Nandito na ako sa loob ng isang mall kasama si Redenn. Kanina pa kami paikot ikot dito habang naghahanap ako ng maaari kong mabili para sa mga kapatid ko at kay mommy. Napatingin naman ako sa tulak tulak ko ngayong cart na puno ng pagkain at iba't ibang groceries. Namili kasi ako ng stock para sa bahay at para sa bahay na tinitirahan namin ngayon ni Michael. Napahinga naman ako ng malalim. Marami ang mga groceries na binili ko para sa pamilya ko, at sakto para sa akin lang naman ang binili ko para sa bahay na tinitirahan namin ni Michael. Hindi na ako nag abala pang bumili ng marami dahil ako lang naman mag isa sa bahay. Dahil hanggang ngayon, matapos nang naging huli naming pagkikita, wala pa rin akong balita kay Michael. Wala akong nakukuhang kahit ano sa kanya kahit pa isang simpleng text message. Napahinga akong muli ng malalim. Gano'n ba talaga ako kadaling makalimutan? Gano'n ba ako kadaling talikuran? Napabuntong hininga ako. Wala akong nakuhang kahit message lang kay Micha
Nandito ako ngayon sa harap nang isang mamahaling eskwelahan. Sinundo ako kanina ni Tyron at inihatid dito. Inabutan lang din niya ako nang isang folder bago ako tuluyang iniwan dito. Wala akong alam sa kung paano ang gagawin kong proseso. Basta ang alam ko lang, ito na ang pag-aaral na hiniling ko kay Michael. Flashback Nakatayo ako ngayon sa harap ng vanity table rito sa dating kwarto namin ni Ranie na ngayon ay kwarto na lamang niya ngayon. Nakakatuwa na kahit bago na ang halos lahat ng gamit dito sa bahay ay hindi ni Ranie nagawang itapon o ipagpalit sa bago at mas magandang vanity table itong table kong ito. "Nandito ka pa pala?" narinig kong untag nang isang pamilyar na boses sa malapit sa pinto nitong kwarto. Agad ako roong napatingin at nakita si Ranie. Nakabistida ito nang dilaw habang may hawak siyang dalawang libro. "Ah, oo. Paalis na rin ako," sagot ko sa kanya bago ako ngumiti. Hindi naman na siya nagsalita. Tanging pagtango na lamang ang tangi niyang ginawa. "Kuma
Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Kapag sinunod ko ba ang puso ko magiging masaya ako? "I said don't move!" striktong sabi sa akin ni Michael nang sinubukan ko muling umupo. Masama ang tingin niya sa akin at mukhang ano mang oras mula ngayon ay kaya niya akong biglang saktan. "K-kaya ko na!" pagpupumulit ko. Hindi ko na kasi gusto pang manatili sa hospital na ito dahil mukhang dito ako tuluyang magkakasakit. "Tss. As if I am going to allow you," biglang sabi ni Michael bago siya naupo sa dulo ng kama kung saan ako ngayon nakahiga. Mabilis na kumunot ang noo ko nang dahil sa kanyang sinabi. "Ano ang ibig mong sabihin?" nakakunot ang mga noong tanong ko. Tumingin siya sa akin ng masama. "You're not allowed to go home yet. Not until your doctor tell us so," sagot naman niya sa akin bago niya inilabas ang kanyang cellphone. Hindi naman na ako nakasagot. Tanging pagbuntong hininga na lamang ang tanging nagawa ko. Muli akong bumuntong hininga. Ang dami kong katanu
Kapag naka-move on ako, hinding hindi na ako makukuhang muli ni Michael. Nanatili akong nakaupo sa upuan habang patuloy kong iniisip kung bakit nga ba pinili kong pumayag sa deal na 'to. Napabuntong hininga ako. "Para sa pamilya mo, Renice. Hindi ba?" pagkausap ko sa aking sarili. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at saka ko kinuha ang cellphone kong lowbatt na. Isa pa 'to sa iniisip at pinaka problema ko sa mga oras na 'to. Hindi pa alam nila mommy na hindi ako makakauwi. Sobrang biglaan kasi ng pagtira ko rito at pagkukunwari kong asawa ng manyak na 'yon. Sinabunutan ko ang sarili kong buhok. Wala akong charger, at hindi na ako papayagang umalis pa ng lalaking 'yon ngayon dahil halos hating gabi na. Napasandal ako sa kinauupuan ko. May dadagdag pa ba sa mga iniisip ko sa mga oras na 'to? "Aw," isang salitang kusang lumabas sa bibig ko nang maramdaman ko ang pagkulo ng aking tiyan. "Sumabay ka pa," wala sa sariling untag ko. Hindi pa pala ako kumakain mula kanina, kahit p
It was nearly noon noong makauwi ako sa bahay. The sunset is kissing my bare face. Nanatili kaming sakay ng nirentahang jeep ni Michael. Pareho lang kaming tahimik habang nakaupo at naghihintay na marating na namin ang palengke. Patuloy akong nanahimik, at hindi kumikibo ngunit agad nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko na dala-dala ko nga pala ang cellphone na ibinigay sa akin ni Michael. Mabilis kong kinapa ang suot kong dress na above the knee. Ngayon ko lang din naalala na wala nga pa lang bulsa ang suot kong damit. "Hala, saan ko inilagay 'yon?" tanong ko sa aking sarili. Mabagal at marahan ko namang nilingon si Michael na nakatingin na pala sa akin sa mga oras na 'to. Mabilis ko naman siyang kinunutan ng noo. "Ano? Tinitingin-tingin mo?" tanong ko bago ko muling ibinaling ang aking paningin sa labas ng jeep. Kunwari ay kalmado lang ako pero ang totoo n'yan ay abot-abot na ang aking kaba dahil hindi ko maalala kung saan ko nga ba inilagay ang phone na ibinigay sa akin ng
I can't help but wonder why do people loves hurting themselves, and I am one of them. Nakatayo ako ngayon sa tapat ng vanity table ko. Kasalukuyan kong kinukuha ang mga gamit na kakailanganin ko sa pagtira sa bahay ni Michael. Sa totoo lang ay halos wala akong maidala dahil nga hindi naman gano'n kagandahan at kaaayos ang mga gamit at damit ko rito sa bahay. Napahinga ako ng malalim bago ako napaupo sa kama na nandito lang malapit sa akin. Nanghihina ako sa katotohanan na parang hindi ako nakatira rito sa bahay, dahil bukod sa iilang piraso lang ang mga damit ko, halos wala pa akong gamit na ako mismo ang nagma-may-ari. Lahat kasi ng gamit ko ay ginagamit din mismo ni Ranie. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng aming maliit na kwarto. Kung titignan, wala akong madadala kahit ni-isang gamit. Dahil kung dadalhin ko ang mga gamit dito ay mawawalan naman ng gagamitin ang kapatid ko. Muli akong napabuntong hininga. "That's your nth sigh," mabilis akong napatayo at napatingin
If I can just finish things, and redo it, I will. I want my own self back. Without hoping he will come back. Kasalukuyan kaming tahimik na nakaupo sa loob ng sasakyan na dala-dala nila Tyron at Redenn. Nagmamaneho si Tyron ng sasakyan habang nakaupo naman sa tabi nito si Redenn na naging maya't-maya ang naging pagsipol habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Ako naman ay nanatili lang na nakaupo sa tabi ni Michael na hanggang ngayon ay tahimik na nakaupo sa tabi ko. Kanina pa siya walang imik. Tahimik at diretso rin siyang nakatingin sa labas ng sasakyan. Kung titignan, mukhang may malalim siyang iniisip. "Ah, Michael? Okay lang ba ang lahat?" rinig kong biglang tanong ni Tyron na focus sa pagmamaneho. Hindi naman kaagad umimik si Michael. "Kumain lang talaga kami. Walang samaan ng loob. Pfft," rinig kong rebat naman ni Redenn. Akala ko ay mag-re-react na si Michael ngunit nanatili lang siyang tahimik habang nakatingin pa rin sa labas ng sasakyan. "T*ng*na mo! Umayos ka nga! Hin
One I'm done, I never coming back. Nakatayo ako ngayon sa tapat ni Michael habang mabagal na umiikot. Titig na titig naman siya sa akin. Nakakailang damit, at bihis na rin ako. Huhulaan ko, halatang hindi lang ako ang napapagod sa ginagawa naming 'to. Nang matapos akong umikot ay humarap ako kay Michael at tumayo ng diretso. Prente naman siyang nakaupo sa harapan ko habang nakahawak ang kanyang hintuturo sa kanyang baba. "Okay, another one," rinig kong sabi ni Michael. Halos bumagsak naman ang balikat ko sa aking narinig. Mabagal naman kaming naglakad nang babae papasok sa fitting area. Halos lahat na ata ng damit nila rito ay naisukat ko na. "Miss, pasensya na ha. Hindi na ako magsusukat, baka kasi isa lang bilhin no'ng lalaking 'yon. Mapapagod ka lang," sabi ko sa babaeng nakasunod sa akin na may dala-dalang mga damit sa kanyang kamay. Napalingon din ako sa tatlo pang mga babae na nasa aming likuran na katulad niya ay may mga dala ring damit na kailangan kong sukatin. "Nako