“Mga five po or six ng gabi pa ang bangon nya, ma’am,” sagot sa akin ni Yvonne, kasing-edad ko lang sya, pati na rin si Pearl. Tama ang hula ko. Tiningnan nya ang ginawa ko sa mga prutas, ngumiti sya sa akin. “Uhm, maganda po ang ginawa ninyo, pero hindi po kumakain si Sir ng prutas.” “Kakain sya nito kasi maganda ang pagkakagawa ko,” kumbinsi ko sa kanya. “Kapag hindi nya kinain ako na lang po ulit ang uubos.” Masaya ang kwentuhan namin ng tatlong kasambahay ni Tito Miguel. Marami akong nalamang ka-tsismisan. Nakwento rin nila na may pagka-masungit nga raw si Kuya Knives at tahimik. Tanging si Atsi lang daw ang kinakausap. Mayroon silang labandera na tinatawag tuwing araw ng Sabado para maglaba at mamalantsa ng damit, dinadamay ng labandera ang mga damit ni Kuya Knives pero sya ang mismong namamalantsa. Sya rin daw ang naglilinis ng sarili nyang kwarto kasi ayaw raw ng may pumapasok na iba. Tila diskumpyado raw sa lahat ng tao kung makatingin. Wala pa raw sa kanilang nakakitang
Palabas na ako ng kwarto nang makita ko si Kuya Mike na nakatayo sa may hagdan. Ihahatid nga pala nya ako sa school ngayon. “Are you ready? Let’s go,” ngiti nya sa akin. Kinuha nya ang dala kong ecobag na may mga notebooks na bitbit ko rin kahapon at sinundan sya sa pagbaba ng hagdan hanggang sa SUV nya. Nang makarating kami sa parking lot ng eskwelahan ay sinamahan pa nya ako hanggang sa faculty room, bitbit-bitbit ang ecobag. “Salamat, Kuya, baka ma-late ka na.” “Okay lang, hawak ko ang oras ko,” ngumiti sya sa akin. Bahagyang pinagpawisan si Kuya Mike sa layo ng nilakad nya bitbit ang mabigat na dalahin. “Kunin mo ang number ko para masusundo kita in case may dala ka ulit na mabigat.” Tinanaw ko sya habang naglalakad sya pabalik sa parking lot kung saan nya ipinarada ang dark gray nyang SUV. Nangiti ako. Masarap din pala na mayroong kuya na nag-aalala. Isip-isip ko. +++++ Dalawang araw ngang naki-sit in sa mga klase ko si Sir Seiji. Napakasipag nyang Master Teacher
“Ano ba ‘tong folder mo, sir?! Pinagti-trip-an mo ba ‘ko??!” nababanas na tanong ko kay Sir Seiji. Tinawagan ko sya agad sa cellphone pagkauwing-pagkauwi ko. Kokomprontahin ko na sana sya sa school kanina bago ako umuwi kaso bigla naman syang nawala. Hawak ko ang folder nya na may drawing ng mukha ko. Wala naman akong itulak-kabigin sa galing nya sa pagguhit gamit ang lapis, kuhang-kuha nya ang lahat ng detalye ng kagandahan ko. Talentado rin pala ang ugok. Nakumbinsi nya ako. “Gumawa naman talaga ako ng evaluation mo, hindi ka ba naniniwala sa sinabi ni Rector kanina?! Gusto mo ipakita ko pa sa ‘yo ang sheet mo?!? Tsaka sa ‘kin ‘yang drawing na ‘yan eh, binigay pala sa ‘yo ni Rector. Isoli mo 'yan sa ‘kin sa Linggo!” parang naiinis pa sya sa tono ng pagsasalita nya. “Ayoko nga! Mabuti sana kung mukha mo ‘to, eh mukha ko ‘to eh!” pakli ko naman. Kung naiinis sya, mas naiinis ako. Narinig ko ang lutong ng tawa nya. “Magaling akong mag-drawing no? Kuhang-kuha ko, ‘di ba? Ibalik
Nahiga ako sa kama ko habang tinititigan ang drawing ni Sir Seiji. Naisip ko, wala namang masama kung makipag-date ako sa kanya. Mayroon nga kaming co-teachers na mag-asawa. So, hindi naman talaga iyon problema. Mabait naman si Sir Seiji. Single, may sense of humor, matalino at higit sa lahat, may itsura. Pero parang ang unfair naman kung makikipag-date ako sya dahil lang frustrated ako sa isa pang singkit na napadaan lang sa buhay ko. Hanggang ngayon hindi pa naaalis sa isip ko si Chinito. Nai -imagine ko pa rin ang sarap ng titig at mga halik nya. Pati na ang nakakatunaw nyang mga ngiti. Dalawang beses lang kaming nagkita pero pakiramdam ko matagal ko na syang kakilala. Ibang-iba ang kuneksyon namin sa isa't isa. Nakaramdam ako bigla ng lungkot, nami-miss ko na sya. Noong huling magkasama kami ay may naramdaman akong hindi ko pa na-experience sa ibang nakasama ko na. Hindi ko lang alam kung ano iyon pero pakiwari ko ay may nabago sa akin mula noong nakilala ko sya. Nababal
[Seiji’s POV] My throat grunts habang binababa ko ang dalawang tig-twenty kilos na dumbbell sa isang gilid ng aking kwarto. Nararamdaman ko ang tension sa biceps at triceps ko sa pagha-hammer curl ng may twenty reps. It feels nice na pagpawisan sa exercise at the same time ay nabi-build ang aking forearms at grip strength ng mga braso ko. I chug on the green juice that I prepared bago ako mag-workout. It is composed of kale, celery, cucumber, and ah, whatever the name those green leaves na nasa vegetable rack sa kusina. Mapakla sa dila pero nakasanayan ko na ang lasa. Pinagmamasdan ko ang life-size painting na tatlong araw kong pinagpuyatan. I am deeply satisfied with my work. Kamukhang-kamukha talaga ni Miss Kat, natutuwa ako. Lahat ng features nya ay naipinta ko sa tulong lang ng pagkakatanda ko sa detalye ng mukha nya. Ang noo, ilong, tenga, ang mapupungay nyang mga mata at ang magandang kurba ng bibig nya ay kuhang-kuha ko, pati na rin ang mga tutsang ng buhok na lumulugay sa
[Knives' POV] “Where is it?” “S-ser?” tanong sa akin ng babaeng may maiksing buhok na naghandog sa akin ng kape ko pagkaupo ko rito sa comedor. Dilat na dilat ang mata nyang nakatingin sa akin. “Where are my fruits? ‘Yung sliced?” “Eh s-ser, hi-hindi pa po kasi nakakauwi si Ma’am Kataleia kaya a-ano po, wala pa po.” Nagsalubong ang kilay ko pagtingala ko sa kanya. “Huh?” “Wa-wala pa po si a-ano, Ma’am Katale, uhm, Ma’am Kataleia po,” mahina ang nagkakandautal na pagsasalita nya nang inulit nya ang sagot nya sa akin. “Bakit? Dala ba nya ang mga prutas? O bibili palang sya?” napapaawang ang bibig ko. Hindi ko makuha ang ibig nyang sabihin. “Hi-hindi po, ser. N-nasa ref po. Sya kasi ang nag-aayos no’n, ser—” I glare at her stupid face, “So, you mean, hihintayin ko si Kataleia dumating bago nyo ako bigyan ng prutas?!” Naghintay ako ng rebutt nya pero hindi na sya nakasagot. Lalo lang syang napatanga sa akin. Tinatawag sya ng isa pang maid na may edad na sa kusi
[Kataleia's POV] Nakaupo na ako dito sa loob ng school chapel namin, katabi ko ang tatlo kong co-teachers: si Mrs. Ressie na assistant ni Rector, si Miss Isabel na kapareho kong bago lang sa school, at si Miss Nori, ang maliit at cute na Math teacher na pinaka-close ko sa lahat. Magkakahilera kami sa mahabang upuan at nagtsi-tsismisan habang hinihintay mag-umpisa ang Thursday novena. “Para kayong mga bubuyog,” puna sa amin ni Sir Seiji nang siksikin nya ako para umusog ako sa upuan. Sabay-sabay kaming apat na nagtikom ng aming bibig at nag-ayos ng upo. Tumikwas nang bahagya ang isang gilid ng nguso ko nang palihim akong kindatan ni Miss Nori, lagi nya akong tinutukso kay Sir Seiji. Bagay na bagay raw kasi kami. Nang nag-uumpisa nang umusal ng paunang panalangin ay tumayo ako para dukutin ang rosary sa malalim kong bulsa para hindi ko masiko si Sir Seiji. Hinatak nya ako paupo. “H’wag kang tumayo, nag-s-start na eh,” nguso nya sa madre na nakaupo sa harapan namin. “‘Yung
Natawa ako sa kanya, “bakit naman nganga? Hahaha! Hindi ako nganganga, not ever! Pakialam ko ba sa kanilang dalawa.” umikot ang mata ko. "Lagi mo akong tinutukso do'n, baka mamaya may gusto ka pala," ibinalik ko sa kanya ang panunudyo. Hindi alam ni Miss Nori ang tungkol sa drawing at sa pahaging ni Sir Seiji noong nakaraang linggo, iyon kasi ang napagkasunduan naming dalawa nang bastedin ko sya. “Ikakasal na ‘ko, no! Baliw ka! Ikaw ang single pa… and ready to mingle!” hinaharot ako ni Miss Nori, tinanggal nya ang salamin ko at sinubukang suotin. Napakusot ako sa mata ko nang biglang lumabo ang paningin ko. Sinigurado ko ang paghakbang ko pababa ng sementadong hagdan ng chapel. “Oy, dalawa na agad ang kasalanan mo, huh!” “Ay potang kalabaw!” gitlang-gitlang anas ko nang may malapit na malapit na nagsalita sa likod namin. Natalisod naman bigla si Miss Nori sa gulat nya, muntik nya na akong maisama sa pagkakaluhod nya. “Oh, tatlo na! Hahaha!” nawala ang mata nya nang humalakhak sya
“Don’t you fucking dare,” nagngingitngit na bulong ko sa nakakaloko nyang ngisi. “Manyakis kang hayop ka.”“Woah! Matinding akusasyon ‘yan, Knives,” he laughs sarcastically. “Nagpapamasahe lang ako, manyakis na ba ‘yun agad?!”“Please, whatever you’re up to, galangin mo si Atsi at si Shobe sa loob ng bahay nila,” I mutter through my gritted teeth.“Talking about respect, Knives? I can’t believe I’d hear that from you. Alam mo, I know what you two are doing. Kung manhid ang kapatid mo, ibahin mo ako. Malakas ang pakiramdam ko sa mga ganyan, kaya wala kang matatago sa ‘kin. Catching her sneaking out of your room one too many times at the crack of dawn, I couldn’t help but wonder what exactly she was doing with you all night—bukod sa, you know, magpatirintas ng mahaba nyang buhok sa ‘yo.”I got so fucking furious. Agad na kumawala ang lumulukob na galit sa dibdib ko at umigkas nang malakas ang kamao ko sa panga nya. Napaupo sya sa sofa syang nakahawak sa baba nya sa gulat nya. “Hindi ko
[Knives’ POV] I can’t believe everything that’s happened today. The first one was how ridiculous Divine was nang umatungal sya sa akin dahil lang sa ayokong makipag-sex. Lumabas sya at inistorbo ang ibon ko sa paggawa nya ng homeworks para makipag-inuman. Nagpaalalay pa sya kay Kataleia hanggang sa kwarto pagkatapos nyang magkukuwento ng kung anu-ano. Nahulaan ko na agad ‘yun kahit hindi ko naririnig ang usapan nila, halata ko sa mukha ni Kataleia mula sa balcony kung saan ko sila pinanonood ang awkwardness na nararamdaman nya kahit na tumatawa sya. Para saan? Para kiligin si Kataleia sa pagiging ‘perfect couple’ namin? O para kaawaan sya ni Kataleia kasi wala akong kwentang asawa? Kung ang purpose nya ay para maghanap ng karamay sa disappointments nya sa buhay ay hindi lang nya alam baka sumaya pa ‘kamo ang ibon ko sa mga pinagsasabi nya dahil napatunayan ko sa kanyang totoo lahat ng mga sinasabi ko. The second was Atsi. May pagkakataon naman talagang nakikita ko syang tumat
“Ubusin mo muna ‘yan. Mamaya mo na sya ipagtimpla kapag aakyat ka na… O baka naman naiilang ka nga sa ‘kin eh kuya mo rin naman ako, ‘di ba?” tinaasan nya ako ng kilay sabay kumportableng sumandal sa sofa na nakaunat pa ang mga braso sa sandalan. Nagsisi ako bigla na naupo sa pinakagilid ng sofa, wala na tuloy akong maurungan. “Hindi po ako naiilang. Sus! Bakit naman ako maiilang?” sagot ko rin sa kanya, tinaasan ko rin sya ng kilay sabay hampas ko sa braso nya para ipakita na hindi totoo ang sinasabi nya. Ano nga ba ang dahilan ko bakit kailangan kong mailang? Hindi naman ako nakakanti ng mga malalagkit nyang tingin. Noon naman nakikipaglabanan talaga ako ng tingin sa mga lalakeng gano’n kung makatitig, kaso hindi sya iba sa akin; asawa sya ni Atsi at malaki ang paggalang ko sa kanya. Bukod sa layo ng agwat ng edad namin ay parang bata pa talaga ako kung ituring nya minsan; gaya ng turing sa akin ni Atsi at ni Knives na rin kapag nakaharap kami sa ibang tao. Hindi ko sya dapat pinag
Nasinghot ko agad ang nakakahilong tapang ng pabango nya sa kanyang damit na kaamoy ng loob ng kotse nya sa pagkakadikit ng mukha ko sa kanyang dibdib.“Watch where you’re going, little miss,” bulong ni Kuya Mike pagtingala ko, titig na titig sya sa akin na nakahawak sa mga balikat ko. Napatda ako nang ilang segundo sa gulat ko na kasunuran ko pala sya sa paglalakad. Hindi ko man lang napansin dahil lumilipad ang isip ko. Inalihan ako ng pagkailang lalo na nang dumausdos ang mga kamay nya mula sa balikat ko hanggang sa aking siko kaya napaatras ako, saka nya lang ako binitawan. “Naiilang ka ba sa ‘kin?” nakangiting tanong nya. “Hi-hindi po, kuya, sorry po. Nagulat lang ako,” napapangiting aso na sagot ko pagtungo ko saka inaayos-ayos ang salamin ko sa mata.Lalo akong naasiwa nang tumawa sya nang malakas. Sinulyapan ko ang likuran nya kasi baka nakasilip si Knives sa pintuan at makita kami, nakahinga ako nang maluwag nang nakapinid pa rin ang pinto ng kwarto nya.“Sa’n ka ba dapat
Napaka-sexy nang suot nya sa ilalim ng pula nyang satin na bathrobe. Kulay itim na negligee na may ternong itim na thong na halos pinakagitna lang ang may takip. Hulmang-hulma ang mapipintog at malalaki nyang suso na may maliliit na utong sa napakanipis na tela ng suot nya. Mas makapal pa talaga ang pantyhose na ginagamit ni Miss Nori. Nag-abala pang magdamit, sana hindi na lang!So siguro ita-try nya ngayon na akitin ang kanyang asawa, hinanap nya ang lakas ng loob nya sa alak kaya nakipag-inuman sya sa akin. Dinamay pa nya ako talaga. Napaismid ako. Sumulyap akong muli sa balcony pero wala si Knives doon.“Kat, ihatid mo naman ako sa room, please. Nahihilo na kasi ako talaga, baka hindi ako umabot sa stairs,” pakiusap nya habang ginagagap ng isang kamay ang kabilang dulo ng bathrobe para sumara itong muli. Tumayo ako sa kinauupuan ko at maingat ko syang inalalayan sa paglalakad. Mula sa pool area hanggang sa makaakyat kami ng hagdan ay magkaakbay kaming dalawa at pinagtatawanan ang
Tawa ako nang tawa sa mga nakakatuwang moments nila bilang mag-asawa. Na-i-imagine kong para silang mag-asawa sa isang TV sitcom. Um-akting akong ganyak na ganyak sa kanyang pagkukuwento pero ang totoo ay gustung-gusto ko nang tumulo ng mga luha ko sa bigat ng nararamdaman ko sa aking dibdib. Ang sakit-sakit! Iniisip ko nga kanina pa kung ano ang pwedeng kong i-alibi para makapag-walkout at maputol ang pagkukuwento nya ng mga istorya tungkol sa kanilang dalawa na kahindik-hindik sa akin. Hindi ako pwedeng magdahilan na pupunta na sa kwarto ko dahil masyado pang maaga at paniguradong hahanapin ako ni Knives, magagalit na naman ‘yun kapag nagkulong ako sa kwarto. Malaking kabastusan naman kung iiwan ko sya rito at lilipat na lang sa ibang puwesto dahil wala naman ibang available na makakakwentuhan ngayon dito sa mansyon kundi ako lang at ayoko rin namang magpaka-obvious na naaapektuhan kahit kahit tila ba may paulit-ulit na tumutusok sa puso ko kahit panay ang hagikhik ko. “Hindi sigu
[Kataleia’s POV] Kahit medyo malamok ay dito ko sa pool area piniling maupo ngayon para mabilis akong masisilip ng chinito ko mula sa balcony. Gusto kasi nya nakikita nya ako palagi. Sa katunayan nga, sa halos wala pang thirty minutes na pag-upo ko rito sa pool area ay dalawang beses na nya akong sinilip. Naglagay na lang ako ng rechargeable na electric fan sa paanan ko para hindi ubusin ng mga lamok ang mga binti ko. Binawalan nya kasi akong tumambay sa kwarto ko nang matagal kung hindi pa naman oras ng pagtulog. Lalong-lalo na kapag naririto si Seiji. Wala naman na nga raw kasi akong sakit para dalaw-dalawin ako sa mismong kwarto ko at napakaraming ibang lugar na pwedeng pagtambayan na may makakakita sa amin at sa kung anong ginagawa namin.Nagpunta nga rito si Seiji kanina, pero pinauwi ko na rin bago magtakipsilim. Parang ayaw pa nga nyang umuwi eh, napilitan na lang kasi nagdahilan akong masakit ang ulo at inaantok. Ayaw kasi ni Knives na nagpapaabot si Seiji ng gabi rito sa ba
Malakas na tili ang pumailanlang sa buong kwarto ko sa pagsadlak nya pahiga sa sahig. Tumilapon ang ilang patak ng dugo galing sa kanyang sugatan nang bibig sa carpeted flooring ng kwarto ko. “Tumayo ka kasi d’yan!” singhal ko nang malakas. “Pinatatayo ka na nga eh, ayaw mo pa!” “Tuwing uuwi ka na lang lagi mo ‘kong binubugbog! Kasalanan ko bang hindi ka mahalin ng babaeng gusto mo?! Demonyo ka kase!” nagtataas-baba ang nanginig nyang boses nang sigawan nya ako. Nagpapanting ang tenga kong nasuntok kong muli ang matabil nyang bibig kaya lalong lumakas ang hagulgol nya. Tuwing uuwi ako galing kina Kataleia ay talagang naiinis ako na hindi ko lang masabi. Gustong kong matulog do’n na katabi sya, gusto ko syang yakapin, gusto ko pa syang makasama, kaso kapag feeling ko okay na kami ay mahihimigan ko na sa kanyang kailangan ko nang umuwi. Wala akong choice; kahit pigilan ako ng ate nyang patay na patay sa akin ay sinusunod ko sya. Pag-uwi ko sa bahay ay mainit ang ulo ko at depres
[Sieji’s POV] Nalamukos ko nang matindi ang hawak kong papel habang pinagmamasdan ang kulay green na kotseng iyon na kaka-park lang sa gilid ng building sa kabilang banda ng kalsada. “Hi, love! Bakit maingay? Nasa’n ka? Sinong kasama mo?” tanong ko agad nang sagutin nya ang tawag ko. Pinilit ko ang ngiti sa aking nagdidilim na mukha para hindi mahalata ang galit ko sa aking boses. “Uhm, andito ako sa office ni Atsi. Papunta ka na ba?” Tama naman ang sinagot nya. Hindi sya nagsisinungaling. Hindi lang nya sinabi kung sino’ng kasama nya sa mga oras na ito. “Hindi pa, nandito pa ‘ko sa University. Hinihintay ko pa ‘yung ibibigay na papel ng Prof mo.” Ako ang nagsinungaling, kasi hindi naman talaga ako nagpunta sa MA class nya at kanina ko pa hawak ang papel na ibibigay ko sa kanya na hindi naman talaga galing sa Prof. Heto nga at lukot-lukot na sa mga kamay ko. “Ay sige, kasi baka gabihin ako. Kung mauna ka, please, pakibigay mo na lang sa guard ‘yung papel. Bukas ka na lang p