Gusto kong malaman kung kailan ba matatapos ang walang katapusang taguan na ito. Gusto kong malaman hanggang kailan nga ba manganganib ang buhay naming lahat. Ayoko na maulit noon na hindi ko alam kung may babalik pa ba sa akin mula sa pagtatago. Flashback Nakaupo ako rito sa loob ng walk-in closet. Kanina pa ako nag-iisa rito dahil hindi ko alam kung saan ba pumunta si Michael. Malalim akong bumuntong hininga. Madilim ang paligid at wala man lang akong naaninag na kahit anong liwanag. Nakasuksok ako sa pinaka-gilid nitong closet. Hindi ko alam kung saan dumaan papalabas si Michael, basta alam ko pumunta siya sa likod ng salamin dito at matapos no'n, 'di ko na alam kung saan siya pumunta. Napahinga ako ng malalim. Mas lalong dumami ang mga tanong na nasa isip ko. Mas lalong lumaki ang hinala ko sa ginagawa ni Michael. Hindi ko alam kung ligtas pa ba ako sa bahay na ito. Hindi ko alam kung ligtas pa akong manatili rito. Paano kung madamay ako rito? Paano kung madamay ang pamilya
Napaka bilis nang panahon. Parang noon naiinis ako ng sobra sobra kay Michael, ngayon, kakaibang tama na ang nararamdaman ko sa kanya. Flashback "This is your room," sabi ni Michael sa akin. Nakatayo kami ngayon sa tapat ng isang malaking pinto. "Dito? Ako?" tanong ko habang nakatingin sa kanya. "Yes," simpleng sagot niya bago naglakad papalayo sa akin. Nanatili naman akong nakatayo sa harapan ng pinto kung saan niya ako iniwan, pero ang mga mata ko ay nanatiling nakasunod sa kanya. Kinagat ko naman ang pang-ibaba kong labi bago ko binuksan ang cellphone kong kanina pa nasa loob ng aking bag. Napahinga ako ng malalim. Lowbatt na kasi ngayon ang cellphone ko, at 'di ko alam kung paano ko tatawagan at sasabihin kay mommy na hindi ako makakauwi ngayong gabi. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko tungkol sa trabaho ko. Hinawakan ko ang doorknob ng pinto nang magsisilbi kong kwarto rito sa bahay ni Michael. Mabagal ko itong binuksan at mabagal ko ring sinilip ang loob no'n. K
Mabagal kong binuksan ang aking mga mata. Nandito ako ngayon sa bahay nila mommy, dito muna ako pansamantalang natutulog ilang araw na rin ang nakakalipas. Hindi ko alam kung ano ang pinagkaiba nang bahay namin na ito sa bahay ni Michael. Kung may magtatangka mang manakit sa amin dito ay wala naman kaming magagawa. Wala namang mga bantay rito na po-protekta sa amin o kung ano. "Anak? Kumain ka na ba?" narinig kong biglang tanong sa akin ni mommy na ngayon ay nakasilip sa kwarto namin noon ni Ranie. Agad ko siyang nilingon bago ako ngumiti. "Hindi pa po, mommy," sagot ko bago ako umupo. Tumango naman siya bago ako tinignan mula ulo hanggang paa. "May gusto ka bang sabihin? I-kwento?" biglang sabi pa nito. Natahimik naman ako. Sa totoo lang kasi, matapos akong ihatid ni Michael dito noong isang araw ay wala na akong naging balita pa sa kanya. Pati na rin sa dalawa niyang mga kaibigan. "Ako? Wala naman po," sagot ko bago ako naupo sa kama at pinagmasdan ang kulay rosas na pader nit
Nandito ako ngayon sa harap nang isang mamahaling eskwelahan. Sinundo ako kanina ni Tyron at inihatid dito. Inabutan lang din niya ako nang isang folder bago ako tuluyang iniwan dito. Wala akong alam sa kung paano ang gagawin kong proseso. Basta ang alam ko lang, ito na ang pag-aaral na hiniling ko kay Michael. Flashback Nakatayo ako ngayon sa harap ng vanity table rito sa dating kwarto namin ni Ranie na ngayon ay kwarto na lamang niya ngayon. Nakakatuwa na kahit bago na ang halos lahat ng gamit dito sa bahay ay hindi ni Ranie nagawang itapon o ipagpalit sa bago at mas magandang vanity table itong table kong ito. "Nandito ka pa pala?" narinig kong untag nang isang pamilyar na boses sa malapit sa pinto nitong kwarto. Agad ako roong napatingin at nakita si Ranie. Nakabistida ito nang dilaw habang may hawak siyang dalawang libro. "Ah, oo. Paalis na rin ako," sagot ko sa kanya bago ako ngumiti. Hindi naman na siya nagsalita. Tanging pagtango na lamang ang tangi niyang ginawa. "Kuma
Kararating ko lang dito sa bahay matapos kong pumunta sa university na papasukan ko. Sa totoo lang ay walang katumbas na saya ang naramdaman ko matapos makausap ang Dean nang school na iyon. Mukhang totoo nga ang sabi sa akin ni Tyron, naihanda na nga lahat ni Michael ang pagpasok ko. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi. Sa totoo lang ay nami-miss ko siya. Sa totoo lang ay gusto ko nang makita ang lalaking 'yon. Pero anong magagawa ko? Ilang araw na kaming 'di nagkikita pero parang hindi man lamang niya ako naaalala. Napabuntong hininga ako bago ko tinignan ang mga messages dito sa phone ko na ibinigay pa sa akin ni Michael. "Puro mga networks naman mga nag-text sa akin," untag ko sa sarili ko. Hindi rin ako mini-message ko tinatawagan man lamang ni Michael. Hindi ko kasi alam kung bakit parang medyo nahihiya akong tawagan siya. Napahinga ako nang malalim bago ako napaupo sa upuan na malapit sa akin. Sa totoo lang ay nasasaktan ako. Nasasaktan ako na baka nga, baka nga dahil sa
Ilang araw na lang at simula na ang klase. Ilang linggo na rin akong nandito sa puder nila mommy. Pakiramdam ko ay hindi na ako aalis pa ulit dito. Feeling ko tuluyan na akong inabandona ni Michael. Gusto ko man siyang makausap para itanong kung bakit niya ako biglang kinalimutan, ngunit hindi ko magawa. Marahil nga tapos na talaga ang kontrata. Baka nga nagawa ko na ang parte ko. Baka nga nakuha na nang buo ni Michael ang Seth Corporation. Malalim akong napabuntong hininga. Hanggang kailan ba ako maghihintay sa taong wala naman na akong kasiguraduhan kung babalik pa. Agad akong napatingin sa singsing na suot suot ko noon pa no'ng pumirma ako sa kontrata. Hindi totoo ang kasal namin, at hindi isinumiti nang Judge ang papeles ng kasal namin, kaya kung bigla na lamang akong iiwan ni Michael sa ere ay magagawa niya. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi bago ko hinawakan ang singsing. Mapait akong ngumiti bago ako bumuntong hininga. Baka hanggang dito na lang talaga. Baka ito na nga.
Kasalukuyan na akong naglalakad ngayon papunta sa univeristy na papasukan ko. Paaralan 'yon sa totoo lang ng mga mayayamang tao tulad ni Michael. At hindi naman talaga ako makakapasok doon kung hindi dahil sa tulong ng lalaking 'yon. Kanina pa ako nakaalis ng bahay. Pero dahil ito pa lang ang pangalawang beses na pupunta ako sa school na 'yon ay lumagpas ako ng bababaan. Wala naman sa akin 'yon dahil sanay naman na ako sa mahabang lakaran. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi. Ang dami rin kasing tumatakbo sa isip ko kaya ito ngayon ako, naglalakad sa gitna ng araw. Sana hindi ako mangamoy pawis. Unang araw pa naman ng school year, at ito ang unang araw na bumalik ako sa pag-aaral matapos ang ilang taon. Patuloy lang ako sa paglalakad habang palinga-linga sa paligid. Nadala na kasi ako nang nangyari noon kung saan na-kidnap ako at muntik na akong mapatay. Napahinga ako ng malalim, pero baka nga mas mainam na ang ganito. Baka mas maigi na nga na 'di na kami nagkikita ni Michael, bak
Kasalukuyan na ako ngayong naghahanap ng klase ko. Sa totoo lang ay nasa mahigit isang oras na ata no'ng nagsimula akong maghanap pero hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ako. Business Administration ang kurso na kinuha ko. Inisip ko kasi na advantage ito para kapag pina-handle sa akin ni Michael ang kompanya niya at least may alam ako sa business. Kaso ngayon na iniisip ko, isa pa lang kalokohan ang bagay na 'yon. Dahil mukhang hindi naman na sa akin ipapa-handle ang kompanya dahil mukhang tapos na ang kontrata. Mukhang nagtapos na ang koneksyon naming dalawa. "Nasaan ba 'yon?" iritang untag ko habang hawak ang papel ng certificate of registration ko sa school na 'to. Dito ko tinitignan kung ano nga ba ang klase at classroom na pupuntahan ko. Ang kaso sa laki nang university na 'to, pakiramdam ko buong araw akong maghahanap. "Alam mo na ba kung saan ang first class mo?" halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lamang may sumulpot na lalaki sa aking harapan. Mabilis na napakun
Malalim akong huminga nang makita ko si Michael na naglalakad papunta sa gawi namin ni Redenn. Nasa likuran niya si Tyron at tatlo pang hindi ko kilalang mga lalaki. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Dahil hindi ko kayang titigan ang maganda niyang mga mata. "Twenty minutes late," sabi ni Michael nang tuluyan ng makalapit sa amin. Nakatingin pa siya sa wrist watch niya. "Traffic," biglang sagot ni Redenn habang inaayos ang suit na kanyang suot. Hindi naman sumagot si Michael kaya roon na ako tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin. At may kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata. "Ahem," natatawang untag ni Tyron bago siniko si Redenn. Natawa naman si Redenn bago hinila si Tyron papunta sa kung saan. "Ano?" pagbungad ko kay Michael nang makita kong titig na titig pa rin siya sa akin. Napailing naman siya ng marahan bago muling tumingin sa akin. "Nothing," simpleng pagsagot lang niya. Napaiwas naman ako ng tingin. Nasa labas kami ng mansion at m
Papunta kami ngayon ni Michael sa conference room para sa susunod na meeting ko with the board members.Marahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha. Kaagad kong iniharang ang aking kamay upang mawala ang liwanag na ngayon ay patuloy na sumisilaw sa akin."Goo--" hindi ko na natapos pa ang kung ano sanang sasabihin ko nang matapos ko6ng tumingin mula sa aking likod ay wala na ang lalaking sa huli kong pagkakatanda ay katabi kong natulog kagabi."Michael?" pagtawag ko sa kanya. Baka kasi nasa cr lamang siya ng kwartong ito."Michael?" pagtawag ko ulit bago ako mabagal na umupo mula sa pagkakahiga at iniharang sa aking hubad na katawan ang comforter na kagabi ay sabay pa naming gamit.Nasaan ba ang lalaking 'yon?"Michael? Nasaan ka?" pagtawag ko ulit bago ako bumaba sa kama at hinanap kung saan inilagay ni Michael ang mga damit na suot ko kagabi. Napakagat naman ako ng pang ibabang la
I don't know how can someone be so harsh to someone. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko makakarinig kaming dalawa ni Michael ng malalang sermon galing sa board members. Magkasama na kami ngayom ni Michael. "What are you thinking?" biglang tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa meeting area. "W-wala naman. Medyo kinakabahan lang ako. Baka kasi malakasang sermon ang makuha natin sa kanila," sabi ko bago ako napabuntong hininga. Kinakabahan ako. Baka matanggal si Michael sa pagiging CEO nang dahil sa ginawa ko na naman kanina. "Tss. As if they can," sabi naman niya bago ko naramdaman ang marahang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay. "Hey, chill. They can't scold you so relax," sabi pa niya bago bahagya akong nginitian. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi upang mawala ang kung ano mang gulo na naiisip ko sa mga oras na ito. "Sigurado ka ba na hindi sila magagalit sa atin?" tanong ko naman upang mawala ang kung ano mang mga gulo na ngayon ay pumapasok sa isip ko.
"Kumusta ka naman, Renice?" rinig kong tanong sa akin ni Redenn habang diretsong nakatingin sa daan. Nakasakay kami ngayon sa sasakyan ni Redenn. Papunta kami ngayon sa Seth Corporation para asikasuhin ang mga bagay na naiwan ni Michael. "Ayos lang naman ako," sabi ko habang may pilit na ngiti. Hindi ako ayos. Walang maayos. Nasasaktan ako, parang bigla akong iniwan ni Michael matapos niyang makuha ang lahat lahat sa akin. "Galit ka ba, Renice?" biglang tanong ni Redenn matapos ang ilang segundong pagiging tahimik namin. "Ha? Bakit naman?" tanong ko bago ako napatingin ng diretso sa daan. Bakit naman ako magagalit? At kanino naman? "Dahil ilang araw ng 'di nagpapakita si Michael sa iyo?" sagot naman nito sa akin. Hindi ako kaagad nakaimik. Nakakaramdam ako ng inis, at tampo dahil bigla na lang siyang nawala ng walang pasabi. Pero hindi ko 'yon maaaring aminin dahil alam ko naman sa sarili ko na wala akong karapatan. "A-ano namang magagawa ko kung ayaw niya magpakita o kung gus
Patuloy ako sa pagbabasa ng mga laman ng folders na narito sa mesa ni Michael. Sa totoo lang kanina pa ako rito pero wala pa ako ni isang napipirmahan o naa-aprubahan na plano.Napahinga ako ng malalim. Bukod sa wala talaga akong alam sa ginagawa ko, hindi ko rin maintindihan bakit ganito ang nararamdaman ng puso ko.Nasasaktan ako. Hindi lang dahil sa sinabi ng sekretarya ni Michael, kung hindi dahil kay Michael mismo. Paano nga ba kung may kasama na siyang iba? Katapusan na rin ba 'yon ng kontrata naming dalawa? Tapos na ba ang trabaho ko sa kanya bilang rented wife?Binitawan ko ang ballpen na kanina ko pa hawak pero ni-isang beses ay hindi ko pa nagamit dahil wala pa naman akong napipirmahan na kahit ano.Napasandal pa ako sa swivel chair bago ako napatingin sa kisame.Kinagat ko rin ang pang ibaba kong labi nang maramdaman ko ang pagbigat ng aking mga mata at ang pang iinit nito.Kung nasaan man si Michael, sana maalala niya man lang ako. At sana naaalala niya rin ako kagaya ko n
Tulala lang akong nakatayo ngayon sa tapat ng elevator katabi si Michael. Ito na ang araw na 'yon. Ito na ang araw na makikilala na ako ng board members, at ito na rin ang araw na official na akong ipapakilala ni Michael hindi lang sa board at sa buong kompanya, kung hindi pati na rin sa mga kaaway niya sa underground world. "Hey, are you okay?" biglang tanong ng lalaking kasalukuyang katabi ko at mahigit na may hawak ng kanang kamay ko. Marahan naman akong ngumiti bago ako tumango. "Okay lang naman ako," sabi ko bago ako muling ngumiti. Ayaw kong ipakita kay Michael ang totoo kong nararamdaman. Ayaw kong makita niya na natatakot ako. Natatakot ako hindi dahil sa ihaharap ako sa mga taong isa sa dahilan kung bakit maganda ang takbo ng Seth Corporation ngayon, kung hindi dahil sa katotohanan na maaari muling malagay ang buhay ko sa tiyak na kapahamakan Hindi ko kaagad narinig ang sagot ni Michael, pero hindi rin nagtagal, narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. "Why are
"I want to hear a lot of things behind your life," sabi niya pa bago ako tinignan ng diretso muli sa mata.Natatakot ako, natatakot akong mahusgahan niya nang dahil sa nagawa ko sa aking ama.Napaiwas naman ako ng tingin bago ako huminga ng malalim. Makakaya ko bang aminin sa kanya ang totoo?"A-ano naman ang gusto mong malaman?" tanong ko pa."How was he as a father to you and to your siblings?" tanong niya. Hindi ako kaagad nakaimik.Mabait, responsable, at higit sa lahat mapagmahal na ama siya sa amin ni Ranie noong panahon na nabubuhay pa siya. Wala kaming narinig na kahit anong reklamo mula sa kanya kahit pa buong araw siyang nasa labas ng bahay at nagta-trabaho."Mabait si daddy. Mabait siya at responsable. Wala akong ibang nakita na ni-minsan ay nagreklamo siya kay Mommy tungkol sa trabaho niya," sagot ko bago ako bumuntong hininga.Maganda ang pamumuhay namin noon. Maganda at masaya, akala ko nga ay panghabang buhay na."What was his job?" biglang tanong ni Michael.Natigilan
I was still in awe whenever I think about what had happened to us. I still love him. Malalim akong huminga nang makita ko si Michael na naglalakad papunta sa gawi namin ni Redenn. Nasa likuran niya si Tyron at tatlo pang hindi ko kilalang mga lalaki. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Dahil hindi ko kayang titigan ang maganda niyang mga mata. "Twenty minutes late," sabi ni Michael nang tuluyan ng makalapit sa amin. Nakatingin pa siya sa wrist watch niya. "Traffic," biglang sagot ni Redenn habang inaayos ang suit na kanyang suot. Hindi naman sumagot si Michael kaya roon na ako tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin. At may kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata. "Ahem," natatawang untag ni Tyron bago siniko si Redenn. Natawa naman si Redenn bago hinila si Tyron papunta sa kung saan. "Ano?" pagbungad ko kay Michael nang makita kong titig na titig pa rin siya sa akin. Napailing naman siya ng marahan bago muling tumingin sa akin. "Nothing," simpl
I don't know what to do anymore. Maybe life is indeed harsh to me. Nanatili kaming sakay ng nirentahang jeep ni Michael. Pareho lang kaming tahimik habang nakaupo at naghihintay na marating na namin ang palengke. Patuloy akong nanahimik, at hindi kumikibo ngunit agad nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko na dala-dala ko nga pala ang cellphone na ibinigay sa akin ni Michael. Mabilis kong kinapa ang suot kong dress na above the knee. Ngayon ko lang din naalala na wala nga pa lang bulsa ang suot kong damit. "Hala, saan ko inilagay 'yon?" tanong ko sa aking sarili. Mabagal at marahan ko namang nilingon si Michael na nakatingin na pala sa akin sa mga oras na 'to. Mabilis ko naman siyang kinunutan ng noo. "Ano? Tinitingin-tingin mo?" tanong ko bago ko muling ibinaling ang aking paningin sa labas ng jeep. Kunwari ay kalmado lang ako pero ang totoo n'yan ay abot-abot na ang aking kaba dahil hindi ko maalala kung saan ko nga ba inilagay ang phone na ibinigay sa akin ng lalaking 'to. I