Mabilis kong pinunasan ang luhang mabilis na tumulo mula sa mga mata ko. Nasasaktan ako sa mga alaala naming dalawa. Kung bibigyan lang ako ng pagkakataong pumili kung kakalimutan ko na ba siya, gagawin ko. Flashback Patuloy ako sa pagbabasa ng mga laman ng folders na narito sa mesa ni Michael. Sa totoo lang kanina pa ako rito pero wala pa ako ni isang napipirmahan o naa-aprubahan na plano. Napahinga ako ng malalim. Bukod sa wala talaga akong alam sa ginagawa ko, hindi ko rin maintindihan bakit ganito ang nararamdaman ng puso ko. Nasasaktan ako. Hindi lang dahil sa sinabi ng sekretarya ni Michael, kung hindi dahil kay Michael mismo. Paano nga ba kung may kasama na siyang iba? Katapusan na rin ba 'yon ng kontrata naming dalawa? Tapos na ba ang trabaho ko sa kanya bilang rented wife? Binitawan ko ang ballpen na kanina ko pa hawak pero ni-isang beses ay hindi ko pa nagamit dahil wala pa naman akong napipirmahan na kahit ano. Napasandal pa ako sa swivel chair bago ako napatingin sa k
Paalis na ako ng bahay. Kahit tinatamad ako, kailangan kong pumasok at mag-aral. Hindi dapat ako kainin ng katamaran ko, dahil nag pagbalik sa eskwelahan ang matagal ko ng gusto. Magsisimula na sana akong maglakad nang bigla akong makakita ng isang silver na upuan. Kaagad na kumunot ang noo ko bago isang alaala ang pumasok sa isip ko. Flashback "AHHHHH!" isang malakas na sigaw ng lalaki na ngayon ay nakaupo sa isang silver na upuan. Nakatali ang kanyang mga kamay habang may piring ang kanyang mga mata. "Magsasalita ka o tuluyan na naming uubusin ang mga daliri mo?" nagbabantang sabi ni Tyron habang hawak ang isang maliit na kutsilyo. Simula nang pumasok kami rito ay ganyan na ang kanilang ginagawa. Pilit na pinagsasalita ang lalaking nakaupo sa silver na upuan. "Wala akong alam! At wala akong sasabihin!" matapang na sigaw ng lalaki bago ito tumawa. "Wala kayong makukuhang impormasyon sa akin! Mga baguhan kayo sa mundo ng mga mafia, hindi lahat ay takot sa ginagawa niyo!" muling
Hindi na mawala sa isip ko na naman si Michael. Flashback "I want you," tila nabingi naman ako sa narinig ko. Para rin akong napako mula sa kinatatayuan ko. "A-anong pinagsasasabi mo d'yan?" kinakabahang tanong ko. "Hindi 'to oras para magbiro," sabi ko pa bago ako humakbang ng paatras. Nakita ko namang napabuntong hininga siya bago niya ininom ang hawak niyang alak. "What will you do once I force myself to you?" tanong naman nito sa akin. Para naman akong napugtuan ng hininga dahil sa sinabi niya. Malakas na kumakalabog ngayon ang dibdib ko pero hindi ko makita ang sarili ko na gustong tumakbo palayo mula sa kanya. "U-umayos ka nga!" sigaw ko. Gusto ko sana magmukhang matapang sa harap niya pero halos lumabas 'yon sa labi ko na parang isang bulong. Nakita ko namang napangisi siya. "Bakit ka ba nandito?" kinakahabang tanong ko pa rin. Gusto ko na sana tumakbo palayo sa lugar na ito ngunit parang ayaw sumunod ng mga paa ko. "I am tired," sabi niya bago mabilis na inisang hakb
Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Nalilito ako sa nararamdaman ko. Alam ko na kung ano ang totoo pero pinipigilan ko ang sarili ko. Pinipigilan ko ang sarili kong kausapin si Michael para sa kumpirmasyon gusto ko. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kung hindi takot at lungkot. Takot dahil alam ko kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya, at lungkot dahil matagal niyang inilihim sa akin ang bagay na ito. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata nang maalala ko bigla kung papaano na lamang biglang nawala sa amin ang aking ama. Napahinga naman ako nang malalim nang biglang pumasok sa isip ko ang isang alaala. Hindi ko alam kung ilang minuto pa ang tinagal ko sa pagtayo sa tapat ng malaking pinto. Pero matapos nang naging pag-uusap namin no'ng secretary, ilang minuto pa akong naghintay na lumabas si Michael o tawagin niya ako para pumasok na sa loob. Nakapasok na lang ulit ang masungit na secretary sa loob ng hall ngunit nanatili pa rin ako rito sa labas. Nakating
Gusto kong panandaliang makalimot. Gusto kong lumaya kahit ngayon lang mula sa kalungkutan na nararamdaman ko sa mga oraa na ito. Tulala lang akong nakatayo ngayon sa tapat ng elevator katabi si Michael. Ito na ang araw na 'yon. Ito na ang araw na makikilala na ako ng board members, at ito na rin ang araw na official na akong ipapakilala ni Michael hindi lang sa board at sa buong kompanya, kung hindi pati na rin sa mga kaaway niya sa underground world. "Hey, are you okay?" biglang tanong ng lalaking kasalukuyang katabi ko at mahigit na may hawak ng kanang kamay ko. Marahan naman akong ngumiti bago ako tumango. "Okay lang naman ako," sabi ko bago ako muling ngumiti. Ayaw kong ipakita kay Michael ang totoo kong nararamdaman. Ayaw kong makita niya na natatakot ako. Natatakot ako hindi dahil sa ihaharap ako sa mga taong isa sa dahilan kung bakit maganda ang takbo ng Seth Corporation ngayon, kung hindi dahil sa katotohanan na maaari muling malagay ang buhay ko sa tiyak na kapahamakan
I wish I can still change what I was before, but I can't. "I said don't move!" striktong sabi sa akin ni Michael nang sinubukan ko muling umupo. Masama ang tingin niya sa akin at mukhang ano mang oras mula ngayon ay kaya niya akong biglang saktan. "K-kaya ko na!" pagpupumulit ko. Hindi ko na kasi gusto pang manatili sa hospital na ito dahil mukhang dito ako tuluyang magkakasakit. "Tss. As if I am going to allow you," biglang sabi ni Michael bago siya naupo sa dulo ng kama kung saan ako ngayon nakahiga. Mabilis na kumunot ang noo ko nang dahil sa kanyang sinabi. "Ano ang ibig mong sabihin?" nakakunot ang mga noong tanong ko. Tumingin siya sa akin ng masama. "You're not allowed to go home yet. Not until your doctor tell us so," sagot naman niya sa akin bago niya inilabas ang kanyang cellphone. Hindi naman na ako nakasagot. Tanging pagbuntong hininga na lamang ang tanging nagawa ko. Muli akong bumuntong hininga. Ang dami kong katanungan tungkol sa mga nangyari noong nakaraan. A
Kapag dumating ang araw na kaya ko ng kalimutan si Michael, hinding hindi na siya muling makakapasok sa buhay ko.Nakaupo ako ngayon dito sa office ni Michael. Wala si Michael dito, hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Matapos nang nangyari kanina ay hindi ko na siya nakita pa. Kaya nga ako pumunta rito ay para makita siya. Gusto kong makausap si Michael. Gusto ko siyang makita. Napabuntong hininga ako bago ko kinuha ang cellphone kong nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano gamitin ang isang 'to. Pero kailangan kong makausap ang lalaking 'yon. Muli akong napabuntong hininga, ngunit agad akong napaupo nang maayos ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng opisina ni Michael. "Right. Mabuti na lang at nandito ka. As a fake chairwoman of the board, kailangan mong pirmahan ang lahat ng 'to," sabi ng secretary ni Michael bago inilapag ang mataas na paper works. "May alam ka ba sa mga proposals? Eh, sa investments? Lagot ka kapag void ang mga
I hope to get better soon. "Kumain na ba kayo?" magiliw na tanong ni Mommy habang nakatayo sa tapat ng aming lamesa. Nandito kami ngayon sa kusina dahil kasalukuyan pang inaasikaso nila Ranie at Reev ang sala. "We're good, Madam," sagot naman ni Michael. Tulala at hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa mga oras na ito. Parang hindi ito ang unang beses na nagkita silang dalawa. "Ma'am, saan namin pwede ilapag 'tong mga pinamili namin?" rinig kong tanong naman ni Redenn bago itinaas ang mga dala-dala niyang plastik. Nakasunod naman sa kanya si Tyron na buhat-buhat ang pinaka malalaking plastik bags. "Hala! Nag-abala pa kayo," sabi naman ni Mommy. "Pero pakilagay na lang d'yan. Pasensya na talaga at wala kaming kahit ano ngayon, ah. Bibihira kasi na may bisita kami kaya 'di na ako nakapag handa pa," dugtong pa ni Mommy. Magsasalita na sana ako ngunit nagulat ako nang biglang itinaas ni Michael ang aking kaliwang kamay. "Just like what I told you earlier, Madam. Your da