Mabilis ako na bumangon mula sa pagkakahiga nang animo'y hinahalukay ang tiyan ko. "Lucas," kinakabahan na tawag ko sa kaniya nang makita siya na nakatayo sa hamba ng pinto ng banyo. "Nakauwi ka na pala," dagdag ko at saka mabilis na naghilamos ng mukha upang maitago ang pamamasa ng gilid ng mga mata ko. Hindi ko na siya naabutan pa nang magising ako. Wala na akong katabi pa sa kama kanina. Itinulog ko na lang muli ang sakit ng ulo ko kanina. Mukhang nakuha ko ito noong nagpaulan kami sa Isla Juancho. Napalitan na ang pinto ng condo niya at secure na secure na iyon kaya tiwala siya na iwan na ako rito mag-isa. Hindi rin kasi siya makaalis dahil nag-aalala rin siya sa akin na baka may mangyari na naman na hindi inaasahan. "Kumain ka na ba?" tanong ko muli nang hindi siya sumagot. Napakurap ako nang kapain niya ang leeg ko. "I bought medicine," aniya at tinalikuran na ako. "Hindi mo sinagot ang tinanong ko," pagsunod ko sa kaniya nang iwan niya ako rito sa kwarto. "Dumaan na ako
Halos iluwa ko na ang bituka ko kakasuka. Nangangasim na ang panlasa ko ngunit puro tubig lang ang isinusuka ko. Naghilamos ako ng mukha ko upang maibsan ang hilo na nararamdaman. Nahihilo na umupo ako sa dining table. Inabot ko ang tubig na kanina ko pa hawak-hawak. Gusto ko nang magpahinga ngunit hindi ko magawa. Ininom ko na ang gamot na kasama sa pagkain na binigay ni Lucas na para sa lagnat ngunit hindi pa rin umeepekto iyon. Ilang sandali nang magpasiya ako na pumunta sa veranda. Bahagya pa akong napatigil nang madaanan ang pinto ng silid ni Lucas. Mula rito sa labas ay dinig na dinig ko ang pinanonood nila. Napailing na lang ako at tuluyan na tinahak ang veranda. Napapikit na lang ako nang salubungin ng malamig na hangin ang mukha ko. Iris is still here at pakiramdam ko ay wala siyang balak na umalis. Wala na rin akong karapatan na kuhain si Lucas sa kaniya dahil tulad ng sinabi ni Iris, approved na ang annulment paper namin. Basically, I don't have any rights to interfer
"Are you feeling well now?" pagkumusta sa akin ni Mommy nang maabutan ko sila sa dining room at nag-uusap. Tipid ako na ngumiti. "Pasensiya na po at naabala ko pa kayo kagabi," paghingi ko ng paumanhin. "What happened?" tanong ni Daddy at ibinaba na ang diyaryo na hawak niya. Pinalobo ko ang mga pisngi ko at nangungusap ang mga mata na tiningnan ko si Mommy. Hindi ko rin alam kung paano magpapaliwanag at alam ko rin na wala akong maayos na sasabihin. Nagkibit-balikat si Mommy dahilan upang bumagsak ang mga balikat ko. "Nag-away kayo ng asawa mo?" "Divorce na po kami ni Lucas. Approve na rin po," walang magawa na sagot ko sa tanong ni Daddy. "What?" salubong ang mga kilay na tanong ni Daddy. "What are you thinking, Aurora?" tanong niya at mukhang hindi natutuwa sa nalaman niya. "Kailan ito nangyari at bakit hindi namin alam? Hindi niyo pinaalam sa amin ng Mommy mo." Napalunok na lang ako at tumungo. "Maayos naman ang pagsasama niyo, Aurora. Bakit naman humantong sa ganito?" m
"Aurora, is that you?" Nilingon ko ang pamilyar na boses na iyon at tumaas ang kilay ko nang makita ang pagmumukha ni Haze. Matalim ang tingin ko nang hampasin niya ako sa likod nang kumislap ang mga mata niya matapos akong makita. "Long time no see! Na-miss kita!" natutuwang aniya at umupo sa kaharap ko na upuan. Tiningnan ko lang siya bago ako sumimsim ng kape. "Hindi mo ba talaga tatanggalin 'yang shades mo and cap? Para saan 'yan? Mukha kang tanga," aniya. "Ikaw nga mula ulo hanggang paa kulay red pinuna ba kita?" pambabara ko sa kaniya. Ngumuso siya at saka hinawakan ang buhok niya. "Balak ko na nga magpakulay ulit ng black. Parang hindi bagay sa tuwing pupunta ako ng meeting." "Mabuti napansin mo," panggagatong ko. Mas lalo tuloy humaba ang nguso niya. "Ang init ng ulo mo. Hindi mo na nga nire-reply-an mga message ko tapos noong tinatawagan kita sinasagot mo pero walang nagsasalita-" "Ano?" tanong ko nang tuluyan niya makuha ang atensiyon ko. Matagal ng wala sa akin
Nalipat ang atensiyon ko sa aking cell phone nang mag-vibrate iyon. Napaiwas ako ng tingin kay Lucas na siyang nagpunas ng luha na tumulo mula sa kaniyang mga mata. "Haze," sagot ko tawag niya. "Are you okay? Where are you? Lintik na body guard ni Martin 'yon," galit na aniya. "Puwede bang sunduin mo ako rito—" "Stay away from him, Aurora," utos ni Lucas matapos kuhanin ang cell phone ko at patayin ang tawag ni Haze. Sa halip na sagutin siya ay inabot ko ang cell phone ko na hawak niya ngunit inilayo niya iyon muli sa akin. Tinaliman ko siya ng tingin. Wala sa mukha niya na ibabalik pa niya iyon sa akin. "Ibalik mo sa akin 'yan," mahinahon na pakiusap ko. "Para ano? Para makipagkita ka ulit sa kaniya?" tanong niya. "No, dito ka lang. Hindi ka aalis dito sa condo ko." "Ano naman ang problema mo kung makipagkita ako sa kaniya? Kahit makipag-sex ako sa kaniya ay wala kang pakialam— nasasaktan ako, Lucas," sambit ko nang mariin niya akong sinakal. "What did you say?" nangaggalai
Padarag ko na kinuha sa kaniya ang cell phone ko at saka siya tinalikuran upang makaalis na ngunit mas mabilis siya na hinila ako upang hindi tuluyan na makalabas ng pinto. "Bitawan mo nga ako!" inis na pagpiglas ko nang sa isang iglap ay buhat-buhat na niya ako habang patungo sa silid niya. "No, dito ka lang, Aurora. Don't be too stubborn!" "Ikaw ang makulit! Sinabi ko na nga na uuwi na ako 'di ba? Tanga ka ba at hindi makaintindi?" Napadaing na lang ako sa sakit ng balakang ko nang padarag niya akong ibaba sa kama niya. Wala ng mas tatalim pa sa tingin ko sa kaniya na ngayon ay salubong din ang mga kilay habang nakatingin sa akin. "Ito ba ang mga natututunan mo tuwing kasama mo siya—" "No, ang tanong ko ang sagutin mo, Lucas. Hindi ka pa rin ba tapos? Hindi ka pa ba tapos na saktan ako? Putangina naman," natatawang ani ko. "Hindi ko na alam kung ano na naman ang nasa putanginang utak mo at plano mo sa akin dahil ganiyan ka na naman kung umasta—" Hindi ko na nagawa pa na itulo
Evening came at wala na si Lucas sa tabi ko. Wala siya sa condo at hindi ko alam kung saan siya pumunta. Marahil kay Iris dahil doon naman na siya nagpapahinga mula nang bumalik kami galing isla. Kinuha ko ang cell phone ko sa night stand at tiningnan iyon. Walang message sila Mommy and I was about na magpaalam sa kanila nang makita ang recent text galing kay Daddy. I opened it and my brows unconsciously furrowed as I read the message. "Don't tell, Aurora about it. She's already having a hard time, Lucas." Bahagya pa akong nagulat nang bigla na lang mag-ring ang cell phone ko. Napabuga na lang ako ng hangin habang pinagmamasdan ang pangalan ni Haze roon. "Haze," sambit ko nang sagutin iyon. Naitagilid ko na lang ang ulo ko nang marinig ang animo'y paghikbi niya. "Hello, Haze? Are you there?" tanong ko. "Aurora," tawag niya sa akin. Sinadya ko na hindi sumagot at hinintay ang sasabihin niya ngunit wala siyang sinabi na kung ano pa. "Haze?" tawag ko ulit sa kaniya. "Puwede m
"Aurora," paggising sa akin at marahan akong tinatapik sa pisngi.Hinang-hina ako na nagmulat ng aking mga mata. Sumasakit na ang pisngi ko marahil sa natuyong dugo. Huling natandaan ko na lang ay pinalo ako ng kung ano sa ulo at matapos noon ay sinuot nila sa ulo ko ang isang sako."Kaya mong tumakbo?" pabulong na tanong niya.Umiling ako. "Sinong kasama mo?" tanong ko nang wala akong marinig na ingay sa paligid."Mamaya mo na itanong 'yan," sagot niya habang nagmamadali na tinanggal ang tali sa paa at braso ko.Nakaramdam ako ng taranta nang marinig ang dalawang nag-uusap papalapit sa gawi kung nasaan kami ngayon ni Lucas."May tao," pabulong na sambit ko kahit alam ko na naririnig din niya ang mga iyon.Wala na akong nagawa pa nang hinila ako ni Lucas at magsimula kaming magtatakbo. Kahit nanlalambot ang mga tuhod ay pinilit kong makisabay dahil kung hindi ay baka pareho kaming mamatay."Damn it," bulong niya at saka muli akong hinatak pabalik sa loob.Para akong hangin na sumusuno