Share

PART 40 - NAKA-LEXUS NA TAXI DRIVER

Natawa ako sa kanya, “bakit naman nganga? Hahaha! Hindi ako nganganga, not ever! Pakialam ko ba sa kanilang dalawa.” umikot ang mata ko. "Lagi mo akong tinutukso do'n, baka mamaya may gusto ka pala," ibinalik ko sa kanya ang panunudyo. Hindi alam ni Miss Nori ang tungkol sa drawing at sa pahaging ni Sir Seiji noong nakaraang linggo, iyon kasi ang napagkasunduan naming dalawa nang bastedin ko sya.

“Ikakasal na ‘ko, no! Baliw ka! Ikaw ang single pa… and ready to mingle!” hinaharot ako ni Miss Nori, tinanggal nya ang salamin ko at sinubukang suotin. Napakusot ako sa mata ko nang biglang lumabo ang paningin ko. Sinigurado ko ang paghakbang ko pababa ng sementadong hagdan ng chapel.

“Oy, dalawa na agad ang kasalanan mo, huh!”

“Ay potang kalabaw!” gitlang-gitlang anas ko nang may malapit na malapit na nagsalita sa likod namin.

Natalisod naman bigla si Miss Nori sa gulat nya, muntik nya na akong maisama sa pagkakaluhod nya.

“Oh, tatlo na! Hahaha!” nawala ang mata nya nang humalakhak sya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status