Share

Chapter 214

Nakasakay ako ngayon sa isang pampublikong sasakyan. Papunta na ako ngayon sa university upang pasukan ang nag iisang klase ko para ngayong araw.

Napahinga ako bago ako napatingin sa kalangitan. Kahit saan ako tumingin, at kahit ano pa ang gawin ko ang alaala ko lang noon kasama si Michael ang naaalala ko.

Ganito rin ang itsura nang kalangitan noong papunta kami noon ni Redenn sa Seth Corporation. Dahil gano'n naman talaga ang lalaking 'yon, kung 'di siya ang maghahatid at sundo sa akin, ipag-uutos niya sa ibang tao.

Flashback

Kasalukuyan akong nakasakay sa sasakyan ni Redenn. Pareho lang kaming tahimik habang binabagtas ang mahabang daan papunta sa Seth Corporation.

Napahinga ako ng malalim bago ako napatingin sa mga kamay kong nakapatong sa aking tuhod at kasalukuyang nanginginig.

Muli akong napabuntong hininga. Kung ano man ang mangyayari mamaya, sana naman ay hindi ako mapahiya.

"Grabe naman ang mga buntong hininga na 'yon, Renice. Ang bibigat, ah?" natatawang sabi ni Redenn
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status