Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. May part sa akin na nagsasabi na 'wag ko ng habulin si Michael, pero ang puso ko, sinasabi na habulin ko pa. Sa totoo lang, sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari noon, napapakunot na lang ang noo ko. Kagaya na lang sa tuwing naaalala ni mommy si daddy. Flashback Tahimik lang akong nakaupo sa sasakyan ni Michael habang binabagtas namin ang daan pauwi sa villa. "Do you want to eat anything?" tanong nito sa akin. Marahan ko naman siyang nilingon. Matapos ang naging pag-uusap namin kagabi ay parang ibang Michael na ang nasa harapan ko. "Hindi na. Gusto ko na lang siguro umuwi muna," sabi ko bago ko siya tuluyang tinignan. Nakita ko ang kanyang naging pagtango bago siya ngumiti. "Okay then. Paglulutuan na lang kita," sabi niya sa akin. Natigilan naman ako. Hindi ko alam kung kailan ba ako masasanay sa trato sa akin ngayon ng lalaking 'to. Simula kagabi ay panay na ang ngiti niya at nag-iba na ang trato niya sa akin. Nalilito ako. Hindi
Magbasa pa