[Kataleia's POV] Saktong alas-kwatro ng umaga dumating ang puting SUV nina Tito Miguel para sunduin ako, at syempre gaya ng inaasahan ko na, kasama rin si Mama. “‘Ma!” hinalikan ko sya sa pisngi pagbaba nya ng SUV sa tapat ng bahay namin. “Sure ka bang kaya mo na’ng pumasok?” tinitigan nya ako mula ulo hanggang paa. “Pumayat ka nga, anak,” alalang sabi nya. “Hindi po, medyo masikip lang ang uniform ko,” pagkakaila ko naman para mabawasan ang pagwo-worry nya. “Nasa’n ang mga gamit mo? Para maikarga na sa sasakyan,” ani Mama habang sumisilip sa loob ng bahay mula sa kinatatayuan sa labas ng terrace. Sumunod sa kanya ang driver para magbuhat ng ilang kahon ko ring mga gamit. “Mother!” nakangiting bati ni Orlie kay Mama, nagbeso sila kahit pairap-irap si Mama sa kanya. Kagagaling lang nya sa trabaho. “Iningatan mo ba ‘tong anak ko?!” tiningnan sya ni Mama ng patagilid. May pagkamasungit si Mama kay Orlie pero okay lang ‘yon kay bakla, sanay na sya na gano’n palagi si Ma
Kinabahan ako sa sinabi nya. Mukhang makakasabay ko pa yatang kumain si Kuya Knives. Balak ko ngang iwasan sya eh kasi baka makarinig ako nang hindi maganda sa pagka-late ko sa unang practice ng entourage nu’ng isang araw. “Okay na po ‘to Atsi, pagkain naman ‘to,” pumulot ako ng bacon na medyo mainit-init pa. “N-nasa’n po si Ahya?” Tinanong ko na rin kahit ayoko talaga syang makasumpungan. “He’s gone, may pinuntahan. I’m pretty sure madaling araw na naman ang uwi no’n. Minsan lasing, minsan hindi. Nagsawa na lang ako sa kahihintay sa kanya,” kinibit nya ang balikat nya. Nakahinga ako nang maluwag. Buti naman kung gano’n. Ang chika sa akin ni Mama kanina hapon o maggagabi raw ‘yon nagigising tapos aalis na rin pagkatapos kumain at madaling araw umuuwi. Lagi raw gano’n simula nang umuwi ng mansyon. Inuuwian na lang nang maaga ni Ate Olivia para handaan ng almusal nya. Maski si Tito Miguel bihira lang rin si Kuya Knives makita. Hinahayaan lang nila kasi kapag tinatanong, nagag
“Beks! Ang ganda ng kwarto ko, taena!” bungad ko agad kay bakla nang sagutin nya ang tawag ko. Nahubad ko lang ang suot kong uniform pero hindi pa ako nakapagbihis, iniisip ko pa kung saan nga ba sa mga kahon ko nailagay ang mga pambahay kong damit. “Ows? Patingin nga ako!” In-open ko ang video at inikot-ikot ko sa buong kwarto. “Oh ‘di ba, beks, may bathtub ako! Hahaha!” “Hindi ka marunong maligo d’yan, baka malunod ka!” inalipusta na naman ako ni Orlie. “Tse! Naiinggit ka lang eh!” irap ko naman sa kanya. Pabulagsak akong nahiga sa malambot kong kama na may green na bedding. Nakita kong gumagayak na si Orlie para pumasok sa trabaho. “Naku ‘pag pumunta ako d’yan paligo d’yan sa bathtub mo ha, kung pwede nga lang sana ang mahal ko d’yan eh para ma-try naman namin na mag-jerjer sa bathtub!” sabay tawa nya. “Yuck! Nakakadiri ka! Hindi kayo nag-jerjer to sawa do’n sa hotel nu’ng nando’n tayo eh may bathtub naman do’n!” nagpatirik-tirik ako ng mata sa na-imagine ko sa kanilang dala
"I'm already full, Shobe. Marami akong nakain kanina," ngiti nya habang ine-enjoy ang salad nya. Kunsabagay, maski rin naman ako busog pa talaga. Sayang naman kasi ‘yung pagkain kanina, baka maitapon lang. Pinipilit ko na lang ubusin ‘tong binigay sa akin ni Mama. Napakarami nila kung magluto pero napakahihina lang magsikain. Nang matapos ang hapunan ay nakiligpit ako ng pinagkainan namin sa dalawang kasambahay na sa tantiya ko ay halos kasing-edad ko rin lang, para na rin sana makilala ko ang iba pang mga nakatira dito sa mansyon pero sinaway ako ni Atsi. “Let them, Shobe. Sumunod ka sa kwarto ay may ibibigay ako sa ‘yo.” “Y-yes po, Atsi,” nginitian ko ang dalawang kasambahay saka sinundan si Atsi sa paglakad nya papuntang hagdan. Nilingon ko pa ang dalawang na tila iwas ang tingin sa akin. +++++ Maganda at malaki rin ang kwarto nina Atsi Olivia, tsaka mabango. Imbis na isang malaking kama ang higaan nila ay dalawang double size na bed ang naririto na nakalagay sa magkabi
[Knives' POV] I’m parking my car into the garage nang mapansin kong bukas ang bintana ng isang kwarto. Narinig kong may music na nanggagaling doon. Napailing ako. Nabalitaan ko na kay Atsi kanina na lumipat na sa mansyon ang anak ni Tita Marisa, I figure sya iyong tao na ‘yon na nagpapatugtog ng techno music ng dis-oras ng gabi. I’m completely drunk tonight. Buti nakauwi pa ‘ko. 40 minutes ko lang tinakbo ang mula Valenzuela hanggang dito sa mansyon. Iba talaga ang energy na nakukuha mo sa alak. Pinagbuksan ako ng pinto ng isa sa mga maids na medyo may edad na, I cockily smile at her. Ilang na ilang sa akin ang mga katulong dito sa mansyon ni Dad. Hindi naman ako kumakain ng tao. “Get me a glass and the whiskey I bought the other day,” utos ko sa kanya. “Lasing po kayo, ser?” usisa nya sa akin. “Just get me the whiskey, please,” pakli ko. Siguro concerned sya sa akin, however, I don’t feel the need to answer her question. She’s just a maid. I headed to the backyard and sat
[Kataleia's POV] “Haaay!” bumuntong-hininga ako nang malakas. Antok na antok ako. Sana mamayang gabi makatulog na 'ko nang maayos. Nagpalinga-linga ako sa paligid ko, ako lang mag-isa sa malawak na faculty room. Kumakain pa ang iba sa labas. Kinalag ko ang dalawang butones sa gray kong blouse at isinandal ang likod sa aking rotating chair. Lunch break pa naman, pwede pa siguro akong maidlip nang kahit ilang minuto lang. “Hi, Miss Kat! Taking a nap?” Napasinghap ako nang magdilat. Pinunasan ako agad sa gilid ng bibig ko, pakiramdam ko tumulo na ang laway ko sa pagkakaidlip ko. “Hindi, napapikit lang po,” pinilit kong ngumiti kahit inis na inis ako. Inayos-ayos ko ang pagkakapakat ng salamin ko sa mata. Napaka-istorbo rin naman talaga nito ni Sir Seiji. Laging syang ganyan, bigla na lang lumilitaw sa harap ng table ko kapag napapaidlip na ako. Laging nakangiti si Sir Seiji at teacher na teacher ang datingan. Sya ang unang um-approach at nag-tour sa akin dito sa school no’
Lumampas ako ng baba ng jeep, paano’y iniisip ko na ang mga lesson para bukas. Mag-o-observe si Sir Seiji, kailangan kong magpakitang gilas. Sabi ng mga co-teachers ko mabait si Sir Seiji pero wala syang kagatol-gatol magsabi ng harsh feedback kapag may nakitang mali sa paraan ng pagtuturo. Do’n ako medyo nate-tensyon kasi baka makarinig ako nang hindi maganda mula sa kanya dahil sa tono nya kanina ay na-offend ko sya kahit wala naman akong ginawa.“Dapat may service ka na. Gamitin mo ang isang kotse ni Dad, ang bigat pa naman ng dala mo. Araw-araw ba lagi kang may bitbit na ganyan kabigat?” “Okay lang po ako mag-commute, Kuya. Hindi naman ako madalas may uwing mabigat. Kapag ano lang, may kailangan pong tapusin.” “Ah I see, bukas dadalhin mo ba ulit ‘yan? Kung gusto mo, ida-drop na lang kita sa school bago ako pumunta ng store bukas.”“Sige po, kung hindi naman nakakaabala,” nangiti ako. Kahit ilang na ilang ako ay pumayag ako. Masakit rin sa balikat ang magbitbit ng forty na malal
“Mga five po or six ng gabi pa ang bangon nya, ma’am,” sagot sa akin ni Yvonne, kasing-edad ko lang sya, pati na rin si Pearl. Tama ang hula ko. Tiningnan nya ang ginawa ko sa mga prutas, ngumiti sya sa akin. “Uhm, maganda po ang ginawa ninyo, pero hindi po kumakain si Sir ng prutas.” “Kakain sya nito kasi maganda ang pagkakagawa ko,” kumbinsi ko sa kanya. “Kapag hindi nya kinain ako na lang po ulit ang uubos.” Masaya ang kwentuhan namin ng tatlong kasambahay ni Tito Miguel. Marami akong nalamang ka-tsismisan. Nakwento rin nila na may pagka-masungit nga raw si Kuya Knives at tahimik. Tanging si Atsi lang daw ang kinakausap. Mayroon silang labandera na tinatawag tuwing araw ng Sabado para maglaba at mamalantsa ng damit, dinadamay ng labandera ang mga damit ni Kuya Knives pero sya ang mismong namamalantsa. Sya rin daw ang naglilinis ng sarili nyang kwarto kasi ayaw raw ng may pumapasok na iba. Tila diskumpyado raw sa lahat ng tao kung makatingin. Wala pa raw sa kanilang nakakitang