Share

Chapter 203

"Babe!" narinig kong pagtawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Kaagad namang napakunot ang aking noo.

Kilalang kilala ko na kung sino ang nagmamay-ari ng boses na 'yon.

"Babe! Pansinin mo naman ako!" hirit pa niya. Napahinga naman ako ng malalim bago ko siya masamang tinignan.

"Ano na namang bang kailangan mo?" inis na tanong ko.

Agad namang itinaas ni Max ang kanyang mga kamay sa ere.

"Oh! Ang aga aga babe ang init init ng ulo mo," natatawang sabi niya. Hindi naman na ako kumibo pa. Dumiretso na lang akong muli sa paglalakad.

"Kumusta ka, babe?" tanong niya nang mahabol na niya ako nang tuluyan sa paglalakad.

"Wala. Pangit dahil nakita na naman kita," sabi ko bago ko siya tinignan ng masama.

"Aw, you hurt me," sabi niya bago humawak sa kanyang d*bdib. Hindi naman na ako kumibo.

"Ang sungit naman. Kaya pala napili ka niya," narinig kong bulong ni Max sa tabi ko. Agad ko naman siyang nilingon bago napakunot ang aking noo.

"Anong sabi mo?" tanong ko. Hindi naman na siya kumi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status