Share

Chapter 219

Nakatayo na ako ngayon sa tapat ng opisina ni Michael. May kung ano sa akin na natatakot sa muling pagkikita namin.

Hindi naging malinaw sa akin kung ano ang naging rason nang biglaang pagtalikod sa akin ng lalaking 'yon, pero naniniwala ako sa kanya.

Nagtitiwala ako kay Michael.

Mabagal kong pinunasan ang luhang tumulo sa aking mga mata. Maraming alaala ang nabuo sa opisinang ito.

Flashback

Tulala lang akong nakaupo habang nandito sa loob ng sasakyan ni Michael. Hindi ako umiimik magmula kanina pa.

Hindi ko rin kasi alam kung bakit muling pumasok sa isipan ko ang nangyari labing-dalawang taon na ang nakakaraan.

Ang maalala ang bagay na 'yon ang isa sa pinaka ayaw kong nangyayari. Pero hindi ko alam kung bakit paulit-ulit akong hinahatak pabalik ng nakaraan.

Sa sobrang sama ng pakiramdam ko, hindi ko na namalayan na nakasakay na kami ni Michael ng elevator. Magmula kasi nang yakapin niya ako kanina ay hindi na ako tumigil pa sa pag-iyak, hindi ko rin alam kung saan kami pupunta
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status