[KATALEIA BRIONES POV]
“WELL, I guess hindi na darating si Knives, isa’t kalahating oras na tayong naghihintay dito eh.” Napalingon ako kay Tito Miguel, sa wakas nainip na rin sya sa kahihintay nya sa anak nya. Nakahinga ako nang maluwag. Kanina pa ako fina-flood ni Orlie ng text, baka inuugat na lalo ‘yung baklang ‘yon sa kahihintay sa akin. At isa pa, kanina pa ako nagugutom. Nagugutom na rin siguro si Kuya Mike, ang asawa ni Ate Olivia na nakaupo sa harap ko. Pero parang ako yata ang gusto nyang kainin, kasi kanina ko pa napapansin ang mga pang-manyakis na mga sulyap nya sa akin. Welcome dinner sana ito para do’n sa Knives na kararating lang galing States, kaso, hindi nya sinipot. Plano sana ni Tito Miguel na magkakila-kilala kaming mga anak nila at pag-usapan ang nalalapit nilang kasal ni Mama. “Love, the night’s still young, baka mahintay pa natin sya nang konti pa?” Napaismid ako sa hirit ni Mama pero hindi ako nagpahalata. Napa-cross fingers na lang ako sa ilalim ng lamesa. “No, love, we’ve waited long enough. Magkikita pa rin naman sila ni Kataleia sa fitting bukas kasi partner sila sa entourage. Isa pa, mukhang may pupuntahan pa yatang iba si Kataleia?” nginitian ako ni Tito Miguel. Napansin siguro nya na kanina ko pa sinusulyapan ang cellphone ko sa bag. “Ahh, may dadaluhan pa po kasi akong novena eh. Pero okay lang po kung hihintayin pa natin,” ngumiti rin ako, pero ang totoo nangangati na ako sa kinauupuan ko. Alam kong patatawarin naman ako ni Mama Mary kahit lagi ko Syang dinadahilan kay Mama, maawain naman Sya. Mas maaawa pa Sya sa akin kapag hindi ako nakatikim ng alak ngayong Friday ng gabing ito. “Novena? Anong oras?!” takang-taka sa akin si Mama. Napatingin pa sya sa relo nya. “10 p.m. po. Male-late rin daw po kasi si Father e, may pinuntahan pang lamay,” mabilis pa ako sa alas-kwartrong nakapag-isip ng idadahilan ko ulit. “Religious kasi ‘tong si Kat. Sa Catholic School din sya nagtuturo,” bida ni Mama sa mga kaharap namin sa lamesa. Oo, grade school teacher nga ako sa Catholic School at magaling din akong lumuhod. Inaakyat ko ang mga lalakeng niluluhuran ko sa langit. “That’s good, Kat!” ani Ate Olivia, ang panganay na anak ni Tito Miguel. “At least meron nang religious sa family. We’re also Catholic but we seldom go to church. Ipagdasal mo na lang kami Kat, okay? Baka maisalba mo pa ‘tong asawa ko.” Napansin kong tuwing magsasalita sya ay lagi nyang pinatututsadahan ang kanyang asawa. May something fishy siguro sa kanilang dalawa. +++++ Para akong nabunutan ng tinik nang matapos ang halos isang oras ng parang walang hanggang kwentuhan tungkol sa preparation sa kasal nina Mama at Tito Miguel. Hinatid ko na sila sa malawak na parking lot ng fine dining restaurant. “Bye Kat! Bye Tita Marisa!” bineso kami ni Mama ni Ate Olivia. “It’s nice to have dinner with you, Kat! Ang sarap mong kakwentuhan! We should do this again, okay? See you tomorrow!” tuwang-tuwa talaga sa akin si Ate Olivia. Feeling nya little sister nya ako talaga, kinurot nya pa ako sa pisngi ko bago sya sumakay ng SUV nila. “See you tomorrow, Ate Olivia!” nag-wave ako sa kanya tapos pinaharurot na ng mokong nyang asawa ‘yung sasakyan. Nakita kong umiling si Tito Miguel sa pagkakaskasero ng kanyang manugang. “Sure kang ayaw mong magpasama sa driver, Kataleia? It’s late. Gusto ko safe kang makakauwi,” sabi ni Tito Miguel sa akin. Heto na naman po tayo sa pagka-overprotective sa akin ng future father ko. “Okay lang po ako, Tito Miguel. Nasa malapit lang po ang mga ka-choir ko, magkikita po kami para sabay-sabay na kaming pupunta sa simbahan,” ambilis ko talagang makaisip ng ‘white lies’. “Ikaw ang bahala, basta mag-iingat ka,” bineso nya rin ako tapos sumakay na sya sa SUV. “Ikaw ha, hindi ka natatakot bumiyahe kahit gabi na. Umuwi ka agad after the novena, okay?” “‘Ma, 26 na ‘ko, I can manage. Tatawag po ako sa ‘yo kapag nakauwi na ‘ko,” in-assure ko naman sya. Bagay nga si Mama at si Tito Miguel, pareho silang praning. “Kaya nga gusto ko sanang lumipat ka na sa mansion eh, para nakikita kita palagi. Tsaka hindi ako kumporme sa kasama mong bakla sa bahay, mabait nga sya pero kahit anong mangyari lalake pa rin ‘yon Kataleia,” nire-remind na naman ako ni Mama tungkol kay Orlie, eh dyusko naman, mas babae pa ngang kumilos sa akin ‘yon. “Sure na 'yon 'Ma, bago mag-enrolment ng mga estudyante lalabas na ang transfer ko. Mapapalayo kasi ako ng byahe kapag sa inyo na ‘ko agad titira,” inulit ko lang ‘yung sinabi kong dahilan sa kanya last week. Hindi naman sa ayokong tumira kasama sila, ine-enjoy ko lang ang independence ko nang konti pa. Hinatid ko muna ng tingin ang SUV nina Tito Miguel, nang mawala na ang sasakyan sa paningin ko tinawagan ko na agad si Orlie na paniguradong namumuti na ang mga mata sa kahihintay sa akin sa disco bar.“Sorry talaga beks, natagalan ako,” naupo ako agad at umorder ng beer. Nauhaw ako sa kamamadaling makarating dito sa disco bar. “Enjoy naman ako kahit lagi kang late,” patutsada ni Orlie sa akin, pero ngiting-ngiti pa rin. Paano’y nakahanap na sya ng boylet kasi may kasama na sya agad sa lamesa. Kahit papa’no good mood si bakla.“Hinintay pa kasi namin ‘yung anak ni Tito Miguel, hindi rin naman pala dadating.”“Baka natakot sa ‘yo sa suot mo.”Napanguso ako kay bakla. “Ano namang nakakatakot kung naka-white long dress ako?”“Gabi na kasi, bakla! Mukha kang white lady! Ang haba-haba pa ng buhok mo para kang lumulutang sa ere,” napakasarap ng tawa nya. “De pota ka!” pakli ko naman sa komento nya. Nakukumpleto talaga ang araw ni Orlie kapag inaalipusta nya ako. “Si Winston nga pala, beks,” pinakilala nya na sa akin ang boylet nya. “Winston, si Chimini.”“Chimini? Anong Chimini?” natawa ako kay bakla. Hindi nya sasabihin sa boylet nya ang pangalan ko. Feeling naman ni bakla aagawin ko
“Are you okay, beks?” tanong sa akin ni Orlie nang makabalik kami sa lamesa namin. Concerned na concerned sa pagkatulala ko ang bestie ko. “Never been better!” sabi ko naman sa kanya sabay lagok ko sa iniinom kong beer. Ibinalik ko ang ngiti ko sa mukha ko. Imbyerna ako, oo. Kami pa pero may dinadale nang iba. Syempre, nasaktan ang ego ko. Pero ‘yong pakiramdam na nasaktan ang puso at iiyak, parang hindi naman. Hindi pa kami ganoon kalalim ni Marc. Nanghihinayang lang ako kasi si Marc na ang pinakamatagal kong boyfriend. Kahit medyo juts sya ay gwapo naman si Marc at may stable rin na trabaho. Ipi-period ko na nga sana sa kanya. Magpapakatino na ako, kumbaga. Buti na lang din nalaman ko na nang maaga. Dito kami sa disco bar na ito nagkakilala ni Marc, dito rin nagtapos ang relasyon naming dalawa. “Uy si Pogi, bumababa na!” turo ni Orlie sa lalakeng naka-eye to eye ko kanina habang gumigiling ako sa dance floor. “Uuwi na ‘ata, maaga pa ah! May nyosawa (asawa) na siguro,” sabi n
Binuksan nya ang passenger’s seat ng SUV nya tapos humakbang ako sa loob. Tinitingnan ko sya habang nilalakad-patakbo nya ang pinto ng driver’s seat. Para akong natutuyuan ng lalamunan sa pagtitig ko palang sa pogi nyang mukha. Dalang-dala nya ako talaga. Pakiramdam ko first time kong makipaghalikan kanina. “My hotel suite is just 10, 15 minutes away from here, I guess? Ah, you wanna get something to eat first?” Pinakiramdaman ko ang sarili ko, parang may gumagalaw sa tiyan ko pero hindi hangin. Hindi naman ako nagugutom. ‘Yun na yata ‘yung sinasabing mga paru-paro. Umaalsa ang dibdib ko sa lakas ng kalabog nito. “I don’t think I can wait till we get to your hotel,” nasabi ko na lang bigla sabay hinatak ko ang kuwelyo nya palapit sa akin. Tumukod ang isa nyang kamay sa bintana ng passenger’s seat sa likuran ko at nasa leeg ko naman ang isa. Para akong bitin na bitin sa banayad nyang halik kanina. Pero ngayon, hindi banayad ang ibinibigay nya. Mapusok. Uhaw na uhaw. Nakakapag-init
“K.” “K?” tumagilid naman sya sa tabi ko habang inaabot ang nabasa ko na namang keps. “A-as in... letter… K,” nagkakaputol-putol ang boses ko. “Oohh... Ohhhhhh..." “Dang, you’re so beautiful.” Napapaliyad na naman ako sa sarap ng pagkalabit nya sa t*nggel ko. Bwisit! Mukhang malapit na naman akong labasan. Napapikit ako nang mariin habang kagat-kagat ko ang labi ko. “That should be the first letter of your name, funny. Letter K din ang sa ‘kin,” bulong nya habang binabaybay ng maiinit nyang halik ang papunta sa pagitan ng mga hita ko. +++++ Napabalikwas ako sa higaan nang mag-ring ang cellphone ko, tirik na pala ang araw sa labas. Tinanghali ako ng gising. “‘Ma!” “Nasa’n ka na? Andito na kami nina Ate Olivia at Kuya Knives mo sa bridal shop. Kagigising mo lang ba? Nakatulog na lang ako sa kahihintay ng tawag mo, ano’ng oras ka ba umuwi?!” wala ni hi or hello, galit na agad si Mama. “Huh?!” Napatalon ako bigla sa kama, nawala bigla ang bigat ng ulo ko. May fitti
[KNIVES' POV] “Why can’t you just move on, Knives? Act just like a civilized person, ano pa ba’ng pinaglalaban mo?” I clutched my hair. I was talking about something else, but inentrahan naman nya ako ng iba. Napakawala rin kwentang kausap ng aking asawa. “I’m still having jet lag, Divine, kaya hindi ako nakapunta. Let’s not talk about this, okay?” “What do you wanna talk about, huh? You want us to talk about how much we adore each other? Hahaha!” she laughs sarcastically. “I wanna hear how you're gonna kill me,” ibinalik ko sa kanya ang pagka-sarcastic nya. “All is good, Knives. Wala namang nabago. You just left the other day; nagtatanong ka na agad ng update? Call your sec—” I saw Dad coming, kaya pinatayan ko na si Divine ng cellphone. Puro ka-badtrip-an rin lang naman ang sinasabi nya. “Son,” he greets his loving son as he sits beside me in the long table. “Ano’ng nangyari bakit hindi ka nakarating kagabi?” he says, sounding civil. Snappy pa rin si Dad, hindi s
[KATALEIA’S POV] “Kumusta naman ang rampa?” bati sa akin ni Orlie na ngiting-ngiti pagpasok ko palang ng pinto. Pagod na pagod talaga ako ngayon, pagkatapos ko sa bridal shop dumiretso pa ako sa school para sa remedial ng ilang estudyante kong mabagal pang magbasa. Inuwi ko na lang ang mga che-checkan kong folders para mabawasan ang mga gagawin ko sa Lunes. “Dyusko! Painumin mo muna ako ng tubig!” Inilugay ko ang hanggang bewang kong buhok at sumalampak ako ng upo sa tabi nya. Medyo hinihingal pa ako sa layo ng nilakad ko ng dahil sa pesteng trapik pati sa bigat ng bag na dala ko. Pinunasan ko ang salamin ko sa mata na nabasa ng pawis. Nagulat ako nang may nag-aabot sa akin ng baso, kasi hindi naman kumilos si Orlie sa tabi ko. Sinuot ko ulit ang aking salamin. Pagtingala ko, si Winston pala, ‘yong jowa nya kagabi. “Kat, tubig? Nagluto na rin ako ng sinigang. Kain na kayo,” napaka-sincere ng ngiti nya. Sinuri ko ang suot nyang damit, nakapambahay lang sya. “Nagluto ka?
“Beks, hindi mo pa nakukwento si Chinito! Anyare? Juts o daks?” tanong sa akin ni Orlie pagkaupo namin sa terrace para mag-’two bottles’. “Daks kung daks!” sagot ko naman agad sa kanya, nagtawanan kami sabay apir. Wala akong nililihim kay bakla, ganoon din sya sa akin. “Oh sige nga, pa’no mo nasabing daks…” “Aba, teka nga!” Parang hindi pa naniniwala sa akin si Orlie sa sinabi ko kaya nag-effort akong humanap ng bagay na maipangkukumpara para ma-picture nya ang eksaktong sukat ng binibida ko. Kinuha ko ang bote ng pabango ko at ipinakita ko iyon sa kanya. “Ganyan, bakla??!” nanlalaki ang mata ni bakla. Mamamatay ako sa katatawa sa reaksyon ng mukha nya. “Gaga, hindi! Niloloko lang kita! Sobrang taba naman nito, edi nakaburol na ‘ko sana ngayon!” tawa ako nang tawa. “Medyo parang ganito kataba o ganito, pero ‘yung haba ganito talaga,” mustra ko sa kanya. ‘Ay! Nakakaloka ka bakla! Maluwag ka na!” “Sira! Para ka namang hindi nag-aral ng Science,” pakli ko. Pero napais
“Goodbye, Teacher Kat! Goodbye, classmates! Bring your bags and form your line,” sabay-sabay na sambit ng mga Grade 2 pupils ko. “Pumila kayo nang maayos, h’wag kayong magtutulakan,” saway ko sa kanila. Ang mga batang ‘to, kapag talaga uwian ay laging nagkakagulo. Hinatak ko si Rory Ann sa pila ng mga kaklase nya, paano’y nakikipag-trash talk na naman sa mga kaklase nyang lalake. “Rory Ann, ano’ng sinabi ko sa ‘yo dati? H’wag kang makikipag-away sa mga kaklase mong lalake, baka patulan ka ng mga ’yan, ikaw rin,” inayos ko ang pagkakatali ng kanyang buhok. “Eh Teacher nauna po sila eh. Alien daw ako,” nagkakandahaba ang nguso nya habang nagsusumbong. “Alien??! Hindi ah, sino’ng nagsabing alien si Rory Ann?!” nameywang ako sa harap ng pila ng mga pupils ko. “Eh Teacher kasi, ‘yung mata nya, kulay green!” sagot ng isang pilyong kaklase nya, nagtawanan sila. “Hindi sya alien, no! Ang ganda-ganda nga ng mata nya eh! H’wag nyo nang uulitin ‘yon ha! Isusumbong ko kayo sa mga
[Knives’ POV]I can’t believe everything that’s happened today. The first one was how ridiculous Divine was nang umatungal sya sa akin dahil lang sa ayokong makipag-sex. Lumabas sya at inistorbo ang ibon ko sa paggawa nya ng homeworks para makipag-inuman. Nagpaalalay pa sya kay Kataleia hanggang sa kwarto pagkatapos nyang magkukuwento ng kung anu-ano. Nahulaan ko na agad ‘yun kahit hindi ko naririnig ang usapan nila, halata ko sa mukha ni Kataleia mula sa balcony kung saan ko sila pinanonood ang awkwardness na nararamdaman nya kahit na tumatawa sya.Para saan? Para kiligin si Kataleia sa pagiging ‘perfect couple’ namin? O para kaawaan sya ni Kataleia kasi wala akong kwentang asawa? Kung ang purpose nya ay para maghanap ng karamay sa disappointments nya sa buhay ay hindi lang nya alam baka sumaya pa ‘kamo ang ibon ko sa mga pinagsasabi nya dahil napatunayan ko sa kanyang totoo lahat ng mga sinasabi ko. The second was Atsi. May pagkakataon naman talagang nakikita ko syang tumatawid sa
“Ubusin mo muna ‘yan. Mamaya mo na sya ipagtimpla kapag aakyat ka na… O baka naman naiilang ka nga sa ‘kin eh kuya mo rin naman ako, ‘di ba?” tinaasan nya ako ng kilay sabay kumportableng sumandal sa sofa na nakaunat pa ang mga braso sa sandalan. Nagsisi ako bigla na naupo sa pinakagilid ng sofa, wala na tuloy akong maurungan.“Hindi po ako naiilang. Sus! Bakit naman ako maiilang?” sagot ko rin sa kanya, tinaasan ko rin sya ng kilay sabay hampas ko sa braso nya para ipakita na hindi totoo ang sinasabi nya.Ano nga ba ang dahilan ko bakit kailangan kong mailang? Hindi naman ako nakakanti ng mga malalagkit nyang tingin. Noon naman nakikipaglabanan talaga ako ng tingin sa mga lalakeng gano’n kung makatitig, kaso hindi sya iba sa akin; asawa sya ni Atsi at malaki ang paggalang ko sa kanya. Bukod sa layo ng agwat ng edad namin ay parang bata pa talaga ako kung ituring nya minsan; gaya ng turing sa akin ni Atsi at ni Knives na rin kapag nakaharap kami sa ibang tao. Hindi ko sya dapat pinag-
Nasinghot ko agad ang nakakahilong tapang ng pabango nya sa kanyang damit na kaamoy ng loob ng kotse nya sa pagkakadikit ng mukha ko sa kanyang dibdib.“Watch where you’re going, little miss,” bulong ni Kuya Mike pagtingala ko, titig na titig sya sa akin na nakahawak sa mga balikat ko. Napatda ako nang ilang segundo sa gulat ko na kasunuran ko pala sya sa paglalakad. Hindi ko man lang napansin dahil lumilipad ang isip ko. Inalihan ako ng pagkailang lalo na nang dumausdos ang mga kamay nya mula sa balikat ko hanggang sa aking siko kaya napaatras ako, saka nya lang ako binitawan. “Naiilang ka ba sa ‘kin?” nakangiting tanong nya. “Hi-hindi po, kuya, sorry po. Nagulat lang ako,” napapangiting aso na sagot ko pagtungo ko saka inaayos-ayos ang salamin ko sa mata.Lalo akong naasiwa nang tumawa sya nang malakas. Sinulyapan ko ang likuran nya kasi baka nakasilip si Knives sa pintuan at makita kami, nakahinga ako nang maluwag nang nakapinid pa rin ang pinto ng kwarto nya.“Sa’n ka ba dapat
Napaka-sexy nang suot nya sa ilalim ng pula nyang satin na bathrobe. Kulay itim na negligee na may ternong itim na thong na halos pinakagitna lang ang may takip. Hulmang-hulma ang mapipintog at malalaki nyang suso na may maliliit na utong sa napakanipis na tela ng suot nya. Mas makapal pa talaga ang pantyhose na ginagamit ni Miss Nori. Nag-abala pang magdamit, sana hindi na lang!So siguro ita-try nya ngayon na akitin ang kanyang asawa, hinanap nya ang lakas ng loob nya sa alak kaya nakipag-inuman sya sa akin. Dinamay pa nya ako talaga. Napaismid ako. Sumulyap akong muli sa balcony pero wala si Knives doon.“Kat, ihatid mo naman ako sa room, please. Nahihilo na kasi ako talaga, baka hindi ako umabot sa stairs,” pakiusap nya habang ginagagap ng isang kamay ang kabilang dulo ng bathrobe para sumara itong muli. Tumayo ako sa kinauupuan ko at maingat ko syang inalalayan sa paglalakad. Mula sa pool area hanggang sa makaakyat kami ng hagdan ay magkaakbay kaming dalawa at pinagtatawanan ang
Tawa ako nang tawa sa mga nakakatuwang moments nila bilang mag-asawa. Na-i-imagine kong para silang mag-asawa sa isang TV sitcom. Um-akting akong ganyak na ganyak sa kanyang pagkukuwento pero ang totoo ay gustung-gusto ko nang tumulo ng mga luha ko sa bigat ng nararamdaman ko sa aking dibdib. Ang sakit-sakit! Iniisip ko nga kanina pa kung ano ang pwedeng kong i-alibi para makapag-walkout at maputol ang pagkukuwento nya ng mga istorya tungkol sa kanilang dalawa na kahindik-hindik sa akin. Hindi ako pwedeng magdahilan na pupunta na sa kwarto ko dahil masyado pang maaga at paniguradong hahanapin ako ni Knives, magagalit na naman ‘yun kapag nagkulong ako sa kwarto. Malaking kabastusan naman kung iiwan ko sya rito at lilipat na lang sa ibang puwesto dahil wala naman ibang available na makakakwentuhan ngayon dito sa mansyon kundi ako lang at ayoko rin namang magpaka-obvious na naaapektuhan kahit kahit tila ba may paulit-ulit na tumutusok sa puso ko kahit panay ang hagikhik ko. “Hindi sigu
[Kataleia’s POV] Kahit medyo malamok ay dito ko sa pool area piniling maupo ngayon para mabilis akong masisilip ng chinito ko mula sa balcony. Gusto kasi nya nakikita nya ako palagi. Sa katunayan nga, sa halos wala pang thirty minutes na pag-upo ko rito sa pool area ay dalawang beses na nya akong sinilip. Naglagay na lang ako ng rechargeable na electric fan sa paanan ko para hindi ubusin ng mga lamok ang mga binti ko. Binawalan nya kasi akong tumambay sa kwarto ko nang matagal kung hindi pa naman oras ng pagtulog. Lalong-lalo na kapag naririto si Seiji. Wala naman na nga raw kasi akong sakit para dalaw-dalawin ako sa mismong kwarto ko at napakaraming ibang lugar na pwedeng pagtambayan na may makakakita sa amin at sa kung anong ginagawa namin.Nagpunta nga rito si Seiji kanina, pero pinauwi ko na rin bago magtakipsilim. Parang ayaw pa nga nyang umuwi eh, napilitan na lang kasi nagdahilan akong masakit ang ulo at inaantok. Ayaw kasi ni Knives na nagpapaabot si Seiji ng gabi rito sa ba
Malakas na tili ang pumailanlang sa buong kwarto ko sa pagsadlak nya pahiga sa sahig. Tumilapon ang ilang patak ng dugo galing sa kanyang sugatan nang bibig sa carpeted flooring ng kwarto ko. “Tumayo ka kasi d’yan!” singhal ko nang malakas. “Pinatatayo ka na nga eh, ayaw mo pa!” “Tuwing uuwi ka na lang lagi mo ‘kong binubugbog! Kasalanan ko bang hindi ka mahalin ng babaeng gusto mo?! Demonyo ka kase!” nagtataas-baba ang nanginig nyang boses nang sigawan nya ako. Nagpapanting ang tenga kong nasuntok kong muli ang matabil nyang bibig kaya lalong lumakas ang hagulgol nya. Tuwing uuwi ako galing kina Kataleia ay talagang naiinis ako na hindi ko lang masabi. Gustong kong matulog do’n na katabi sya, gusto ko syang yakapin, gusto ko pa syang makasama, kaso kapag feeling ko okay na kami ay mahihimigan ko na sa kanyang kailangan ko nang umuwi. Wala akong choice; kahit pigilan ako ng ate nyang patay na patay sa akin ay sinusunod ko sya. Pag-uwi ko sa bahay ay mainit ang ulo ko at depres
[Sieji’s POV] Nalamukos ko nang matindi ang hawak kong papel habang pinagmamasdan ang kulay green na kotseng iyon na kaka-park lang sa gilid ng building sa kabilang banda ng kalsada. “Hi, love! Bakit maingay? Nasa’n ka? Sinong kasama mo?” tanong ko agad nang sagutin nya ang tawag ko. Pinilit ko ang ngiti sa aking nagdidilim na mukha para hindi mahalata ang galit ko sa aking boses. “Uhm, andito ako sa office ni Atsi. Papunta ka na ba?” Tama naman ang sinagot nya. Hindi sya nagsisinungaling. Hindi lang nya sinabi kung sino’ng kasama nya sa mga oras na ito. “Hindi pa, nandito pa ‘ko sa University. Hinihintay ko pa ‘yung ibibigay na papel ng Prof mo.” Ako ang nagsinungaling, kasi hindi naman talaga ako nagpunta sa MA class nya at kanina ko pa hawak ang papel na ibibigay ko sa kanya na hindi naman talaga galing sa Prof. Heto nga at lukot-lukot na sa mga kamay ko. “Ay sige, kasi baka gabihin ako. Kung mauna ka, please, pakibigay mo na lang sa guard ‘yung papel. Bukas ka na lang p
"Babe, h’wag mo naman ikulong ang sarili mo rito sa kwarto, please. Live outside your room. Do what you normally do. Nahihirapan akong hindi kita nakikita, gayong alam kong nandito ka lang at nagmumukmok. Tapos nakikita kong naglalabas-masok pa ang hapon mo rito. Araw-araw, literally the whole fucking day—from morning till twilight!” Natawa ako nang mapaismid sya nang malala sa huli nyang turan.“Hindi ko hapon si Seiji, ‘no!” mariing depensa ko. “Tinutulungan nya lang ako sa assignments ko sa MA.”“Wala akong hypertension pero muntik-muntikan na akong atakihin sa puso sa selos kapag nakikita ko syang pumapasok dito sa kwarto mo." Natuwa ako nang aminin na rin nyang nagseselos sya kay Seiji."Ang praning mo, huh! In fairness sa ' yo," natatawang tudyo ko sa kanya. "Praning, I’m telling you this, kasi lalake ako. Hindi ka tutulungan no’n ng gano’n kung wala syang inaasahan sa ‘yo. Alam ko ang tumatakbo sa isip ng lalakeng may gusto. Araw-araw kinakabahan ako na baka sagutin mo na.”Hi