Share

Chapter 187

Gusto kong malaman kung kailan ba matatapos ang walang katapusang taguan na ito. Gusto kong malaman hanggang kailan nga ba manganganib ang buhay naming lahat.

Ayoko na maulit noon na hindi ko alam kung may babalik pa ba sa akin mula sa pagtatago.

Flashback

Nakaupo ako rito sa loob ng walk-in closet. Kanina pa ako nag-iisa rito dahil hindi ko alam kung saan ba pumunta si Michael.

Malalim akong bumuntong hininga. Madilim ang paligid at wala man lang akong naaninag na kahit anong liwanag.

Nakasuksok ako sa pinaka-gilid nitong closet. Hindi ko alam kung saan dumaan papalabas si Michael, basta alam ko pumunta siya sa likod ng salamin dito at matapos no'n, 'di ko na alam kung saan siya pumunta.

Napahinga ako ng malalim. Mas lalong dumami ang mga tanong na nasa isip ko. Mas lalong lumaki ang hinala ko sa ginagawa ni Michael.

Hindi ko alam kung ligtas pa ba ako sa bahay na ito. Hindi ko alam kung ligtas pa akong manatili rito.

Paano kung madamay ako rito? Paano kung madamay ang pamilya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status