Home / Romance / The Rented Wife / Kabanata 201 - Kabanata 210

Lahat ng Kabanata ng The Rented Wife: Kabanata 201 - Kabanata 210

364 Kabanata

Chapter 200

Redenn's POV Tahimik ang buong paligid habang pinagmamasdan namin ang walang imik na si Michael. Nakatingin lamang siya sa baso ng alak na hawak niya. Hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya, pero kung ano man 'yon, alam kong hindi 'yon maganda. "G*go, kausapin mo nga 'yang kaibigan mo," bulong sa akin ni Tyron. Kanina lang kasi ay umiimik pa siya at nagsasabi ng mga susunod naming plano, ngunit bigla na lamang siyang naging gan'yan nang biglang dumating ang isa sa mga nagbabantay kay Renice. "K*ngina mo! Ikaw kaya!" bulong ko pabalik. Kaibigan namin si Micahael pero sa mga ganitong panahon na hindi namin alam kung ano ang takbo ng isip niya, mas maigi na manahimik na lang. "Ano ba naman kasi ang nangyayari kay Renice at nakikipagligawan na sa school na 'yon? P*tcha naman!" inis na bulong ni Tyron bago sinipat ang tahimik na si Michael. Napahinga naman ako ng malalim. "Tayo na naman ang mapagbubuntungan ng galit ni Michael. T*nginang 'yan!" bulong pa rin ni Tyron ba
Magbasa pa

Chapter 201

Redenn's POV Nakatayo kami ngayon ni Tyron 'di kalayuan sa university na pinapasukan ni Renice. Hanggang ngayon ay labag sa loob namin ni Tyron ang pag-aaral dito ni Renice, dahil para mong inilagay sa kuta ng mga oso ang isang kambing. Ngunit wala kaming magagawa dahil kay Michael na mismo nanggaling ang desisyon na ito. Desisyon na hindi ko alam kung ano ba ang benefit nito. "Nakita mo na ba?" nakakunot noong tanong ko. Agad namang umiling si Tyron. "Negative," sagot niya sa akin bago sumandal sa puno na malapit sa amin. "Sigurado ka bang uwian na nila Renice?" nakakunot noong tanong ko. "Oo, na-hack ko ang system kanina at nakita ko ang schedule niya. Dapat uwian na niya ngayon," nagtatakhang sabi ni Tyron bago napatingin sa suot niyang relo. Ilang beses din siyang bumuntong hininga bago napakamot sa kanyang ulo. "Tingin mo ba kilala nila si Renice?" biglang tanong ni Tyron sa akin. Hindi naman ako kaagad nakasagot. Ako ang kasali sa Odio Mafia group ngayon dahil na rin sa u
Magbasa pa

Chapter 202

Panibagong araw na naman at kailangan ko na namang tanggapin ang katotohanan na tapos na ang role ko bilang may rented wife ni Michael. Napahinga ako ng malalim bago ako umupo sa kama at nagsimula nang mag-asikaso. Gusto ko sanang pumunta sa Seth Corporation ngayon pero ano namang gagawin ko roon? Baka mapahiya lang ako at paalisin. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi bago ako tumayo at tumingin sa mukha ko sa salamin. Napahinga ako ng malalim bago isang alaala ang biglang pumasok sa isip ko. Flashback "Ang sarap naman nito," sabi ko habang hawak-hawak ang isang parte ng manok at habang may laman na pagkain ang aking bibig. Hindi naman kumibo si Michael na busy rin sa pagkain. Hindi naman talaga siya kumakain, parang nakatingin lang siya sa pagkain niya habang nilalaro ang hawak niyang kutsara. "Ah, hindi ka ba kakain?" tanong ko. Tinignan naman niya ako ng mabilis bago siya umupo ng maayos. "I'm already done," sagot niya sa akin at saka binitawan ang hawak niya kaninang kuts
Magbasa pa

Chapter 203

"Babe!" narinig kong pagtawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Kaagad namang napakunot ang aking noo. Kilalang kilala ko na kung sino ang nagmamay-ari ng boses na 'yon. "Babe! Pansinin mo naman ako!" hirit pa niya. Napahinga naman ako ng malalim bago ko siya masamang tinignan. "Ano na namang bang kailangan mo?" inis na tanong ko. Agad namang itinaas ni Max ang kanyang mga kamay sa ere. "Oh! Ang aga aga babe ang init init ng ulo mo," natatawang sabi niya. Hindi naman na ako kumibo pa. Dumiretso na lang akong muli sa paglalakad. "Kumusta ka, babe?" tanong niya nang mahabol na niya ako nang tuluyan sa paglalakad. "Wala. Pangit dahil nakita na naman kita," sabi ko bago ko siya tinignan ng masama. "Aw, you hurt me," sabi niya bago humawak sa kanyang d*bdib. Hindi naman na ako kumibo. "Ang sungit naman. Kaya pala napili ka niya," narinig kong bulong ni Max sa tabi ko. Agad ko naman siyang nilingon bago napakunot ang aking noo. "Anong sabi mo?" tanong ko. Hindi naman na siya kumi
Magbasa pa

Chapter 204

Kasalukuyan ako ngayong naglalakad papasok ng university. Hindi ko alam kung bakit kanina ko pa nararamdaman na may nanonood sa akin at para bang pinagmamasdan ako. Maya't-maya rin ang naging pagsilip ko sa likuran ko dahil natatakot ako na baka maulit na naman ang nangyari noon kung saan na-kidnap ako at ginamit against kay Michael. Pero siguro naman ay ligtas na ako roon. Wala naman na ako sa puder ni Michael, at wala na rin naman akong alam sa kung kumusta na nga ba si Michael ngayon. Napahinga ako nang malalim bago ako napatingin sa folder na hawak ko. Bigla ko tuloy naaalala ang folder na nakuha sa akin, ano kaya ang laman no'n at kinuha 'yon? Alam ko profile 'yon ng mga stockholders at shareholders ng Seth Corporation, wala naman ng iba pa. Napahinga na lang ako ng malalim at kinalimutan na lang ang mga bagay na gumugulo sa isip ko. Patuloy lamang ako sa paglalakad nang bigla na lamang akong nakarinig ng isang malakas na putok. At doon, nakita ko ang isang lalaking may hawak
Magbasa pa

Chapter 205

Nakahiga ako ngayon dito sa sala. Naiinis ako dahil hindi ko man lang maialis sa isip ko ang lalaking'yon. Flashback Kasalukuyan kaming tahimik na nakaupo sa loob ng sasakyan na dala-dala nila Tyron at Redenn. Nagmamaneho si Tyron ng sasakyan habang nakaupo naman sa tabi nito si Redenn na naging maya't-maya ang naging pagsipol habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Ako naman ay nanatili lang na nakaupo sa tabi ni Michael na hanggang ngayon ay tahimik na nakaupo sa tabi ko. Kanina pa siya walang imik. Tahimik at diretso rin siyang nakatingin sa labas ng sasakyan. Kung titignan, mukhang may malalim siyang iniisip. "Ah, Michael? Okay lang ba ang lahat?" rinig kong biglang tanong ni Tyron na focus sa pagmamaneho. Hindi naman kaagad umimik si Michael. "Kumain lang talaga kami. Walang samaan ng loob. Pfft," rinig kong rebat naman ni Redenn. Akala ko ay mag-re-react na si Michael ngunit nanatili lang siyang tahimik habang nakatingin pa rin sa labas ng sasakyan. "T*ng*na mo! Umayos k
Magbasa pa

Chapter 206

Agad akong napatingin sa paligid ko nang mapansin ko ingay na ginagawa nito sa kalsada. Doon, nakita ko ang isang babae at lalaki. Nakaluhod ang lalaki habang may hawak na singsing. Ang babae naman ay napatakip sa kanyang mukha habang naluluha. Napahinga ako ng malalim. Akala ko rin noon makakakuha na ako ng ganyang pag-ibig, hindi pa rin pala. Napahinga ako ng malalim bago ako napatingin sa paligid. Nandito kasi ako sa palengke kung saan kami pumunta noon ni Michael. Flashback "Dito na lang," sabi ko kay Michael habang nakatingin sa paligid ng mataong palengke. Mabagal ang usad namin ngayon dahil maraming tao ang namamalengke. Hindi ko sinabi kung anong lugar ito basta sinabi ko kung saan dapat kami daraan kaya ngayon ay nandito kami. Hindi siya umimik kaya muli ko siyang tinignan. "Dito na lang tayo," ulit ko ngunit nanatili pa rin siyang nagmamaneho. "Ayaw mo ba rito?" tanong ko pa. Nilingon naman niya ako bago niya ibinalik ang kanyang atensyon sa paligid. "Why here? Ther
Magbasa pa

Chapter 207

Patuloy pa rin ako sa paglalakad kahit hindi naman ako sigurado kung saan ako dapat magpunta, basta ang alam ko ay naglalakad ako papalayo upang makalaya sa sobrang pag-iisip. Pero paano ko naman 'yon gagawin kung patuloy sa paggulo ang isip ko? Hanggang ngayon ay pumapasok ang alaala namin noong namasyal kami at namili. Flashback Patuloy kami sa paglakad papunta sa kung saan. Hindi ko nga alam kung alam ba talaga nitong si Michael kung saan niya nais pumunta. "Saan mo ba talaga trip pumunta?" tanong ko bago tinakbo ang maliit na pagitan naming dalawa. Hindi naman siya umimik pero nakita kong pinasadahan niya ako ng tingin. "Sagot na kasi. Ang usapan papautangin mo ako para makabili ng mga pagkain na iiwan ko sa bahay namin, pero 'di ko alam anong tumatakbo d'yan sa isip mo," sabi ko pa. Napasimangot naman ako bago patuloy na sumunod sa kanya sa paglakad. "Saan mo ba kasi trip na pumunta? Iiwanan kita rito, tignan mo," dugtong ko pa bago ko tinignan ang dinaanan namin kanina. M
Magbasa pa

Chapter 208

Sa totoo lang, kung ako ang tatanungin gusto kong ibalik ang dati. Sana maaari, at sana pwede pa. Pero papaano kung tapos na nga ang kontrata naming dalawa. I am no longer his rented wife. Napahinga ako ng malalim. Patuloy na nag-pi-play ang lahat ng isip ko. Flashback Nakatayo kami ngayon sa tapat ng pamilihan. Halos pagtinginan naman kami ng mga tao rito dahil sa itsura ng lalaking katabi ko ngayon. "Tara na kaya? Pinagtitinginan na tayo rito oh," sabi ko bago ko siya bahagyang binunggo sa balikat. "Hoy," pagtawag ko pa ulit nang hindi niya ako kibuin. Kahit paglingon sa gawi ko ay hindi niya man lang ginawa. "Michael," pagtawag ko pa. Mabagal naman niya akong tinignan. "What?" tanong nito sa akin. "Tara na. Pumasok na tayo sa loob. Pinagtitinginan na tayo rito, oh. Palibhasa kasi kung tignan mo naman 'tong palengke parang may balak kang bilhin 'yong lupang pinagtatayuan nito eh," sabi ko pa. Hindi naman kaagad kumibo si Michael ngunit mabagal niya muling nilingon ang buong
Magbasa pa

Chapter 209

Kinagat ko ang pang ibaba kong labi. Aaminin ko na nasasaktan ako. Na minsan hinihiling ko na sana hindi na lang natapos ang kontrata naming dalawa. Flashback Nakatayo ako ngayon sa tapat ng vanity table ko. Kasalukuyan kong kinukuha ang mga gamit na kakailanganin ko sa pagtira sa bahay ni Michael. Sa totoo lang ay halos wala akong maidala dahil nga hindi naman gano'n kagandahan at kaaayos ang mga gamit at damit ko rito sa bahay. Napahinga ako ng malalim bago ako napaupo sa kama na nandito lang malapit sa akin. Nanghihina ako sa katotohanan na parang hindi ako nakatira rito sa bahay, dahil bukod sa iilang piraso lang ang mga damit ko, halos wala pa akong gamit na ako mismo ang nagma-may-ari. Lahat kasi ng gamit ko ay ginagamit din mismo ni Ranie. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng aming maliit na kwarto. Kung titignan, wala akong madadala kahit ni-isang gamit. Dahil kung dadalhin ko ang mga gamit dito ay mawawalan naman ng gagamitin ang kapatid ko. Muli akong napabunto
Magbasa pa
PREV
1
...
1920212223
...
37
DMCA.com Protection Status