“Nasa’n na? Bakit bigla na lang nawala??!” Dahan-dahan ang ginawa kong pagpapaandar ng aking sasakyan. Nagsasalubong ang kilay ko habang sinusuyod nang maigi ng tingin ang mga tao na nasa gilid ng kalsada kung saan ko nakitang naglakad ang babaeng nakasalamin pagkatawid nya kanina. The woman is wearing eyeglasses. Hindi nakasalamin si K no'ng magkasama kami, and she wasn’t even wearing contacts. Alam ko ang itsura ng mata na may contact lens. I hadn’t had any hint na malabo ang mata nya. That woman doesn’t look like a lot of fun gaya no'ng una kong namasdang sumasayaw si K sa dance floor ng disco bar. She is more like a strict, old maid librarian sa itsura at suot nya pero sobrang lakas talaga ng gut feeling ko. Namalik-mata nga lang ba ako sa kakaisip ko sa kanya? Blangko akong napatitig sa hood ng SUV ko. “Shit! So stupid!” Nahampas ko nang malakas ang manibela ko sa sobrang pagkadismaya. Dapat bumaba na ako agad kanina no'ng kinutuban na ako. Nagdesisyon akong bumaba
“Ano’ng ginagawa mo dito?!” Tumawag si Atsi kanina para sabihing sunduin ko sya sa bar ng amiga nya pero dito ko naman sya nakita sa baywalk, nakaupo sa concrete bench at nag-iisa. Buti na lang napatingin ako sa kanan ko kundi kakailanganin ko rin syang hanapin kung hindi ko sya madadatnan sa bar, samantalang hindi pa nga naiibsan ang pagod ko sa paghahanap ko kay K kanina. “I’m just enjoying the view,” nakangiti sya at nakatanaw sa napakadilim na dagat ng Manila Bay. She looks totally wasted. Mas mukha pa syang baliw kesa sa akin. “What view?” pinagmasdan kong maigi ang tinitingnan nyang kawalan at baka mayroon syang nakikita na hindi ko nakikita. “That view,” nguso nya. Napaismid ako. Kadiliman lang ang nasa harap namin. Wala ako sa mood para makipag-joke time. I think she’s just going through something kaya natutulala lang syang ewan. “What happened, Atsi?” naupo ako sa tabi nya. “I dunno, Knives. It feels like everything is so wrong,” anas nya, pinipilit nyang ngumi
[Kat’s POV] “Kaya pa, beks?” nilingon ako ni Orlie habang nag-aabang kami ng masasakyan ko sa gilid ng kalsada malapit sa kanto namin. “Ako pa ba?! Oo naman!” pinilit kong ngumiti kahit medyo naliliyo pa ako sa puyat. Buti na lang salisi kami ng pasok ni Orlie. Pag-uwi nya ng bahay ay ‘yun naman ang alis ko kaya nahahatid pa ‘ko ni bakla sa sakayan. Natatakot kasi akong maglakad palabas nang mag-isa nang madilim pa. Tatlong oras lang palagi ang itinutulog ko sa gabi simula no’ng nalipat ako sa Cainta. Iniisip ko nang sabihin kay Mama na lilipat na ako sa mansyon, malapit na akong bumigay sa ilang araw na pagba-back and forth ko mula Valenzuela hanggang Cainta at pabalik. Hindi ako masanay sa malayong byahe, lagi akong nahihilo. Alas-tres palang gumagayak na ‘ko tapos nakakauwi ako sa bahay gabing-gabi na. Whole day ang klase ko sa Cainta, hindi gaya sa Valenzuela. Bakit kaya gano’n sa probinsya, magkaiba ang pasok. Pareho lang naman ang mga subjects, wala namang nadagdag.
Iniwan ako ni bakla nang dumating na ang food na in-order namin kaya hindi na rin ako nagtagal sa paggiling-giling ko sa gitna ng dance floor, naglakad na ako pabalik sa table namin.“Hi miss! Ang galing mo naman sumayaw,” ngiting-ngiting sinalubong ako ng bagets na nakasayaw ko kanina, hinapit nya ako agad sa bewang. Napatitig ako sa kanya, sa tantiya ko siguro nasa edad disi palang ‘to kahit matangkad.“Hello!” nginitian ko rin sya, pero bahagya kong iniwas ang katawan ko. Ang mga kabataan ngayon talaga, oo. Masyadong presko lalo na kapag nakakainom. Akala mo naman may iuubra. “Sa’n ka nakaupo, miss? Pwede bang maki-join?”Sasagutin ko na sana ang tanong nya nang may bigla namang humaklit sa kaliwang braso ko. “Marc!” Ang gulat ko talaga nang makita ko ang mukha nya. Nawala na sa isip ko ang tungkol sa siraulong ex ko na ‘to. “Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?! ‘Di ba sabi ko sa ‘yo mag-uusap tayo, magpapaliwanag ako!” nakikipaglaban ang boses nya sa lakas ng tugtog ng disc
[Knives’ POV] “Knives, you called!” “Well, yeah. Obviously,” walang anong sagot ko kay Divine habang inilalabas ang mga gamit ko sa aking Tourister. Iginala ko ang paningin sa kwarto ko. Malaki, looks okay. Nakita ko ang contentment sa mga mata ni Dad no’ng makita akong dumating na dala-dala ang mga gamit ko nang ihatid ko si Atsi Olivia dito sa mansyon. Mukhang magkakaro’n na naman kami ng ‘family’ dinner mamaya kasi narinig ko syang binibilinan ang mga katulong na mag-asikaso bago sila nakaalis ni Tita Marisa papunta sa kanyang opisina. “Wala ka sa hotel?” tanong ni Divine. Napansin nya siguro ang background ko na may pagka-antique looking although freshly painted pa ang mga walls at ceiling. “Yeah,” bumuntung-hininga ako. Tinitigan ko sya sa screen ng laptop ko. Nakangiti sya sa akin. I figure, nakakuha ako ng magandang timing para magtanong ng update. So I immediately went down to business habang abala ako sa pagtutupi ng mga damit kong bahagyang nakusot sa loob n
“One grande Cafe Americano extra hot for K.” Ibinigay ko ang aking mastercard habang iginagala ang tingin sa loob ng kabuuan ng coffee shop. Kabisado na ng mga crew dito ang ino-order ko, halos araw-araw ba naman akong naririto kakaabang ko kay K bago ako pumunta ng disco bar para abangan naman sya doon. Naupo muna ako sa upuan malapit sa counter na naging pwesto ko na kapag naririto ako, para maulinigan ko ang pangalan ng mga umo-order, baka sakaling may dumating na K din ang pangalan. “Matanong ko, sir, h’wag kayong magagalit ha,” pauna sa akin ng lalakeng crew na nag-serve sa akin ng kape ko. Sya rin ang pinagbigyan ko ng mga pinamili ko noong unang beses akong napunta dito sa coffee shop nila. “Spit it out,” anas ko habang hinihigop ko ang aking kape. “Lagi ko kayong nakikita dito na palingon-lingon, are you looking for somebody?” Nakita ko sa gilid ng mata ko ang ilang babaeng crew na nagkumpulan sa gilid at nakangiting nagbubulungan habang nakatingin sa direksyon k
[Kataleia's POV] Bahagya kong idinilat ang mga mata ko. Naku, Panginoon ko! Naikot ang paligid! Pumikit akong muli. Sobrang sakit ng ulo ko, parang bibiyak na hindi ko maintindihan. Hindi ko matandaan kung nangyari na ba sa akin ito dati pero nanghihilakbot talaga ako sa nararamdaman kong kakaiba. Sinapo ko ang aking noo, mayroon akong bimpo na nakapatong sa noo ko na medyo maligamgam na. Narinig kong may nagtatalo sa bandang ulunan ko, si Orlie at isa pang lalake pero hindi ka-boses ni Winston. Mayroon silang hindi pinagkakasunduan pero hindi sila nagsisigawan, nagbubulungan lang sila. Kinapa ko ang hinihigaan ko, napakalamig na sofa na makitid lang, hindi nga kasya ang mga binti ko pero pwede ko namang iunat. May humawak sa kamay ko pati na rin sa kamay ko na nakasapo sa bimpo sa aking noo. “Beks? Okay ka lang? Gusto mo dalhin ka namin sa ospital?” Nagdilat ako kaso umiikot pa rin talaga ang paningin ko. Parang naaninag ko ang gwapong mukha ni Chinito pero boses ni Orl
“N-nasa’n tayo?!” bulong ko na medyo nagpa-panic. “Nandito tayo sa hotel. Akala ko talaga hindi na kita makikitang muli,” anas ni Chinito habang tinutupi ang kapipiga palang nyang bimpo para ilagay sa noo ko. Nakangiti sya sa akin. “H-huh? Motel o hotel?” Nawala ang mata nya nang matawa sya sa senseless kong tanong. “Hotel, babe. We’re at a hotel. Iuuwi sana kita sa tinitirhan mo pero your friend over there doesn’t seem to trust me. It’s totally fine, though. Naintindihan ko naman sya,” hinaplos nya ang braso kong nangingilabot sa lamig ng aircon at sa lagnat. Inayos nya ang kumot ko. Nilingon ko si Orlie sa kabilang kama, 'yon siguro ang pinagtatalunan nila no'ng nakahiga palang ako sa backseat ng sasakyan ni Chinito. Nagka-initiative rin si bakla. Alam nya ang sine-set kong boundaries sa mga nagiging boylets ko. “Since ayaw mo rin magpadala sa hospital, I called my sister's friend doctor to checkup on you. Babalik sya mamaya, what you need to do for now is magpahinga
[Kataleia's POV]“Bakit dito? Ayoko rito! Matutulog na ‘ko, gabing-gabi na. May pasok pa ‘ko bukas!” inis na inis talaga ako. Tama bang isumbong ako sa Mama ko, kahit pahaging lang ‘yung mga sinabi nya binigyan na rin nya ‘yun ng clue. Hinihintay ko na lang na tumawag ‘yun sa ‘kin para sermunan na naman ako nang pagkahaba-haba. Akala ko naman magkakasundo kami dahil pinagtakpan nya ako sa kinuha kong Masteral course, hindi pala. Napakakitid talaga ng utak nitong ugok na ‘to minsan.“Bakit ka ba nagagalit? Totoo naman ‘yun eh, ‘sweet’ ka sa lahat! Hindi ba kabilin-bilinan ko sa ‘yo na h’wag kang makalapit-lapit sa Mike na ‘yun? Ano’ng ginawa mo kanina? Naghihilot ka ng nakaharap ‘yang mga dibdib mo sa pagmumukha nya, binibigyan mo sya ng motibo!” sinisigawan pa nya ako kaya lalong nag-iinit ang tumbong ko.“Ano’ng motibo?! Napakadumi naman ng isip mo!” “If that’s how you get back at me for Divine, I have nothing to do with it. Wala akong sinabing makipag-inuman ka at ihatid mo sya sa
Hindi ko napigilan ang matawa nang lalong tumindi ang pagnanasa nyang nyang makuha ang phone nya. Lumalayo na ako sa kanya pero hinahatak nya ang damit ko at pilit na inaabot ang phone nya. Medyo masasakit na rin ang mga hatak nya sa braso ko pero hindi ko ibibigay sa kanya ang phone nya. I intend to make her realize what she has done at ipaalala sa kanya ang authority ko as her guardian habang wala ang Mama nya. “Kung may oras ka Knives baka pwedeng pakibantayang maigi si Kataleia para sa ‘kin. Ayokong magulat na lang ako isang araw na magpapaalam na syang mag-aasawa. Baka mamaya teacher din lang ang makatuluyan nya, Dyusko! Maghihikahos sya habambuhay nya.”My eyes glimmer as I grin from ear-to-ear nang marinig ko iyon. It appears Atsi’s assumption was wrong, hindi magugustuhan ng Mama nya si Seiji para sa kanya. Somehow nakaramdam ako ng relief. “Sure, Tita Marisa, I’m never too busy basta para sa ikabubuti ni Shobe. Babantayan ko sya with my life, I promise you that,” I sounded
I can clearly tell she’s in a panic state. Hinawakan ko sya sa braso, trying to console her. “We’re good, Tita, thanks for asking. Where are you at right now?” “Ano ba ‘yun?” mouthing my words as I ask Kataleia para hindi ako marinig ng nasa kabilang linya. Pero wala akong maintindihan sa magulo at natatarantang pagcha-charades nya.“Nandito kami sa hotel sa Dubai ngayon. Kagagaling lang namin sa tour namin sa Safari Park at sa Burj Khalifa. Worth it kahit nakakapagod nang husto. Pag-uwi namin dito sa hotel nakatulog na agad ang Daddy mo. Uh, Knives, itatanong ko lang sana sa ‘yo, totoo bang kumukuha si Kataleia ng MBA?” tanong ni Tita Marisa. “MBA?” tinitigan ko si Kataleia na lintik ang pagtango-tango sabay pihit-pihit nya sa braso ko. “Ah yeah. MBA,” nahihiwagaan ako pero sumang-ayon na rin ako kahit alam na alam kong Master of Arts in Education ang inaaral nya.“That’s good news! Akala ko hindi nya ako pakikinggan eh, mabuti naman. Pero sabi nya online class lang daw, totoo ba?
“Don’t you fucking dare,” nagngingitngit na bulong ko sa nakakaloko nyang ngisi. “Manyakis kang hayop ka.”“Woah! Matinding akusasyon ‘yan, Knives,” he laughs sarcastically. “Nagpapamasahe lang ako, manyakis na ba ‘yun agad?!”“Please, whatever you’re up to, galangin mo si Atsi at si Shobe sa loob ng bahay nila,” I mutter through my gritted teeth.“Talking about respect, Knives? I can’t believe I’d hear that from you. Alam mo, I know what you two are doing. Kung manhid ang kapatid mo, ibahin mo ako. Malakas ang pakiramdam ko sa mga ganyan, kaya wala kang matatago sa ‘kin. Catching her sneaking out of your room one too many times at the crack of dawn, I couldn’t help but wonder what exactly she was doing with you all night—bukod sa, you know, magpatirintas ng mahaba nyang buhok sa ‘yo.”I got so fucking furious. Agad na kumawala ang lumulukob na galit sa dibdib ko at umigkas nang malakas ang kamao ko sa panga nya. Napaupo sya sa sofa syang nakahawak sa baba nya sa gulat nya. “Hindi ko
[Knives’ POV] I can’t believe everything that’s happened today. The first one was how ridiculous Divine was nang umatungal sya sa akin dahil lang sa ayokong makipag-sex. Lumabas sya at inistorbo ang ibon ko sa paggawa nya ng homeworks para makipag-inuman. Nagpaalalay pa sya kay Kataleia hanggang sa kwarto pagkatapos nyang magkukuwento ng kung anu-ano. Nahulaan ko na agad ‘yun kahit hindi ko naririnig ang usapan nila, halata ko sa mukha ni Kataleia mula sa balcony kung saan ko sila pinanonood ang awkwardness na nararamdaman nya kahit na tumatawa sya. Para saan? Para kiligin si Kataleia sa pagiging ‘perfect couple’ namin? O para kaawaan sya ni Kataleia kasi wala akong kwentang asawa? Kung ang purpose nya ay para maghanap ng karamay sa disappointments nya sa buhay ay hindi lang nya alam baka sumaya pa ‘kamo ang ibon ko sa mga pinagsasabi nya dahil napatunayan ko sa kanyang totoo lahat ng mga sinasabi ko. The second was Atsi. May pagkakataon naman talagang nakikita ko syang tumat
“Ubusin mo muna ‘yan. Mamaya mo na sya ipagtimpla kapag aakyat ka na… O baka naman naiilang ka nga sa ‘kin eh kuya mo rin naman ako, ‘di ba?” tinaasan nya ako ng kilay sabay kumportableng sumandal sa sofa na nakaunat pa ang mga braso sa sandalan. Nagsisi ako bigla na naupo sa pinakagilid ng sofa, wala na tuloy akong maurungan. “Hindi po ako naiilang. Sus! Bakit naman ako maiilang?” sagot ko rin sa kanya, tinaasan ko rin sya ng kilay sabay hampas ko sa braso nya para ipakita na hindi totoo ang sinasabi nya. Ano nga ba ang dahilan ko bakit kailangan kong mailang? Hindi naman ako nakakanti ng mga malalagkit nyang tingin. Noon naman nakikipaglabanan talaga ako ng tingin sa mga lalakeng gano’n kung makatitig, kaso hindi sya iba sa akin; asawa sya ni Atsi at malaki ang paggalang ko sa kanya. Bukod sa layo ng agwat ng edad namin ay parang bata pa talaga ako kung ituring nya minsan; gaya ng turing sa akin ni Atsi at ni Knives na rin kapag nakaharap kami sa ibang tao. Hindi ko sya dapat pinag
Nasinghot ko agad ang nakakahilong tapang ng pabango nya sa kanyang damit na kaamoy ng loob ng kotse nya sa pagkakadikit ng mukha ko sa kanyang dibdib.“Watch where you’re going, little miss,” bulong ni Kuya Mike pagtingala ko, titig na titig sya sa akin na nakahawak sa mga balikat ko. Napatda ako nang ilang segundo sa gulat ko na kasunuran ko pala sya sa paglalakad. Hindi ko man lang napansin dahil lumilipad ang isip ko. Inalihan ako ng pagkailang lalo na nang dumausdos ang mga kamay nya mula sa balikat ko hanggang sa aking siko kaya napaatras ako, saka nya lang ako binitawan. “Naiilang ka ba sa ‘kin?” nakangiting tanong nya. “Hi-hindi po, kuya, sorry po. Nagulat lang ako,” napapangiting aso na sagot ko pagtungo ko saka inaayos-ayos ang salamin ko sa mata.Lalo akong naasiwa nang tumawa sya nang malakas. Sinulyapan ko ang likuran nya kasi baka nakasilip si Knives sa pintuan at makita kami, nakahinga ako nang maluwag nang nakapinid pa rin ang pinto ng kwarto nya.“Sa’n ka ba dapat
Napaka-sexy nang suot nya sa ilalim ng pula nyang satin na bathrobe. Kulay itim na negligee na may ternong itim na thong na halos pinakagitna lang ang may takip. Hulmang-hulma ang mapipintog at malalaki nyang suso na may maliliit na utong sa napakanipis na tela ng suot nya. Mas makapal pa talaga ang pantyhose na ginagamit ni Miss Nori. Nag-abala pang magdamit, sana hindi na lang!So siguro ita-try nya ngayon na akitin ang kanyang asawa, hinanap nya ang lakas ng loob nya sa alak kaya nakipag-inuman sya sa akin. Dinamay pa nya ako talaga. Napaismid ako. Sumulyap akong muli sa balcony pero wala si Knives doon.“Kat, ihatid mo naman ako sa room, please. Nahihilo na kasi ako talaga, baka hindi ako umabot sa stairs,” pakiusap nya habang ginagagap ng isang kamay ang kabilang dulo ng bathrobe para sumara itong muli. Tumayo ako sa kinauupuan ko at maingat ko syang inalalayan sa paglalakad. Mula sa pool area hanggang sa makaakyat kami ng hagdan ay magkaakbay kaming dalawa at pinagtatawanan ang
Tawa ako nang tawa sa mga nakakatuwang moments nila bilang mag-asawa. Na-i-imagine kong para silang mag-asawa sa isang TV sitcom. Um-akting akong ganyak na ganyak sa kanyang pagkukuwento pero ang totoo ay gustung-gusto ko nang tumulo ng mga luha ko sa bigat ng nararamdaman ko sa aking dibdib. Ang sakit-sakit! Iniisip ko nga kanina pa kung ano ang pwedeng kong i-alibi para makapag-walkout at maputol ang pagkukuwento nya ng mga istorya tungkol sa kanilang dalawa na kahindik-hindik sa akin. Hindi ako pwedeng magdahilan na pupunta na sa kwarto ko dahil masyado pang maaga at paniguradong hahanapin ako ni Knives, magagalit na naman ‘yun kapag nagkulong ako sa kwarto. Malaking kabastusan naman kung iiwan ko sya rito at lilipat na lang sa ibang puwesto dahil wala naman ibang available na makakakwentuhan ngayon dito sa mansyon kundi ako lang at ayoko rin namang magpaka-obvious na naaapektuhan kahit kahit tila ba may paulit-ulit na tumutusok sa puso ko kahit panay ang hagikhik ko. “Hindi sigu