Share

Chapter 232

Isa na namang araw ang lumipas. Sana tuluyan ko ng maiwaksi sa isip ko ang lalaking 'yon.

Napahinga ako ng malalim bago ako naglakad palabas ng kwarto. Kailangan ko na namang magkunwari na ayos lang ako.

"May pasok ka, anak?" narinig kong tanong ni mommy. Kaagad naman akong tumango bago ako ngumiti.

Sana maaari kong sabihin kay mommy ang sakit na nararamdaman ko.

Flashback

Tulala lang akong nakatingin kay Michael. Gusto ko siyang sampalin dahil sa ginagawa niyang pakikipaglaro sa akin.

"Itigil na natin ang kontrata. Hindi ko gustong mapahamak ang pamilya ko at ako nang dahil lang sa walang kwentang bagay," sabi ko pa.

Hindi naman siya kaagad umimik.

"You can't," sagot lang nito sa akin. Gusto ko sanang sumigaw dahil sa sobrang frustration na nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"May karapatan akong itigil ito dahil wala naman sa usapan natin na wala akong karapatang mag back out," sabi ko.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya bago siya naglakad papalapit sa akin.

"I w
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status