Madaling araw na nang magising ako dahil sa ingay na nagmumula sa pinanonood ni Lucas. "Kanina ka pa gising?" naalimpungatan na tanong ko sa kaniya. Salubong na salubong ang mga kilay niya na nakatingin sa pinanonood. Bakas ang pagkaseryoso kaya naman nang hindi niya ako pansinin ay binaling ko na lang din sa harapan ang atensiyon ko. "Sa ngayon ay iniimbistagahan pa ang nangyaring trahedya para sa mga kalunos-lunos na sinapit ng mga bata sa kamay ng mga hindi matukoy kung sino ang may kasalanan. Ayon sa mga pulisya ay kinikilala na ang may gawa nito ay walang iba kung hindi ang kinikilalang Red na noon ay naipabalita na rin dahil sa pagkawala ng mga menor de edad na bata sa iba't-ibang sulok ng ating bansa," pagbabalita noon. Nagsalubong ang mga kilay ko at umayos ng pagakakaupo. "Si Red," bigkas ko at binalingan si Lucas ngunit mayroon na pala siyang kausap sa cell phone niya. Hindi ko makumpirma kung ang Red na kakilala ko ang siyang tinutukoy sa balita ngunit base sa pagmum
"Morning," bati sa akin ni Lucas nang magmulat ako ng aking mga mata. Napakurap ako at inabot ang mukha niya. Bahagya lang siya na natawa at saka ako pinatakan ng halik sa labi. Nahihiya na lumubog ako dahil hindi pa ako nakakapagsepilyo. "Sabi mo kinabukasan ang dating mo," nagtatampo na sambit ko. "Na-miss mo 'ko?" nakangisi na tanong niya. Mabilis ako na umiling. "Bakit naman kita mami-miss. Inaalala ko lang baka hindi na ako makauwi at makita pa ng mga magulang ko," sagot ko. Lumabi siya at nagkibit-balikat. Inalis ko ang braso niya nakapatong sa braso ko at bumangon na mula sa pagkakahiga. "Dinalhan na kita ng mga damit mo." Ramdam ko ang presensiya niya sa likod ko. Inayos ko ang gulo-gulo na buhok ko bago nag-asikaso sa kusina upang makakain kami na dalawa. Muling sinakop ng kaniyang malalaking braso ang baywang ko. Binigyan ko ng space ang ulo niya sa pagitan ng balikat at pisngi. "Ang baho mo na," aniya. Kahit alam kong nagbibiro lang siya ay napaamoy rin ako sa sa
Mabilis ako na bumangon mula sa pagkakahiga nang animo'y hinahalukay ang tiyan ko. "Lucas," kinakabahan na tawag ko sa kaniya nang makita siya na nakatayo sa hamba ng pinto ng banyo. "Nakauwi ka na pala," dagdag ko at saka mabilis na naghilamos ng mukha upang maitago ang pamamasa ng gilid ng mga mata ko. Hindi ko na siya naabutan pa nang magising ako. Wala na akong katabi pa sa kama kanina. Itinulog ko na lang muli ang sakit ng ulo ko kanina. Mukhang nakuha ko ito noong nagpaulan kami sa Isla Juancho. Napalitan na ang pinto ng condo niya at secure na secure na iyon kaya tiwala siya na iwan na ako rito mag-isa. Hindi rin kasi siya makaalis dahil nag-aalala rin siya sa akin na baka may mangyari na naman na hindi inaasahan. "Kumain ka na ba?" tanong ko muli nang hindi siya sumagot. Napakurap ako nang kapain niya ang leeg ko. "I bought medicine," aniya at tinalikuran na ako. "Hindi mo sinagot ang tinanong ko," pagsunod ko sa kaniya nang iwan niya ako rito sa kwarto. "Dumaan na ako
Halos iluwa ko na ang bituka ko kakasuka. Nangangasim na ang panlasa ko ngunit puro tubig lang ang isinusuka ko. Naghilamos ako ng mukha ko upang maibsan ang hilo na nararamdaman. Nahihilo na umupo ako sa dining table. Inabot ko ang tubig na kanina ko pa hawak-hawak. Gusto ko nang magpahinga ngunit hindi ko magawa. Ininom ko na ang gamot na kasama sa pagkain na binigay ni Lucas na para sa lagnat ngunit hindi pa rin umeepekto iyon. Ilang sandali nang magpasiya ako na pumunta sa veranda. Bahagya pa akong napatigil nang madaanan ang pinto ng silid ni Lucas. Mula rito sa labas ay dinig na dinig ko ang pinanonood nila. Napailing na lang ako at tuluyan na tinahak ang veranda. Napapikit na lang ako nang salubungin ng malamig na hangin ang mukha ko. Iris is still here at pakiramdam ko ay wala siyang balak na umalis. Wala na rin akong karapatan na kuhain si Lucas sa kaniya dahil tulad ng sinabi ni Iris, approved na ang annulment paper namin. Basically, I don't have any rights to interfer
"Are you feeling well now?" pagkumusta sa akin ni Mommy nang maabutan ko sila sa dining room at nag-uusap. Tipid ako na ngumiti. "Pasensiya na po at naabala ko pa kayo kagabi," paghingi ko ng paumanhin. "What happened?" tanong ni Daddy at ibinaba na ang diyaryo na hawak niya. Pinalobo ko ang mga pisngi ko at nangungusap ang mga mata na tiningnan ko si Mommy. Hindi ko rin alam kung paano magpapaliwanag at alam ko rin na wala akong maayos na sasabihin. Nagkibit-balikat si Mommy dahilan upang bumagsak ang mga balikat ko. "Nag-away kayo ng asawa mo?" "Divorce na po kami ni Lucas. Approve na rin po," walang magawa na sagot ko sa tanong ni Daddy. "What?" salubong ang mga kilay na tanong ni Daddy. "What are you thinking, Aurora?" tanong niya at mukhang hindi natutuwa sa nalaman niya. "Kailan ito nangyari at bakit hindi namin alam? Hindi niyo pinaalam sa amin ng Mommy mo." Napalunok na lang ako at tumungo. "Maayos naman ang pagsasama niyo, Aurora. Bakit naman humantong sa ganito?" m
"Aurora, is that you?" Nilingon ko ang pamilyar na boses na iyon at tumaas ang kilay ko nang makita ang pagmumukha ni Haze. Matalim ang tingin ko nang hampasin niya ako sa likod nang kumislap ang mga mata niya matapos akong makita. "Long time no see! Na-miss kita!" natutuwang aniya at umupo sa kaharap ko na upuan. Tiningnan ko lang siya bago ako sumimsim ng kape. "Hindi mo ba talaga tatanggalin 'yang shades mo and cap? Para saan 'yan? Mukha kang tanga," aniya. "Ikaw nga mula ulo hanggang paa kulay red pinuna ba kita?" pambabara ko sa kaniya. Ngumuso siya at saka hinawakan ang buhok niya. "Balak ko na nga magpakulay ulit ng black. Parang hindi bagay sa tuwing pupunta ako ng meeting." "Mabuti napansin mo," panggagatong ko. Mas lalo tuloy humaba ang nguso niya. "Ang init ng ulo mo. Hindi mo na nga nire-reply-an mga message ko tapos noong tinatawagan kita sinasagot mo pero walang nagsasalita-" "Ano?" tanong ko nang tuluyan niya makuha ang atensiyon ko. Matagal ng wala sa akin
Nalipat ang atensiyon ko sa aking cell phone nang mag-vibrate iyon. Napaiwas ako ng tingin kay Lucas na siyang nagpunas ng luha na tumulo mula sa kaniyang mga mata. "Haze," sagot ko tawag niya. "Are you okay? Where are you? Lintik na body guard ni Martin 'yon," galit na aniya. "Puwede bang sunduin mo ako rito—" "Stay away from him, Aurora," utos ni Lucas matapos kuhanin ang cell phone ko at patayin ang tawag ni Haze. Sa halip na sagutin siya ay inabot ko ang cell phone ko na hawak niya ngunit inilayo niya iyon muli sa akin. Tinaliman ko siya ng tingin. Wala sa mukha niya na ibabalik pa niya iyon sa akin. "Ibalik mo sa akin 'yan," mahinahon na pakiusap ko. "Para ano? Para makipagkita ka ulit sa kaniya?" tanong niya. "No, dito ka lang. Hindi ka aalis dito sa condo ko." "Ano naman ang problema mo kung makipagkita ako sa kaniya? Kahit makipag-sex ako sa kaniya ay wala kang pakialam— nasasaktan ako, Lucas," sambit ko nang mariin niya akong sinakal. "What did you say?" nangaggalai
Padarag ko na kinuha sa kaniya ang cell phone ko at saka siya tinalikuran upang makaalis na ngunit mas mabilis siya na hinila ako upang hindi tuluyan na makalabas ng pinto. "Bitawan mo nga ako!" inis na pagpiglas ko nang sa isang iglap ay buhat-buhat na niya ako habang patungo sa silid niya. "No, dito ka lang, Aurora. Don't be too stubborn!" "Ikaw ang makulit! Sinabi ko na nga na uuwi na ako 'di ba? Tanga ka ba at hindi makaintindi?" Napadaing na lang ako sa sakit ng balakang ko nang padarag niya akong ibaba sa kama niya. Wala ng mas tatalim pa sa tingin ko sa kaniya na ngayon ay salubong din ang mga kilay habang nakatingin sa akin. "Ito ba ang mga natututunan mo tuwing kasama mo siya—" "No, ang tanong ko ang sagutin mo, Lucas. Hindi ka pa rin ba tapos? Hindi ka pa ba tapos na saktan ako? Putangina naman," natatawang ani ko. "Hindi ko na alam kung ano na naman ang nasa putanginang utak mo at plano mo sa akin dahil ganiyan ka na naman kung umasta—" Hindi ko na nagawa pa na itulo