Share

TMUW 58: Tired

"Aurora, is that you?"

Nilingon ko ang pamilyar na boses na iyon at tumaas ang kilay ko nang makita ang pagmumukha ni Haze.

Matalim ang tingin ko nang hampasin niya ako sa likod nang kumislap ang mga mata niya matapos akong makita.

"Long time no see! Na-miss kita!" natutuwang aniya at umupo sa kaharap ko na upuan.

Tiningnan ko lang siya bago ako sumimsim ng kape.

"Hindi mo ba talaga tatanggalin 'yang shades mo and cap? Para saan 'yan? Mukha kang tanga," aniya.

"Ikaw nga mula ulo hanggang paa kulay red pinuna ba kita?" pambabara ko sa kaniya.

Ngumuso siya at saka hinawakan ang buhok niya. "Balak ko na nga magpakulay ulit ng black. Parang hindi bagay sa tuwing pupunta ako ng meeting."

"Mabuti napansin mo," panggagatong ko.

Mas lalo tuloy humaba ang nguso niya. "Ang init ng ulo mo. Hindi mo na nga nire-reply-an mga message ko tapos noong tinatawagan kita sinasagot mo pero walang nagsasalita-"

"Ano?" tanong ko nang tuluyan niya makuha ang atensiyon ko.

Matagal ng wala sa akin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status