Patuloy pa rin ako sa paglalakad kahit hindi naman ako sigurado kung saan ako dapat magpunta, basta ang alam ko ay naglalakad ako papalayo upang makalaya sa sobrang pag-iisip. Pero paano ko naman 'yon gagawin kung patuloy sa paggulo ang isip ko? Hanggang ngayon ay pumapasok ang alaala namin noong namasyal kami at namili. Flashback Patuloy kami sa paglakad papunta sa kung saan. Hindi ko nga alam kung alam ba talaga nitong si Michael kung saan niya nais pumunta. "Saan mo ba talaga trip pumunta?" tanong ko bago tinakbo ang maliit na pagitan naming dalawa. Hindi naman siya umimik pero nakita kong pinasadahan niya ako ng tingin. "Sagot na kasi. Ang usapan papautangin mo ako para makabili ng mga pagkain na iiwan ko sa bahay namin, pero 'di ko alam anong tumatakbo d'yan sa isip mo," sabi ko pa. Napasimangot naman ako bago patuloy na sumunod sa kanya sa paglakad. "Saan mo ba kasi trip na pumunta? Iiwanan kita rito, tignan mo," dugtong ko pa bago ko tinignan ang dinaanan namin kanina. M
Sa totoo lang, kung ako ang tatanungin gusto kong ibalik ang dati. Sana maaari, at sana pwede pa. Pero papaano kung tapos na nga ang kontrata naming dalawa. I am no longer his rented wife. Napahinga ako ng malalim. Patuloy na nag-pi-play ang lahat ng isip ko. Flashback Nakatayo kami ngayon sa tapat ng pamilihan. Halos pagtinginan naman kami ng mga tao rito dahil sa itsura ng lalaking katabi ko ngayon. "Tara na kaya? Pinagtitinginan na tayo rito oh," sabi ko bago ko siya bahagyang binunggo sa balikat. "Hoy," pagtawag ko pa ulit nang hindi niya ako kibuin. Kahit paglingon sa gawi ko ay hindi niya man lang ginawa. "Michael," pagtawag ko pa. Mabagal naman niya akong tinignan. "What?" tanong nito sa akin. "Tara na. Pumasok na tayo sa loob. Pinagtitinginan na tayo rito, oh. Palibhasa kasi kung tignan mo naman 'tong palengke parang may balak kang bilhin 'yong lupang pinagtatayuan nito eh," sabi ko pa. Hindi naman kaagad kumibo si Michael ngunit mabagal niya muling nilingon ang buong
Kinagat ko ang pang ibaba kong labi. Aaminin ko na nasasaktan ako. Na minsan hinihiling ko na sana hindi na lang natapos ang kontrata naming dalawa. Flashback Nakatayo ako ngayon sa tapat ng vanity table ko. Kasalukuyan kong kinukuha ang mga gamit na kakailanganin ko sa pagtira sa bahay ni Michael. Sa totoo lang ay halos wala akong maidala dahil nga hindi naman gano'n kagandahan at kaaayos ang mga gamit at damit ko rito sa bahay. Napahinga ako ng malalim bago ako napaupo sa kama na nandito lang malapit sa akin. Nanghihina ako sa katotohanan na parang hindi ako nakatira rito sa bahay, dahil bukod sa iilang piraso lang ang mga damit ko, halos wala pa akong gamit na ako mismo ang nagma-may-ari. Lahat kasi ng gamit ko ay ginagamit din mismo ni Ranie. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng aming maliit na kwarto. Kung titignan, wala akong madadala kahit ni-isang gamit. Dahil kung dadalhin ko ang mga gamit dito ay mawawalan naman ng gagamitin ang kapatid ko. Muli akong napabunto
Nakahiga ako ngayon sa kama habang nakahawak sa aking ulo. Masakit ito at parang pumipintig sa kirot. Halos kagigising ko lang dahil anong oras na ako nakauwi kagabi. Napahinga naman ako ng malalim. Muli pa ring sunod-sunod na bumabalik ang lahat ng alaala naming dalawa sa isip ko. Patuloy at parang walang pahinga. Flashback Nakabusangot akong naglalakad kasabay ni Michael. Naiinis ako dahil 'di ko maintindihan kung bakit ayaw niyang sabay kaming maglakad. "Hoy! Hindi ko nakikita daraanan ko. Tapakan ko kaya sapatos mo," inis na sabi ko. Hindi naman siya kumibo, patuloy lang siya sa paglakad. "Hoy, Michael!" inis na pagtawag ko sa kanya. Mabilis naman niya akong nilingon bago siya napabuntong hininga. Mabagal din siyang huminto sa paglakad bago tuluyang tumingin sa gawi ko. "You are causing a scene," simpleng sabi niya bago siya tumingin sa paligid. Napatingin na rin ako sa paligid bago ako napasimangot. Totoong halos lahat nga ng tao rito ay pinagtitinginan kami. "Bakit kas
Nanatili pa rin akong nakahiga. Hindi ko alam pero wala akong gana pumasok ngayong araw. Alam ko pag-aaral ang matagal ko nang gusto noon, pero ewan ko ba ngayon. Para bang nawalan na nang saysay ang lahat. Napahinga ako ng malalim. Bago ko ipinikit ang aking mga mata. Flashback Uuwi na ba tayo?" tanong ko kay Michael na ngayon ay kasabay ko sa paglalakad. Nasa loob pa rin kami ng mall at naglalakad papunta ulit sa kung saan. Hindi ko rin alam kung nasaan na ang mga ipinamili namin kanina lang. Hindi niya ako muling sinagot pero nakita ko ang paglingon niya sa gawi ko. "Pwede ba bagalan mo naman ng kaunti ang paglalakad mo? Hindi na kasi kita masabayan. Napapagod na rin kasi ako," sabi ko sa kanya. Bigla naman siyang huminto sa paglalakad at tumingin sa paligid. Pati ako ay napatingin na rin sa mga tao na naglalakad papunta sa iba't-ibang direksyon. "Bakit?" biglaang tanong ko. Hindi muli nagsalita si Michael ngunit nagpatuloy na siya sa paglalakad. Kung kanina ay halos isang
Mabagal akong naglakad papalabas ng kwarto. Kailangan kong pumasok dahil may exam kami ngayong araw pero hindi ko makapa ang sarili ko na kumilos para makapasok. Nanlulumo ako. Nanlulumo ako at kinakain ako ng emosyon ko. Na-mi-miss ko siya, na-mi-miss ko si Michael. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi. Muli na namang pumasok siya sa isip ko. Flashback Hindi ko alam kung ilang oras ba akong nanatili lang na nakaupo sa kama. Nakatulala lang ako at nakatingin sa kawalan. Ang maalala ang bagay na 'yon ang isa sa pinaka-ayaw ko ng maalala sa buong buhay ko. Ang alaala kung saan huling beses kong nakita ang pag-ngiti ni Daddy, at ang huling beses na narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Isang luha na naman ang muling pumatak sa aking mga mata. Hanggang ngayon ay sarili ko pa rin ang tanging sinisisi ko sa trahedyang nangyari sa buhay namin. Kung hindi lang sana namatay si Daddy, baka wala ako rito ngayon, baka hindi ako isang rented wife at tau-tauhan ni Michael Seth. Pero kaga
Napatingin ako sa bintana bago ko iniharang ang aking kamay nang tumama sa aking mukha ang sinag ng araw. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi bago ako tumingin sa sala at naglakad papunta sa sofa. Doon ako naupo bago ko ipinikit ang aking mga mata. Kahit ang sinag ng araw ay umaalala sa kanya, kaya naman gagawin ko ang lahat para makita siyang muli. At gagawi ko ang lahat para ibalik si Michael sa akin muli. Flashback Mabilis kong tinakpan ang aking mukha ng aking kamay nang tumama sa akin ang mataas na sinag na araw. Mabagal naman akong tumayo mula sa pagkakahiga sa kama. Gusto ko pa sana matulog pero 'di ko alam kung bakit kahit halos nakapikit pa ang mga mata ko ay ayaw naman ng humiga nitong katawan ko. Pinilit kong tumayo mula sa kama ko at inayos 'yon. Inayos ko rin ang ilang gamit ko na nakakalat na pala sa lamesa. Patuloy ako sa pag-aayos ng gamit nang may maamoy akong mabangong aroma na nanggagaling sa labas ng kwarto. Kaagad akong napaayos ng tayo at napatingin
Nakasakay ako ngayon sa isang pampublikong sasakyan. Papunta na ako ngayon sa university upang pasukan ang nag iisang klase ko para ngayong araw. Napahinga ako bago ako napatingin sa kalangitan. Kahit saan ako tumingin, at kahit ano pa ang gawin ko ang alaala ko lang noon kasama si Michael ang naaalala ko. Ganito rin ang itsura nang kalangitan noong papunta kami noon ni Redenn sa Seth Corporation. Dahil gano'n naman talaga ang lalaking 'yon, kung 'di siya ang maghahatid at sundo sa akin, ipag-uutos niya sa ibang tao. Flashback Kasalukuyan akong nakasakay sa sasakyan ni Redenn. Pareho lang kaming tahimik habang binabagtas ang mahabang daan papunta sa Seth Corporation. Napahinga ako ng malalim bago ako napatingin sa mga kamay kong nakapatong sa aking tuhod at kasalukuyang nanginginig. Muli akong napabuntong hininga. Kung ano man ang mangyayari mamaya, sana naman ay hindi ako mapahiya. "Grabe naman ang mga buntong hininga na 'yon, Renice. Ang bibigat, ah?" natatawang sabi ni Redenn