“Shobe! I’m so excited to have you sa mansyon!” bulalas ni Ate Olivia nang makarating kami sa restaurant kung saan daw kami magle-late lunch, kinurot nya ako sa pisngi. “Excited din po ako, Ate, hehehe” ngiti ko sa kanya habang pa-simple kong pinahid ng kamay ang kinurot nya. Napakahilig nya talaga sa gan’on. Malamang sa mag-laylay ang pisngi ko nito kung sa tuwing makikita nya ako ay mangungurot sya kapag nasa mansyon na ako. “I’m so happy sa wakas kumpleto na tayo sa bahay! Si Ahya Knives mo sa bahay na rin nakatira eh, nakumbinsi ko rin ang matigas ang ulong kapatid ko na ‘yon. Actually nasa practice sya kanina kaso, ayun, no’ng natagalan mag-start, he just vanished. Nagmamadali, mayroon raw syang naiwan somewhere kung saan man sya nagpunta kagabi,” napabuntung-hininga pa sya, ‘yung kabila ko namang pisngi ang kinurot nya. Kinabahan ako. Malamang galit na naman sya sa ‘kin kasi late na naman ako! Kung bawiin ko na lang kaya kay Mama ang paglipat ko? Ayoko syang makadaupang-palad
[Knives’ POV]Lumung-lumo talaga ako ngayon. Hindi pa ako naniwala nu’ng tumawag sa akin ang receptionist. Sinubukan naman daw nilang pigilan, paliwanag sa akin ng hotel manager. Maski ang nurse ni Dra. Go na iniwan ko para bantayan sya. “Nagmamadali sir eh, sorry po. May lakad daw po kasi sya. Sabi nya ite-text na lang daw po kayo,” naalala kong sabi ng nurse na nangangatal sa takot sa itsura ng mukha ko nang pumasok ako sa room na sya na lang ang nadatnan kong tao.Paano akong mate-text samantalang ni hindi ko nga alam kung may cellphone nga ba ‘yon, wala naman akong nakitang kahit anong dala nya. Napakatanga talaga! Kahit sana ‘yung number ng kaibigan nya hindi ko rin nakuha. Napupuno nya ang utak ko kasi, nawala na sa isip ko ang mga bagay na napaka-importante gaya ng tunay nyang pangalan at ang numero ng cellphone nya. Pabagsak akong naupo sa kama ng hotel room kung saan ko huling nakita ang maamo nyang mukha. “I told you not to leave. Why the hell, K??!” kinausap ko ang una
[Kataleia's POV] Saktong alas-kwatro ng umaga dumating ang puting SUV nina Tito Miguel para sunduin ako, at syempre gaya ng inaasahan ko na, kasama rin si Mama. “‘Ma!” hinalikan ko sya sa pisngi pagbaba nya ng SUV sa tapat ng bahay namin. “Sure ka bang kaya mo na’ng pumasok?” tinitigan nya ako mula ulo hanggang paa. “Pumayat ka nga, anak,” alalang sabi nya. “Hindi po, medyo masikip lang ang uniform ko,” pagkakaila ko naman para mabawasan ang pagwo-worry nya. “Nasa’n ang mga gamit mo? Para maikarga na sa sasakyan,” ani Mama habang sumisilip sa loob ng bahay mula sa kinatatayuan sa labas ng terrace. Sumunod sa kanya ang driver para magbuhat ng ilang kahon ko ring mga gamit. “Mother!” nakangiting bati ni Orlie kay Mama, nagbeso sila kahit pairap-irap si Mama sa kanya. Kagagaling lang nya sa trabaho. “Iningatan mo ba ‘tong anak ko?!” tiningnan sya ni Mama ng patagilid. May pagkamasungit si Mama kay Orlie pero okay lang ‘yon kay bakla, sanay na sya na gano’n palagi si Ma
Kinabahan ako sa sinabi nya. Mukhang makakasabay ko pa yatang kumain si Kuya Knives. Balak ko ngang iwasan sya eh kasi baka makarinig ako nang hindi maganda sa pagka-late ko sa unang practice ng entourage nu’ng isang araw. “Okay na po ‘to Atsi, pagkain naman ‘to,” pumulot ako ng bacon na medyo mainit-init pa. “N-nasa’n po si Ahya?” Tinanong ko na rin kahit ayoko talaga syang makasumpungan. “He’s gone, may pinuntahan. I’m pretty sure madaling araw na naman ang uwi no’n. Minsan lasing, minsan hindi. Nagsawa na lang ako sa kahihintay sa kanya,” kinibit nya ang balikat nya. Nakahinga ako nang maluwag. Buti naman kung gano’n. Ang chika sa akin ni Mama kanina hapon o maggagabi raw ‘yon nagigising tapos aalis na rin pagkatapos kumain at madaling araw umuuwi. Lagi raw gano’n simula nang umuwi ng mansyon. Inuuwian na lang nang maaga ni Ate Olivia para handaan ng almusal nya. Maski si Tito Miguel bihira lang rin si Kuya Knives makita. Hinahayaan lang nila kasi kapag tinatanong, nagag
“Beks! Ang ganda ng kwarto ko, taena!” bungad ko agad kay bakla nang sagutin nya ang tawag ko. Nahubad ko lang ang suot kong uniform pero hindi pa ako nakapagbihis, iniisip ko pa kung saan nga ba sa mga kahon ko nailagay ang mga pambahay kong damit. “Ows? Patingin nga ako!” In-open ko ang video at inikot-ikot ko sa buong kwarto. “Oh ‘di ba, beks, may bathtub ako! Hahaha!” “Hindi ka marunong maligo d’yan, baka malunod ka!” inalipusta na naman ako ni Orlie. “Tse! Naiinggit ka lang eh!” irap ko naman sa kanya. Pabulagsak akong nahiga sa malambot kong kama na may green na bedding. Nakita kong gumagayak na si Orlie para pumasok sa trabaho. “Naku ‘pag pumunta ako d’yan paligo d’yan sa bathtub mo ha, kung pwede nga lang sana ang mahal ko d’yan eh para ma-try naman namin na mag-jerjer sa bathtub!” sabay tawa nya. “Yuck! Nakakadiri ka! Hindi kayo nag-jerjer to sawa do’n sa hotel nu’ng nando’n tayo eh may bathtub naman do’n!” nagpatirik-tirik ako ng mata sa na-imagine ko sa kanilang dala
"I'm already full, Shobe. Marami akong nakain kanina," ngiti nya habang ine-enjoy ang salad nya. Kunsabagay, maski rin naman ako busog pa talaga. Sayang naman kasi ‘yung pagkain kanina, baka maitapon lang. Pinipilit ko na lang ubusin ‘tong binigay sa akin ni Mama. Napakarami nila kung magluto pero napakahihina lang magsikain. Nang matapos ang hapunan ay nakiligpit ako ng pinagkainan namin sa dalawang kasambahay na sa tantiya ko ay halos kasing-edad ko rin lang, para na rin sana makilala ko ang iba pang mga nakatira dito sa mansyon pero sinaway ako ni Atsi. “Let them, Shobe. Sumunod ka sa kwarto ay may ibibigay ako sa ‘yo.” “Y-yes po, Atsi,” nginitian ko ang dalawang kasambahay saka sinundan si Atsi sa paglakad nya papuntang hagdan. Nilingon ko pa ang dalawang na tila iwas ang tingin sa akin. +++++ Maganda at malaki rin ang kwarto nina Atsi Olivia, tsaka mabango. Imbis na isang malaking kama ang higaan nila ay dalawang double size na bed ang naririto na nakalagay sa magkabi
[Knives' POV] I’m parking my car into the garage nang mapansin kong bukas ang bintana ng isang kwarto. Narinig kong may music na nanggagaling doon. Napailing ako. Nabalitaan ko na kay Atsi kanina na lumipat na sa mansyon ang anak ni Tita Marisa, I figure sya iyong tao na ‘yon na nagpapatugtog ng techno music ng dis-oras ng gabi. I’m completely drunk tonight. Buti nakauwi pa ‘ko. 40 minutes ko lang tinakbo ang mula Valenzuela hanggang dito sa mansyon. Iba talaga ang energy na nakukuha mo sa alak. Pinagbuksan ako ng pinto ng isa sa mga maids na medyo may edad na, I cockily smile at her. Ilang na ilang sa akin ang mga katulong dito sa mansyon ni Dad. Hindi naman ako kumakain ng tao. “Get me a glass and the whiskey I bought the other day,” utos ko sa kanya. “Lasing po kayo, ser?” usisa nya sa akin. “Just get me the whiskey, please,” pakli ko. Siguro concerned sya sa akin, however, I don’t feel the need to answer her question. She’s just a maid. I headed to the backyard and sat
[Kataleia's POV] “Haaay!” bumuntong-hininga ako nang malakas. Antok na antok ako. Sana mamayang gabi makatulog na 'ko nang maayos. Nagpalinga-linga ako sa paligid ko, ako lang mag-isa sa malawak na faculty room. Kumakain pa ang iba sa labas. Kinalag ko ang dalawang butones sa gray kong blouse at isinandal ang likod sa aking rotating chair. Lunch break pa naman, pwede pa siguro akong maidlip nang kahit ilang minuto lang. “Hi, Miss Kat! Taking a nap?” Napasinghap ako nang magdilat. Pinunasan ako agad sa gilid ng bibig ko, pakiramdam ko tumulo na ang laway ko sa pagkakaidlip ko. “Hindi, napapikit lang po,” pinilit kong ngumiti kahit inis na inis ako. Inayos-ayos ko ang pagkakapakat ng salamin ko sa mata. Napaka-istorbo rin naman talaga nito ni Sir Seiji. Laging syang ganyan, bigla na lang lumilitaw sa harap ng table ko kapag napapaidlip na ako. Laging nakangiti si Sir Seiji at teacher na teacher ang datingan. Sya ang unang um-approach at nag-tour sa akin dito sa school no’
“Oh, ano naman ang problema mo do’n, Kataleia?! Ganu’n din naman ‘yun eh, bakit patatagalin pa? May naipon naman siguro ‘tong si Seiji, kaya kang pakasalan kahit saang simbahan mo pa gusto,” komento ni Mama. “Ah hindi ‘Ma, sa huwes na lang muna kami. Tapos after two to three years sa simbahan na.” “Smart choice, Mr. Mendoza,” sabat ni Atsi Olivia na kadarating lang. “Good afternoon, Dad.” Hinalikan nya si Tito Miguel sa noo pati na rin kami ni Mama saka naupo sa harapan ko sa lamesa. Nakasunod sa kanya ang asawa nyang nakasuot pa ng shades na parang walang nangyari kagabi na lalong ikinagiba ng mukha ko na hindi ko na lang pinahalata. “Sukob ang kasal n’yo kung ngayong taon din na ‘to kayo ikakasal sa simbahan. Malas ’yun,” dagdag pa nya.“Pwede rin namang sa simbahan na. Hindi naman kailangan pang sumunod sa tradisyon na ‘yan. Malas ang taong naniniwala sa malas,” ani Tito Miguel.“Eh, Seiji,” nguso ko. Hindi ko naiwasang hindi magprotesta. “Hindi naman ganu’n ang sinabi ko eh.”“S
Tumayo sya sa kama at hinawakan ako sa magkabilang bewang. “Para kang Diyosa,” anas pa nya. Napahagikhik na lang ako bigla. “Oh, bakit ka natawa?” ngiti nya. Tila napakalambing naman ngayon ng tinig nya sa aking pandinig. “Kasi ‘kala ko sasabihin mo, ‘para kang multo.’” Hindi sya tumawa o ngumiti man lang. Ito ang pinakaunang pagkakataon na hindi nya sinakyan ang biro ko mula ng magkakilala kami. Naaninag ko ang kaseryosohan ng kanyang mukhang nakatitig sa akin. Binuhat nya ako papunta sa kama at marahang inihiga ako roon. Hindi nya inaalis ang tingin nya sa akin habang hinuhubad nya ang kanyang damit. Nakangiti ang kanyang mga matang kinulumpon ang mahaba at basa ko pang buhok pataas saka marahang dumapa sa ibabaw ko. At doon na nagkatotoo ang matagal na nyang hiling. Sinamba nya nang paulit-ulit ang buong katawan ko hanggang sa pumutok ang bukang-liwayway. +++++ Pinagmamasdan ko sya habang nakadapang natutulog sa tabi ko. Napakaganda ng mga tattoo nya sa likod na umaabot
“Damn, you’re so hot. Hindi ko sila masisisi kung bakit sila nababaliw sa ‘yo,” nakaririmarim ang init ng hininga nya sa tenga ko. Nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang hawakan nya ako sa aking tadyang. Inilalapit nya nang husto ang mukha nya sa mukha ko kaya tinulak ko sya nang ubod ng lakas at nagmadaling dumiretso sa bahagyang nakabukas na pinto. “Shobe? Lalabas ka na?” mahinang usal ni Atsi na nakapikit ang mga mata habang inaayos ang kanyang kumot. Napalingon ako kay Kuya Mike na hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan nya at pangisi-ngising nakatingin din sa akin. “Opo, Atsi. Nandito na si Kuya Mike, may kasama ka na,” matalim na tingin ko kay Kuya Mike. “Goodnight, Siobe. Thanks for taking care of Olivia,” ngiti nya na tila nang-aasar pa akma syang lalapit na naman kaya nagkumahog na akong lumabas ng pintuan. Mangiyak-ngiyak akong tinakbo ang papunta sa kwarto ni Orlie. Siguro naman nakauwi na ‘yun galing sa bar. Ano bang gagawin nya do’n nang mag-isa? Hind
Napakurap-kurap ako nang nakarinig ako ng mahinang lagitik. Maya-maya ay malinaw na nagsalita ang prompt ng network nya.‘The number you have dialed is not accepting calls at this time.’Laglag ang mga balikat na tin-ap kong muli ang re-dial. Baka naman napatay lang nya ang tawag o kung ano, isip-isip ko. Baka tulad ko, hindi rin nya alam kung ano ang sasabihin nya. Pero hindi naman ako ang alam nyang tumatawag, kundi si Atsi, dahil cellphone nya ito. Binigyan ko ang sarili ko ng pag-asa. Kaso sa kasamaang-palad, hindi na ito muling nag-ring pa. Isang mahaba at matining na tunog na lang aking narinig hudyat na hindi na maaari pang tawagan ang cellphone nya. Inis na inis ako. Kung cellphone ko lang ito naibalibag ko na sa bwisit ko. Hanggang ngayon sarili pa rin lang nya iniisip nya. Ultimo ang nakatatanda nyang kapatid, tinanggal na nya sa utak nya.‘Naka-move on na sya, Kat. Ganu’n talaga ‘yon, lalake eh. Para ka namang bago nang bago. Kapag umayaw ang lalake, ayaw na talaga. Kahit
“Uhm, antayin mo na lang ako sa kwarto, love. Susunod ako sa ‘yo, hihintayin ko lang si Kuya Mike na dumating para meron syang kasama rito. For sure, naglalakad-lakad lang ‘yun sa labas,” binigay ko sa kanya ang susi ng kwarto ko. “Gusto n’yo hanapin ko na lang sya?” naiilang na sinulyapan nya si Atsi. “Hindi mo makikita ang ayaw magpakita,” mahinang tugon ni Atsi habang nakatungo sa sahig. Nangingiwing iginiya ko na sya sa pintuan hanggang sa makalabas na sya na natitilihan pa, “susunod naman ako maya-maya lang. Masama ang pakiramdam kasi,” pagdadahilan ko sa kasungitan ni buntis. Pagkasarado ko ng pinto ni Atsi saka sya pumalahaw ng iyak, nataranta ako sa lakas ng atungal nya na parang napakasakit ng kalooban nya. “Atsi, h’wag kang umiyak. Makakasama ‘yan sa baby mo,” alalang-alalang niyakap ko sya. “Muntik na ‘kong dalhin ni Dad sa doktor kanina. What will I tell if he finds out?! This is out of wedlock, Kat,” hagulgol nya sa balikat ko. “I wanted to tell Knives about this.
“Seiji, anak, sige na, sa kanya ka na matutulog, ha. Baka mamaya biglang makaisip na maglakad-lakad ‘yan ng madaling-araw para sundan ‘yung bakla nyang kaibigan, at least and’yan ka para masamahan mo,” tamang parinig sa akin ni Mama pagbaling nya kay Seiji na napapakamot naman ng ulo. “Si-sige po, ‘Ma, kung gusto nya po, bakit naman hindi?” sabay tawa pa nya. “Swerte mo kasi maginoo ang mapapangasawa mo, Kataleia, kaya nga pinagtitiwalaan ko nang husto eh. Sige na magpahinga na kayo, magkita tayo bukas,” Nabaling ang atensyon namin nang dumuwal si Atsi nang malakas, nakasandal sa dingding na sapo-sapo ng isang kamay ang kanyang bibig at ang isa naman ay ang kanyang tiyan. Agad kaming lumapit ni Seiji para alalayan sya. “Nasa’n ba ang asawa mo, Olivia? Parang hindi ko nakita maghapon,” ani Tito Miguel na may iritasyon sa kanyang tinig. “Baka iba na ‘yan kung kanina ka pa nagsusuka. You need to be checked. My love, pumunta ka sa reception baka may doktor sila rito na pwedeng mag-
Pangisi-ngisi ako sa mga kaharap ko sa lamesa pero ang totoo ay kinakabahan ako. Ang isang tenga ko ay kay Atsi nakatuon na hawak-hawak pa rin ang cellphone nya at sinusubukang tawagan si Knives. Pero hanggang sa malinis ng waiter ang lamesa namin at nagsimula ang malakas na tugtog na pansayaw ng banda ay hindi talaga nya ito nakausap. “Anyare, Atsi? Wala pa rin?” ani Orlie na paindak-indak sa saliw ng tugtog ng banda. “He’s not answering.,” ibinaba nya na ang cellphone nya sa lamesa. “We haven’t talked since he left… Sa ‘yo ba, Shobe, tumawag na si Shoti?” “Hindi rin po,” kinibit ko ang balikat ko. Kahit medyo nakahinga ako nang maluwag-luwag, sa likod ng utak ko ay nagdadamdam ako. Tanggap kong galit sya sa akin at hindi na nya ako patawarin, pero ang hindi nya kausapin si Atsi na wala namang ginagawang masama sa kanya lalo na sa kalagayan nito ngayon ay sobra-sobrang pagpapakita ng katigasan ng loob nya. “Galit pa rin sa ‘kin ang kapatid ko,” nahimigan ko ang lungkot sa bose
Ibinaba ako ni Seiji sa mismong tarangkahan ng first class na bar. “Salamat,” mahinang sabi ko na nahihiya. Paano nakatingin sa amin at nakangiti ‘yung malaking lalake at dalawang babaeng sumalubong sa amin sa pintuan. “Naku, naku! Practice na ba ‘yan?” patutsada ni Orlie na nasa likod namin at kasama si Atsi. “Masama kasi ang pakiramdam nito,” napapakamot sa ulong ngiti ni Seiji. “Ako nga masama rin ang pakiramdam, nagsusuka pa nga ako kanina eh pero hindi man lang ako alalayan nitong ungas na ‘to,” ismid nya kay Orlie. “Kung nagsabi ka kasi na gusto mo palang magpabuhat edi nakahiram sana ako ng stretcher, pinabuhat na kita,” pairap-irap namang sagot ni bakla. “Naimpatso ka lang sa kakakain mo ng mangga eh, magpapabuhat ka na.” Napahalakhak kami ni Seiji sa bangayan nilang dalawa. Hindi ko rin minsan maintindihan ‘tong dalawa na ‘to. Minsan mag-boss sila mag-usap, minsan parang mag-jowa naman sila kung nag-aaway. Pareho na rin sila ng pagsasalita, napansin ko lang. Dati ang
“Eh, ‘Ma, kasi… Hindi ba parang maaga pa masyado para magpakasal? Naisip ko lang… Magsusukob ang kasal natin kung sakali—” “Hindi ka aalis!” pagalit na bulyaw nya. Hinatak nya ako sa braso at kinaladkad papunta sa elevator. “Hayaan n’yo na lang po muna ako, ‘Ma. Ayoko pa po munang magpakasal,” mariing tutol ko habang winawaksi ko ang kamay nyang kapit na kapit sa braso ko. Laking gulat ko nang pagbitaw nya ng hawak sa akin ay agad nya akong binuweluhan ng malakas na sampal sa kaliwang pisngi ko. Nagigitlang nasapo ko ang pisngi ko, muntik pang mahulog ang suot kong salamin sa lakas ng hagupit nya. Tumulo agad ang luha ko. Nilingon ko ang saglit na nanahimik na paligid. Pakiwari ko lulubog na ako sa hiya nang makitang lahat ng tao sa lobby ay nakatingin sa amin. “Ang kinabukasan mo lang ang iniisip ko, Kataleia! Wala nang nangyayari sa ‘yo sa pagtatrabaho mo. Tumatanda ka na lang pero hanggang ganyan ka pa rin. Maski para sa sarili mo wala kang napupundar. Anong gusto mo, uma