Nang dahil sa lalaking ito, ramdam ko ang paninigas ng buo kong katawan. Akala ko isa na siya sa mga napatay namin noon no'ng kinuha nila ako ngunit hindi pala. Mukhang nakaligtas siya matapos ang araw na 'yon. Flashback Mabagal kong idinilat ang aking nanlalabong mga mata habang nakahiga ako sa isang matigas na papag. Madilim ang paligid at hindi ko alam kung nasaan nga ba ako sa mga oras na ito. Akma na sana akong uupo ngunit naramdaman ko ang pag-sakit ng aking tiyan. Kagat labi akong mabagal na umupo mula sa pagkakahiga. Napahawak pa ako sa aking ulo dahil bigla na lamang itong nanakit. At nang pakiramdam ko ay okay na ako, mabagal ko nang inilibot ang aking paningin sa paligid. Madilim dito at halos puno na ng alikabok. Ni-hindi ko rin maaninag ng maayos ang paligid dahil hanggang ngayon ay nanlalabo pa rin ang aking mga mata. "Nasaan ba ako?" tanong ko sa aking sarili bago ako huminga ng malalim upang habulin ang napupugto kong hininga dahil sa sakit ng aking tiyan. Hindi
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Naramdaman ko na ito noon, no'ng nasa loob kami ng hide out nila Michael. Flashback "AHHHHH!" isang malakas na sigaw ng lalaki na ngayon ay nakaupo sa isang silver na upuan. Nakatali ang kanyang mga kamay habang may piring ang kanyang mga mata. "Magsasalita ka o tuluyan na naming uubusin ang mga daliri mo?" nagbabantang sabi ni Tyron habang hawak ang isang maliit na kutsilyo. Simula nang pumasok kami rito ay ganyan na ang kanilang ginagawa. Pilit na pinagsasalita ang lalaking nakaupo sa silver na upuan. "Wala akong alam! At wala akong sasabihin!" matapang na sigaw ng lalaki bago ito tumawa. "Wala kayong makukuhang impormasyon sa akin! Mga baguhan kayo sa mundo ng mga mafia, hindi lahat ay takot sa ginagawa niyo!" muling sabi niya habang tumatawa. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang pilit nilang inaalam sa lalaking ito. Basta ngayon ay nakaupo ako sa isang upuan habang katabi ko si Michael na tahimik na nanonood sa kung ano
Ilang beses na ba ako naka-encounter nang ganito magmula nang makilala ko si Michael? Halos hindi ko na maalala kung ilan. Lalo na ang unang beses na pinuntahan kami sa bahay niya noon at doon na nagsimula ang paglipat lipat namin ng bahay at titirahan. Flashback Nakatayo ako ngayon sa tapat ng salamin dito sa walk-in closet na sinabi ni Michael. Tinititigan ko ang aking sarili. Suot-suot ko ang mga damit na ibinigay niya sa akin kanina. Ito ang mga gamit na dala-dala niya at nakapatong sa hawak niya kaninang tray. Napahinga ako ng malalim habang nanatili ang aking mga mata sa aking sarili. Ngayon lamang ako nakasuot ng ganito kagandang damit. Karamihan kasi ng damit ko ay nabili lang sa ukay-ukay, o 'di kaya ay pinaglumaan lang ng mga nakatrabaho ko. Ngayon lamang ako nagkaroon ng damit na may tatak o branded. Dahil wala naman akong kakayahan na bumili ng ganito. Mabilis naman akong napatingin sa kaliwang bahagi ko nang marinig ko ang pagtunog ng bago kong cellphone. Kagat labi
Sana malakas ako para tulungan si Michael ngayon. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang maupo rito at malugmok. Flashback Naglalakad kami ngayong dalawa ni Michael sa isang koridor papunta sa kwarto na nirentahan niya para sa aming dalawa. Pareho kaming walang kibo at walang kahit anong sinasabi sa isa't-isa. Magmula kasi nang ihatid namin sila mommy sa kwarto nila ay pareho na kaming walang kibo, kahit tinginan sa isa't isa ay hindi na namin ginawa pa. Wala na rin sina Redenn at Tyron dahil umalis na sila at nagpaalam na bababa raw muna sila ulit para pumunta sa beach club. Gusto ko sanang i-open ang mga naging pag-uusap namin kanina pero mas pinili ko na lamang na itikom pa ang bibig ko. Sa totoo lang, kanina pa ako na-a-amaze sa ganda ng apartell na 'to. Hindi ko alam kung ano ang eksatong tawag dito pero maganda rito, napaghahalataang mahal ang renta sa bawat kwarto rito. "We are here," pag-anunsyo ng lalaking katabi ko. Tinignan ko naman siya bago ang pinto ng hinintuan
Naaalala ko ang lahat nang mga nangyari sa amin ni Michael. Kung gusto ko pa na madagdagan pa ang mga alaala naming dalawa, kailangan kumilos ako. Kailangan tulungan ko siya. Flashback Patuloy kami sa paglalakad paitaas. Medyo napapagod na nga ako pero hindi ko lang ipinapahalata sa lalaking kasabayan ko sa paglalakad. Hindi ko naman talaga siya kasabayan, nauuna siya sa akin ng bahagya. Gusto ko sana magtanong ng kahit ano pero mas pinili ko na lamang na manahimik. Kanina pa kasi rin tumatakbo sa isip ko ang mga bagay-bagay na patuloy na gumugulo sa isip ko. Kahit ako nga ay nalilito na sa kung anong emosyon ba ang dapat kong ipakita. Napabuntong hininga ako. Maswerte na lang ako dahil ito lang ang trabaho ko, na ganito ang trabaho ko. Hindi ako pagod, hindi rin ako pinagpapawisan. Ang kaso nga lang, kahit saan ako magpunta ay minamaliit ang pagkatao ko. Mapait akong napangiti. Muli na namang pumasok sa isip ko ang nangyari sa mall kailan lang. Hindi ko maintindihan, hindi ba ta
Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Basta ang alam ko, nakita ko na lang na maraming nakatutok na baril kay Michael. Matapos no'n nakaramdam ako nang kakaibang pakiramdam sa d*bdib ko. Kaya ito ngayon, pareho kaming gulat na nakatingin ni Michael sa mga lalaking nakahandusay sa harapan namin at lahat ay naliligo na sa sarili nilang mga dugo. Ang ganitong pangyayari ay nangyari noon. Kung saan nakaramdam din ako ng kakaibang lukso sa dugo ko. Flashback Mabagal kong idinilat ang aking nanlalabong mga mata habang nakahiga ako sa isang matigas na papag. Madilim ang paligid at hindi ko alam kung nasaan nga ba ako sa mga oras na ito. Akma na sana akong uupo ngunit naramdaman ko ang pag-sakit ng aking tiyan. Kagat labi akong mabagal na umupo mula sa pagkakahiga. Napahawak pa ako sa aking ulo dahil bigla na lamang itong nanakit. At nang pakiramdam ko ay okay na ako, mabagal ko nang inilibot ang aking paningin sa paligid. Madilim dito at halos puno na ng alikabok. Ni-hindi ko rin maanin
"Tang*na. Kabago-bago ng bahay niyo dinungisan ng mga hinay*pak na ito," umiiling iling na sabi ni Redenn bago ako nilingon. Kanina pa sila nandito, kaya malamang ay nabanggit na sa kanila ni Michael ang nagawa ko. "Oo nga. Kaya bagay lang sa mga t*ngang 'to ang sinapit nila ngayong gabi," sabi naman ni Tyron habang busy siya sa pagbuhat sa katawan nang isa sa mga lalaki. Ako naman ay nanatiling tahimik. Hanggang ngayon ay patuloy ang pag-agos ng mga alaala sa akin. Flashback Patuloy ako sa paglakad papasok ng mall. Medyo masama ang loob ko sa ginawang pagtawa sa akin ng lalaking 'yon. "Where are you going?" rinig kong tanong ni Michael mula sa aking likod. Patuloy pa rin ako sa paglalakad kahit 'di ko alam kung saan ba ako dapat magtungo. "Hey," rinig kong sabi niya bago ko naramdaman ang paghapit niya sa aking kamay. "Ano ba?!" bulyaw ko. Napatingin naman si Michael sa paligid bago siya tumingin ulit sa akin. "You are being too loud again," nakakunot noong sabi niya. Hind
Hindi dapat ako malungkot sa nagawa kong pagtatanggol kay Michael. Simula noon siya na ang nagtatanggol sa akin kaya tama lang na gano'n din ang gawin ko. Na ibalik ko rin sa kanya kung ano ang dapat. Flashback Nakabusangot akong naglalakad kasabay ni Michael. Naiinis ako dahil 'di ko maintindihan kung bakit ayaw niyang sabay kaming maglakad. "Hoy! Hindi ko nakikita daraanan ko. Tapakan ko kaya sapatos mo," inis na sabi ko. Hindi naman siya kumibo, patuloy lang siya sa paglakad. "Hoy, Michael!" inis na pagtawag ko sa kanya. Mabilis naman niya akong nilingon bago siya napabuntong hininga. Mabagal din siyang huminto sa paglakad bago tuluyang tumingin sa gawi ko. "You are causing a scene," simpleng sabi niya bago siya tumingin sa paligid. Napatingin na rin ako sa paligid bago ako napasimangot. Totoong halos lahat nga ng tao rito ay pinagtitinginan kami. "Bakit kasi sinama-sama mo pa ako rito sa mall kung 'di mo naman ako isasabay sa paglakad? Gusto mo nasa likuran mo lang ako?"
Malalim akong huminga nang makita ko si Michael na naglalakad papunta sa gawi namin ni Redenn. Nasa likuran niya si Tyron at tatlo pang hindi ko kilalang mga lalaki. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Dahil hindi ko kayang titigan ang maganda niyang mga mata. "Twenty minutes late," sabi ni Michael nang tuluyan ng makalapit sa amin. Nakatingin pa siya sa wrist watch niya. "Traffic," biglang sagot ni Redenn habang inaayos ang suit na kanyang suot. Hindi naman sumagot si Michael kaya roon na ako tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin. At may kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata. "Ahem," natatawang untag ni Tyron bago siniko si Redenn. Natawa naman si Redenn bago hinila si Tyron papunta sa kung saan. "Ano?" pagbungad ko kay Michael nang makita kong titig na titig pa rin siya sa akin. Napailing naman siya ng marahan bago muling tumingin sa akin. "Nothing," simpleng pagsagot lang niya. Napaiwas naman ako ng tingin. Nasa labas kami ng mansion at m
Papunta kami ngayon ni Michael sa conference room para sa susunod na meeting ko with the board members.Marahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha. Kaagad kong iniharang ang aking kamay upang mawala ang liwanag na ngayon ay patuloy na sumisilaw sa akin."Goo--" hindi ko na natapos pa ang kung ano sanang sasabihin ko nang matapos ko6ng tumingin mula sa aking likod ay wala na ang lalaking sa huli kong pagkakatanda ay katabi kong natulog kagabi."Michael?" pagtawag ko sa kanya. Baka kasi nasa cr lamang siya ng kwartong ito."Michael?" pagtawag ko ulit bago ako mabagal na umupo mula sa pagkakahiga at iniharang sa aking hubad na katawan ang comforter na kagabi ay sabay pa naming gamit.Nasaan ba ang lalaking 'yon?"Michael? Nasaan ka?" pagtawag ko ulit bago ako bumaba sa kama at hinanap kung saan inilagay ni Michael ang mga damit na suot ko kagabi. Napakagat naman ako ng pang ibabang la
I don't know how can someone be so harsh to someone. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko makakarinig kaming dalawa ni Michael ng malalang sermon galing sa board members. Magkasama na kami ngayom ni Michael. "What are you thinking?" biglang tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa meeting area. "W-wala naman. Medyo kinakabahan lang ako. Baka kasi malakasang sermon ang makuha natin sa kanila," sabi ko bago ako napabuntong hininga. Kinakabahan ako. Baka matanggal si Michael sa pagiging CEO nang dahil sa ginawa ko na naman kanina. "Tss. As if they can," sabi naman niya bago ko naramdaman ang marahang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay. "Hey, chill. They can't scold you so relax," sabi pa niya bago bahagya akong nginitian. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi upang mawala ang kung ano mang gulo na naiisip ko sa mga oras na ito. "Sigurado ka ba na hindi sila magagalit sa atin?" tanong ko naman upang mawala ang kung ano mang mga gulo na ngayon ay pumapasok sa isip ko.
"Kumusta ka naman, Renice?" rinig kong tanong sa akin ni Redenn habang diretsong nakatingin sa daan. Nakasakay kami ngayon sa sasakyan ni Redenn. Papunta kami ngayon sa Seth Corporation para asikasuhin ang mga bagay na naiwan ni Michael. "Ayos lang naman ako," sabi ko habang may pilit na ngiti. Hindi ako ayos. Walang maayos. Nasasaktan ako, parang bigla akong iniwan ni Michael matapos niyang makuha ang lahat lahat sa akin. "Galit ka ba, Renice?" biglang tanong ni Redenn matapos ang ilang segundong pagiging tahimik namin. "Ha? Bakit naman?" tanong ko bago ako napatingin ng diretso sa daan. Bakit naman ako magagalit? At kanino naman? "Dahil ilang araw ng 'di nagpapakita si Michael sa iyo?" sagot naman nito sa akin. Hindi ako kaagad nakaimik. Nakakaramdam ako ng inis, at tampo dahil bigla na lang siyang nawala ng walang pasabi. Pero hindi ko 'yon maaaring aminin dahil alam ko naman sa sarili ko na wala akong karapatan. "A-ano namang magagawa ko kung ayaw niya magpakita o kung gus
Patuloy ako sa pagbabasa ng mga laman ng folders na narito sa mesa ni Michael. Sa totoo lang kanina pa ako rito pero wala pa ako ni isang napipirmahan o naa-aprubahan na plano.Napahinga ako ng malalim. Bukod sa wala talaga akong alam sa ginagawa ko, hindi ko rin maintindihan bakit ganito ang nararamdaman ng puso ko.Nasasaktan ako. Hindi lang dahil sa sinabi ng sekretarya ni Michael, kung hindi dahil kay Michael mismo. Paano nga ba kung may kasama na siyang iba? Katapusan na rin ba 'yon ng kontrata naming dalawa? Tapos na ba ang trabaho ko sa kanya bilang rented wife?Binitawan ko ang ballpen na kanina ko pa hawak pero ni-isang beses ay hindi ko pa nagamit dahil wala pa naman akong napipirmahan na kahit ano.Napasandal pa ako sa swivel chair bago ako napatingin sa kisame.Kinagat ko rin ang pang ibaba kong labi nang maramdaman ko ang pagbigat ng aking mga mata at ang pang iinit nito.Kung nasaan man si Michael, sana maalala niya man lang ako. At sana naaalala niya rin ako kagaya ko n
Tulala lang akong nakatayo ngayon sa tapat ng elevator katabi si Michael. Ito na ang araw na 'yon. Ito na ang araw na makikilala na ako ng board members, at ito na rin ang araw na official na akong ipapakilala ni Michael hindi lang sa board at sa buong kompanya, kung hindi pati na rin sa mga kaaway niya sa underground world. "Hey, are you okay?" biglang tanong ng lalaking kasalukuyang katabi ko at mahigit na may hawak ng kanang kamay ko. Marahan naman akong ngumiti bago ako tumango. "Okay lang naman ako," sabi ko bago ako muling ngumiti. Ayaw kong ipakita kay Michael ang totoo kong nararamdaman. Ayaw kong makita niya na natatakot ako. Natatakot ako hindi dahil sa ihaharap ako sa mga taong isa sa dahilan kung bakit maganda ang takbo ng Seth Corporation ngayon, kung hindi dahil sa katotohanan na maaari muling malagay ang buhay ko sa tiyak na kapahamakan Hindi ko kaagad narinig ang sagot ni Michael, pero hindi rin nagtagal, narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. "Why are
"I want to hear a lot of things behind your life," sabi niya pa bago ako tinignan ng diretso muli sa mata.Natatakot ako, natatakot akong mahusgahan niya nang dahil sa nagawa ko sa aking ama.Napaiwas naman ako ng tingin bago ako huminga ng malalim. Makakaya ko bang aminin sa kanya ang totoo?"A-ano naman ang gusto mong malaman?" tanong ko pa."How was he as a father to you and to your siblings?" tanong niya. Hindi ako kaagad nakaimik.Mabait, responsable, at higit sa lahat mapagmahal na ama siya sa amin ni Ranie noong panahon na nabubuhay pa siya. Wala kaming narinig na kahit anong reklamo mula sa kanya kahit pa buong araw siyang nasa labas ng bahay at nagta-trabaho."Mabait si daddy. Mabait siya at responsable. Wala akong ibang nakita na ni-minsan ay nagreklamo siya kay Mommy tungkol sa trabaho niya," sagot ko bago ako bumuntong hininga.Maganda ang pamumuhay namin noon. Maganda at masaya, akala ko nga ay panghabang buhay na."What was his job?" biglang tanong ni Michael.Natigilan
I was still in awe whenever I think about what had happened to us. I still love him. Malalim akong huminga nang makita ko si Michael na naglalakad papunta sa gawi namin ni Redenn. Nasa likuran niya si Tyron at tatlo pang hindi ko kilalang mga lalaki. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Dahil hindi ko kayang titigan ang maganda niyang mga mata. "Twenty minutes late," sabi ni Michael nang tuluyan ng makalapit sa amin. Nakatingin pa siya sa wrist watch niya. "Traffic," biglang sagot ni Redenn habang inaayos ang suit na kanyang suot. Hindi naman sumagot si Michael kaya roon na ako tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin. At may kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata. "Ahem," natatawang untag ni Tyron bago siniko si Redenn. Natawa naman si Redenn bago hinila si Tyron papunta sa kung saan. "Ano?" pagbungad ko kay Michael nang makita kong titig na titig pa rin siya sa akin. Napailing naman siya ng marahan bago muling tumingin sa akin. "Nothing," simpl
I don't know what to do anymore. Maybe life is indeed harsh to me. Nanatili kaming sakay ng nirentahang jeep ni Michael. Pareho lang kaming tahimik habang nakaupo at naghihintay na marating na namin ang palengke. Patuloy akong nanahimik, at hindi kumikibo ngunit agad nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko na dala-dala ko nga pala ang cellphone na ibinigay sa akin ni Michael. Mabilis kong kinapa ang suot kong dress na above the knee. Ngayon ko lang din naalala na wala nga pa lang bulsa ang suot kong damit. "Hala, saan ko inilagay 'yon?" tanong ko sa aking sarili. Mabagal at marahan ko namang nilingon si Michael na nakatingin na pala sa akin sa mga oras na 'to. Mabilis ko naman siyang kinunutan ng noo. "Ano? Tinitingin-tingin mo?" tanong ko bago ko muling ibinaling ang aking paningin sa labas ng jeep. Kunwari ay kalmado lang ako pero ang totoo n'yan ay abot-abot na ang aking kaba dahil hindi ko maalala kung saan ko nga ba inilagay ang phone na ibinigay sa akin ng lalaking 'to. I