“Goodbye, Teacher Kat! Goodbye, classmates! Bring your bags and form your line,” sabay-sabay na sambit ng mga Grade 2 pupils ko. “Pumila kayo nang maayos, h’wag kayong magtutulakan,” saway ko sa kanila. Ang mga batang ‘to, kapag talaga uwian ay laging nagkakagulo. Hinatak ko si Rory Ann sa pila ng mga kaklase nya, paano’y nakikipag-trash talk na naman sa mga kaklase nyang lalake. “Rory Ann, ano’ng sinabi ko sa ‘yo dati? H’wag kang makikipag-away sa mga kaklase mong lalake, baka patulan ka ng mga ’yan, ikaw rin,” inayos ko ang pagkakatali ng kanyang buhok. “Eh Teacher nauna po sila eh. Alien daw ako,” nagkakandahaba ang nguso nya habang nagsusumbong. “Alien??! Hindi ah, sino’ng nagsabing alien si Rory Ann?!” nameywang ako sa harap ng pila ng mga pupils ko. “Eh Teacher kasi, ‘yung mata nya, kulay green!” sagot ng isang pilyong kaklase nya, nagtawanan sila. “Hindi sya alien, no! Ang ganda-ganda nga ng mata nya eh! H’wag nyo nang uulitin ‘yon ha! Isusumbong ko kayo sa mga
Kapag si Orlie talaga ang sinabihan mo na mayroon kang importanteng ibabalita ay hindi na talaga makakahintay na makauwi ka pa sa bahay, kailangan malaman na nya agad. At isa pa, lagi rin naman kaming nagkakasalisihan dahil graveyard shift sya ngayon kaya nag-decide na lang kami na mag-meet halfway pag-out sa school para masabi ko na sa kanya ang balita ko bago pa man sya pumasok sa trabaho. And since ice-celebrate nila ang nakapa-cheesy na ‘second weeksary’ nila ng jowa nya ay sa mamahaling coffee shop kami magkikita. Marami pa naman akong bitbit ngayon dahil inuwi ko na ang ilang gamit ko sa classroom. Naka-uniform pa ako. Hindi tuloy ako magkandaugaga sa dala kong bond paper box at eco bag bukod pa sa shoulder bag ko na pamasok. Nang mapansin kong nag-red ang stoplight ay tumawid na ako agad sa pedestrian lane. Bigla akong natigilan sa gitna sa sobrang gulat ko nang bumusina nang malakas ang rumaragasang SUV na nagbi-’beating the red light’. Nagtalsikan pa ang maitim na tubig g
“Teka, teka!” tinutulak ko na ang mukha nya sa pagkakasubsob nya sa keps ko pero ayaw nyang lumubay kaya sinipa ko na sya nang malakas. “Teka nga sabi eh! De pongal!” Napaupo sya sa paanan ng kama. “Bakit mo ‘ko sinipa?! Don’t you like it?” maang na tanong nya sa akin. “Aswang ka ba??! Bakit ka nangangagat?!” walang makakapinta sa itsura ko sa sobra kong inis. Hinaklit ko ang puting kumot at ipinangtaklubong iyon sa hubo’t hubad kong katawan. Naupo ako sa gilid ng kama. Badtrip na badtrip ako. Napakapangit, rumomansa. Ginagamitan ng ngipin. Cute sanang naturingan pero para syang tutang naglalaro, Pakagat-kagat. Kanina ko pa tinitiis ang sakit baka sakaling mabago kaso nang umabot na sya sa keps ko at gano'n pa rin, give-up na ako. “Sorry, hindi ko mapigilan eh. Nanggigigil kasi ako,” niyayakap nya ako sa likuran ko, hinahalikan nya ako sa batok. “Give me another chance, please… Ulitin natin,” malambing nyang sabi. “Ayoko na! Uuwi na ‘ko.” Nawalan na ako ng gana. Tumayo ako at di
[Knives' POV]This is one of the many things I hate about Manila. The congestion. Lahat ng blocks may stoplight na kailangang hintuan every 15 minutes, maraming tumatawid sa kung saan-saan lang. Hindi bagay ang BMW ko talaga dito, I sigh impatiently. Pang-apat o pang-limang gabi ko nang pinaparaanan ng gulong ang kalsadang ito, halos kabisado ko na nga rin ang bawat lubak, pero hindi ako masanay sa trapik.Magiging pang-apat o pang-limang balik ko na rin pala ito sa cheap na local bar kung saan ko sya unang nakita. Pero hindi pa rin ako pinapalad na makitang muli si K.I lean comfortably against the merino leather seat and switch the built-in massage feature on to intensity 3. I tap on ‘Relax’ sa car care program para mabago ang ambience ng loob ng aking sasakyan baka sakaling maibsan ang agitation ko habang naghihintay sa kahabaan ng trapik. “Mom!” I make sure my voice sounds a bit more relaxed than it is. “I was about to call you.” I put the call on loudspeaker.“Really?” She just
“Nasa’n na? Bakit bigla na lang nawala??!” Dahan-dahan ang ginawa kong pagpapaandar ng aking sasakyan. Nagsasalubong ang kilay ko habang sinusuyod nang maigi ng tingin ang mga tao na nasa gilid ng kalsada kung saan ko nakitang naglakad ang babaeng nakasalamin pagkatawid nya kanina. The woman is wearing eyeglasses. Hindi nakasalamin si K no'ng magkasama kami, and she wasn’t even wearing contacts. Alam ko ang itsura ng mata na may contact lens. I hadn’t had any hint na malabo ang mata nya. That woman doesn’t look like a lot of fun gaya no'ng una kong namasdang sumasayaw si K sa dance floor ng disco bar. She is more like a strict, old maid librarian sa itsura at suot nya pero sobrang lakas talaga ng gut feeling ko. Namalik-mata nga lang ba ako sa kakaisip ko sa kanya? Blangko akong napatitig sa hood ng SUV ko. “Shit! So stupid!” Nahampas ko nang malakas ang manibela ko sa sobrang pagkadismaya. Dapat bumaba na ako agad kanina no'ng kinutuban na ako. Nagdesisyon akong bumaba
“Ano’ng ginagawa mo dito?!” Tumawag si Atsi kanina para sabihing sunduin ko sya sa bar ng amiga nya pero dito ko naman sya nakita sa baywalk, nakaupo sa concrete bench at nag-iisa. Buti na lang napatingin ako sa kanan ko kundi kakailanganin ko rin syang hanapin kung hindi ko sya madadatnan sa bar, samantalang hindi pa nga naiibsan ang pagod ko sa paghahanap ko kay K kanina. “I’m just enjoying the view,” nakangiti sya at nakatanaw sa napakadilim na dagat ng Manila Bay. She looks totally wasted. Mas mukha pa syang baliw kesa sa akin. “What view?” pinagmasdan kong maigi ang tinitingnan nyang kawalan at baka mayroon syang nakikita na hindi ko nakikita. “That view,” nguso nya. Napaismid ako. Kadiliman lang ang nasa harap namin. Wala ako sa mood para makipag-joke time. I think she’s just going through something kaya natutulala lang syang ewan. “What happened, Atsi?” naupo ako sa tabi nya. “I dunno, Knives. It feels like everything is so wrong,” anas nya, pinipilit nyang ngumi
[Kat’s POV] “Kaya pa, beks?” nilingon ako ni Orlie habang nag-aabang kami ng masasakyan ko sa gilid ng kalsada malapit sa kanto namin. “Ako pa ba?! Oo naman!” pinilit kong ngumiti kahit medyo naliliyo pa ako sa puyat. Buti na lang salisi kami ng pasok ni Orlie. Pag-uwi nya ng bahay ay ‘yun naman ang alis ko kaya nahahatid pa ‘ko ni bakla sa sakayan. Natatakot kasi akong maglakad palabas nang mag-isa nang madilim pa. Tatlong oras lang palagi ang itinutulog ko sa gabi simula no’ng nalipat ako sa Cainta. Iniisip ko nang sabihin kay Mama na lilipat na ako sa mansyon, malapit na akong bumigay sa ilang araw na pagba-back and forth ko mula Valenzuela hanggang Cainta at pabalik. Hindi ako masanay sa malayong byahe, lagi akong nahihilo. Alas-tres palang gumagayak na ‘ko tapos nakakauwi ako sa bahay gabing-gabi na. Whole day ang klase ko sa Cainta, hindi gaya sa Valenzuela. Bakit kaya gano’n sa probinsya, magkaiba ang pasok. Pareho lang naman ang mga subjects, wala namang nadagdag.
Iniwan ako ni bakla nang dumating na ang food na in-order namin kaya hindi na rin ako nagtagal sa paggiling-giling ko sa gitna ng dance floor, naglakad na ako pabalik sa table namin.“Hi miss! Ang galing mo naman sumayaw,” ngiting-ngiting sinalubong ako ng bagets na nakasayaw ko kanina, hinapit nya ako agad sa bewang. Napatitig ako sa kanya, sa tantiya ko siguro nasa edad disi palang ‘to kahit matangkad.“Hello!” nginitian ko rin sya, pero bahagya kong iniwas ang katawan ko. Ang mga kabataan ngayon talaga, oo. Masyadong presko lalo na kapag nakakainom. Akala mo naman may iuubra. “Sa’n ka nakaupo, miss? Pwede bang maki-join?”Sasagutin ko na sana ang tanong nya nang may bigla namang humaklit sa kaliwang braso ko. “Marc!” Ang gulat ko talaga nang makita ko ang mukha nya. Nawala na sa isip ko ang tungkol sa siraulong ex ko na ‘to. “Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?! ‘Di ba sabi ko sa ‘yo mag-uusap tayo, magpapaliwanag ako!” nakikipaglaban ang boses nya sa lakas ng tugtog ng disc
[Knives’ POV]I can’t believe everything that’s happened today. The first one was how ridiculous Divine was nang umatungal sya sa akin dahil lang sa ayokong makipag-sex. Lumabas sya at inistorbo ang ibon ko sa paggawa nya ng homeworks para makipag-inuman. Nagpaalalay pa sya kay Kataleia hanggang sa kwarto pagkatapos nyang magkukuwento ng kung anu-ano. Nahulaan ko na agad ‘yun kahit hindi ko naririnig ang usapan nila, halata ko sa mukha ni Kataleia mula sa balcony kung saan ko sila pinanonood ang awkwardness na nararamdaman nya kahit na tumatawa sya.Para saan? Para kiligin si Kataleia sa pagiging ‘perfect couple’ namin? O para kaawaan sya ni Kataleia kasi wala akong kwentang asawa? Kung ang purpose nya ay para maghanap ng karamay sa disappointments nya sa buhay ay hindi lang nya alam baka sumaya pa ‘kamo ang ibon ko sa mga pinagsasabi nya dahil napatunayan ko sa kanyang totoo lahat ng mga sinasabi ko. The second was Atsi. May pagkakataon naman talagang nakikita ko syang tumatawid sa
“Ubusin mo muna ‘yan. Mamaya mo na sya ipagtimpla kapag aakyat ka na… O baka naman naiilang ka nga sa ‘kin eh kuya mo rin naman ako, ‘di ba?” tinaasan nya ako ng kilay sabay kumportableng sumandal sa sofa na nakaunat pa ang mga braso sa sandalan. Nagsisi ako bigla na naupo sa pinakagilid ng sofa, wala na tuloy akong maurungan.“Hindi po ako naiilang. Sus! Bakit naman ako maiilang?” sagot ko rin sa kanya, tinaasan ko rin sya ng kilay sabay hampas ko sa braso nya para ipakita na hindi totoo ang sinasabi nya.Ano nga ba ang dahilan ko bakit kailangan kong mailang? Hindi naman ako nakakanti ng mga malalagkit nyang tingin. Noon naman nakikipaglabanan talaga ako ng tingin sa mga lalakeng gano’n kung makatitig, kaso hindi sya iba sa akin; asawa sya ni Atsi at malaki ang paggalang ko sa kanya. Bukod sa layo ng agwat ng edad namin ay parang bata pa talaga ako kung ituring nya minsan; gaya ng turing sa akin ni Atsi at ni Knives na rin kapag nakaharap kami sa ibang tao. Hindi ko sya dapat pinag-
Nasinghot ko agad ang nakakahilong tapang ng pabango nya sa kanyang damit na kaamoy ng loob ng kotse nya sa pagkakadikit ng mukha ko sa kanyang dibdib.“Watch where you’re going, little miss,” bulong ni Kuya Mike pagtingala ko, titig na titig sya sa akin na nakahawak sa mga balikat ko. Napatda ako nang ilang segundo sa gulat ko na kasunuran ko pala sya sa paglalakad. Hindi ko man lang napansin dahil lumilipad ang isip ko. Inalihan ako ng pagkailang lalo na nang dumausdos ang mga kamay nya mula sa balikat ko hanggang sa aking siko kaya napaatras ako, saka nya lang ako binitawan. “Naiilang ka ba sa ‘kin?” nakangiting tanong nya. “Hi-hindi po, kuya, sorry po. Nagulat lang ako,” napapangiting aso na sagot ko pagtungo ko saka inaayos-ayos ang salamin ko sa mata.Lalo akong naasiwa nang tumawa sya nang malakas. Sinulyapan ko ang likuran nya kasi baka nakasilip si Knives sa pintuan at makita kami, nakahinga ako nang maluwag nang nakapinid pa rin ang pinto ng kwarto nya.“Sa’n ka ba dapat
Napaka-sexy nang suot nya sa ilalim ng pula nyang satin na bathrobe. Kulay itim na negligee na may ternong itim na thong na halos pinakagitna lang ang may takip. Hulmang-hulma ang mapipintog at malalaki nyang suso na may maliliit na utong sa napakanipis na tela ng suot nya. Mas makapal pa talaga ang pantyhose na ginagamit ni Miss Nori. Nag-abala pang magdamit, sana hindi na lang!So siguro ita-try nya ngayon na akitin ang kanyang asawa, hinanap nya ang lakas ng loob nya sa alak kaya nakipag-inuman sya sa akin. Dinamay pa nya ako talaga. Napaismid ako. Sumulyap akong muli sa balcony pero wala si Knives doon.“Kat, ihatid mo naman ako sa room, please. Nahihilo na kasi ako talaga, baka hindi ako umabot sa stairs,” pakiusap nya habang ginagagap ng isang kamay ang kabilang dulo ng bathrobe para sumara itong muli. Tumayo ako sa kinauupuan ko at maingat ko syang inalalayan sa paglalakad. Mula sa pool area hanggang sa makaakyat kami ng hagdan ay magkaakbay kaming dalawa at pinagtatawanan ang
Tawa ako nang tawa sa mga nakakatuwang moments nila bilang mag-asawa. Na-i-imagine kong para silang mag-asawa sa isang TV sitcom. Um-akting akong ganyak na ganyak sa kanyang pagkukuwento pero ang totoo ay gustung-gusto ko nang tumulo ng mga luha ko sa bigat ng nararamdaman ko sa aking dibdib. Ang sakit-sakit! Iniisip ko nga kanina pa kung ano ang pwedeng kong i-alibi para makapag-walkout at maputol ang pagkukuwento nya ng mga istorya tungkol sa kanilang dalawa na kahindik-hindik sa akin. Hindi ako pwedeng magdahilan na pupunta na sa kwarto ko dahil masyado pang maaga at paniguradong hahanapin ako ni Knives, magagalit na naman ‘yun kapag nagkulong ako sa kwarto. Malaking kabastusan naman kung iiwan ko sya rito at lilipat na lang sa ibang puwesto dahil wala naman ibang available na makakakwentuhan ngayon dito sa mansyon kundi ako lang at ayoko rin namang magpaka-obvious na naaapektuhan kahit kahit tila ba may paulit-ulit na tumutusok sa puso ko kahit panay ang hagikhik ko. “Hindi sigu
[Kataleia’s POV] Kahit medyo malamok ay dito ko sa pool area piniling maupo ngayon para mabilis akong masisilip ng chinito ko mula sa balcony. Gusto kasi nya nakikita nya ako palagi. Sa katunayan nga, sa halos wala pang thirty minutes na pag-upo ko rito sa pool area ay dalawang beses na nya akong sinilip. Naglagay na lang ako ng rechargeable na electric fan sa paanan ko para hindi ubusin ng mga lamok ang mga binti ko. Binawalan nya kasi akong tumambay sa kwarto ko nang matagal kung hindi pa naman oras ng pagtulog. Lalong-lalo na kapag naririto si Seiji. Wala naman na nga raw kasi akong sakit para dalaw-dalawin ako sa mismong kwarto ko at napakaraming ibang lugar na pwedeng pagtambayan na may makakakita sa amin at sa kung anong ginagawa namin.Nagpunta nga rito si Seiji kanina, pero pinauwi ko na rin bago magtakipsilim. Parang ayaw pa nga nyang umuwi eh, napilitan na lang kasi nagdahilan akong masakit ang ulo at inaantok. Ayaw kasi ni Knives na nagpapaabot si Seiji ng gabi rito sa ba
Malakas na tili ang pumailanlang sa buong kwarto ko sa pagsadlak nya pahiga sa sahig. Tumilapon ang ilang patak ng dugo galing sa kanyang sugatan nang bibig sa carpeted flooring ng kwarto ko. “Tumayo ka kasi d’yan!” singhal ko nang malakas. “Pinatatayo ka na nga eh, ayaw mo pa!” “Tuwing uuwi ka na lang lagi mo ‘kong binubugbog! Kasalanan ko bang hindi ka mahalin ng babaeng gusto mo?! Demonyo ka kase!” nagtataas-baba ang nanginig nyang boses nang sigawan nya ako. Nagpapanting ang tenga kong nasuntok kong muli ang matabil nyang bibig kaya lalong lumakas ang hagulgol nya. Tuwing uuwi ako galing kina Kataleia ay talagang naiinis ako na hindi ko lang masabi. Gustong kong matulog do’n na katabi sya, gusto ko syang yakapin, gusto ko pa syang makasama, kaso kapag feeling ko okay na kami ay mahihimigan ko na sa kanyang kailangan ko nang umuwi. Wala akong choice; kahit pigilan ako ng ate nyang patay na patay sa akin ay sinusunod ko sya. Pag-uwi ko sa bahay ay mainit ang ulo ko at depres
[Sieji’s POV] Nalamukos ko nang matindi ang hawak kong papel habang pinagmamasdan ang kulay green na kotseng iyon na kaka-park lang sa gilid ng building sa kabilang banda ng kalsada. “Hi, love! Bakit maingay? Nasa’n ka? Sinong kasama mo?” tanong ko agad nang sagutin nya ang tawag ko. Pinilit ko ang ngiti sa aking nagdidilim na mukha para hindi mahalata ang galit ko sa aking boses. “Uhm, andito ako sa office ni Atsi. Papunta ka na ba?” Tama naman ang sinagot nya. Hindi sya nagsisinungaling. Hindi lang nya sinabi kung sino’ng kasama nya sa mga oras na ito. “Hindi pa, nandito pa ‘ko sa University. Hinihintay ko pa ‘yung ibibigay na papel ng Prof mo.” Ako ang nagsinungaling, kasi hindi naman talaga ako nagpunta sa MA class nya at kanina ko pa hawak ang papel na ibibigay ko sa kanya na hindi naman talaga galing sa Prof. Heto nga at lukot-lukot na sa mga kamay ko. “Ay sige, kasi baka gabihin ako. Kung mauna ka, please, pakibigay mo na lang sa guard ‘yung papel. Bukas ka na lang p
"Babe, h’wag mo naman ikulong ang sarili mo rito sa kwarto, please. Live outside your room. Do what you normally do. Nahihirapan akong hindi kita nakikita, gayong alam kong nandito ka lang at nagmumukmok. Tapos nakikita kong naglalabas-masok pa ang hapon mo rito. Araw-araw, literally the whole fucking day—from morning till twilight!” Natawa ako nang mapaismid sya nang malala sa huli nyang turan.“Hindi ko hapon si Seiji, ‘no!” mariing depensa ko. “Tinutulungan nya lang ako sa assignments ko sa MA.”“Wala akong hypertension pero muntik-muntikan na akong atakihin sa puso sa selos kapag nakikita ko syang pumapasok dito sa kwarto mo." Natuwa ako nang aminin na rin nyang nagseselos sya kay Seiji."Ang praning mo, huh! In fairness sa ' yo," natatawang tudyo ko sa kanya. "Praning, I’m telling you this, kasi lalake ako. Hindi ka tutulungan no’n ng gano’n kung wala syang inaasahan sa ‘yo. Alam ko ang tumatakbo sa isip ng lalakeng may gusto. Araw-araw kinakabahan ako na baka sagutin mo na.”Hi