shh! Huwag kang maingay. Baka nandito lang ang dalawang 'yon, baka marinig nila ang sinasabi mo," narinig kong sabi naman
Nanatili lang akong nakatago hanggang sa tuluyang nawala ang mga lalaki. Malalim akong napahinga. Hindi ko alam pero natatakot ako. Natatakot akong malaman kung meron nga ba talagang tumatraydor kay Michael. Natigilan naman ako nang biglang may pumasok sa isip ko. Isang alaala na nangyari kailan lamang. Flashback Kasalukuyan akong nakasakay sa sasakyan ni Redenn. Pareho lang kaming tahimik habang binabagtas ang mahabang daan papunta sa Seth Corporation. Napahinga ako ng malalim bago ako napatingin sa mga kamay kong nakapatong sa aking tuhod at kasalukuyang nanginginig. Muli akong napabuntong hininga. Kung ano man ang mangyayari mamaya, sana naman ay hindi ako mapahiya. "Grabe naman ang mga buntong hininga na 'yon, Renice. Ang bibigat, ah?" natatawang sabi ni Redenn. Mabilis ko naman siyang tinignan bago ako bahagyang ngumiti. "Gano'n talaga. M-medyo kabado lang ako para mamaya," sabi ko naman bago ako nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. "Para saan ka naman kinaka
Patuloy akong naghintay hanggang sa tuluyan na ngang mawalan ng tao ang mga daraanan kong hallways. Kahit dito sa papunta sa likod ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang magtago dahil puno rito ng mga armadong lalaki. "T*ngina. Ang ilap nang mag-asawa. Nasaan na ba ang mga 'yon?" narinig kong tanong ng isa. "Anong oras na? Nangangati na akong mahawakan ang ulo ni Michael. Malaki rin ang gantimpala kapag napatay siya," sabi pa muli ng boses. Natigilan ako. Anong ibig sabihin no'n? Ibig bang sabihin na may presyo kami ni Michael? Napahinga ako ng malalim. Ibig bang sabihin no'n may katumbas lang na halaga ng pera ang buhay naming dalawa? Nang dahil sa narinig ko ay may isang gustong alaala na naman ang pumasok sa isipan ko. Flashback Mabagal kong idinilat ang aking nanlalabong mga mata habang nakahiga ako sa isang matigas na papag. Madilim ang paligid at hindi ko alam kung nasaan nga ba ako sa mga oras na ito. Akma na sana akong uupo ngunit naramdaman ko ang pag-sakit ng aking
Mabagal akong naglakad papalabas sa tinataguan ko. Hanggang maaari ay ayaw kong gumawa ng kahit anong tunog na makakakuha nang atensyon ng mga taong nandito. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi nang muli akong may maalala. Flashback Tulala lang akong nakatingin kay Michael. Gusto ko siyang sampalin dahil sa ginagawa niyang pakikipaglaro sa akin. "Itigil na natin ang kontrata. Hindi ko gustong mapahamak ang pamilya ko at ako nang dahil lang sa walang kwentang bagay," sabi ko pa. Hindi naman siya kaagad umimik. "You can't," sagot lang nito sa akin. Gusto ko sanang sumigaw dahil sa sobrang frustration na nararamdaman ko sa mga oras na ito. "May karapatan akong itigil ito dahil wala naman sa usapan natin na wala akong karapatang mag back out," sabi ko. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya bago siya naglakad papalapit sa akin. "I want to tell you the truth, but how?" sabi niya habang patuloy lang siya sa paglalakad papalapit sa akin. May kung ano talaga akong nakikitang e