Share

TMUW 55: Cold

Mabilis ako na bumangon mula sa pagkakahiga nang animo'y hinahalukay ang tiyan ko.

"Lucas," kinakabahan na tawag ko sa kaniya nang makita siya na nakatayo sa hamba ng pinto ng banyo. "Nakauwi ka na pala," dagdag ko at saka mabilis na naghilamos ng mukha upang maitago ang pamamasa ng gilid ng mga mata ko.

Hindi ko na siya naabutan pa nang magising ako. Wala na akong katabi pa sa kama kanina. Itinulog ko na lang muli ang sakit ng ulo ko kanina. Mukhang nakuha ko ito noong nagpaulan kami sa Isla Juancho.

Napalitan na ang pinto ng condo niya at secure na secure na iyon kaya tiwala siya na iwan na ako rito mag-isa. Hindi rin kasi siya makaalis dahil nag-aalala rin siya sa akin na baka may mangyari na naman na hindi inaasahan.

"Kumain ka na ba?" tanong ko muli nang hindi siya sumagot.

Napakurap ako nang kapain niya ang leeg ko. "I bought medicine," aniya at tinalikuran na ako.

"Hindi mo sinagot ang tinanong ko," pagsunod ko sa kaniya nang iwan niya ako rito sa kwarto.

"Dumaan na ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status