Nakasakay ako ngayon sa isang pampublikong sasakyan. Papunta na ako ngayon sa university upang pasukan ang nag iisang klase ko para ngayong araw. Napahinga ako bago ako napatingin sa kalangitan. Kahit saan ako tumingin, at kahit ano pa ang gawin ko ang alaala ko lang noon kasama si Michael ang naaalala ko. Ganito rin ang itsura nang kalangitan noong papunta kami noon ni Redenn sa Seth Corporation. Dahil gano'n naman talaga ang lalaking 'yon, kung 'di siya ang maghahatid at sundo sa akin, ipag-uutos niya sa ibang tao. Flashback Kasalukuyan akong nakasakay sa sasakyan ni Redenn. Pareho lang kaming tahimik habang binabagtas ang mahabang daan papunta sa Seth Corporation. Napahinga ako ng malalim bago ako napatingin sa mga kamay kong nakapatong sa aking tuhod at kasalukuyang nanginginig. Muli akong napabuntong hininga. Kung ano man ang mangyayari mamaya, sana naman ay hindi ako mapahiya. "Grabe naman ang mga buntong hininga na 'yon, Renice. Ang bibigat, ah?" natatawang sabi ni Redenn
Katatapos lang nang exam ko kaya naman ngayon ay papunta na ako sa Seth Corporation. Suot ko pa rin ang uniform ko pero sure na talaga akong pupunta ako ngayon sa kompanya. Wala nang makakapigil sa akin. Napahinga ako ng malalim nang isa na namang alaala ang pumasok sa isip ko. Flashback Iminulat ko ng marahan ang aking mga mata. Mabagal ko ring hinawakan ang aking ulo nang muli ko na namang naramdaman ang matinding pagkahilo. Tinignan ko ang paligid, habang sapo-sapo pa rin ang aking ulo. "Nasaan ako?" tanong ko sa sarili ko habang tinitignan ang paligid ko. Nakahiga ako ngayon sa isang malaking kama. Nasa loob ako ng isang kwarto. Kwarto na ang tanging makikita mo ay kulay asul, at kulay itim na mga gamit. "Nasaan ba ako?" tanong ko muli habang marahan akong tumatayo. Ang huling naaalala ko lang ay kasama kong naglalakad si Michael kanina. Tanging naaalala ko lang ay sabay kaming sumakay sa elevator papunta sa kung saan. Nahimatay ba ako? Nakatulog? Mabagal akong tumayo mula
Malalim akong huminga nang tuluyan na akong nakababa nang jeep. Nandito na ako ngayon sa tapat ng Seth Corporation. Kinakabahan ako na ewan. Napahawak naman ako sa tiyan ko nang maramdaman ko ang pagkulo nito. Timing, ngayon pa ako nakaramdam ng gutom. Hindi pa kasi ako kumakain. Malalim muli akong huminga nang may isa na namang alaala ang pumasok sa isip ko. Flashback "Ang sarap naman nito," sabi ko habang hawak-hawak ang isang parte ng manok at habang may laman na pagkain ang aking bibig. Hindi naman kumibo si Michael na busy rin sa pagkain. Hindi naman talaga siya kumakain, parang nakatingin lang siya sa pagkain niya habang nilalaro ang hawak niyang kutsara. "Ah, hindi ka ba kakain?" tanong ko. Tinignan naman niya ako ng mabilis bago siya umupo ng maayos. "I'm already done," sagot niya sa akin at saka binitawan ang hawak niya kaninang kutsara. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi. "Hindi ka pa nga sumusubo kahit isa," sabi ko bago ko itinuro ang plato niya. Tumingin
Kinagat ko ang pang ibaba kong labi. Hanggang kailan ko ba babalikan ang mga nakaraan naming dalawa? Ewan ko ba. Basta alam ko lang na gusto kong bumalik kami sa dati. Flashback Patuloy kami sa paglalakad paitaas. Medyo napapagod na nga ako pero hindi ko lang ipinapahalata sa lalaking kasabayan ko sa paglalakad. Hindi ko naman talaga siya kasabayan, nauuna siya sa akin ng bahagya. Gusto ko sana magtanong ng kahit ano pero mas pinili ko na lamang na manahimik. Kanina pa kasi rin tumatakbo sa isip ko ang mga bagay-bagay na patuloy na gumugulo sa isip ko. Kahit ako nga ay nalilito na sa kung anong emosyon ba ang dapat kong ipakita. Napabuntong hininga ako. Maswerte na lang ako dahil ito lang ang trabaho ko, na ganito ang trabaho ko. Hindi ako pagod, hindi rin ako pinagpapawisan. Ang kaso nga lang, kahit saan ako magpunta ay minamaliit ang pagkatao ko. Mapait akong napangiti. Muli na namang pumasok sa isip ko ang nangyari sa mall kailan lang. Hindi ko maintindihan, hindi ba talaga ak
Mabagal kong pinunasan ang luhang tumulo sa aking mga mata. Lahat ng bagay na nakikita ko kahit naririnig ko ay nagpapaalala sa kanya. Flashback Nanatili akong nakatingin kay Michael, gano'n din naman siya sa akin. Kanina pa kami parehong nakatayo sa hagdan at hinihintay ang paggalaw ng isa't-isa. "Ang cute mo talaga mag-tagalog," pag-iiba ko sa usapan bahagya pa akong pekeng tumawa para ipakita sa kanya na inaasar ko siya. Nakita ko namang kumunot ang kanyang noo bago niya ibinaba ang kanyang kamay na kanina pa nakalahad sa aking harapan. "Tss," tanging reaksyon lang niya bago tumalikod sa akin at muling umakyat pataas. Natawa naman ako bago ako napahawak sa aking dibdib. Ngayon ko lang napansin, may kakaibang kabog ang dibdib ko habang nakatitig sa mga mata ni Michael. --- "Sure ka? Ayos lang talaga na 'di na natuloy ang meeting?" tanong ko. Pang-ilang tanong ko na ito ngunit hindi pa rin sumasagot si Michael. Sinabi lang niya kanina na hindi na nga tuloy ang meeting, pero gu
Nakatayo na ako ngayon sa tapat ng opisina ni Michael. May kung ano sa akin na natatakot sa muling pagkikita namin. Hindi naging malinaw sa akin kung ano ang naging rason nang biglaang pagtalikod sa akin ng lalaking 'yon, pero naniniwala ako sa kanya. Nagtitiwala ako kay Michael. Mabagal kong pinunasan ang luhang tumulo sa aking mga mata. Maraming alaala ang nabuo sa opisinang ito. Flashback Tulala lang akong nakaupo habang nandito sa loob ng sasakyan ni Michael. Hindi ako umiimik magmula kanina pa. Hindi ko rin kasi alam kung bakit muling pumasok sa isipan ko ang nangyari labing-dalawang taon na ang nakakaraan. Ang maalala ang bagay na 'yon ang isa sa pinaka ayaw kong nangyayari. Pero hindi ko alam kung bakit paulit-ulit akong hinahatak pabalik ng nakaraan. Sa sobrang sama ng pakiramdam ko, hindi ko na namalayan na nakasakay na kami ni Michael ng elevator. Magmula kasi nang yakapin niya ako kanina ay hindi na ako tumigil pa sa pag-iyak, hindi ko rin alam kung saan kami pupunta
Hindi pa rin ako umaalis mula sa pagkakatayo rito sa tapat ng pinto ng opisina ni Michael. Gusto kong pumasok pero natatakot ako sa maaaring makita ko. Noon, siya ang pahinga at sandalan ko. Ngayon, halos 'di ko na makapa ang sarili ko na gano'n pa rin ang nararamdaman. Pero kahit na ano pa man, mahal ko pa rin si Michael. At handa akong gawin ang lahat. O isuko ang lahat makuha lamang siya ng buo muli. Flashback Nakatayo ako ngayon dito sa tapat ng dagat. Madilim na ang kalangitan, ngunit nagkikinangan naman ang mga butuin. Napaka-rami nito at nagkikislapan, tila naglalabanan kung sino sa kanila ang pinaka makinang. "Aren't you tired?" narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses mula sa aking likod. Mabilis ko naman siyang nilingon. Nakasuot na ngayon ng isang polo si Michael, nakaputi na siya at shorts. "Hindi pa naman," simpleng sagot ko. Sana katulad niya ay may baon din akong damit. "Let's go and eat?" biglang tanong niya sa akin. Niyakap ko naman ang aking sarili nang m
Naglalakad na ako ngayon palabas ng Seth Corporation. Hindi ko alam kung paano ako mabilis na nakapunta rito. Basta alam ko masakit at mabigat ang d*bdib ko sa mga oras na ito. Patuloy pa rin ang mga alaala naming dalawa na pumapasok sa isip ko. Tuloy-tuloy, para bang walang pahinga. Kaya naman ako na mismo ang napapagod na. Flashback Nakaupo ako sa isang upuan. Nakapalibot kami sa isang malaking lamesa. Hindi ko alam kung paano nangyari ang bagay na ito, samantalang biglaan lang naman ang pagpunta namin ni Michael dito. "Maligayang kaarawan, anak!" pagbati ni mommy bago siya umupo sa aking tabi. "Salamat po, Mommy," nakangiting sabi ko bago ko siya mahigpit na niyakap. "Matapos ang nangyari dati sa daddy mo, at sa pamilya natin, 'di na natin na-ce-celebrate ang kahit kaninong birthday. Kaya masaya ako na nagkaroon ng pagkakataon na ma-celebrate natin ang araw na 'to," sabi niya sa akin. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Dahil totoo naman, ni-hindi ko na nga napapansin na t