Share

PART 15 - DARNA MODE

[Kat’s POV]

“Kaya pa, beks?” nilingon ako ni Orlie habang nag-aabang kami ng masasakyan ko sa gilid ng kalsada malapit sa kanto namin.

“Ako pa ba?! Oo naman!” pinilit kong ngumiti kahit medyo naliliyo pa ako sa puyat.

Buti na lang salisi kami ng pasok ni Orlie. Pag-uwi nya ng bahay ay ‘yun naman ang alis ko kaya nahahatid pa ‘ko ni bakla sa sakayan. Natatakot kasi akong maglakad palabas nang mag-isa nang madilim pa.

Tatlong oras lang palagi ang itinutulog ko sa gabi simula no’ng nalipat ako sa Cainta. Iniisip ko nang sabihin kay Mama na lilipat na ako sa mansyon, malapit na akong bumigay sa ilang araw na pagba-back and forth ko mula Valenzuela hanggang Cainta at pabalik. Hindi ako masanay sa malayong byahe, lagi akong nahihilo. Alas-tres palang gumagayak na ‘ko tapos nakakauwi ako sa bahay gabing-gabi na. Whole day ang klase ko sa Cainta, hindi gaya sa Valenzuela. Bakit kaya gano’n sa probinsya, magkaiba ang pasok. Pareho lang naman ang mga subjects, wala namang nadagdag.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status