Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Nalilito ako sa nararamdaman ko. Alam ko na kung ano ang totoo pero pinipigilan ko ang sarili ko. Pinipigilan ko ang sarili kong kausapin si Michael para sa kumpirmasyon gusto ko. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kung hindi takot at lungkot. Takot dahil alam ko kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya, at lungkot dahil matagal niyang inilihim sa akin ang bagay na ito. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata nang maalala ko bigla kung papaano na lamang biglang nawala sa amin ang aking ama. Napahinga naman ako nang malalim nang biglang pumasok sa isip ko ang isang alaala. Hindi ko alam kung ilang minuto pa ang tinagal ko sa pagtayo sa tapat ng malaking pinto. Pero matapos nang naging pag-uusap namin no'ng secretary, ilang minuto pa akong naghintay na lumabas si Michael o tawagin niya ako para pumasok na sa loob. Nakapasok na lang ulit ang masungit na secretary sa loob ng hall ngunit nanatili pa rin ako rito sa labas. Nakating
Gusto kong panandaliang makalimot. Gusto kong lumaya kahit ngayon lang mula sa kalungkutan na nararamdaman ko sa mga oraa na ito. Tulala lang akong nakatayo ngayon sa tapat ng elevator katabi si Michael. Ito na ang araw na 'yon. Ito na ang araw na makikilala na ako ng board members, at ito na rin ang araw na official na akong ipapakilala ni Michael hindi lang sa board at sa buong kompanya, kung hindi pati na rin sa mga kaaway niya sa underground world. "Hey, are you okay?" biglang tanong ng lalaking kasalukuyang katabi ko at mahigit na may hawak ng kanang kamay ko. Marahan naman akong ngumiti bago ako tumango. "Okay lang naman ako," sabi ko bago ako muling ngumiti. Ayaw kong ipakita kay Michael ang totoo kong nararamdaman. Ayaw kong makita niya na natatakot ako. Natatakot ako hindi dahil sa ihaharap ako sa mga taong isa sa dahilan kung bakit maganda ang takbo ng Seth Corporation ngayon, kung hindi dahil sa katotohanan na maaari muling malagay ang buhay ko sa tiyak na kapahamakan
I wish I can still change what I was before, but I can't. "I said don't move!" striktong sabi sa akin ni Michael nang sinubukan ko muling umupo. Masama ang tingin niya sa akin at mukhang ano mang oras mula ngayon ay kaya niya akong biglang saktan. "K-kaya ko na!" pagpupumulit ko. Hindi ko na kasi gusto pang manatili sa hospital na ito dahil mukhang dito ako tuluyang magkakasakit. "Tss. As if I am going to allow you," biglang sabi ni Michael bago siya naupo sa dulo ng kama kung saan ako ngayon nakahiga. Mabilis na kumunot ang noo ko nang dahil sa kanyang sinabi. "Ano ang ibig mong sabihin?" nakakunot ang mga noong tanong ko. Tumingin siya sa akin ng masama. "You're not allowed to go home yet. Not until your doctor tell us so," sagot naman niya sa akin bago niya inilabas ang kanyang cellphone. Hindi naman na ako nakasagot. Tanging pagbuntong hininga na lamang ang tanging nagawa ko. Muli akong bumuntong hininga. Ang dami kong katanungan tungkol sa mga nangyari noong nakaraan. A
Kapag dumating ang araw na kaya ko ng kalimutan si Michael, hinding hindi na siya muling makakapasok sa buhay ko.Nakaupo ako ngayon dito sa office ni Michael. Wala si Michael dito, hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Matapos nang nangyari kanina ay hindi ko na siya nakita pa. Kaya nga ako pumunta rito ay para makita siya. Gusto kong makausap si Michael. Gusto ko siyang makita. Napabuntong hininga ako bago ko kinuha ang cellphone kong nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano gamitin ang isang 'to. Pero kailangan kong makausap ang lalaking 'yon. Muli akong napabuntong hininga, ngunit agad akong napaupo nang maayos ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng opisina ni Michael. "Right. Mabuti na lang at nandito ka. As a fake chairwoman of the board, kailangan mong pirmahan ang lahat ng 'to," sabi ng secretary ni Michael bago inilapag ang mataas na paper works. "May alam ka ba sa mga proposals? Eh, sa investments? Lagot ka kapag void ang mga
I hope to get better soon. "Kumain na ba kayo?" magiliw na tanong ni Mommy habang nakatayo sa tapat ng aming lamesa. Nandito kami ngayon sa kusina dahil kasalukuyan pang inaasikaso nila Ranie at Reev ang sala. "We're good, Madam," sagot naman ni Michael. Tulala at hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa mga oras na ito. Parang hindi ito ang unang beses na nagkita silang dalawa. "Ma'am, saan namin pwede ilapag 'tong mga pinamili namin?" rinig kong tanong naman ni Redenn bago itinaas ang mga dala-dala niyang plastik. Nakasunod naman sa kanya si Tyron na buhat-buhat ang pinaka malalaking plastik bags. "Hala! Nag-abala pa kayo," sabi naman ni Mommy. "Pero pakilagay na lang d'yan. Pasensya na talaga at wala kaming kahit ano ngayon, ah. Bibihira kasi na may bisita kami kaya 'di na ako nakapag handa pa," dugtong pa ni Mommy. Magsasalita na sana ako ngunit nagulat ako nang biglang itinaas ni Michael ang aking kaliwang kamay. "Just like what I told you earlier, Madam. Your da
Masakit malaman ang totol, pero mas magand na lang kung malalaman mo yung totoo. Nakaupo ako rito sa sofa sa labas habang pinagmamasdan ang mga lalaking nakaitim at naglilibot sa paligid. Nang lumabas nga ako mula sa loob ay dumoble ang bilang nila rito. "Ma'am, madilim na ho ang paligid. Hindi pa ho ba kayo papasok sa loob?" biglang tanong sa akin ng isa sa kanila. Kaagad ko naman siyang nilingon bago ako ngumiti. "Maya-maya, kuya papasok na rin ako," sagot ko bago ako tumingin sa paligid. Ngayon ko lang napansin na ang villa na ito ni Michael ay napapalibutan ng mga malalaking puno. "Kabilin-bilinan ho kasi sa amin, Ma'am na hindi kayo hayaang manatili rito sa labas lalo kung gabi na. Panigurado ho kasing malilintikan kami kay Sir Michael kapag may nangyaring hindi maganda sa inyo," biglang saad niya sa akin habang lumilinga sa paligid. Hindi naman ako nakaimik. Nanatili lang akong nakaupo habang nakatingin sa paligid. Malamang ito ang dahilan kung bakit parami na sila ng par
Wala akong ibang ginawa kung hindi ang maghintay na makalimutan si Michael. Malamig ang simoy ng hangin. Nililipad nito ang kurtina na siyang nagsisilbing takip ng bintana sa gabi. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang yakap yakap ko ang aking sarili. Kanina pa akong umaga nag-iisip lang magmula nang umalis sila Michael at Redenn dito. Matapos kasi banggitin ni Redenn ang pakay niya rito kay Michael ay kaagad na nabago ang mood ng paligid. Naging mas seryoso ang awra at itsura ni Michael. Napahinga naman ako ng malalim. Sino kaya ang tinutukoy ni Redenn na bumalik na, bakit kaya gano'n ang naging reaksyon ni Michael? Napahinga ako ng malalim bago ako napatingin sa katawan kong puno pa rin ng pasa at sugat. Kahapon pa lang no'ng nangyari sa akin 'to. Kahapon pa lang no'ng dinukot ako at binugbog ng mga lalaking ngayon ay wala na sa mundong ito. Hindi ko alam kung bakit nga ba kahit natatakot ako ay nananatili ako sa puder ni Michael. Alam ko, dapat sa mga pagkakataong ito a
Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Redenn's POV Tahimik ang buong paligid habang pinagmamasdan namin ang walang imik na si Michael. Nakatingin lamang siya sa baso ng alak na hawak niya. Hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya, pero kung ano man 'yon, alam kong hindi 'yon maganda. "G*go, kausapin mo nga 'yang kaibigan mo," bulong sa akin ni Tyron. Kanina lang kasi ay umiimik pa siya at nagsasabi ng mga susunod naming plano, ngunit bigla na lamang siyang naging gan'yan nang biglang dumating ang isa sa mga nagbabantay kay Renice. "K*ngina mo! Ikaw kaya!" bulong ko pabalik. Kaibigan namin si Micahael pero sa mga ganitong panahon na hindi namin alam kung ano ang takbo ng isip niya, mas maigi na manahimik na lang. "Ano ba naman kasi ang nangyayari kay Renice at nakikipagligawan na sa school na 'yon? P*tcha naman!" inis na bulong ni Tyron bago sinipat ang tahimik na si Michael. Napahinga naman ako ng malalim. "Tayo na naman ang mapagbubuntungan ng galit ni