Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Basta ang alam ko, nakita ko na lang na maraming nakatutok na baril kay Michael. Matapos no'n nakaramdam ako nang kakaibang pakiramdam sa d*bdib ko. Kaya ito ngayon, pareho kaming gulat na nakatingin ni Michael sa mga lalaking nakahandusay sa harapan namin at lahat ay naliligo na sa sarili nilang mga dugo. Ang ganitong pangyayari ay nangyari noon. Kung saan nakaramdam din ako ng kakaibang lukso sa dugo ko. Flashback Mabagal kong idinilat ang aking nanlalabong mga mata habang nakahiga ako sa isang matigas na papag. Madilim ang paligid at hindi ko alam kung nasaan nga ba ako sa mga oras na ito. Akma na sana akong uupo ngunit naramdaman ko ang pag-sakit ng aking tiyan. Kagat labi akong mabagal na umupo mula sa pagkakahiga. Napahawak pa ako sa aking ulo dahil bigla na lamang itong nanakit. At nang pakiramdam ko ay okay na ako, mabagal ko nang inilibot ang aking paningin sa paligid. Madilim dito at halos puno na ng alikabok. Ni-hindi ko rin maanin
"Tang*na. Kabago-bago ng bahay niyo dinungisan ng mga hinay*pak na ito," umiiling iling na sabi ni Redenn bago ako nilingon. Kanina pa sila nandito, kaya malamang ay nabanggit na sa kanila ni Michael ang nagawa ko. "Oo nga. Kaya bagay lang sa mga t*ngang 'to ang sinapit nila ngayong gabi," sabi naman ni Tyron habang busy siya sa pagbuhat sa katawan nang isa sa mga lalaki. Ako naman ay nanatiling tahimik. Hanggang ngayon ay patuloy ang pag-agos ng mga alaala sa akin. Flashback Patuloy ako sa paglakad papasok ng mall. Medyo masama ang loob ko sa ginawang pagtawa sa akin ng lalaking 'yon. "Where are you going?" rinig kong tanong ni Michael mula sa aking likod. Patuloy pa rin ako sa paglalakad kahit 'di ko alam kung saan ba ako dapat magtungo. "Hey," rinig kong sabi niya bago ko naramdaman ang paghapit niya sa aking kamay. "Ano ba?!" bulyaw ko. Napatingin naman si Michael sa paligid bago siya tumingin ulit sa akin. "You are being too loud again," nakakunot noong sabi niya. Hind
Hindi dapat ako malungkot sa nagawa kong pagtatanggol kay Michael. Simula noon siya na ang nagtatanggol sa akin kaya tama lang na gano'n din ang gawin ko. Na ibalik ko rin sa kanya kung ano ang dapat. Flashback Nakabusangot akong naglalakad kasabay ni Michael. Naiinis ako dahil 'di ko maintindihan kung bakit ayaw niyang sabay kaming maglakad. "Hoy! Hindi ko nakikita daraanan ko. Tapakan ko kaya sapatos mo," inis na sabi ko. Hindi naman siya kumibo, patuloy lang siya sa paglakad. "Hoy, Michael!" inis na pagtawag ko sa kanya. Mabilis naman niya akong nilingon bago siya napabuntong hininga. Mabagal din siyang huminto sa paglakad bago tuluyang tumingin sa gawi ko. "You are causing a scene," simpleng sabi niya bago siya tumingin sa paligid. Napatingin na rin ako sa paligid bago ako napasimangot. Totoong halos lahat nga ng tao rito ay pinagtitinginan kami. "Bakit kasi sinama-sama mo pa ako rito sa mall kung 'di mo naman ako isasabay sa paglakad? Gusto mo nasa likuran mo lang ako?"
Nandito ako ngayon sa kusina. Nag iisip isip ng mga bagay na maaaring magpalayo sa akin sa pag iisip nang nagawa ko kanina. Flashback "Dito na lang," sabi ko kay Michael habang nakatingin sa paligid ng mataong palengke. Mabagal ang usad namin ngayon dahil maraming tao ang namamalengke. Hindi ko sinabi kung anong lugar ito basta sinabi ko kung saan dapat kami daraan kaya ngayon ay nandito kami. Hindi siya umimik kaya muli ko siyang tinignan. "Dito na lang tayo," ulit ko ngunit nanatili pa rin siyang nagmamaneho. "Ayaw mo ba rito?" tanong ko pa. Nilingon naman niya ako bago niya ibinalik ang kanyang atensyon sa paligid. "Why here? There's a lot of place to go," sabi naman niya sa akin. Napasandal naman ako sa upuan bago ako napahinga ng malalim. "Mura lang kasi ang bilihin dito sa palengke, hindi katulad sa mga grocery store. At saka, ayoko sagarin ang utang ko sa 'yo. Baka wala na akong sahurin," sagot ko naman sa kanya. "What are you going to buy?" tanong naman niya sa akin.
Hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako kapag naaalala ko kung gaano kabilis ang mga pangyayari. Magmula sa pag -aapply ko hanggang sa sinabi ni Michael kay mommy na gusto niya akong pakasalan. Flashback Kasalukuyan kaming tahimik na nakaupo sa loob ng sasakyan na dala-dala nila Tyron at Redenn. Nagmamaneho si Tyron ng sasakyan habang nakaupo naman sa tabi nito si Redenn na naging maya't-maya ang naging pagsipol habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Ako naman ay nanatili lang na nakaupo sa tabi ni Michael na hanggang ngayon ay tahimik na nakaupo sa tabi ko. Kanina pa siya walang imik. Tahimik at diretso rin siyang nakatingin sa labas ng sasakyan. Kung titignan, mukhang may malalim siyang iniisip. "Ah, Michael? Okay lang ba ang lahat?" rinig kong biglang tanong ni Tyron na focus sa pagmamaneho. Hindi naman kaagad umimik si Michael. "Kumain lang talaga kami. Walang samaan ng loob. Pfft," rinig kong rebat naman ni Redenn. Akala ko ay mag-re-react na si Michael ngunit nanatili lang
Ilang beses ko ng nasaksihan ang tunay na si Michael noon, pero nanatili ako. Mahal ko siya. Kahit ano pa siya noon, at kung ano man ang bumubuo sa pagkatao niya. Flashback Naglalakad kami ngayong dalawa ni Michael sa isang koridor papunta sa kwarto na nirentahan niya para sa aming dalawa. Pareho kaming walang kibo at walang kahit anong sinasabi sa isa't-isa. Magmula kasi nang ihatid namin sila mommy sa kwarto nila ay pareho na kaming walang kibo, kahit tinginan sa isa't isa ay hindi na namin ginawa pa. Wala na rin sina Redenn at Tyron dahil umalis na sila at nagpaalam na bababa raw muna sila ulit para pumunta sa beach club. Gusto ko sanang i-open ang mga naging pag-uusap namin kanina pero mas pinili ko na lamang na itikom pa ang bibig ko. Sa totoo lang, kanina pa ako na-a-amaze sa ganda ng apartell na 'to. Hindi ko alam kung ano ang eksatong tawag dito pero maganda rito, napaghahalataang mahal ang renta sa bawat kwarto rito. "We are here," pag-anunsyo ng lalaking katabi ko. T
Kung tutuusin, maaari ko na siyang iwan noon. Lalo na noong unang beses kong makakita ng taong naliligo sa sarili niyang dugo pero hindi. Hindi ko nga alam bakit parang 'di man lamang ako natakot noon. Flashback Nanatili akong nakayakap kay Michael. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming ganito, wala naman akong naramdaman na pagtutol mula sa kanya. "A-anong nangyari?" tanong ko bago ako humiwalay sa kanya ng pagkakayakap. Nakita ko naman na hinuli niya ang mga mata ko bago siya nagsalita. "Aren't you afraid?" biglang tanong niya. Natahimik naman ako. Pakiramdam ko isa 'yong sapak sa akin. "B-bakit naman ako matatakot?" kinakabahang tanong ko. Nakita ko namang napalingon si Michael sa gawi ng mga lalaking malamig ng nakahandusay sa kama. "Aren't you afraid?" ulit na tanong niya sa akin. Hindi naman ako nakapagsalita. Nanatili kami sa mga posisyon naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit hindi ako natatakot. Hindi ko rin alam kung bakit nananaig sa akin ang tuwa na makitang a
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Gusto kong sariwain ang lahat bago kami napunta sa ganitong sitwasyon. Flashback Nakaupo ako ngayon dito sa office ni Michael. Wala si Michael dito, hindi ko alam kung nasaan siya. Matapos nang nangyari kanina ay hindi ko na siya nakita pa. Kaya nga ako pumunta rito ay para makita siya. Gusto kong makausap si Michael. Gusto ko siyang makita. Napabuntong hininga ako bago ko kinuha ang cellphone kong nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano gamitin ang isang 'to. Pero kailangan kong makausap ang lalaking 'yon. Muli akong napabuntong hininga, ngunit agad akong napaupo nang maayos ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng opisina ni Michael. "Right. Mabuti na lang at nandito ka. As a fake chairwoman of the board, kailangan mong pirmahan ang lahat ng 'to," sabi ng secretary ni Michael bago inilapag ang mataas na paper works. "May alam ka ba sa mga proposals? Eh, sa investments? Lagot ka kapag void ang mga