"Are you feeling well now?" pagkumusta sa akin ni Mommy nang maabutan ko sila sa dining room at nag-uusap. Tipid ako na ngumiti. "Pasensiya na po at naabala ko pa kayo kagabi," paghingi ko ng paumanhin. "What happened?" tanong ni Daddy at ibinaba na ang diyaryo na hawak niya. Pinalobo ko ang mga pisngi ko at nangungusap ang mga mata na tiningnan ko si Mommy. Hindi ko rin alam kung paano magpapaliwanag at alam ko rin na wala akong maayos na sasabihin. Nagkibit-balikat si Mommy dahilan upang bumagsak ang mga balikat ko. "Nag-away kayo ng asawa mo?" "Divorce na po kami ni Lucas. Approve na rin po," walang magawa na sagot ko sa tanong ni Daddy. "What?" salubong ang mga kilay na tanong ni Daddy. "What are you thinking, Aurora?" tanong niya at mukhang hindi natutuwa sa nalaman niya. "Kailan ito nangyari at bakit hindi namin alam? Hindi niyo pinaalam sa amin ng Mommy mo." Napalunok na lang ako at tumungo. "Maayos naman ang pagsasama niyo, Aurora. Bakit naman humantong sa ganito?" m
"Aurora, is that you?" Nilingon ko ang pamilyar na boses na iyon at tumaas ang kilay ko nang makita ang pagmumukha ni Haze. Matalim ang tingin ko nang hampasin niya ako sa likod nang kumislap ang mga mata niya matapos akong makita. "Long time no see! Na-miss kita!" natutuwang aniya at umupo sa kaharap ko na upuan. Tiningnan ko lang siya bago ako sumimsim ng kape. "Hindi mo ba talaga tatanggalin 'yang shades mo and cap? Para saan 'yan? Mukha kang tanga," aniya. "Ikaw nga mula ulo hanggang paa kulay red pinuna ba kita?" pambabara ko sa kaniya. Ngumuso siya at saka hinawakan ang buhok niya. "Balak ko na nga magpakulay ulit ng black. Parang hindi bagay sa tuwing pupunta ako ng meeting." "Mabuti napansin mo," panggagatong ko. Mas lalo tuloy humaba ang nguso niya. "Ang init ng ulo mo. Hindi mo na nga nire-reply-an mga message ko tapos noong tinatawagan kita sinasagot mo pero walang nagsasalita-" "Ano?" tanong ko nang tuluyan niya makuha ang atensiyon ko. Matagal ng wala sa akin
Nalipat ang atensiyon ko sa aking cell phone nang mag-vibrate iyon. Napaiwas ako ng tingin kay Lucas na siyang nagpunas ng luha na tumulo mula sa kaniyang mga mata. "Haze," sagot ko tawag niya. "Are you okay? Where are you? Lintik na body guard ni Martin 'yon," galit na aniya. "Puwede bang sunduin mo ako rito—" "Stay away from him, Aurora," utos ni Lucas matapos kuhanin ang cell phone ko at patayin ang tawag ni Haze. Sa halip na sagutin siya ay inabot ko ang cell phone ko na hawak niya ngunit inilayo niya iyon muli sa akin. Tinaliman ko siya ng tingin. Wala sa mukha niya na ibabalik pa niya iyon sa akin. "Ibalik mo sa akin 'yan," mahinahon na pakiusap ko. "Para ano? Para makipagkita ka ulit sa kaniya?" tanong niya. "No, dito ka lang. Hindi ka aalis dito sa condo ko." "Ano naman ang problema mo kung makipagkita ako sa kaniya? Kahit makipag-sex ako sa kaniya ay wala kang pakialam— nasasaktan ako, Lucas," sambit ko nang mariin niya akong sinakal. "What did you say?" nangaggalai
Padarag ko na kinuha sa kaniya ang cell phone ko at saka siya tinalikuran upang makaalis na ngunit mas mabilis siya na hinila ako upang hindi tuluyan na makalabas ng pinto. "Bitawan mo nga ako!" inis na pagpiglas ko nang sa isang iglap ay buhat-buhat na niya ako habang patungo sa silid niya. "No, dito ka lang, Aurora. Don't be too stubborn!" "Ikaw ang makulit! Sinabi ko na nga na uuwi na ako 'di ba? Tanga ka ba at hindi makaintindi?" Napadaing na lang ako sa sakit ng balakang ko nang padarag niya akong ibaba sa kama niya. Wala ng mas tatalim pa sa tingin ko sa kaniya na ngayon ay salubong din ang mga kilay habang nakatingin sa akin. "Ito ba ang mga natututunan mo tuwing kasama mo siya—" "No, ang tanong ko ang sagutin mo, Lucas. Hindi ka pa rin ba tapos? Hindi ka pa ba tapos na saktan ako? Putangina naman," natatawang ani ko. "Hindi ko na alam kung ano na naman ang nasa putanginang utak mo at plano mo sa akin dahil ganiyan ka na naman kung umasta—" Hindi ko na nagawa pa na itulo
Evening came at wala na si Lucas sa tabi ko. Wala siya sa condo at hindi ko alam kung saan siya pumunta. Marahil kay Iris dahil doon naman na siya nagpapahinga mula nang bumalik kami galing isla. Kinuha ko ang cell phone ko sa night stand at tiningnan iyon. Walang message sila Mommy and I was about na magpaalam sa kanila nang makita ang recent text galing kay Daddy. I opened it and my brows unconsciously furrowed as I read the message. "Don't tell, Aurora about it. She's already having a hard time, Lucas." Bahagya pa akong nagulat nang bigla na lang mag-ring ang cell phone ko. Napabuga na lang ako ng hangin habang pinagmamasdan ang pangalan ni Haze roon. "Haze," sambit ko nang sagutin iyon. Naitagilid ko na lang ang ulo ko nang marinig ang animo'y paghikbi niya. "Hello, Haze? Are you there?" tanong ko. "Aurora," tawag niya sa akin. Sinadya ko na hindi sumagot at hinintay ang sasabihin niya ngunit wala siyang sinabi na kung ano pa. "Haze?" tawag ko ulit sa kaniya. "Puwede m
"Aurora," paggising sa akin at marahan akong tinatapik sa pisngi.Hinang-hina ako na nagmulat ng aking mga mata. Sumasakit na ang pisngi ko marahil sa natuyong dugo. Huling natandaan ko na lang ay pinalo ako ng kung ano sa ulo at matapos noon ay sinuot nila sa ulo ko ang isang sako."Kaya mong tumakbo?" pabulong na tanong niya.Umiling ako. "Sinong kasama mo?" tanong ko nang wala akong marinig na ingay sa paligid."Mamaya mo na itanong 'yan," sagot niya habang nagmamadali na tinanggal ang tali sa paa at braso ko.Nakaramdam ako ng taranta nang marinig ang dalawang nag-uusap papalapit sa gawi kung nasaan kami ngayon ni Lucas."May tao," pabulong na sambit ko kahit alam ko na naririnig din niya ang mga iyon.Wala na akong nagawa pa nang hinila ako ni Lucas at magsimula kaming magtatakbo. Kahit nanlalambot ang mga tuhod ay pinilit kong makisabay dahil kung hindi ay baka pareho kaming mamatay."Damn it," bulong niya at saka muli akong hinatak pabalik sa loob.Para akong hangin na sumusuno
"Mukhang bumabagal ka kumilos, Martin," natatawang ani Haze. "Hamakin mo na naunahan pa rin kita bago mo masabi sa asawa mo— Hindi na nga pala kayo kasal kaso mukhang naghahabol ka," tunog insulto na dagdag niya. Tiningnan ko si Lucas nang wala akong marinig na kung ano mula sa kaniya. Ngunit wala rin akong makita na emosiyon sa mukha niya, kabaliktaran sa kung gaano ako ginulat ng mga pangyayari. Nakatingin lang siya kay Iris na nginitian lang siya at animo'y naaawa na hindi magawang makalapit kay Lucas. I was still in dazed while processing what's happening. All this time... Nasa paligid ko lang silang lahat. Paanong napapaligiran lang ako ng mga taong kay tagal naging palaisipan sa akin kung bakit ko nararanasan ang mga bagay na hindi naman dapat. Paano? Binalik ko ang mga mata ko kay Haze na ngayon ay tatawa-tawa na nakatingin sa aming dalawa ni Lucas. Ibang-iba ang hitsura niya kumpara sa haze na nakilala ko. "Ikaw si Red?" hindi makapaniwalang sambit ko. "Yes, I am," pag-a
Gustong-gusto ko balikan si Lucas ngunit hindi ko magawa. Masiyadong malakas si Chris upang hatakin ako palayo roon. Kulang na lang ay madapa na ako sa sobrang pagmamadali. Napasigaw na lang ako sa tuwing naririnig ang palitan na pagputok ng mga baril. "Stay here," utos ni Chris nang bahagya akong itulak sa likod ng mga malalaking balde. Hindi ko na nagawa pa na makapagsalita nang nagtatakbo siya papalayo sa gawi ko habang nagpapaulan ng bala ng baril. Mariin kong tinkpan ang mga tainga ko. Nanlalabo na nang sobra ang aking paningin. Pakiramdam ko ay napakawalang-kwenta ko na tao dahil hindi ako makatulong sa kanila. Umusbong ang galit sa akin nang makita si Iris na nagmamadali sa pag-alis kasama ang iilan nilang tauhan. Mabilis kong kinuha ang baril na hawak ng isang nakabulagta na lalaki sa harapan ko. "Iris!" pag-agaw ko sa atensiyon niya ngunit nilamon lang iyon ng mga putukan. Itinaas ko ang braso ko at itinutok sa kaniya ang baril. Ang hindi ko inaasahan ay ang paghila