Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Redenn's POV Tahimik ang buong paligid habang pinagmamasdan namin ang walang imik na si Michael. Nakatingin lamang siya sa baso ng alak na hawak niya. Hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya, pero kung ano man 'yon, alam kong hindi 'yon maganda. "G*go, kausapin mo nga 'yang kaibigan mo," bulong sa akin ni Tyron. Kanina lang kasi ay umiimik pa siya at nagsasabi ng mga susunod naming plano, ngunit bigla na lamang siyang naging gan'yan nang biglang dumating ang isa sa mga nagbabantay kay Renice. "K*ngina mo! Ikaw kaya!" bulong ko pabalik. Kaibigan namin si Micahael pero sa mga ganitong panahon na hindi namin alam kung ano ang takbo ng isip niya, mas maigi na manahimik na lang. "Ano ba naman kasi ang nangyayari kay Renice at nakikipagligawan na sa school na 'yon? P*tcha naman!" inis na bulong ni Tyron bago sinipat ang tahimik na si Michael. Napahinga naman ako ng malalim. "Tayo na naman ang mapagbubuntungan ng galit ni
Mahirap. Naging mahirap para sa akin ang mga nagdaang araw, pero ang makitang masaya ang pamilya ko ang isa sa mga bagay na nagpapagaan sa loob ko. "Anak, kain na!" nakangiting pag-aya sa akin ni Mommy. Napangiti na rin ako. Ilang araw na akong nandito sa bahay ni Mommy. Magmula nang nangyari no'ng nakaraan ay mas pinili kong manatili rito sa bahay kaysa sa bahay ni Michael. Hindi na rin ako pumasok pa sa opisina ni Michael, pero dala-dala ko ang mga folder na naglalaman ng profile ng mga stockholder at investors ng Seth Corporation. "Opo, Mommy. Maya-maya po ako, sunod na lang po ako," sagot ko naman kay Mommy. Maayos na rito sa bahay. Hindi ko kasi alam na sa ilang araw na pamamalagi ko sa bahay ni Michael ay napagawa na pala niya na pala ang bahay ni Mommy. "Sigurado ka ba? Baka naman malipasan ka ng gutom," sagot naman pabalik sa akin ni Mommy. Ngumiti naman ako bago ako umiling. "Okay lang po ako. May ginagawa pa rin po kasi ako," sagot ko naman bago ko itinaas ang folder n
Nandito na ako sa loob ng isang mall kasama si Redenn. Kanina pa kami paikot ikot dito habang naghahanap ako ng maaari kong mabili para sa mga kapatid ko at kay mommy. Napatingin naman ako sa tulak tulak ko ngayong cart na puno ng pagkain at iba't ibang groceries. Namili kasi ako ng stock para sa bahay at para sa bahay na tinitirahan namin ngayon ni Michael. Napahinga naman ako ng malalim. Marami ang mga groceries na binili ko para sa pamilya ko, at sakto para sa akin lang naman ang binili ko para sa bahay na tinitirahan namin ni Michael. Hindi na ako nag abala pang bumili ng marami dahil ako lang naman mag isa sa bahay. Dahil hanggang ngayon, matapos nang naging huli naming pagkikita, wala pa rin akong balita kay Michael. Wala akong nakukuhang kahit ano sa kanya kahit pa isang simpleng text message. Napahinga akong muli ng malalim. Gano'n ba talaga ako kadaling makalimutan? Gano'n ba ako kadaling talikuran? Napabuntong hininga ako. Wala akong nakuhang kahit message lang kay Micha
Nandito ako ngayon sa harap nang isang mamahaling eskwelahan. Sinundo ako kanina ni Tyron at inihatid dito. Inabutan lang din niya ako nang isang folder bago ako tuluyang iniwan dito. Wala akong alam sa kung paano ang gagawin kong proseso. Basta ang alam ko lang, ito na ang pag-aaral na hiniling ko kay Michael. Flashback Nakatayo ako ngayon sa harap ng vanity table rito sa dating kwarto namin ni Ranie na ngayon ay kwarto na lamang niya ngayon. Nakakatuwa na kahit bago na ang halos lahat ng gamit dito sa bahay ay hindi ni Ranie nagawang itapon o ipagpalit sa bago at mas magandang vanity table itong table kong ito. "Nandito ka pa pala?" narinig kong untag nang isang pamilyar na boses sa malapit sa pinto nitong kwarto. Agad ako roong napatingin at nakita si Ranie. Nakabistida ito nang dilaw habang may hawak siyang dalawang libro. "Ah, oo. Paalis na rin ako," sagot ko sa kanya bago ako ngumiti. Hindi naman na siya nagsalita. Tanging pagtango na lamang ang tangi niyang ginawa. "Kuma
Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Kapag sinunod ko ba ang puso ko magiging masaya ako? "I said don't move!" striktong sabi sa akin ni Michael nang sinubukan ko muling umupo. Masama ang tingin niya sa akin at mukhang ano mang oras mula ngayon ay kaya niya akong biglang saktan. "K-kaya ko na!" pagpupumulit ko. Hindi ko na kasi gusto pang manatili sa hospital na ito dahil mukhang dito ako tuluyang magkakasakit. "Tss. As if I am going to allow you," biglang sabi ni Michael bago siya naupo sa dulo ng kama kung saan ako ngayon nakahiga. Mabilis na kumunot ang noo ko nang dahil sa kanyang sinabi. "Ano ang ibig mong sabihin?" nakakunot ang mga noong tanong ko. Tumingin siya sa akin ng masama. "You're not allowed to go home yet. Not until your doctor tell us so," sagot naman niya sa akin bago niya inilabas ang kanyang cellphone. Hindi naman na ako nakasagot. Tanging pagbuntong hininga na lamang ang tanging nagawa ko. Muli akong bumuntong hininga. Ang dami kong katanu
Kapag naka-move on ako, hinding hindi na ako makukuhang muli ni Michael. Nanatili akong nakaupo sa upuan habang patuloy kong iniisip kung bakit nga ba pinili kong pumayag sa deal na 'to. Napabuntong hininga ako. "Para sa pamilya mo, Renice. Hindi ba?" pagkausap ko sa aking sarili. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at saka ko kinuha ang cellphone kong lowbatt na. Isa pa 'to sa iniisip at pinaka problema ko sa mga oras na 'to. Hindi pa alam nila mommy na hindi ako makakauwi. Sobrang biglaan kasi ng pagtira ko rito at pagkukunwari kong asawa ng manyak na 'yon. Sinabunutan ko ang sarili kong buhok. Wala akong charger, at hindi na ako papayagang umalis pa ng lalaking 'yon ngayon dahil halos hating gabi na. Napasandal ako sa kinauupuan ko. May dadagdag pa ba sa mga iniisip ko sa mga oras na 'to? "Aw," isang salitang kusang lumabas sa bibig ko nang maramdaman ko ang pagkulo ng aking tiyan. "Sumabay ka pa," wala sa sariling untag ko. Hindi pa pala ako kumakain mula kanina, kahit p
It was nearly noon noong makauwi ako sa bahay. The sunset is kissing my bare face. Nanatili kaming sakay ng nirentahang jeep ni Michael. Pareho lang kaming tahimik habang nakaupo at naghihintay na marating na namin ang palengke. Patuloy akong nanahimik, at hindi kumikibo ngunit agad nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko na dala-dala ko nga pala ang cellphone na ibinigay sa akin ni Michael. Mabilis kong kinapa ang suot kong dress na above the knee. Ngayon ko lang din naalala na wala nga pa lang bulsa ang suot kong damit. "Hala, saan ko inilagay 'yon?" tanong ko sa aking sarili. Mabagal at marahan ko namang nilingon si Michael na nakatingin na pala sa akin sa mga oras na 'to. Mabilis ko naman siyang kinunutan ng noo. "Ano? Tinitingin-tingin mo?" tanong ko bago ko muling ibinaling ang aking paningin sa labas ng jeep. Kunwari ay kalmado lang ako pero ang totoo n'yan ay abot-abot na ang aking kaba dahil hindi ko maalala kung saan ko nga ba inilagay ang phone na ibinigay sa akin ng
I can't help but wonder why do people loves hurting themselves, and I am one of them. Nakatayo ako ngayon sa tapat ng vanity table ko. Kasalukuyan kong kinukuha ang mga gamit na kakailanganin ko sa pagtira sa bahay ni Michael. Sa totoo lang ay halos wala akong maidala dahil nga hindi naman gano'n kagandahan at kaaayos ang mga gamit at damit ko rito sa bahay. Napahinga ako ng malalim bago ako napaupo sa kama na nandito lang malapit sa akin. Nanghihina ako sa katotohanan na parang hindi ako nakatira rito sa bahay, dahil bukod sa iilang piraso lang ang mga damit ko, halos wala pa akong gamit na ako mismo ang nagma-may-ari. Lahat kasi ng gamit ko ay ginagamit din mismo ni Ranie. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng aming maliit na kwarto. Kung titignan, wala akong madadala kahit ni-isang gamit. Dahil kung dadalhin ko ang mga gamit dito ay mawawalan naman ng gagamitin ang kapatid ko. Muli akong napabuntong hininga. "That's your nth sigh," mabilis akong napatayo at napatingin