[Kristian Knives Yuchengco Tuazon POV] PUMIPITIK ang magkabilaan kong sintido. This, by far, is the worst hangover of my entire life. Hindi ko alam kung gaano karami ang nainom ko kagabi. Hinila ko lang ang sarili ko paupo sa kama nang ma-realize kong wala na sa tabi ko ang magandang babaeng kayakap ko kagabi bago ako nakatulog. Nakita ko sa ibabaw ng round table ang note na sinulat nya: ‘Hey K, I need to go. Sorry, hindi na kita ginising. Thanks a lot! xoxo K PS: I got you something for the hangover.’ She left me this one short note and an ibuprofen. Wow! Good guess, K. It was one hell of a night. I remember her. I remember her smell and what she tastes like. I remember her long brown hair and her soft tan skin. I remember how she looked when I first slid my cöck into her. I can still hear her soft moans inside my head. Naaalala ko kung paano ko sya paulit-ulit na inangkin kagabi. We first did it inside my car. Then in the bathroom, on the bed, and at the ro
[KATALEIA BRIONES POV] “WELL, I guess hindi na darating si Knives, isa’t kalahating oras na tayong naghihintay dito eh.” Napalingon ako kay Tito Miguel, sa wakas nainip na rin sya sa kahihintay nya sa anak nya. Nakahinga ako nang maluwag. Kanina pa ako fina-flood ni Orlie ng text, baka inuugat na lalo ‘yung baklang ‘yon sa kahihintay sa akin. At isa pa, kanina pa ako nagugutom. Nagugutom na rin siguro si Kuya Mike, ang asawa ni Ate Olivia na nakaupo sa harap ko. Pero parang ako yata ang gusto nyang kainin, kasi kanina ko pa napapansin ang mga pang-manyakis na mga sulyap nya sa akin. Welcome dinner sana ito para do’n sa Knives na kararating lang galing States, kaso, hindi nya sinipot. Plano sana ni Tito Miguel na magkakila-kilala kaming mga anak nila at pag-usapan ang nalalapit nilang kasal ni Mama. “Love, the night’s still young, baka mahintay pa natin sya nang konti pa?” Napaismid ako sa hirit ni Mama pero hindi ako nagpahalata. Napa-cross fingers na lang ako sa ilalim ng l
“Sorry talaga beks, natagalan ako,” naupo ako agad at umorder ng beer. Nauhaw ako sa kamamadaling makarating dito sa disco bar. “Enjoy naman ako kahit lagi kang late,” patutsada ni Orlie sa akin, pero ngiting-ngiti pa rin. Paano’y nakahanap na sya ng boylet kasi may kasama na sya agad sa lamesa. Kahit papa’no good mood si bakla.“Hinintay pa kasi namin ‘yung anak ni Tito Miguel, hindi rin naman pala dadating.”“Baka natakot sa ‘yo sa suot mo.”Napanguso ako kay bakla. “Ano namang nakakatakot kung naka-white long dress ako?”“Gabi na kasi, bakla! Mukha kang white lady! Ang haba-haba pa ng buhok mo para kang lumulutang sa ere,” napakasarap ng tawa nya. “De pota ka!” pakli ko naman sa komento nya. Nakukumpleto talaga ang araw ni Orlie kapag inaalipusta nya ako. “Si Winston nga pala, beks,” pinakilala nya na sa akin ang boylet nya. “Winston, si Chimini.”“Chimini? Anong Chimini?” natawa ako kay bakla. Hindi nya sasabihin sa boylet nya ang pangalan ko. Feeling naman ni bakla aagawin ko
“Are you okay, beks?” tanong sa akin ni Orlie nang makabalik kami sa lamesa namin. Concerned na concerned sa pagkatulala ko ang bestie ko. “Never been better!” sabi ko naman sa kanya sabay lagok ko sa iniinom kong beer. Ibinalik ko ang ngiti ko sa mukha ko. Imbyerna ako, oo. Kami pa pero may dinadale nang iba. Syempre, nasaktan ang ego ko. Pero ‘yong pakiramdam na nasaktan ang puso at iiyak, parang hindi naman. Hindi pa kami ganoon kalalim ni Marc. Nanghihinayang lang ako kasi si Marc na ang pinakamatagal kong boyfriend. Kahit medyo juts sya ay gwapo naman si Marc at may stable rin na trabaho. Ipi-period ko na nga sana sa kanya. Magpapakatino na ako, kumbaga. Buti na lang din nalaman ko na nang maaga. Dito kami sa disco bar na ito nagkakilala ni Marc, dito rin nagtapos ang relasyon naming dalawa. “Uy si Pogi, bumababa na!” turo ni Orlie sa lalakeng naka-eye to eye ko kanina habang gumigiling ako sa dance floor. “Uuwi na ‘ata, maaga pa ah! May nyosawa (asawa) na siguro,” sabi n
Binuksan nya ang passenger’s seat ng SUV nya tapos humakbang ako sa loob. Tinitingnan ko sya habang nilalakad-patakbo nya ang pinto ng driver’s seat. Para akong natutuyuan ng lalamunan sa pagtitig ko palang sa pogi nyang mukha. Dalang-dala nya ako talaga. Pakiramdam ko first time kong makipaghalikan kanina. “My hotel suite is just 10, 15 minutes away from here, I guess? Ah, you wanna get something to eat first?” Pinakiramdaman ko ang sarili ko, parang may gumagalaw sa tiyan ko pero hindi hangin. Hindi naman ako nagugutom. ‘Yun na yata ‘yung sinasabing mga paru-paro. Umaalsa ang dibdib ko sa lakas ng kalabog nito. “I don’t think I can wait till we get to your hotel,” nasabi ko na lang bigla sabay hinatak ko ang kuwelyo nya palapit sa akin. Tumukod ang isa nyang kamay sa bintana ng passenger’s seat sa likuran ko at nasa leeg ko naman ang isa. Para akong bitin na bitin sa banayad nyang halik kanina. Pero ngayon, hindi banayad ang ibinibigay nya. Mapusok. Uhaw na uhaw. Nakakapag-init
“K.” “K?” tumagilid naman sya sa tabi ko habang inaabot ang nabasa ko na namang keps. “A-as in... letter… K,” nagkakaputol-putol ang boses ko. “Oohh... Ohhhhhh..." “Dang, you’re so beautiful.” Napapaliyad na naman ako sa sarap ng pagkalabit nya sa t*nggel ko. Bwisit! Mukhang malapit na naman akong labasan. Napapikit ako nang mariin habang kagat-kagat ko ang labi ko. “That should be the first letter of your name, funny. Letter K din ang sa ‘kin,” bulong nya habang binabaybay ng maiinit nyang halik ang papunta sa pagitan ng mga hita ko. +++++ Napabalikwas ako sa higaan nang mag-ring ang cellphone ko, tirik na pala ang araw sa labas. Tinanghali ako ng gising. “‘Ma!” “Nasa’n ka na? Andito na kami nina Ate Olivia at Kuya Knives mo sa bridal shop. Kagigising mo lang ba? Nakatulog na lang ako sa kahihintay ng tawag mo, ano’ng oras ka ba umuwi?!” wala ni hi or hello, galit na agad si Mama. “Huh?!” Napatalon ako bigla sa kama, nawala bigla ang bigat ng ulo ko. May fitti
[KNIVES' POV] “Why can’t you just move on, Knives? Act just like a civilized person, ano pa ba’ng pinaglalaban mo?” I clutched my hair. I was talking about something else, but inentrahan naman nya ako ng iba. Napakawala rin kwentang kausap ng aking asawa. “I’m still having jet lag, Divine, kaya hindi ako nakapunta. Let’s not talk about this, okay?” “What do you wanna talk about, huh? You want us to talk about how much we adore each other? Hahaha!” she laughs sarcastically. “I wanna hear how you're gonna kill me,” ibinalik ko sa kanya ang pagka-sarcastic nya. “All is good, Knives. Wala namang nabago. You just left the other day; nagtatanong ka na agad ng update? Call your sec—” I saw Dad coming, kaya pinatayan ko na si Divine ng cellphone. Puro ka-badtrip-an rin lang naman ang sinasabi nya. “Son,” he greets his loving son as he sits beside me in the long table. “Ano’ng nangyari bakit hindi ka nakarating kagabi?” he says, sounding civil. Snappy pa rin si Dad, hindi s
[KATALEIA’S POV] “Kumusta naman ang rampa?” bati sa akin ni Orlie na ngiting-ngiti pagpasok ko palang ng pinto. Pagod na pagod talaga ako ngayon, pagkatapos ko sa bridal shop dumiretso pa ako sa school para sa remedial ng ilang estudyante kong mabagal pang magbasa. Inuwi ko na lang ang mga che-checkan kong folders para mabawasan ang mga gagawin ko sa Lunes. “Dyusko! Painumin mo muna ako ng tubig!” Inilugay ko ang hanggang bewang kong buhok at sumalampak ako ng upo sa tabi nya. Medyo hinihingal pa ako sa layo ng nilakad ko ng dahil sa pesteng trapik pati sa bigat ng bag na dala ko. Pinunasan ko ang salamin ko sa mata na nabasa ng pawis. Nagulat ako nang may nag-aabot sa akin ng baso, kasi hindi naman kumilos si Orlie sa tabi ko. Sinuot ko ulit ang aking salamin. Pagtingala ko, si Winston pala, ‘yong jowa nya kagabi. “Kat, tubig? Nagluto na rin ako ng sinigang. Kain na kayo,” napaka-sincere ng ngiti nya. Sinuri ko ang suot nyang damit, nakapambahay lang sya. “Nagluto ka?
Tumahimik ang paligid ng ilang segundo na tila napakatagal para sa akin, hanggang sa sinagot na rin nya ang tanong ni Kataleia. “Uhm, oo, nauntog. Nauntog ako. Hindi ko kasi nakita… Madilim dito,” napakahinang bulong ni Veronica na halos hindi bumuka ang mga namamaga nang labi. Para akong nabunutan nang malaking tinik sa lalamunan. “See? Nauntog. Nagulat na nga lang ako pag-akyat ko dito umiiyak na sya eh. Hay naku! Ipapalipat ko na nga 'yang pasong ‘yan, laging na lang may nadidisgrasya rito,” natatawa na naiiling ako. Daig ko pang nakapasa sa bar exams nang maibsan ang kaba ko. “Magpahinga ka na Veronica. Ipapasunod ko na lang sa kwarto mo ang first aid kit... ‘Lika na, love.” yakag ko sa kanya. “Gutom na ‘ko, baka hindi pa sila kumakain kakahintay sa ‘tin,” Hinawakan ko syang muli sa braso pero tinapik nya nang malakas ang aking braso. “Hindi pwede! Anong first aid kit?! Kelangan ‘tong matahi,” although may pagpa-panic, marahan nyang sinapo ng panyo ang tumulong dugo sa pisngi ni
“Hindi ba sinabi kong h’wag mong aalisin ang tingin mo sa kanya?!” gumaralgal ang boses ko sa lakas ng aking hiyaw. “Napakawala mong silbi!” “Pa-pasensya na, Boss. A-aalis na po ako nga-ngayon— hahanapin ko si Madame,” nagkakandautal sya sa takot sa nag-aapoy kong titig. Tumalikod sya sa akin at akmang lalayasan ako kaya hinablot ko ang maiksi nyang blonde na buhok, hinatak ko ‘yun at naglakad patungo sa bahay. Hanggang sa napahiga sya sa semento ay hindi ko binitawan ang buhok nya at nagpatuloy sa bilis ng paglalakad. Dumidilim ang utak ko sa nagpupuyos kong galit. Hindi ko na naririnig ang mga matitinis nyang tili sa sakit na dulot ng pagkakakaladkad ko sa kanya paakyat sa hagdan patungo sa ikatlong palapag. “Saan sya nagpunta??!” nanggagalaiting hiyaw ko pagbalibag ko sa maliit nyang katawan sa gilid ng sofa, nauntog pa sya sa matulis na gilid ng kwadradong paso ng halaman kaya dumugo ang malapit sa kanyang kilay . “Nasampal na kita kanina bago kayo umalis, ‘di ba? Hindi ka p
Ilegal ang mga laban sa aking flight club. Mga puganteng kriminal ang aking mga manlalaro—mga itinakwil ng batas at itinulak sa aking teritoryo. Walang anunsyo sa TV o radyo, walang media, walang permit. Isa lang ang batas dito: lumaban hanggang sa huling hininga. Ang gantimpala? Kalayaan para sa nag-iisang mabubuhay na higit pang mahalaga kesa sa pera. At tanging mga high-definition na kamerang nakakonekta sa bahay ni Yasou at ng ilan pang kasapi ng pamilya ang tahimik na nagmamasid sa bawat laban. Sa aming pamilya, death boxing is a sport— a tradition. A challenge of courage. The definition of honor. Isang tournament kung saan ang bawat igkas ay hindi lang pagsubok ng lakas, kundi pati na rin ng tapang at paninindigan. Dito, ang bawat manlalarong nasa loob ng ring ay hindi lumalaban para lang manalo, kundi para patunayan ang kanilang sarili at para sa kanilang kasarinlan. Sa ring na ito, hindi sapat ang bilis ng kamao o tigas ng katawan. Kailangan ng tibay ng loob, dahil ang bawa
[Seiji’s POV] “Aniki! Faito Kurabu o katte ni shimeru nante arienai! Koko de sore ga wakattara, watashitachi no pātonā ga dore dake okoru ka wakatteru no ka!? (Older brother! You can’t just close the fight club like that! Do you know how frustrated our family will get?!) “Kore wa watashi no bijinesu da. Shimeru ka dou ka wa watashi no jiyuu da. (This is my business. Whether I close it or not is my choice.)” mahinanong tugon ko sa kausap ko sa malaking monitor. Bumuntung-hininga ako at hinila ang aking buong bigat sa nakalaglag na lubid. I can feel my muscles flexing with each pull. “No, we cannot do that. The cards have already been laid out, and it is not possible to return their money so easily. That is not how things are done!” Gumusot pang lalo kulubot nyang mukha sa galit nya nang ibalita ko sa kanya na isasarado ko na ang club na matagal kong pinagyaman. Kanina pa nya ako sinisermunan. Paulit-ulit na ang pagpapaliwanag ko, mapa-English, Tagalog, o Nihongo, wala syang mai
Nang makahuma ako sa pagkagitla ay lumabas ako ng kotse. Lumakad pa ako ng may ilang metro para habulin ng tingin ang kumakaripas na motor. Napakabilis nyang nakalayo, gatuldok na lang sya sa aking paningin na nagpapasingit-singit sa trapik. Syet! Sya ba ‘yun??! Napakapit ako banda sa aking dibdib para pigilan ang pagwawala ng puso ko. Natutulala sa kawalang nakatayo lang ako sa gitna ng kalsada sa ilalim ng malakas na ulan. Maya-maya narinig kong sumigaw ang pasahero ko pagbaba nya ng bintana. “Hoy praning! Hindi mo ba nararamdamang umuulan?!” “Ang tanga mo naman! Ginitgit ka na nga, hinabol mo pa. Isusumbong talaga kita kay Boss. Kung nagasgasan lang 'tong kotse pati ako yari kay Boss! Hindi ka nag-iisip...” naiinis na turan nya pagbalik ko sa kotse na tila basang sisiw sa pagkakaligo ko sa ulan. Halos bumula ang kanyang bibig sa kung anu-anong pinagsasabi nyang hindi ko na inintindi. Tahimik at nangangaligkig sa lamig na ipinagpatuloy ko ang pagtahak ko sa daan habang na
“Kung dudang-duda ka, edi tawagan mo. Tawagan mo si Boss, tanungin mo. Ngayon na, hangga’t nandito pa tayo kasi baka nga naman mali ako.” Nagngingitngit ang loob kong dinampot ko ang aking cellphone. Tatanungin ko talaga si Seiji. Sasabihin ko na ring ihahatid ko na ang bruhang ito kung saan pa ito pwedeng tumira bukod sa bahay namin kesa maibusal ko sa matabil nyang bibig ang cellphone at kamao ko. “Ni isang beses hindi pa ako nagkamali sa utos sa ‘kin. Sinu-sure ko lahat ‘yun. Bawal akong magkamali. Kung nagkamali na ako noon edi sana matagal na sana akong patay! Bente-dos lang ako, wala akong pinag-aralan pero hindi naman ako gano’n katanga.” “May galit ka ba sa ‘kin?!” hindi ko na talaga natiis at kinompronta ko na sya. “Kung makapagsalita ka parang kilalang-kilala mo na ‘ko eh. Wala akong ginawang masama sa ‘yo para sagut-sagutin mo ‘ko ng ganyan!” “Wala ka ngang ginagawang masama, pero lalo lang bumigat ang buhay ko mula noong dumating ka!” malakas na singhal nya sabay du
“Ikaw ha, inano mo?” kagyat kong hinampas si Seiji sa braso bago sumakay sa bagong bili nyang kulay pulang sedan. Natatawang ikinibit nya ang kanyang balikat sa pagmamaang-maangan nya. “Wala akong ginawa, ano?” Bumunghalit sya ng tawa sa pagpapalatak ko na nagpapailing-iling. “Abnormal ka ba? Tawa ka nang tawa?!” dagli akong nainis sa OA nyang tawa. Nagi-guilty na nga ako sa pag-atungal ni Veronica, tinatawanan pa ako. “Hindi ako abnormal, love. Ang abnormal eh ‘yung paalis na lang, nagagalit pa… Hay nako! Teka nga pala,” dumukot sya sa kanyang bulsa ng kanyang shorts at iniabot sa akin ang kumpol ng pera na naka-rubber band. “Tapos bumili ka na rin ng gamit mo, love. Kumain na rin muna kayo ng gusto n'yo bago kayo umuwi.” “Oh, may pang-grocery na ako, ‘di ba? Baka wala ka nang pera d’yan?” “Meron akong tinabi dito panggasolina ko. Kung may matitira ka pa, ilagay mo sa ipon mo para sa baby natin... Lumakad na kayo, love. Maaabutan n’yo na ang trapik sa daan kapag hindi pa kayo u
“Sumama ka na. Wala ring magda-drive sa ‘yo papunta sa bangko dahil isasama ko si Ibiza, may pupuntahan kami,” ani Seiji. “Kaya ko namang pumunta ng bangko nang mag-isa eh, mamamasahe na lang ako. Bakit kaylangang sumama pa d’yan?! Marunong ba talagang mag-drive ‘yan?” naiinis na turan nya. Paalog-alog ang suso nyang walang panapo sa papadyak-padyak nya. Tumutulis ang nguso ko habang tinitingnan ko sya sa pagmamarakulyo nya, ‘kung matadyakan ko lang ‘tong maliit na babae na ‘to talaga…’ gigil na nasabi ko na lang sa aking sarili. “Hindi ka pwedeng mamasahe, Veronica. Please, gumayak ka na lang. Pagkatapos naming kumain magbibihis na si Kataleia… Pasensya ka na, love, nagkaro’n ng emergency sa bar eh,” nagi-guilting hinawakan nya ang aking pisngi. “Magkita na lang tayo rito mamaya para makapunta tayo sa mansyon. Nag-promise ako kay Mama na du’n tayo magdi-dinner at matutulog,” “Okay lang, love. Kaso parang ayaw nya kasi,” tinapunan ko ng tingin ang pabulung-bulong na mestizang pins
Lumabas ako sa kwarto at binuksan ang katapat naming kwarto at binuksan ang ilaw nito na nasa gilid ng pinto. Ito ang drawing room ni Seiji. Puno ang bawat dingding ng kanyang mga obra. Gustung-gusto kong tumatambay rito kasi ang tahimik tsaka natutuwa ako sa pagtingin-tingin sa mga larawang iginuhit nya halos puro pagmumukha ko—iba’t ibang anggulo at facial expressions. Napaka-passionate nya sa pagpipinta. Kung gagawa nga lang si Seiji ng art gallery mapupuno nya iyon ng mga display kaso naisip ko baka walang pumunta kasi puro ako rin lang naman ang maidi-display nya. Napasimangot ako nang makita ang canvas na huli nyang iginuhit na nakalagay na naman sa painting stand. “Sabi ko itago eh, nakakahiya! Pa’no kung may makakita. Dyusko!” nagigiba ang aking mukha habang ibinabalik ko ang larawan ng aking hubad na katawan sa likuran ng aparador kung saan ito nakalagay. “Did Veronica bother you again? Ay! I told you I’ll dust it off myself,” ani Mamancona pagsilip nya at nadatnan nya ako