Share

TMUW 62: Escape

"Aurora," paggising sa akin at marahan akong tinatapik sa pisngi.

Hinang-hina ako na nagmulat ng aking mga mata. Sumasakit na ang pisngi ko marahil sa natuyong dugo. Huling natandaan ko na lang ay pinalo ako ng kung ano sa ulo at matapos noon ay sinuot nila sa ulo ko ang isang sako.

"Kaya mong tumakbo?" pabulong na tanong niya.

Umiling ako. "Sinong kasama mo?" tanong ko nang wala akong marinig na ingay sa paligid.

"Mamaya mo na itanong 'yan," sagot niya habang nagmamadali na tinanggal ang tali sa paa at braso ko.

Nakaramdam ako ng taranta nang marinig ang dalawang nag-uusap papalapit sa gawi kung nasaan kami ngayon ni Lucas.

"May tao," pabulong na sambit ko kahit alam ko na naririnig din niya ang mga iyon.

Wala na akong nagawa pa nang hinila ako ni Lucas at magsimula kaming magtatakbo. Kahit nanlalambot ang mga tuhod ay pinilit kong makisabay dahil kung hindi ay baka pareho kaming mamatay.

"Damn it," bulong niya at saka muli akong hinatak pabalik sa loob.

Para akong hangin na sumusuno
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status