Home / Romance / The Rented Wife / Kabanata 211 - Kabanata 220

Lahat ng Kabanata ng The Rented Wife: Kabanata 211 - Kabanata 220

364 Kabanata

Chapter 210

Nakahiga ako ngayon sa kama habang nakahawak sa aking ulo. Masakit ito at parang pumipintig sa kirot. Halos kagigising ko lang dahil anong oras na ako nakauwi kagabi. Napahinga naman ako ng malalim. Muli pa ring sunod-sunod na bumabalik ang lahat ng alaala naming dalawa sa isip ko. Patuloy at parang walang pahinga. Flashback Nakabusangot akong naglalakad kasabay ni Michael. Naiinis ako dahil 'di ko maintindihan kung bakit ayaw niyang sabay kaming maglakad. "Hoy! Hindi ko nakikita daraanan ko. Tapakan ko kaya sapatos mo," inis na sabi ko. Hindi naman siya kumibo, patuloy lang siya sa paglakad. "Hoy, Michael!" inis na pagtawag ko sa kanya. Mabilis naman niya akong nilingon bago siya napabuntong hininga. Mabagal din siyang huminto sa paglakad bago tuluyang tumingin sa gawi ko. "You are causing a scene," simpleng sabi niya bago siya tumingin sa paligid. Napatingin na rin ako sa paligid bago ako napasimangot. Totoong halos lahat nga ng tao rito ay pinagtitinginan kami. "Bakit kas
Magbasa pa

Chapter 211

Nanatili pa rin akong nakahiga. Hindi ko alam pero wala akong gana pumasok ngayong araw. Alam ko pag-aaral ang matagal ko nang gusto noon, pero ewan ko ba ngayon. Para bang nawalan na nang saysay ang lahat. Napahinga ako ng malalim. Bago ko ipinikit ang aking mga mata. Flashback Uuwi na ba tayo?" tanong ko kay Michael na ngayon ay kasabay ko sa paglalakad. Nasa loob pa rin kami ng mall at naglalakad papunta ulit sa kung saan. Hindi ko rin alam kung nasaan na ang mga ipinamili namin kanina lang. Hindi niya ako muling sinagot pero nakita ko ang paglingon niya sa gawi ko. "Pwede ba bagalan mo naman ng kaunti ang paglalakad mo? Hindi na kasi kita masabayan. Napapagod na rin kasi ako," sabi ko sa kanya. Bigla naman siyang huminto sa paglalakad at tumingin sa paligid. Pati ako ay napatingin na rin sa mga tao na naglalakad papunta sa iba't-ibang direksyon. "Bakit?" biglaang tanong ko. Hindi muli nagsalita si Michael ngunit nagpatuloy na siya sa paglalakad. Kung kanina ay halos isang
Magbasa pa

Chapter 212

Mabagal akong naglakad papalabas ng kwarto. Kailangan kong pumasok dahil may exam kami ngayong araw pero hindi ko makapa ang sarili ko na kumilos para makapasok. Nanlulumo ako. Nanlulumo ako at kinakain ako ng emosyon ko. Na-mi-miss ko siya, na-mi-miss ko si Michael. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi. Muli na namang pumasok siya sa isip ko. Flashback Hindi ko alam kung ilang oras ba akong nanatili lang na nakaupo sa kama. Nakatulala lang ako at nakatingin sa kawalan. Ang maalala ang bagay na 'yon ang isa sa pinaka-ayaw ko ng maalala sa buong buhay ko. Ang alaala kung saan huling beses kong nakita ang pag-ngiti ni Daddy, at ang huling beses na narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Isang luha na naman ang muling pumatak sa aking mga mata. Hanggang ngayon ay sarili ko pa rin ang tanging sinisisi ko sa trahedyang nangyari sa buhay namin. Kung hindi lang sana namatay si Daddy, baka wala ako rito ngayon, baka hindi ako isang rented wife at tau-tauhan ni Michael Seth. Pero kaga
Magbasa pa

Chapter 213

Napatingin ako sa bintana bago ko iniharang ang aking kamay nang tumama sa aking mukha ang sinag ng araw. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi bago ako tumingin sa sala at naglakad papunta sa sofa. Doon ako naupo bago ko ipinikit ang aking mga mata. Kahit ang sinag ng araw ay umaalala sa kanya, kaya naman gagawin ko ang lahat para makita siyang muli. At gagawi ko ang lahat para ibalik si Michael sa akin muli. Flashback Mabilis kong tinakpan ang aking mukha ng aking kamay nang tumama sa akin ang mataas na sinag na araw. Mabagal naman akong tumayo mula sa pagkakahiga sa kama. Gusto ko pa sana matulog pero 'di ko alam kung bakit kahit halos nakapikit pa ang mga mata ko ay ayaw naman ng humiga nitong katawan ko. Pinilit kong tumayo mula sa kama ko at inayos 'yon. Inayos ko rin ang ilang gamit ko na nakakalat na pala sa lamesa. Patuloy ako sa pag-aayos ng gamit nang may maamoy akong mabangong aroma na nanggagaling sa labas ng kwarto. Kaagad akong napaayos ng tayo at napatingin
Magbasa pa

Chapter 214

Nakasakay ako ngayon sa isang pampublikong sasakyan. Papunta na ako ngayon sa university upang pasukan ang nag iisang klase ko para ngayong araw. Napahinga ako bago ako napatingin sa kalangitan. Kahit saan ako tumingin, at kahit ano pa ang gawin ko ang alaala ko lang noon kasama si Michael ang naaalala ko. Ganito rin ang itsura nang kalangitan noong papunta kami noon ni Redenn sa Seth Corporation. Dahil gano'n naman talaga ang lalaking 'yon, kung 'di siya ang maghahatid at sundo sa akin, ipag-uutos niya sa ibang tao. Flashback Kasalukuyan akong nakasakay sa sasakyan ni Redenn. Pareho lang kaming tahimik habang binabagtas ang mahabang daan papunta sa Seth Corporation. Napahinga ako ng malalim bago ako napatingin sa mga kamay kong nakapatong sa aking tuhod at kasalukuyang nanginginig. Muli akong napabuntong hininga. Kung ano man ang mangyayari mamaya, sana naman ay hindi ako mapahiya. "Grabe naman ang mga buntong hininga na 'yon, Renice. Ang bibigat, ah?" natatawang sabi ni Redenn
Magbasa pa

Chapter 215

Katatapos lang nang exam ko kaya naman ngayon ay papunta na ako sa Seth Corporation. Suot ko pa rin ang uniform ko pero sure na talaga akong pupunta ako ngayon sa kompanya. Wala nang makakapigil sa akin. Napahinga ako ng malalim nang isa na namang alaala ang pumasok sa isip ko. Flashback Iminulat ko ng marahan ang aking mga mata. Mabagal ko ring hinawakan ang aking ulo nang muli ko na namang naramdaman ang matinding pagkahilo. Tinignan ko ang paligid, habang sapo-sapo pa rin ang aking ulo. "Nasaan ako?" tanong ko sa sarili ko habang tinitignan ang paligid ko. Nakahiga ako ngayon sa isang malaking kama. Nasa loob ako ng isang kwarto. Kwarto na ang tanging makikita mo ay kulay asul, at kulay itim na mga gamit. "Nasaan ba ako?" tanong ko muli habang marahan akong tumatayo. Ang huling naaalala ko lang ay kasama kong naglalakad si Michael kanina. Tanging naaalala ko lang ay sabay kaming sumakay sa elevator papunta sa kung saan. Nahimatay ba ako? Nakatulog? Mabagal akong tumayo mula
Magbasa pa

Chapter 216

Malalim akong huminga nang tuluyan na akong nakababa nang jeep. Nandito na ako ngayon sa tapat ng Seth Corporation. Kinakabahan ako na ewan. Napahawak naman ako sa tiyan ko nang maramdaman ko ang pagkulo nito. Timing, ngayon pa ako nakaramdam ng gutom. Hindi pa kasi ako kumakain. Malalim muli akong huminga nang may isa na namang alaala ang pumasok sa isip ko. Flashback "Ang sarap naman nito," sabi ko habang hawak-hawak ang isang parte ng manok at habang may laman na pagkain ang aking bibig. Hindi naman kumibo si Michael na busy rin sa pagkain. Hindi naman talaga siya kumakain, parang nakatingin lang siya sa pagkain niya habang nilalaro ang hawak niyang kutsara. "Ah, hindi ka ba kakain?" tanong ko. Tinignan naman niya ako ng mabilis bago siya umupo ng maayos. "I'm already done," sagot niya sa akin at saka binitawan ang hawak niya kaninang kutsara. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi. "Hindi ka pa nga sumusubo kahit isa," sabi ko bago ko itinuro ang plato niya. Tumingin
Magbasa pa

Chapter 217

Kinagat ko ang pang ibaba kong labi. Hanggang kailan ko ba babalikan ang mga nakaraan naming dalawa? Ewan ko ba. Basta alam ko lang na gusto kong bumalik kami sa dati. Flashback Patuloy kami sa paglalakad paitaas. Medyo napapagod na nga ako pero hindi ko lang ipinapahalata sa lalaking kasabayan ko sa paglalakad. Hindi ko naman talaga siya kasabayan, nauuna siya sa akin ng bahagya. Gusto ko sana magtanong ng kahit ano pero mas pinili ko na lamang na manahimik. Kanina pa kasi rin tumatakbo sa isip ko ang mga bagay-bagay na patuloy na gumugulo sa isip ko. Kahit ako nga ay nalilito na sa kung anong emosyon ba ang dapat kong ipakita. Napabuntong hininga ako. Maswerte na lang ako dahil ito lang ang trabaho ko, na ganito ang trabaho ko. Hindi ako pagod, hindi rin ako pinagpapawisan. Ang kaso nga lang, kahit saan ako magpunta ay minamaliit ang pagkatao ko. Mapait akong napangiti. Muli na namang pumasok sa isip ko ang nangyari sa mall kailan lang. Hindi ko maintindihan, hindi ba talaga ak
Magbasa pa

Chapter 218

Mabagal kong pinunasan ang luhang tumulo sa aking mga mata. Lahat ng bagay na nakikita ko kahit naririnig ko ay nagpapaalala sa kanya. Flashback Nanatili akong nakatingin kay Michael, gano'n din naman siya sa akin. Kanina pa kami parehong nakatayo sa hagdan at hinihintay ang paggalaw ng isa't-isa. "Ang cute mo talaga mag-tagalog," pag-iiba ko sa usapan bahagya pa akong pekeng tumawa para ipakita sa kanya na inaasar ko siya. Nakita ko namang kumunot ang kanyang noo bago niya ibinaba ang kanyang kamay na kanina pa nakalahad sa aking harapan. "Tss," tanging reaksyon lang niya bago tumalikod sa akin at muling umakyat pataas. Natawa naman ako bago ako napahawak sa aking dibdib. Ngayon ko lang napansin, may kakaibang kabog ang dibdib ko habang nakatitig sa mga mata ni Michael. --- "Sure ka? Ayos lang talaga na 'di na natuloy ang meeting?" tanong ko. Pang-ilang tanong ko na ito ngunit hindi pa rin sumasagot si Michael. Sinabi lang niya kanina na hindi na nga tuloy ang meeting, pero gu
Magbasa pa

Chapter 219

Nakatayo na ako ngayon sa tapat ng opisina ni Michael. May kung ano sa akin na natatakot sa muling pagkikita namin. Hindi naging malinaw sa akin kung ano ang naging rason nang biglaang pagtalikod sa akin ng lalaking 'yon, pero naniniwala ako sa kanya. Nagtitiwala ako kay Michael. Mabagal kong pinunasan ang luhang tumulo sa aking mga mata. Maraming alaala ang nabuo sa opisinang ito. Flashback Tulala lang akong nakaupo habang nandito sa loob ng sasakyan ni Michael. Hindi ako umiimik magmula kanina pa. Hindi ko rin kasi alam kung bakit muling pumasok sa isipan ko ang nangyari labing-dalawang taon na ang nakakaraan. Ang maalala ang bagay na 'yon ang isa sa pinaka ayaw kong nangyayari. Pero hindi ko alam kung bakit paulit-ulit akong hinahatak pabalik ng nakaraan. Sa sobrang sama ng pakiramdam ko, hindi ko na namalayan na nakasakay na kami ni Michael ng elevator. Magmula kasi nang yakapin niya ako kanina ay hindi na ako tumigil pa sa pag-iyak, hindi ko rin alam kung saan kami pupunta
Magbasa pa
PREV
1
...
2021222324
...
37
DMCA.com Protection Status